Chapter 25
Anim na buwan ang lumipas matapos palayain ni Alejandro si Erin sa puder nito. Nagtagumpay ang operasyon sa mga mata ng dalaga at ngayon ay nakakita na siya.
Napakasaya ni Erin nang muli niyang nasilayan ang buong paligid. Noon una ay hindi pa siya makapag-adjust sa mga nakikita niya ngunit, nang maglaon ay unti-unti na itong naging normal na ayon na rin sa doktor ay isa lamang proseso ng pagbabalik nang kanyang paningin.
She was living at Danica's house with Abby Grace. Ang mga anghel niya na tumulong sa kanya ay kasama niya sa iisang bahay.
Napakasaya niya nang malamang walang anumang nangyari kay Abby bukod sa nawalan lang siya noon ng malay. She is now living a normal life, despite the fact that she is constantly being watched.
Minsan naman ay nararamdaman niyang may nakatinging mga mata habang siya ay natutulog gayon nalang ang kanyang pagtataka kapag iminulat ang mata ay wala naman siyang nakikita.
She opened her Flower Shop again with the helped of her new employee. Katulad niya ay working student din ang dalaga.
Nag-aaral ito sa gabi at nagtatrabaho sa umaga siya naman kapag walang pasok ay nagtatrabaho din. Matapos gumaling ay ang una-una niyang ginawa ay mag-enroll upang tapusin ang senior high niya pagkatapos ay kukuha siya ng Pre-med at Medisina.
Hindi pa naman huli ang lahat para abutin niya ang mga pangarap niya. Naniniwala din kasi ang dalaga na kapag pursigido ka kahit anupaman ang edad ay makakamit niya ang pangarap niya.
With that thought, she smiled. She imagined herself treating her patients while wearing a lab coat and stethoscope.
Tinignan ni Erin ang mga bulaklak sa kanyang harapan at sinamyo ang amoy ng mga ito. Wala talagang tatalo sa paborito niyang mga sunflowers. Yes, it's very rare to find a woman who loves sunflowers. Bilib na bilib siya sa bulaklak na ito dahil kahit nasaan pa ang araw, doon din nakatapat ang bulaklak nito.Despite the fact, that too much sunshine would kill them.
"Mukhang masayang-masaya ka yata ngayon, Miss Erin?" Napangiti si Erin at hinarap ang kanyang empleyado.
"Maganda lang araw ngayon, Donnaville, kaya naman masaya lang ako." Napangiti din pabalik ang dalaga sa employer nito.
Ang swerte nito at napunta siya dito sa Flower Shop ni Erin bukod sa mabait na ang dalaga hindi pa nito makuhang magalit kahit na anong pagkakamaling nagawa nito kaya naman pinagbubutihan nito ang pagtatrabaho.
"Halata nga po, Miss, kasing laki nang sinang ng araw ang mga ngiti niyo. Inspired yata kayo?" Napailing nalang si Erin sa tanong ni Donnaville at tinignan ang dala-dala nitong sunflower na nakalagay sa isang napakagandang paso.
Nangunot ang noo niya dahil alam niyang wala siyang ganitong paso at lalong walang klase ng sunflower sa shop niya. Maliit ang sunflower at halatang sa ibang bansa pa ito in-order.
"May ganyan ba tayong in-order na sunflower?" Nagtatakang tanong ni Erin baka dahil baka nakaligtaan niya at ngayon lang dumating.
Ibinaba ni Donnaville ang paso at napakamot ng ulo. "Miss, diniliver 'yan kanina sabi sa inyo 'yan. Natatawa nga ako sa mukha ng nag-deliver nang makita niyang flower shop itong pinag-deliver-an niya habang nakatingin sa paso siguro naisip niya na bakit pa mag-pa-pa-deliver ng bulaklak kung pwede namang dumiretsong kumuha sa atin," natatawang sabi nit okay Erin imbes na matawa sa sinabi ng tauhan ay nagtatakang kinuha nito Erin ang bulaklak at ipinatong ito sa counter nila.
Nakita niyang may maliit na sticky note sa gilid kaya dali-dali niyang kinuha ang bagay na iyon at binasa. Nang mabasa ang nakasulat roon ay tila nagbago ang ihip ng hangin ni Erin. Anim na buwan siyang walang balita dito o kahit na anong alam dito. Bakit ngayon pa?
Take care always, mia bella. -A
Kilalang-kilala niya kung sinuman ang nabigay ng bagay na ito. Mabilis na kinuha ni Erin ang paso at nanginginig na itinapon ito sa basurahan, hinding-hindi siya tatanggap ng kahit na ano mula sa lalaki.
"Hala! Miss, bakit niyo po itanapon?" Nagtatakang tanong ni Donnaville dahil sa inasal ni Erin.
Umiling lang ang dalaga at bumalik sa puwesto niya sa pag-aayos ng mga bulaklak habang naguguluhan ang empleyado ni Erin sa ginawa nito.
'It's a sunflower! Paborito iyon ng amo niya pero bakit itinapon nito?' Donnaville thought. Ayaw naman nitong mang-usyoso kaya mananahimik nalang ito.
Tulala lamang na iniaayos ni Erin ang mga bouquet ng bulaklak na kukunin ng mga um-order dito mamaya.
Anim na buwan na din pala mula noong nakaalis siya sa mala-impyernong lugar na 'yon. Mabuti nalang at naniwala siya kay Danica kahit pa alam niyang wala pa din siyang kawala sa lalaki.
Nasa paligid lang ito alam niya 'yon ngunit, pinagsawalang-bahala niya ang lahat dahil ngayon nakakita na siya kaya na niyang protektahan ang sarili niya. Nag-aral din siya ng taekwondo magmula nang makakita siya hindi na niya hahayaan ang kahit na sino tatapak-tapakan siya at kakawawain.
Oo, naroon pa rin ang takot sa kanya ngunit, sabi nga ng therapist niya. Learn to battle your own demons. You'll be liberated if you can defeat it. Nilabanan 'yon ni Erin kasama si Danica at Abby na siyang sumusuporta sa kanya.
Napangiti nalang si Erin nang maalalang mas masahol pa sa mga magulang niya ang dalawa kapag ginagabi siya nang uwi ni hindi pa nga siya nakakatapak sa harapan ng pintuan ayon at sandamakmak na sermon ang inabot niya.
Porke't siya ang pinakabata sa kanila, siya na ang bini-baby ng dalawa. When she is not in school, she spends her time at the flower shop. However, when she is with the two. Ang mga bagay na hindi niya nagawa noong teenager pa siya ay ginagawa nila ng magkasama. Minus the boys part, ayaw nilang dalawa na may lumalapit na lalaki kay Erin na siya namang pinagpasalamat ng dalaga.
Erin was about to water her flowers when her phone rang and Danica's name appeared on the screen. She replied with a smile. "Hello to you as well, Nanay," she says to Danica, referring to her as a nag. She believes Danica is frowning right now, but she dislikes the nickname.
"D*rn Erin, stop calling me Nanay akala tuloy nang mga nakakarinig talagang anak kita." Napahagikhik siya sa sagot ni Danica sa kanya.
If she didn't take the risk of agreeing to leave that place, she might die in agony. Kailangan niya lang palang muntik mamatay upang paalisin siya ng binata doon.
"Well, you're acting like one," Erin chuckled when she imagine her scowl.
Napatigil sa pagtawa ang dalaga nang wala na siyang marinig na ingay mula sa babae.
"Hey, anong problema?" Mahinahon niyang tanong kay Danica halos buntonghininga lang ang naririnig niya sa kabilang linya. Kinakabahang nagtanong siyang muli baka napahamak na si Danica.
"Dan, are you alright?" Erin asked again.
Isang malalim na buntonghininga ang narinig niya dito bago siya sinagot nito. Napapansin niyang balisa si Danica nitong mga nakaraang araw at hindi niya binigyang kulay ito lalo pa at may tiwala siya kay Danica.
"Yes, I'm alright, Erin." Danica answered but Erin is not convinced.
"Hindi kita pipilitin na sabihin kung anuman 'yan pero alam mong narito lang ako," nag-aalala si Erin kay Danica ngunit wala naman siyang magawa hangga't hindi nito sinasabi ang problema.
"I'm really fine, napatawag lang ako para sabihing huwag kang magpagabi at siguraduhin mong uuwi ka nang maaga. I call you again later. Bye," ani nito sa kanya. She pouted.
"Fine, Nanay, kita nalang tayo mamaya," sagot sa kanya ng dalaga hindi muna ibinaba ni Erin ang cellphone akala yata ni Danica naka-end call na pero nakarinig pa siya ng boses na pamilyar sa kanya bago niya tuluyang ibinababa.
"Is she okay?" Erin shrugged and returned her attention to her work.
Huwag naman sana boses ng taong 'yon ang iniisip niya. Nagkibit-balikat nalang siya at tinapos ang mga gawain upang makauwi siya nang maaga.
Samantala nasa loob naman ng silid ni Alejandro si Danica matapos nitong ibaba ang tawag nito sa cellphone nito.
"Is she alright?" Alejandro asked but Danica glared at him.
"Huwag mong iniiba ang usapan, Kuya. Pwede ba tigilan mo na 'yan, pinaparusahan mo ba talaga ang sarili mo o pinapatay?" Nakapamewang na tanong ng dalaga sa kapatid.
She's fuming mad at his brother. Naturingang Kuya pero kung umakto ngayon tila bata. Tahimik lang ang doktor na gumagamot kay Alejandro. Sanay na sanay na ito sa anim na buwan at sa araw-araw na paggamot nito rito.
"Bakit ba kasi hindi mo nalang lapitan maybe she would be afraid pero sa una lang 'yon. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo." Halos magmakaawa na si Danica sa kapatid. Nakikita nitong nahihirapan na ito ngunit inuuna nito ang kapakanan ni Erin.
Yes, Alejandro is working but he works like a robot. Sa umaga, paparurusahan niya ang sarili pagkatapos ay aasikasuhin niya ang mga transaksyon nila pati ang negosyong legal na iniwan sa kanila ng mga magulang tapos uuwi ito kakain at matutulog ganoon na ang lifestyle ni Alejandro and it's not healthy
Umiling lang si Alejandro at umupo nang maayos matapos siyang gamutin ng doktor na agad na nagpaalam para bumalik sa klinika nito. He's stubborn just like Erin. Bagay nga sila. Danica rolled her eyes and stomped her feet.
"Ang tigas ng ulo mo, Kuya! Bahala ka kung gusto mong mamatay dyan! Kapag hindi mo tinigilan 'yan at mauna ka sa libingan sigurado ako madaming manliligaw kay Erin!" sigaw ni Danica at nagtatabog na umalis sa silid ng kapatid ngunit nagdagdag pa ito nang sasabihin.
"And if you won't stop. Pwede ba tigilan mo na ang pag-akyat sa bintana! Nagmumukha ka ng kawatan sa ginagawa mo!" asar na asar na turan ni Danica.
She will be insane with her brother. Ang arte-arte nito, daig pa ang babaeng nireregla. Naiwang tinggagal si Alejandro sa sinabi ng kapatid. Sa iisipin palang na may ibang lalaking umaaligid kay Erin baka ilang lalaki ang mapatay niya. Mabilis na inayos ni Alejandro ang sarili at nagbihis.
Walang makakalapit sa kanyangErin bukod sa kanya. Haharapin nila ang isang galit na galit na dragon kapag nagkataon. Hindi man niya maigalaw ang katawan ng mabuti pero kung si Erin ang usapan.
Walang sakit-sakit sa katawan na mararamdaman si Alejandro mas lalo yatang na-mo-motivate ang binata kapag si Erin ang iniisip. He will see his mia bella again, even if only from afar.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro