Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

TRIGGER WARNING!

THIS BOOK contains MATURE CONTENT.

CHILDREN BELOW 18 YEARS OLD IS NOT ALLOWED TO READ THE STORY.

********

********

Nagtagis ang bagang ni Alejandro habang pinagmamasdan ang buong silid kung saan iniwan ang kanyang alipin. 'F*ck! Hanggang ngayon ay narito pa rin ang amoy niya at ang presensya niya. Pakiramdam ko narito pa rin siya,' ani ng binata sa isipan.

'Ibabalik ko siya dito dahil akin lang siya! Hindi siya pwedeng mapunta sa iba,'  dagdag pa nito. 

Ininom nito beer habang pinagmamasdan ang buong paligid nang puno ng galit. Oras na makabalik dito ang kanyang alipin, parurusahan siya ni Alejandro. Parusang hinding-hindi nito makakalimutan.

Parusang tatak sa buo nitong isipan at pagkatao. Hindi din alam ni Alejandro sa sarili kung bakit kahit na wala na ang babae na kahit na pwede naman siyang humanap ng ibang mas karapat-dapat pero itong katawan ng binata ang umaayaw.

Ang babae lang ang hanap niya. 'This is bullsh*t!'  Hindi mapigilan ni Alejandro na isipin ang dalaga nang isipin tila sa dito lang umiikot ang mundo niya na sanang hindi niya dapat makaramdam. Wala dapat siyang maramdaman kundi galit at pagkamuhi sa kahit na sino. Ito ang tanging paraan upang katakutan ng iba.

At hindi babaguhin ni Alejandro ang sarili para sa iba. Alam na alam niya kung ano ang mga tawag nila sa kanya ngunit imbes na magalit ay natutuwa pa ang binata dahil doon isa siyang epektibo at kinatatakutang mafia boss.

Sa isang babae lang susuko si Alejandro, sa isang babae lang siya luluhod pero hinding-hindi na mangyayari iyon dahil ang babaeng laman ng puso at isipan ng binata ay wala na at pagbabayarin niya ang taong kumuha nito sa kanya. 

Inilibot ni Alejandro ang mga mata. Napakagulo nang buong silid halos lahat ng gamit rito ay nasira at nabasag na ng binata. 'Bakit nga ba ginugulo ng babaeng iyon ang aking isipan gayong matagal ko nang ibinaon ang mga ito kasabay nang pagkawala ng taong napakahalaga sa akin? Bakit nagiging demonyo ako kapag hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya?' Ito ang mga katanungang gumugulo sa isipan ng binata.

"Bloody f*ck!" sigaw ni Alejandro at hinagis ang baso sa pader. 

Some of his men are outside of this room, they are waiting for his command. Ang iba naman ay hinahanap na ang dalaga. Paulit-ulit na paparusahan ni Alejandro ang dalaga hangga't hindi ipapagkit sa isipan ng babae kung sino ang nagmamay-ari dito. 

He'll definitely own her body and soul because she was his drug and addiction. Kahit hahalughugin niya ang buong mundo mahanap lang si Erin ay gagawin niya. 

"Boss, may balita na kami sa pinapahanap niyo." Napangisi ang binata sa sinabi ng tauhan na pumasok sa loob ng silid.

Pinapangako ni Alejandro hindi matatapos ang linggong ito ay nakabalik na ang dalaga sa mga kamay niya.

"Mahahanap rin kita, little rabbit. Antayin mo ako kung nasaan ka dahil hinding-hindi ka na ulit makakatakas sa akin," bulong ng lalaki sa sarili habang humahalakhak. 

The man who just came in will not look at Alejandro because he knows him too well. The man is aware that if he makes eye contact with Alejandro, he will be killed.

 "Track her down, tell me where she is, and I'll be the one to find her," malamig na turan ng binata sa tauhan. 

Tumang ang tauhan kay Alejandro at agaran ding lumabas. Umalis na din ang binata silid na iyon hindi siya nakakatagal sa loob noon hangga't wala ang alipin roon. Papalabas palang si Alejandro nang makita ang kapatid na dali-daling tumakbo pabalik ng kanyang kuwarto.

Akala nito marahil ni Danica ay nadala ang binata sa drama niya. 'Matalino siya at hindi nag-iiwan ng ebidensya kapag nagtatrabaho siya. She'll be a valuable asset, but I won't let her join any of our mafia operations.' He reflected.

Nakita na niya ang abilidad ni Danica noon palang kaya naman hindi na siya magtataka kung bakit kaya nitong gumawa ng ganito nang hindi itp nabibisto. 

Alam ni Alejandro na may tumulong kay Danica sa pagtakas sa alipin niya. Papabayaan niya lamang si Danica sa bagay na iyon dahil papatunayan niya din sa kapatid na kahit ilang beses niyang itakas ang babaeng iyon dito, ibabalik at ibabalik niya si Erin sa kanyang tabi hangga't nasa babae ang marka ng pangalan ni Alejandro hinding-hindi makakatakas si Erin sa mga kamay niya pagkat ang babae ay kanya lang.

"Boss, your sister is acting strange." Napaingos nalang ang binata sa sinabi ng tauhan na sumusunod sa kanya. 'Bobo, ngayon lang niya nahalata 'yon gayong noong nakaraang gabi pa sila nauto ni Danica?' Nagtatagis ang bagang na turan ni Alejandro sa sarili.

'Tsk, hindi ko hinayaan na manatili ang isang taong walang alam at hindi marunong makiramdam sa Mafiang pinamumunuan ko,' dagdag pa ni Alejandro sa isipan.

Binunot ng binata ang baril at pinaputok iyon sa ulo nito hindi na ito binigyan ng pagkakataon pang makapag-react ni Alejandro dahil bumulagta na ito sa sahig na wala ng buhay habang ang dilat nitong mga mata ay nakatingin sa binata nang gulat na gulat. 

"Itapon niyo ang bangkay niyan at linisan niyo ang sahig nang mabuti. Ayokong mahawaan ng kabobohan niya ang mga taong narito." He didn't wait for his men to respond.

Umalis na siya sa harapan nila at pumasok sa silid niya. Inihahanda ng binata ang sarili para mapuntahan ang alipin dahil mukhang nag-e-enjoy na ito sa maikli nitong kalayaan. Hindi yata mapapayagan iyon ng binata. Sa ayaw at sa gusto ng dalaga, babalik ito sa piling ng demonyong si Alejandro.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro