Chapter 22
Naging kape na ni Alejandro ang alak. Umagang-umaga palang ito na agad ang inatupag nito kasabay nito si Leon na nakamasid lang sa kanya habang inaalala ang nangyari noong nakaraang linggo. Matapos nilang tulungan si Hellion ay bumisita muna si Leon kay Alejandro.
"Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo, Leon, bawal ang hayop dito," asik ni Alejandro kay Leon.
'Bakit pakiramdam ko kahit ilang trak pa ng alak ang iinumin ko ay hindi pa din ako nalalasing?' Aniya sa sarili.
Limang bote ng beer na ang naubos niya alas-sais pa lamang ng umaga. Akala niya matatakasan niya ang problema sa papamagitan ng paglalasing upang makalimutan niya ang ginawa niya kay Erin. Leon scoffed at Alejandro.
Parehas lang sila ni Hellion na mga pabebe at may palasing-lasing pa kunyari. Babae lang pala makakapag-knock-down sa mga matitigas at barakong mga mafia boss na ito.
"Dinadamayan lang kita baka manguya mo kasi ang lata," pang-aasar ni Alejandro na ipinakita lang sa kanya ang gitnang daliri bilang sagot. Napailing nalang si Leon.
"Seriously, get out of my house. Wala ka namang kuwenta dito." Napatawa si Leon sa sinabi ng kaibigan at tinapik ito sa balikat.
"'Tol, kung wala ako dito malamang hindi lang lata ang nanguya mo baka pati ang mga naka-display na bote dyan sa mini bar n'yo nalunok mo na," sabi pa ni Leon.
Napatingin si Alejandro doon, siguro nga tama si Leon marahil kung wala ito sa tabi niya baka pati bote at baso na nasa harapan niya malulunok na niya dahil wala siya sa sarili.
Naapektuhan na rin maging ang pagtatrabaho niya kaya naman ang mga tauhan muna niya kumikilos para sa kanya at gagalaw lang siya kapag malala na ang lahat. Sa tuwing lalabas siya ng bahay ang puso at isipan niya ay lumilipad pabalik ng mansyon na ito kung saan naroroon ang dalaga.
Walang oras o minuto na natatapos nang hindi niya sinisilip si Erin. Erin is still in his bed. Gising na gising ang dalaga ngunit hindi siya makalapit dito ayon na rin sa doktor dahil baka sa presensya niya.
Erin will refused to have her medication if he is present. Pinayagan niya na ring makapasok si Danica sa loob ng kuwarto ngunit sa isang kondisyon na hindi ito mangangahas na ialis ang dalaga sa puder niya.
"Nang iwanan ka ba ng kapatid ko, anong naramdaman mo?" Out of the blue na tanong ni Alejandro.
Nais niyang malaman kung ano ang naramdaman nito o kung makakaya niya ba gaya ng nakaya ni Leon. Natigilan si Leon sa tanong ni Alejandro, hindi nito lubos maisip na ang kababatang mainit ang dugo sa kanya at pikon kapag inaasar nito ay magtatanong ng ganoong bagay at sa kanya pa mismo. Napakuha ng beer si Leon at napainon nang hindi inaasahan.
"When your sister broke my heart, it was devastating for me. Halos hindi ako makakain at makatulog palagi kong iniisip masama ba talaga akong tao at hindi niya ako matanggap?" Leon said, he sipped his beer then continued what he is saying.
"Isinumpa ko ang salitang pagmamahal, nambabae ako, uminom, at pumatay ng mga taong walanghiya na inuutos sa akin ni boss at marami pang masasamang bagay pero lahat nang ilang taon na pag-mo-move-on ko nawalang bigla nang makita ko siya. How pathetic, I'm still in love with your sister even if what she did to me. Hindi man siya humingi ng tawad pero para sa akin napatawad ko na siya ganoon naman ang nagmahahal 'di ba? Nagpapatawad kahit ano pa ang ginawa mo," Leon answered honestly at Alejandro.
Napaayos ng upo si Alejandro. Napaisip ang binata mas mabigat ang ginawa niya at mas malaki ang kasalanan niya. Makuha pa kaya ni Erin na patawarin siya? He's doing everything to be good to anyone even to his men.
Kinakatakutan pa din siya pero iba na ang gawi niya ngayon. Pinipigilan din niya ang sumigaw dahil maaring marinig ni Erin at matakot ito at mas lalo siyang hindi makapasok sa loob ng silid niya at makita ang dalaga. Kakatawang isipin na ang isang katulad niya ay takot sa rejection. Ang isang tulad niya ay natatakot na ipagtabuyan ng babaeng minamahal.
Napagmamasdan niya lang ang dalaga kapag malalim na ang gabi at kapag tulog na ito. Ilang bote ng alak muna ang kanyang iinumin bago pasukin ang silid at doon ay pagmamasdan ang dalaga. Kahit doon man lang mapawi ang kanyang pagkasabik na makasama si Erin dahil alam niya naman na hindi siya maaring lumapit dito.
Titiisin niya ang lahat para lang kay Erin kahit pa ang pagmasdan lang ito sa malayo. He already prepared surgery for Erin's eyes. Nais niyang makakitang muli ang dalaga, handa na siyang palayain ito sa mansyon kung ito man ang nararapat. Kaya na niyang gawin 'yon, ang makita lang ito kahit sa malayo ay okay na sa kanya.
"Tama ba ang gagawin kong pagpapalaya sa kanya?" Alejandro whispered to himself but, Leon heard it.
"If you love her then your decision is right. Hindi sa lahat ng oras ay desisyon mo lang ang palaging nasusunod. Palayain mo siya, De Rossi. Malay mo baka bukas-makalawa mapapatawad ka na niya at handa siyang tanggapin ka." Akala mo kung sinong makapayo si Leon pero tama naman ang sinasabi nito.
Marami nang napagdaanan si Leon sa pag-ibig kaya naman kahit mukhang tanga ito minsan ay may sense naman pala ito kung magpayo. Lahat ng impormasyon sa dalaga ay pinahanap niya sa mga tauhan upang nang sa ganoon handa na ang dalaga at ang mga dokumento nito kapag naoperahan.
He'll pay for everything, not because he's guilty and must atone for his sins, but because he wants her to see the world again. Alejandro wants her to be able to move on her own.
Kailangan niya munang bigyan ng oras ang dalaga para kung handa na itong harapin siyang muli ay hihingi siya ng tawad at makakaya na niya ang mga sasabihin ni Erin o kahit pa ang rejection nitong muli sa pag-ibig na iniaalay niya.
"Minsan pala hindi puro hangin lang ang laman ng utak mo, Sokolov. Ngayong may alam na ako kung ano ang gagawin ko pwede ka ng lumayas sa pamamahay ko hindi na kita kailangan," sabi ni Alejandro kahit pa may kaunting pagbibiro sa tono nito.
Napahawak si Leon sa puso niya nagdadrama na naman ang g*go. "Ganyan ka, De Rossi, matapos mo akong gamitin itatapon mo nalang ako na parang basahan." Napangiwi si Alejandro sa ginawa ni Leon. Ito ang isa sa hindi gusto ni Alejandro kay Leon masyado itong mahilig mang-asar.
"Shut-up, Sokolov, umalis ka sa harapan ko at mag-ala aso ka sa kapatid ko baka magkaroon ka pa ng kuwenta." Inis na itinapon ni Alejandro ang walang lamang lata ng beer kay Leon na tawang-tawang umalis sa tabi ni Alejandro.
Naiwan naman si Alejandro na nakatingin sa iniinom niya. He desperately needs his mia bella, but, he wants her to heal, even if it means granting her freedom. He'd gladly do it.
Hindi niya hahayaang mapahamak ito ulit gaya ng nangyari dito sa mga kamay niya. "Papalayain mo talaga siya, Kuya?" Napaayos ng upo si Alejandro nang marinig ang boses ng kapatid.
Papalayain niya si Erin pero kailangang naroon si Danica sa tabi nito. Isang tao lang pagkakatiwalaan niya sa kapakanan ni Erin at 'yon ay si Danica.
Nasa hagdanan si Danica noon nang marinig ang pag-uusap ni Leon at ni Alejandro, hindi man nito sinasadya ngunit ang kuryusidad ang nagdala sa kanya upang makinig sa usapan nila. Hindi muna nito pinansin ang parte kung saan inamin ni Leon na mahal pa siya nito dahil maging siya naman ay ganoon din sa lalaki ngunit, kailangan muna nilang dalawa na magdaan sa proseso ng pagpapatawad at pagbabalik ng tiwala sa isa't-isa.
Tumango si Alejandro sa kapatid. Mabilis na naupo si Danica sa stoll na inuupuan kanina ni Leon nang lumabas ito pabalik ng Zchneider Estate.
"I will, but, on one condition," sabi ni Alejandro sa kapatid.
Masakit man para sa kanya na gawin ito pero kailangan. Naiintindihan ni Danica ang sinasabi ni Alejandro. Malaki ang pagkakamali ni Alejandro ngunit sa nakalipas na araw ay iniiwas nito ang sarili kay Erin para lang maging maayos ang kalagayan ng babae.
Nakikita ni Danica na mahal talaga ng kapatid niya si Erin. Nagkamali ang kapatid niya at nakikita niyang ginagawa nito ang lahat para mag bago para kay Erin. Papayag si Danica sa kahit na anong kondisyon ni Alejandro basta hindi labag sa kalooban niya.
"I've already asked our doctor to plan a surgery for Erin's eyes, and I'm confident it will be a success. You can then take her to one of our townhouses. She'll be able to live freely. Sasamahan mo siya hanggang sa pareho na kaming handa para harapin ang isa't-isa 'yon ang kondisyon ko." Iniisip palang ni Alejandro na maraming lalapit na lalaki sa kay Erin ay kumukulo na ang dugo niya at nais niyang magwala pero dahil kailangan upang muling magtiwala sa kanya si Erin.
Danica smiled silently, knowing that these two are meant to be together; perhaps they just happened to meet at the wrong time and in the wrong place.
Bagay na bagay silang dalawa, nakikita iyon ni Danica. Pinaparusahan na ni Alejandro ang sarili para kay Erin.
"And I'll only ask one favor while you and she aren't here. Please don't let any man approach her." Nagsusumo at nagmamakaawa ang boses ni Alejandro.
Marunong ng makiusap ang kapatid ni Danica, masaya siya para dito. Muli niyang paglalapitin ang dalawang ito sa tamang panahon at kapag nangyari 'yon siya na ang pinakamasayang tao dahil napasaya niya ang dalawa. Marami pinagdaanan ang kapatid niya kaya naman ngayon naiitindihan niya na ito at susundin niya ang gusto nito.
"I will, Kuya."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro