Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Isa. Dalawa. Tatlo. Na-miss ni Erin na magbilang ng mga hakbang habang naglalakad siya noon kaya namang ginagawa niya ito ngayon bilang libangan. 

Alas-otso pa lamang nang gabi ngunit tila uulan dahil wala ni isang bituin na makikita sa kalangitan. Madilim na madilim ang langit at nagbabadya ang bagyo. Mabilis na naglalakad ang dalaga dahil sa malakas na pag-ihip ng hangin habang siya ay naglalakad.

Dagdagan pa na kanina pa nanayo ang balahibo niya sa buong katawan. Pinagpapawisan din siya kahit na malamig. Pakiramdam niya may sumusunod talaga sa kanya. Malakas ang pandama niya noong bulag siya kaya marahil hanggang ngayon ay nasa kanya pa din ito. 

"Erin, bakit ba nagpagabi ka pa?" Bulong ng dalaga sa sarili habang naglalakad.

Walking distance lang naman ang bahay nila sa Flower Shop, nilipat niya ng puwesto ang Shop dahil masama ang alaala niya sa lugar na iyon. Wala siyang naramdaman sa lugar na iyon kundi ang pag-iisa at pagiging kakaiba dahil sa kapansanan.

Napalunok ang dalaga dahil habang naririnig niya ang yabag ay may naririnig din siyang iba pa, hindi na siya nangahas na lumingon pa dahil pakiramdam niya ay mas lalo lang siyang mapapahamak sa gagawin niya.

Palihim niyang binuksan ang cellphone at nagpadala ng mensahe kay Danica. Nakapaloob sa mensaheng 'yon na may sumusunod sa kanya at mukhang mapapahamak siya. Sanay na yata ang sarili niya na lapitin nang gulo kaya naman palaging handa ang cellphone niya kagaya sa bagay na ito.

If this person wanted to hurt her, she could use her taekwondo techniques to do so as well.

"Subukan mo lang na lapitan ako," bulong ng dalaga sa sarili. Kung may sumusunod kay Erin may sumusunod din sa sumusunod sa kanya at ang isang ito nangngingitngit sa galit.

'He dared to stalked what's mine!' Sigaw sa isipan nito at pinapatay sa isipan ang sumusunod sa dalaga hindi niya hahayaang masaktan ang dalaga. Inaalagaan niya ngayon ang dalaga tapos sasaktan lang ng iba?

How dare them! Ilang ulit na ba na may mga lalaking sumusunod sa dalaga na siya mismo ang nag-aasikaso. Siya mismo ang nagtuturo ng mga leksyon sa mga ito.

Ang iba sa kanila ay pinagpapantasyahan pa ang dalaga tuwing gabi o hindi kaya naman ay sa mga comfort room. Alam na alam niya ang bagay na ito dahil hindi lang iisa ang bantay ni Erin kundi sampu sila na binabantayan ang dalaga sa malayo.

At kapag may ganitong isyu siya na mismo ang humahawak noon para hindi na umulit ang mga bwis*t na ito. He observed the stalker sniffing Erin's scent while he was close to her. Kumukulo ang dugo ng binata. Napakabango ni Erin at wala itong perfume na ginagamit. Natural na bango ng dalaga ang umaalingasaw sa dinadaanan nila.

Memoryadong-memoryado na ng binata ang amoy ng dalaga kahit pa nakatalikod ito. Kilala niya na si Erin ito. Lumiko si Erin ng daanan ganoon din ang ginawa ng stalker at ang taong kasunod ng stalker. Napatakbo si Erin dahil pakiramdam niya ay malapit na sumusunod sa kanya.

Nanlaki ang mata ng dalaga nang hilahin nito ang kamay niya at takpan ang bibig niya. This is bullsh*t! Bakit ba lapitin siya ng mga baliw na lalaki?! Hindi lang mga baliw, mga manyakis at mga walangya pa! 

"Bitawan mo a –" Hindi niya makita ang mukha ng kung sinuman ito, hindi lang ang kamay niya ang hinawakan ng lalaki pati bibig niya ay tinakpan nito.

Hindi makasigaw ang dalaga upang humingi ng tulong. Nagpupumiglas ang dalaga ito na nga ba ang sinasabi ni Danica na dapat na umuwi siya ng maaga dahil hindi niya alam kung ano ang kakaharapin niya sa daan.

Pinilit na gamitin ni Erin ang paa upang makatakas sa may hawak sa kanya ngunit hindi niya inaasahan na may ipaamoy sa kanya ito.

Pinigilan ni Erin na huminga ngunit kinagat nito ang kanyang leeg dahilan upang mapasinghap ang dalaga sa sakit at nalanghap ang chloroform na nasa pinaamoy nito. Nagbabaga ang mga mata ni Alejandro dahil lahat ng nangyari sa kanyang si Erin tila torong umaatake sa kanyang kaaway si Alejandro.

Inagaw nito ang walang malay na si Erin at hinampas ang mukha ng estranghero sa sementadong daan. "Bloody f*cker! You're messing with the wrong woman!" Napaiyak sa sakit ang stalker ni Erin matapos tapakan ni Alejandro ang pagkalalaki nito. 

Ilang ulit nitong ginawa iyon hindi pa nakontento ang binata at tinapakan pa nito ang mukha ng lalaking nasa semento. He really is messing with the wrong Mafia Boss.

At talagang pag-aari pa nito ang sinubukan nitong hawakan at sinubukan nitong halayin. Walang makakagalaw kay Erin hangga't nabubuhay siya ni gasgas ay hindi niya gustong makita sa dalaga. Papatayin niya ang kahit na sinong gagawa noon sa dalaga kahit ang sarili niya pa.

"T –Tama na..." Ungol nito at pagmamakaawa ngunit isang Mafia Boss ang nagawan nito ng pagkakamali sa tingin niya ba ay makikinig ito sa kanya gayong isang tao nalang ang pinakikinggang nito at ang taong yon ay walang malay na nasa bisig ng binata.

Mapapabilang ito sa mga lalaking nawawala dahil sa pagsubok nitong kunin ang dalaga. Magmula nang mag-aral ulit si Erin ay mas dumami ang nangangahas na ligawan ito o lumapit man lang sa dalaga ngunit kapag kumilos na sila at hindi iyo nagustuhan ni Alejandro. 

Bukas-makalawa hindi na lalapit ang lalaking 'yon kay Erin dahil siguradong bugbog sarado ka o hindi naman kaya kapag nagmatigas ka ay hindi kana makakaalis sa mga kamay niya ng buhay.

Ganoon kalupit si Alejandro sa mga nag-iisip ng marurumi kay Erin. "Boss, kami na ang bahala dito." Hindi napansin ni Alejandro na nakalapit na pala ang iba niyang tauhan na nagbabantay kay Erin. Kapag nandyan si Alejandro siya ang gagalaw para bantayan si Erin ngunit kapag wala siya ang mga ito ang mananagot kapag may nangyaring masama sa dalaga.

Kung wala man siya ngayon, sampung kamay at paa ang matitikman ng stalker na iyon sa mga bodyguard ni Erin. Alinman sa dalawa, kawawa pa rin ang kalalabasan ng lalaking ito mas malala nga lang kung sa mga bodyguard ni Erin dahil talagang sampu ang bubugbog sa kanila.

 "Don't let that bullsh*t out, hindi pa kami tapos ng isang 'yan," ani ni Alejandro at binuhat ang dalaga.

Gustuhin man niyang buong araw titigan ang mga mata ni Erin ay hindi niya magawa dahil baka matakot ito sa kanya at magwala kontento na siyang mangulila sa dalaga habang nasa malayo. Mas mabuti ng parusa 'yon kaysa magwala ang dalaga at mas lalong magalit sa kanya tahimik lang siyang magiging kabalyero nito.

Inayos niya ang buhok ng dalaga nang magulo ito sa nangyari, kumuha din siya ng panyo sa bulsa upang pahidan ang naglalakihang pawis ni Erin dahil sa pagtakbo. 

"Sh*t that pig!" Napamura pa si Alejandro nang makitang may tumulong luha sa mga mata ng dalaga agad niya itong pinahidan at hinalikan ang bawat matang nakapikit ng dalaga.

"You are tired, mia bela. Sleep well." Bulong ni Alejandro at hinalikan sa noo ang dalaga. Inayos niya ang pagkakabuhat sa dalaga upang hindi ito mahulog. Napangiti si Alejandro, bumibigat yata ang kanyang mahal. Ano kaya ang pinapakain ni Danica dito at tila unti-unti ng nagkakalaman si Erin?

Whatever it is, he is thankful that Erin is healthy and well. Dahan-dahan lang siyang naglakad upang hindi mapatid at masaktan ang kanyang mia bella. Tila isang babasaging kyrstal niya itong binuhat at tila isang may dugong bughaw ang dalaga habang binubuhat ni Alejandro papunta sa tinutuluyan nito.

Naibulong ng binata sa sarili na sana hindi nalang matapos ang gabing ito upang nang sa ganoon ay hawak-hawak niya pa rin ang dalaga at mapagmamasdan niya ito ng walang katapusan. Kung sana lang matanggap siya ng dalaga kahit pa anong kamalian ang nagawa niya siya na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo.

"Mahal na mahal kita, Erin." Ito ang unang beses niyang tinawag ang dalaga sa pangalan nito. 

Kung may time machine lang at kaya pang baguhin ang nakaraan gagawin ni Alejandro. How could he hurt as delicate as Erin? Anong kademonyohan ang naisip niya at sinaktan niya noon ang dalaga? Anong kabaliwan ba ang nagtulak sa kanya noon.

Oo nga pala, takot siya. Takot siyang lumambot ang puso niya at mahalin ang dalaga pero ngayon siya naman ang nagdudusa siya naman ang parang timang na hindi mapalagay na hindi makita ang dalaga. Ang galing din ng karmang dumating kay Alejandro napakapraktikal at napakaepektibo.

Nanghihinayang ang binata dahil malapit na ang bahay na itinutuluyan nila. Palagi nalang sana, sana ganito, sana ganyan at sa sana ganoon. Sana nalang lahat. Lahat nalang nang iniisip ni Alejandro ay puro sana pero wala siyang magawa dahil si Erin pa rin ang magdedesisyon ng lahat. Alejandro saw Danica and their other friend waiting for Erin. Nagmadali silang lumapit sa kanilang dalawa ni Erin.

"Goodness! Pang-ilang beses na itong nangyari, Kuya. Paano kung mas malala ang susunod na mangyayari?" Na-i-i-stress na sabi ni Danica. Napatampal pa siya ng noo habang tinitignan si Erin.

Maraming beses na ngang nangyari na bigla nalang may sumusulpot at pagtatangkaan si Erin ngunit salamat nalang at naroon palagi si Alejandro hindi na rin nagtanong pa si Abby kung bakit si Alejandro palagi ang nakakapagligtas kay Erin.

Danica explained it to her. "I won't allow it, Danny," seryosong saad ng binata sa kapatid ngunit hindi siya dito nakatitig kundi kay Erin.

"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin, Kuya. Paano kung sa loob siya ng eskwelahan pagsamantalahan o hindi naman kaya sa loob ng Mall hindi pwedeng magpadalus-dalos ang mga tauhan mo doon dahil baka mapahamak ka ng tuluyan." Nakakalimutan ata ni Danica na si Alejandro ang mas matanda sa kanilang dalawa.

Parang matandang dalaga ito na nagpabalik-balik pa sa nilalakaran nito at tila katapusan na ng mundo dahil sa problema nito.

"Kuya, alam mong hindi pa natin alam kung sino ang nagpalabas na patay na si Erin at ang pumatay sa magulang nito. Hindi mo ba napapansin na hindi na usual ang mga lalaki nagtatakang kunin si Erin?" Mas lohikal kung mag-isip si Danica.

Advance na advance kung mag-isip kung pwede lang sana na lahat ng mga gagawin nito ay bibigyan na agad nito ng kahulugan pero may isang bagay na hindi alam si Danica sa kapatid. Bago pa nito naisip yon mas nauna na si Alejandro na hulaan ang bagay na iyon.

Tahimik na nakikinig si Abby at iniisip din ang sinasabi ni Danica nais niya ang makakabuti kay Erin ngunit isang bagay lang naman ang naiisip niyang maaring makabuti kay Erin ngunit hindi ito papayag baka magkaroon pa ng pakpak ang baboy hindi pa nila makukumbinsi si Erin pagdating sa bagay na iyon.

"I think Danica is right, Kuya Alejandro. Hindi safe si Erin dito sa amin at hindi palaging mapoprotektahan siya ng mga bodyguard niya. Isa lang ang naiisip ko na maari nating gawin." Napatingin sa kanya ang magkapatid na de Rossi at inantay siyang matapos sa pagsasalita.

"I think, kailangan ni Erin na ikaw na mismo ang magbantay sa kanya."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro