Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

TRIGGER WARNING!

THIS BOOK contains MATURE CONTENT.

CHILDREN BELOW 18 YEARS OLD IS NOT ALLOWED TO READ THE STORY.

********
********

"Thank you for killing me," nanghihinang sambit ng dalaga  habang nakangiting nakatitig sa mga mata ng binata. Unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata niya. Tuluyang ipinikit ni Erin ang mga mata mula sa pagod at pagsuko sa buhay. 

She'd rather give up her dreams than live in this world full of monsters and beasts. Natigilan si Alejandro sa mga katagang lumabas sa bibig ng dalaga hindi niya inaasahan ito ang sasambitin nito. Lahat ay natigilan sa nangyari. Pare-parehas silang basa mula sa biglang pagbuhos ng ulan.

 "Erin," mahina niyang tawag sa dalaga at tinapik ang pisngi nito ngunit walang reaksyon mula dito. Namumutla ang labi ni Erin at malamig ang katawan nito. Napatingin si Alejandro sa mukha ng dalaga bakas dito ang pagod at pagsuko ngunit may kaunting ngiti.  Pinangilabutan si Alejandro at hindi nakagalaw.

Alam ni Danica na may mali, hinawakan niya ang pulsuhan ng dalaga at inilapat ang tenga sa dibdib nito. Nanlaki ang mata ng dalaga at nataranta. Napatingin ito sa kapatid. 

"Dalhin natin siya sa ospital! Hindi siya humihinga! Wala ng tibok ang puso niya at wala na siyang pulso!" Hindi mapakaling sigaw ni Danica halos buhatin na nito si Erin pero hindi niya kaya ang dalaga. 

Tila naman nagising si Alejandro sa tinuran ni Danica. Napatingin siya sa tauhang bumaril sa dalaga at sa baril na hawak niya. He felt rage. He was furious when the woman's body lifeless. 

Hindi niya maintindihan ang sarili pero galit na galit siya. The gun he was holding automatically pointed at his men. Tila may sariling isip ang buo niyang katawan at kusa na lamang inubos ang bala ng baril nito sa tauhang may gawa nito. 

"All I said was watch her, don't kill her! F*ck you all! You're all worthless!" He screamed and then fell silent again. His heart was heavy with remorse.

He was emotionless when he did it, but when he returned his gaze to the woman's body, he noticed his eyes had become heavy. All of his emotions were multiplied. He is both enraged and repentant. Alejandro was silent, but deep down inside he wanted to scream, he wanted to say something, but all his mouth did was open and close. He can't say anything. The man was unmoving. He was stunned by what had occurred because it had happened as a consequence of his actions. He realized what he did. This was all his fault.

"Ano ba! Tulungan niyo ako! Dalhin natin siya sa ospital!" Danica never realized how hysterical she is. Sigaw  ito nang sigaw habang hawak ang malamig na kamay ni Erin. Ang hindi nito inaasahan ay ang pagkuha ng kapatid nito kay Erin. 

"Bitawan mo siya, Kuya! Hindi ka pa ba kontento?!" Nag-aagawan ang magkapatid kay Erin.

Naluluhang inaagaw ni Danica si Erin mula sa kapatid dahil baka kung ano na naman ang gawin ni Alejandro sa dalaga. Hindi pinansin ni Alejandro si Danica at inihakbang ang mga paa. 

"Stop, Kuya! Stop! You've done enough!" Pigil niya kay Alejandro sa akmang paghakbang nito papasok ng mansyon. Hindi nakikita ni Danica ang emosyon sa mukha ni Alejandro hindi niya nakikita ang dalawang butil na tumulo mula sa mga mata nito.

Alejandro accepts his fault and expresses regret. He was unhappy about everything. He had no idea until the girl thanked him for killing her. He wanted to yell and apologize for what he had done. 

Ngayon, na-realize niya kung ano ito kung bakit niya ginawa iyon sa dalaga. Ginawa niya iyon para lamang patunayan sa sarili niya na hindi na nagmamahal.

During that process, he hurt someone, specifically the person he loves. Sinaktan niya ang taong minamahal. 

"J-Just let me take her." Nanginginig ang boses ni Alejandro dahil sa takot at sa nagbabadyang muling pagluha ng kanyang mga mata.

Natigilan si Danica. Gulat ang rumihestro sa kanya ni hindi na siya nakahulma habang umuulan habang nakatingin sa kapatid na mabilis na pumasok sa loob ng mansyon. Kitang-kita niya mula sa kinatatayuan kung gaano ka nag-pa-panic ang kapatid halos lahat ay nagimbal sa boses ni Alejandro na nagmamadali halos lahat ay minura nito habang pinapasunod ang Doktor ng De Rossi Mafia sa medical wing ng mansyon.

"Bloody sh*t! Bilisan mo! Whatever will be happens to her, I will kill you all!" sigaw nito sa buong Mansyon. Danica heard it but she can't believe it. 

Pinoproseso pa ng utak ni Danica kung anong nangyayari sa kapatid niya. Buhat-buhat ni Alejandro na ipinasok sa medical wing si Erin na inihiga sa kama habang patuloy na sinisi ng lalaki sarili.

'Kasalanan ko ito. Nagpadala ako pagiging makasarili. Nagpadala ako sa demonyong nag-uudyok sa akin na saktan si Erin.' He was drawn to her the first time he saw her. He was drawn to her scent, as well as her physical presence.

Inuna niya ang pagiging makasarili hindi na niya maibabalik ang nakaraan ang unang sulyap sa dalagang takot na takot at nagmamakaawang huwag siyang saktan. 

He is aware that he was broken when his first love died, but what happened in the past should be left in the past. Ang ginawa niya dinala niya sa kasalukuyan ang lahat ng sakit at ibinunton ito sa taong nagparamdam nang pagtibok muli ng kanyang pusong sugatan at punung-puno ng galit. 

"I am here, Sir, what happened?" tanong agad ng Doktor nang makapasok sa loob. Walang maisagot ang binata dahil sa mga oras na ito nais niyang barilin ang sarili at pumalit sa dalaga upang parusahan ang sarili.

Nilapitan ng Doktor ang dalaga. Napalunok siya nang malamang hindi na tumitibok ang puso nito. "Sir, wala na pong tibok ang kanyang puso... s-she's dead..." mahinang turan ng Doktor sa kanya. 

"No! She's alive! She's alive!" sigaw ng binata sa Doktor. Ngayon lang nakita ng Doktor ang ganitong reaksyon sa Boss niya. Alam niyang wala puso ito pero sa nakikita niya tila siya mismo ay pinanghinaan ng loob.

Minsan lang makakita nang walang puso at walang awa na tao na nagmamakaawa na buhayin ang isang tao para sa kanya.

Nanlaki pa ang mata ng Doktor ng lumuhod si Alejandro. Nag-uumpisa na ang binata na pagbayarin ang kasalanan niya. Nakita ng mismong mga mata niya kung gano ka-mesirable ang nangyari sa dalaga mula sa kamay niya.

He abused her, which was the worst thing he could have done. He made her feel like a f*cking sl*t, like a wh*re. She was, however, a considerable distance away from them. She's not like the others. She is completely perfect. She is beautiful on the inside and out. 

Nilapitang muli ng Doktor ang dalaga at ginawa ang trabaho niya. Napalunok siya at nagulat ng muling inilapit ang stethoscope sa dibdib ng dalaga. He heard a faint beat in her heart and knows exactly what he'll do about it.

"I'll do what I can, Sir, pero hindi ako Diyos para mabuhay siya," pinagpapawisang turan ng Doktor.

Mabuhay lang ang dalaga handa siyang maging alipin nito habang-buhay. Handa si Alejandro na pagbayarin ang lahat ng kasalanan niya. Handa siyang pagdusahan ito kahit gaano katagal basta mapatawad lang siya ng dalaga. 

"N-Nakikiusap ako, buhayin niyo siya kahit ano ibibigay ko sa'yo kahit ano basta buhayin mo siya." Halos masakal na ni Alejandro ang Doktor sa marahas na pagkakahawak nito sa damit ng Doktor. Alejandro was breaking inside.

Akala niya, senaraduhan na niya ang puso niya upang wala nang makapasok pa hindi niya inaasahang may pumasok nang hindi inaasahan dito at sinakop nito ang buong sistema niya.

"I'll do whatever I can, boss, pero lumabas muna kayo dito," seryosong saad ng Doktor. Walang magawa si Alejandro kahit magprotesta pa siya. Nilapitan niya ang walang kulay na dalaga at hinalikan ito sa labi.

"Nagmamakaawa ako, mabuhay ka paki-usap. Nagmamakaawa ako, huwag mo akong iiwan," bulong nito sa dalaga.

Lumabas siyang laglag ang balikat ngunit hindi siya umalis sa harapan ng silid kung saan ginagamot ang dalaga. Naupo ang binata sa harapan ng silid at iniyuko ang ulo. Ginulo niya ang kanyang buhok at isinandal ang likod ng ulo sa pader. Ipinikit ng binata ang kanyang mga mata naroon pa rin sa isipan niya ang itsura ng dalaga kanina hindi iyon mawaglit-waglit sa kanyang isipan pati na rin ang huling mga salita na tinuran nito sa kanya.

'Thank you for killing me.' Paulit-ulit niyang naririnig ang boses ng dalaga sa kanyang isipan. 

Ikinuyom ni Alejandro ang kamao, mabuhay lang ang dalaga ibibigay niya ang lahat ng karangyaan at pagmamahal na nararapat dito.

Ibibigay niya kahit ang buhay niya kung ito man ang hihingin ng dalaga bilang kabayaran sa ginawa niyang pagmamaltrato dito. "Kasalanan ko ang lahat, kasalanan ko ang lahat..." Ilang beses na ibinulong ito ni Alejandro sa sarili.

Wala nang magagawa ang pagsisi niya, wala nang magagawa ang paghingi niya ng tawad dahil nangyari na ang nangyari. Kung anuman ang kahihinatnan ng mga ginawa niya kailangang maging handa siya sa kabayaran nito.

Basang-basa si Alejandro ngunit ni hindi niya inalala 'yon dahil mas pinili niyang iisa lang maging laman ng kanyang isipan at 'yon ay ang dalagang nasa loob ng silid na na pilit na ni-ri-revive ng Doktor.

Alejandro earned what he got. Siya ang gumawa nito at siya din ang magbabayad.

"I beg you... please live, if not for me, then for yourself; I'm fine with that." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro