Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

TRIGGER WARNING!

THIS BOOK contains MATURE CONTENTS.

CHILDREN BELOW 18 YEARS OLD IS NOT ALLOWED TO READ THE STORY.

********

********

Sa ilang araw na pagkulong kay Erin sa mansyon ni Alejandro ay ngayon lang siya muling gumising nang ganito katagal.

Noon, palaging kailangan niyang bantayan ang paligid dahil maaring maulit ang muntikang panggagahasa ng tauhan ng lalaking kinamumuhian niya at ang pangmamalupit sa kanya ni Alejandro.

He made her feel scared. She was in hell when she was with him. Kahit papano sa mga nakalipas na araw habang narito siya sa bahay ni Abby ay nakakangiti na siya kahit kaunti. 

Hindi pa man masyadong naibabalik ang kanyang gana sa pagkain dahil halos buto't-balat nalang siya ay maayos naman siya kahit papano.

Ang importante ngayon ay nakakahinga na nang maluwag, ngunit sa tuwing may kalabog siyang maririnig ay hindi niya maiwasang magtago. Sa tuwing nangyayari 'yon ay naroon si Abby upang alisin ang takot niya.

"Mahal na mahal mo talaga ang pag-aalaga ng mga bulaklak, Erin." Yes, Erin loves flowers so much. Gustung-gusto niya ang amoy ng mga ito dahil nagpapakalma ito ng buong katawan niya.

"May Flower Shop ako noon, hindi ko lang alam kung ano na ang nangyari doon magmula nang kunin niya ako." Pabulong ang huling salitang lumabas sa bibig ni Erin.

Kahit anong galaw niya ay hindi maiiwasan hindi niya muling balikan ang nangyari sa kanya tila isang video tape recorder na nag-pe-play 'yon sa utak niya at hindi niya kayang i-pause o i-flashforward ito. 

"Titignan ko kung maayos pa din 'yon, huwag kang mag-alala, Erin. Si Danica at ako, aalagaan ka namin." Akala ni Erin wala ng taong katulad nina Abby at Danica. Mga taong kaya pa ring tumulong sa kapwa nila kahit pa hindi nila masyadong kilala.

Binibigay nila ang lahat ng mga pangangailangan niya na siyang pinagpapasalamat niya sa mga ito. Si Abby ay isang landscape artist at wala siyang trabaho ngayon dahil na rin nasa bakasyon ito.

Anak mayaman si Abby ngunit hindi nito ito ipinagmamayabang sa iba mas nais nito ang maging low profile hindi gaya ng iba na halos ipaglandakan ang yaman nila lalo na sa mga mahihirap.

"Salamat, Abby. Mahalaga ang Flower Shop na iyon sa akin. At sa tingin ko lahat ng mga bulaklak roon ay wala ng buhay," aniya kay Abby na ngumiti nang kimi.

"Don't worry, papupuntahin ko ang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tao para maibalik muli ang Flower Shop. Para kapag nakapagpaopera ka na ng mga mata at gumaling ay malagyan ng mga bagong panindang bulalaklak." Masigla ang boses ni Abby habang sinasabi iyon sa kay Erin mas excited pa ito kaysa sa dalaga sa pagbalik ng Flower Shop maaring dahil konektado ang mga larangang gusto nila.

Hindi pa maayos ang paglalakad ni Erin kaya naman palagi lang itong nakaupo sa sofa sa living room ni Abby kapag napapagod na ito pero iinat  niya naman ang kanyang mga paa at nag-eehersisyo siya para mapadali ang pagpapagaling niya.

Kailangan na niyang makaalis dito dahil sa mga oras na ito. Alam na ng taong kanyang tinatakasan na wala na siya roon at sigurado siyang susundan siya nito upang pabalikin sa impyerno o susundan siya nito para patayin. 

Ang manatili sa iisang lugar ay sadyang nakapadelikado hindi lamang para sa kanya kundi para din sa mga taong nag-aaruga sa kanya lalo pa at may tinatakasan siya. Maari silang mapahamak nang dahil sa kanya at sa pagtulong nila sa kanya.

"Abby, kailan ako pwedeng makaalis dito?" tanong ni Erin kay Abby. 

Mahina ang boses ng dalaga tila isa itong anghel na nagsasalita sa pandinig ni Abby. Anghel na pinutulan ng pakpak ng isang demonyo. Kung pagmamasdan si Erin habang nakaupo sa sofa kaharap ni Abby na nanonood ng movie ay talagang para itong anghel. Kimi kung kumilos at halos hindi makabasag pinggan.

Si Erin ay isang anghel na pinagkaitan ng langit, anghel na pinagmalupitan at ikinulong upang hindi makalaya. Nawala na ang atensyon ni Abby sa pinapanood na movie at napuntang lahat nang iyon kay Erin. Itinabi nito muna ang kinakain na popcorn at ibinigay ang buong atensyon kay Erin. 

"Hindi ko pa alam Erin, sabi ng Doktor na pumunta dito napakahina mo pa at hindi pa gumagaling ang mga sugat mo sa katawan." Napakagat ng labi si Erin.  Alam niyang napakarami niyang sugat sa katawan. Nahihiyang napayuko nalang ang dalaga at niyakap ang sarili.

"Gusto ko na kasing makaalis dito, gusto ko na kasing magpakalayo-layo dahil habang nandidito ako pakiramdam ko sinusundan pa din niya ako." Pag-amin ni Erin sa sarili at kay Abby na siyang tumutulong sa kanya. Naiintindihan ng babae ang sinasabi ni Erin pero mas importante ang kalusugan ng dalaga kung isasakripisyo ni Abby ito baka kung ano pa ang mangyari kay Erin.

"I know, I know Erin but please stay for while kahit na gumaling ka lang. Pangako hindi kita pipigilan, tutulungan pa kitang lumayo dito." Pagpapaintindi ni Abby sa kanya ng kanyang sitwasyon. 

Hindi niya alam kung ilang sugat meron siya sa katawan pero dahil ang Doktor na mismo ang nagsabi kailangan ni Erin na pagalingin muna ang sarili.

Tumango na lamang ang dalaga at tahimik na naupo. Kitang-kita ni Abby kung gaano kalungkot si Erin dahil sa sinabi niya ngunit hindi niya pwedeng hayaan ang dalaga na umalis nalang nang hindi ito gumagaling siguradong uusigin lamang siya ng konsensya niya kapag nagkataon. 

"I'm really sorry, Erin. Alam ko talagang sabik na sabik ka nang makaalis sa mga bangungot mo ngunit kung hindi ka pa gumagaling maaring hindi lang ang katatawan mo ang maapektuhan," pagrarason muli ni Abby kay Erin.

Napansin ni Abby na may pagkakapareho ng ugali si Danica at si Erin. Parehong matitigas ang mga ulo nito at siya naman ang taga-rason ng kung dapat o hindi ba dapat gawin sa mga bagay-bagay.

Nagkamot nalang ng ulo si Abby. Mauubusan siya ng dahilan kay Erin pero mas mauubusan siya kay Danica kahit papano na-ha-handle niya naman nang maayos ang mala-anghel na dalaga hindi katulad ng kaibigan niyang halos isumpa niya na yata ang katigasan ng ulo. She saw Erin smiled bitterly.

"I understand, Abby. My body is weak and I need to heal," anito kay Abby. 

Dismayado siya sa sarili kahit noon pa lang madali na siyang magkasakit pero nalalampasan niya ito ngayon pa kaya na halos abot-kamay na niya ang pinapangarap na kalayaan?

Maooperahan ang mga mata niya. Bababalik siya sa pag-aaral, makakapagtapos siya, at magiging Doktor. Ito ang mga main goal niya kapag gumaling na siya. 

"Good, now what do you want to eat for lunch?" Abby asked her.

Napangiti si Erin. Pinagbibigyan lahat ni Abby ang gusto niya lalong-lalo na sa pagkain kaya naman natutuwa siya dahil sa pagkain lang talaga masaya na siya. Noong nasa puder pa siya ng Tito niya halos hindi na siya makakain nang maayos halos ipinagdadamot sa kanya ang pagkain na nasa refrigerator. Hindi niya makain ang mga paborito niya pero ngayon halos gustong bilhin ni Abby ang lahat ng gusto niyang kainin.

"Pwede bang kumain tayo ng pizza ngayon?" tanong ni Erin kay Abby habang sabik na sabik.

Ngayon lang siya ulit makakatikim ng pizza na isa sa pinakapaborito niya noon. Laman siya palagi noon ng mga pizza shop pagkatapos ng eskwela.

"Of course! Bubusugin kita ng pizza," pakantang sagot ni Abby.

Hawak ng dalaga ang telepono para mag-pa-deliver ng pizza. Ayaw ni Abby na lumabas mahirap nang makita pa siya ng mga tauhan ni Alejandro. Tinawagan siya ni Danica nang nakaraang gabi at sinabi ang sitwasyon hindi na niya pinaalam kay Erin iyon baka lalo mag-aalala ang dalaga at hindi makapagpagaling nang maayos.

Habang nag-o-order ng pizza si Abby, pinaglalaruan naman ni Erin ang laylayan ng damit. Kaya nagmamadali siyang makaalis rito dahil na rin sa narinig niyang pag-uusap nina Danica at Abby noong nakaraang gabi.

Narinig niya ang pag-uusap ng dalawa tungkol sa kanya. Akala ni Abby tulog na siya ngunit hindi dahil nang gabing 'yon ay hindi siya makatulog. Katabi niya sa kama si Abby dahil na rin hindi siya makatulog ng mag-isa.

Binaba ni Abby ang telepono at iniayos ang kumot sa kandungan ni Erin. Palagi kasing sinasabi ni Erin na nilalamig siya kaya naman kapag nandito siya sa living room ay binabalutan siya ni Abby ng kumot. Marahil ay nasanay na si Erin sa lamig na nasa silid kung saan siya noon kaya ganoon nalang ang pakiramdam niya sa temperatura kahit saang sulok siya ng penthouse ni Abby magpunta.

Napalunok naman si Erin habang nanonood muli si Abby sa pinapanood na palabas. Hindi niya alam pero malakas ang pandama niya na may hindi magandang mangyayari. Niyakap niya ang sarili dahil sa pandamang 'yon.

Bawat ingay na naririnig niya ay mas lalong nagiging alerto siya. Napatalon pa ang dalaga ng may mag-door bell sa pintuan ni Abby. Napatikhim si Abby.

"Baka ang pizza na 'yon. Antayin mo ako dito, Erin. Kukunin ko lang ang pagkain natin," ani ni Abby kay Erin. Hindi na sumagot pa si Erin at nanatiling tahimik at nakikiramdam.

Akmang tatayo siya upang sundan si Abby dahil sa kaba niya, ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakatayo ay sigaw ni Abby ang narinig niya.

"Erin! Takbo!" Hindi alam ni Erin ang gagawin. Paano at saan siya tatakbo? Hindi niya kabisado ang bahay na ito at kung magtatago man siya hindi niya alam kung saan. 

Tuliro ang dalaga, kulang nalang ay tumalon siya sa gusali para makatakas. Alam na niya kung ano ito -nasundan siya. Nandito ang lalaki at kukunin siya nitong muli.

Pawisan ang dalaga sa takot. Pinaplano niya pa lang ang pagbangon ngunit hindi yata mangyayari iyon. Hinding-hindi siya makakatakas dahil sinundan siya ng kanyang bangungot at heto muli na naman siyang ikukulong sa impyerno. 

"Don't even think about making a move, little rabbit."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro