Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

"I AM SURE Erin, makakaalis na tayo dito pagkatapos ng Surgery mo sa mata. Sasama ka sa akin para makaalis dito." Hindi makapaniwala si Erin sa narinig mula sa labi ni Danica. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya dito o hindi.

"Huwag mo akong biruin ng ganyan, Danica. Alam mo namang matagal ko nang gustong umalis dito," sagot ni Erin kay Danica.

'Sino nga ba ang hindi magdadalawang-isip na baka biro lang ito lalo na sa pinagdaanan ko mula sa kamay ni Alejandro?' aniya sa sarili.

Ilang beses mang gustuhin maniwala ni Erin ngunit tila imposible yata na basta-basta nalang siyang paalisin ni Alejandro na wala man lang gagawin. She heard Danica sighed and seated beside her.

Nakasandal ang likod ng dalaga sa headrest ng kama habang ang kalahati ng katawan niya ay kinumutan ng nurse na kinuha ni Alejandro para sa kanya.

"Alam kong hindi ka makapaniwala sa ginagawa ng kapatid ko, Erin, ngunit ako na ang nagsasabi sa'yo na totoo ang sinasabi ko at hindi ako nagbibiro sa bagay na 'yon," seryosong saad ni Danica.

Diskumpiyado si Erin baka nasa pintuan pa lamang siya ay pabalikin na naman siya ng lalaki. Napakalaking trauma ang ginawa sa kanya ng binata na kahit na kaunting pagkalabog lang ay naghehestirikal na siya.

Hindi nila masisi si Erin kung bawat bagay ngayon ay puno na ng pagduda ang dalaga dahil sa ilang linggong pananatili niya dito noon. Ang tanging nakamtan ng dalaga rito ay sakit ng katawan at kalooban.

"Sinabi niya rin sa akin na makakaalis ka dito pagkatapos ng operasyon mo sa mata," dagdag pa na sabi ni Danica.

Nangunot ang noo ni Erin. Paanong nagkaroon siya agad ng operasyon gayong wala namang mag-do-donate ng mga bagong mata para sa kanya? Noon nga ay pahirapan siya sa paghahanap pero bakit tila napakadali naman ngayon?

"W –wait, what are you saying, Danica?" naguguluhang tanong niya. Alam niya ang sinabi ni Danica ngunit bakit naman gagawin 'yon ng binata. Dahil lang ba sa na-gi-guilty ito kaya ganoon nalang ito tumulong sa kanya?

"Erin, he's not helping because he has to pay for what he did. He is guilty. He is acting in your best interests. He truly loves you. Sa ibang paraan niya lang napakita at sa ibang paraan mo lang naramdaman." Ang sinasabi ni Danica ay ang pangyayari kung saan silang dalawa ng kapatid nito ang involve.

Paano nasabi ng lalaki na mahal siya nito gayong pananakit ang ginawa nito sa kanya?

"I know you are wondering, but please, isipin mo nalang para sa'yo ito. Huwag mong isipin na galing sa kanya. Isipin mo na galing ito sa paghihirap mo," wika ni Danica upang palakasin ang loob ni Erin.

ALEJANDRO was outside the room, listening to Erin and Danica's conversation. Pagkatapos ng araw na mag-usap si Alejandro at Leon ay dumating ang tauhan nito na pinahanap sa mga impormasyon tungkol kay Erin.

Muntik pang barilin ni Alejandro ang sarili dahil sa nalaman. Kung hindi siya napigilan ni Danica at ng iba nitong tauhan malamang naospital na ang binata mas lalo lang nadagdagan ang guilt ni Alejandro.

He wanted to run outside and shoot himself, screaming all the pain he was feeling and all the pain he saw in Erin's face back then...

"Sir, nandito na po ang pinapahanap ninyo." One of his men handed him an envelope.

Tumango si Alejandro sa tauhan at pinalabas na ito. Maraming mga papeles na nasa lamesa niya ngunit ni isa ay wala siyang planong galawin ang mga 'yon. Malalim na ang gabi nang dumating ang inaasahan niyang impormasyon.

At the same time, he was both excited and terrified. He was eager to learn everything he could about his love. He was curious about her favorite things, hobbies, talents, and what she adores the most.

Kinuha niya ang envelope at binuksan iyon bumungad sa kanya ang buong litrato ni Erin noong labing-anim na taong gulang ang dalaga.

Napakagat ng labi ang binata dahil pamilyar na pamilyar sa kanya ang mukha nito. Nakangiti si Erin sa camera at napakasaya nito. Her eyes are what catch Alejandro's attention the most.

She has this almond orbs na tila hinihigop ang kung sinuman na tumitig sa kanya. Nakasuot ang dalaga ng uniporme ng pambabae na gaya sa pinapasukan ni Alejandro noon.

Napalunok ang binata at mabilis na binasa ang ibang mga impormasyon nakapaloob sa envelope. Natigilan siya.

'Bakit sa lahat-lahat siya pa talaga? Bakit sa lahat-lahat ay ang taong hinahanap ko at ang taong sinaktan ko ay iisa?'

Erin Graciella Santos. Parents have passed away. She has been in Italy for nearly sixteen years. She was a student at the University of Milan when she was in high school, but she did not complete her senior high at the university.

During the midterms, she transferred to the Philippines, but her parents were killed in a plane crash, and she became blind. She has been living with her uncle's family for nearly four years while working at her own flower shop.

Marami pa ang impormasyon na nakapaloob sa envelope ngunit ang mga impormasyong 'yon ang tumatak sa isipan ni Alejandro.

He thought she died in that plane crash, that's why he stop searching for her.

Napahawak siya sa baril dahil sa nalaman. Ang mga gamit sa kanyang lamesa ay nagliparan. Ilang gamit ba ang wawasakin niya para lang maalis ang guilty niya. Ilang beses ba siyang paglalaruan ng tadhana dahil lang dito?

"F*cker!" Ginalaw niya ang gatilyo ng baril at itinutok iyon sa ulo niya. Gusto niyang patunayan sa sarili na sa lahat ng ginawa niya kay Erin. Nagsisi siya, sising-sisi siya.

Bakit ba siya natakot noon na baka saktan ng mga kalaban nila si Erin kapag hinayaan niyang lumapit sa kanya ang dalaga?

She was sixteen at the time, and he was twenty-five, but his love for the girl was intense. He doesn't want to snatch her innocent and drag her into his dangerous world, so he pretends not to care about her.

Bakit hindi niya nakilala ito? Dahil ba sa mas gumanda ito o dahil ba talagang nagbago lang ang mukha nito habang nag-ma-mature. Bakit lahat ng impormasyon sa kanya noon ay nagsasabing patay na ang dalaga?

Ngunit, hindi pala ito patay. Narito lang pala ang babae at nagdudusa sa madilim na mundo at noon ay pinapahirapan ng tiyuhin at ng pamilya nito na dinagdagan niya pa.

Questions are keep on popping inside his head. Bakit nila pinalabas na patay na ang dalaga gayong heto ang kanyang mahal buhay na buhay ngunit sirang-sira ng dahil sa kanya?

"Ahhh! D*rn!" sigaw niya habang patuloy na umaagos ang luha.

Ilang taon niyang hinanap ang babaeng minamahal matapos malamang lumisan ito sa Italya. Noon, lahat ng mga impormasyon na nagtuturo sa dalaga ay nagdadala sa kanya palagi sa libingan hanggang sa tuluyan nalang siyang sumuko at tinanggap na wala na talaga ito.

He promised himself that he would never fall in love again, but when he saw Erin, he felt a strange feeling in his heart.

Nagalit siya at kung anu-ano ang ginawa niya sa dalaga. He even realized that the girl who helped him was the same girl he successfully ruined.

Danica intervenes just as he was about to pull the trigger.

"What the heck, Kuya?! Anong ginagawa mo?!" sigaw nito at mabilis na nilapitan si Alejandro upang kunin ang baril agad nitong ibinigay sa mga tauhang pumasok din sa loob ng opisina.

Pinalabas ni Danica ang mga tauhan ni Alejandro. Alam nitong ayaw ni Alejandro na may makitang siya ay mahina. Natira sila sa loob.

Naawang tinignan ni Danica ang kapatid na nakilala nito bilang matapang, matigas ang ulo, walang kinakawaan, at seryoso ay umiiyak.

"Kuya," bulong ni Danica. Niyakap nito ang kapatid.

"Hindi siya patay, Danica, hindi pala siya patay. Narito siya sa puder ko pero nagawa ako ng kasalanan sa kanya," naninibughong turan ni Alejandro.

"She's alive... she's here with me. Someone faked her death. Someone wants me to suffer." Hindi man maintindihan ni Danica ang sinasabi ng kapatid pero pipilitin nitong alamin ang lahat nang sinasabi ng lalaki dahil habang ganito siya hinding-hindi masasanay si Danica.

"Dont be afraid of him, Erin; he will never intentionally hurt or control you. Believe me, I'm aware," ani ni Danica.

Sa tuwing naalala niya ang nangyari noong nakaraang gabi masasabi niyang si Erin ang nagpabago sa kanya. Siya din ang dahilan kung bakit naging mas maingat siya sa mga taong papasok sa buhay nila.

Danica noticed Erin's hesitation, but it's fine. Masasanay din ang dalaga kalaunan at magiging masaya silang dalawa.

For the time being, he needs to know who is behind this, and he needs to make sure Erin is safe when everything is fine.

Duda nilang magkapatid na ang nangyari five years ago nang mag-crash ang eroplanong sinasakyan nila Erin ay may kinalaman sa trabaho ni Alejandro.

Kahit pa noong palang ay marami na itong kaaway. He was training to be a mafia boss back then. At para siyang napilayan dahil kailangang niyang magsakripisyo.

Si Danica ang makakasama ni Erin. Danica was trained by Alejandro. He knows his sister can protect his mia bella. Wala siyang tiwala kahit na kanino lalo na sa nalaman niya ngayon. 

Hindi lang naman si Danica ang poprotekta kay Erin dahil may asong ulol na ang pangalan ay Leon na sumusunod parati sa kapatid niya malamang magbabantay din.

He can only hope that when the time comes, he will be able to properly explain what happened and ask Erin's forgiveness.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro