Chapter 14
TRIGGER WARNING!
THIS BOOK contains MATURE CONTENT.
CHILDREN BELOW 18 YEARS OLD IS NOT ALLOWED TO READ THE STORY.
********
********
Inalalayan bumaba ni Abby Grace si Erin mula sa sasakyan. Ginising nito si Erin nang makatulog roon marahil mula sa pagod. Ang bigat ng katawan ng dalaga. Pagod na pagod siya at nais muling ipikit ang mga mata upang muling matulog at makapagpahinga ngunit ayaw niya namang maging pabigat pa kay Abby dahil alam niya maging ito ay pagod rin.
Hindi alam ni Erin kung nasaan pa sila o kung saan siya dinala ni Abby Grace ang importante sa ay ligtas na siya mula sa kamay ng taong sinira ang buhay niya.
"Konting tiis nalang, Erin. Makakapagpahinga ka na rin," ani ni Abby Grace kay Erin.
Mahaba-haba ang nilakad nila at sumakay pa sila ng elevator. Sa tingin ni Erin ay dinala siya ni Abby sa penthouse nito. Dasal lang ng dalaga na sana ay hindi na siya masundan pa dito. Huminto sila sa kung saan sa ramdam ni Erin na ito ay ang harapan ng tinutuluyan ni Abby. Narinig niyang binuksan nito ang pintuan.
"Dito muna tayo sa isa sa mga penthouse ng pamilya namin, Erin. Aalamin ko lang muna kung ano ang susunod na gagawin ni Danica para maialis ka namin dito sa Pilipina," sabi pa ni Abby habang inalalayan siya na pumasok sa loob ng bahay nito at maupo sa sofa. Narinig niya pa ang yabag nito sa matapos nitong iwan siya sa living room.
Inaantay ni Erin si Abby habang pilit na kinakalimutan ang mga nangyari sa kanya pero kahit anong pag-iiba niya ng mga iniisip ay hindi pa din niya magawa dahil paulit-ulit itong nag-re-replay sa utak niya ni hindi na nga naramdaman na pumatak ang kanyang mga luha sa mga mata. Naramdaman niya nalang na pinahiran ni Abby ang mga luha bago niya inalo si Erin at niyakap.
"Shhh, tahan na, Erin. Ligtas ka na, huwag kang mag-aalala malalagpasan mo rin ito lahat," alo ni Abby habang hinahagod ang likod ni Erin.
Pinainom siya ni Abby tubig at inayos ang buhok. Siguro makakalimutan niya ang mga nangyari ngunit magiging multo ito nang kanyang kahapon.
"Erin, pinaghanda kita ng hot bath. Maligo ka na habang ipagluluto kita para makakain," sabi ni Abby at muling inalalayan si Erin papuntang banyo.
Hindi pamilyar ang dalaga sa lugar kung nasaan siya kung wala marahil ang taong umaalalay sa malamang ang mga gamit na mahawakan dito ay magkakandabasag o siya mismo ang matutumba.
Narinig ni Erin na binuksan ni Abby ang pinto ng banyo at pinapasok siya nito. Sinabihan siya mi Abby kung nasaan ang mga gamit sa banyo pati na rin kung nasaan ang lababo at gripo.
Binigyan din ni Abby ng bagong toothbrush at toothpaste si Erin pati na rin bagong underwear at bestida na inilagay nito sa lokasyong hindi ito mababasa at abot lang niya. Iniwanan ni Abby ang dalaga sa loob upang asikasuhin ang pagluluto. Hinubad ni Erin ang suot na asul na bestida at kinapa ng palad kung nasaan ang bathtub.
Nahanap iyon ng dalaga at dahan-dahan pumasok roon, dahan-dahan ding inilublob ang kanyang katawan. Masarap sa pakiramdam ang maligamgam na tubig. Habang tumatagal na nasa tubig si Erin ay naamoy niya ang lansa ng dugo at dumi na humahalo sa tubig.
Kailangan na munang alisin ng dalaga ang amoy ng mga bakas ng lalaki mula sa kanyang katawan. Niyakap ng dalaga ang sarili habang inaalis sa katawan ang nakakadiring hawak ng binata. Siya ang ginawa nitong laruan upang ang obsesyon nito sa katawan ay maibsan.
Parang aso na kapag matapos gamitin ay isasantabi lang at mamaya na naman ay muling didilaan. Hindi mapigilang ng dalagang hindi maging bastos sa sarili marahil natuto ito sa lalaki. Nabahiran nang marumi nitong utak ang kanyang kainosentehan.
Kamumuhian ni Erin si Alejandro hanggang sa hindi natatanggal ang sakit. Ang bakas ng mga ginawa nito pati na rin ang mga pasakit na idinulot ng binata sa buong pagkatao ng babae habang sinasaktan ito ng lalaki. Hindi alam ng dalaga kung paano haharapin ang bukas dahil sa mga pangyayaring nagdudulot sa kanya ng sakit.
"My God, Erin! Sana sinabihan mo akong palitan ang tubig! Ang dumi ng tubig!" Ngiti lang ang itinugon niya Abby kahit alam ni Erin nag-aalala ito sa kanya. Dahil sa taranta ni Abby ay nalimutan ata nitong bulag si Erin.
"Huwag kang mataranta, Abby. Nakakalimutan mo na bulag ako at hindi ko nakikita ang sinasabi mo," kiming sagot ni Erin kay Abby.
Narinig ni Erin na bumuntonghininga si Abby at inalalayan siyang tumayo. Nang makatayo si Erin sa harapan nito habang hubad ay narinig niya itong napasinghap marahil ay nakita nito ang mga peklat at mga sugat na hindi pa gumagaling pati na rin ang mga pasa.
Napalundag pa si Erin sa gulat ng hawakan ni Abby ang mga ito hindi sanay ang dalaga na hinahawakan pero pinipilit niya kahit papano dahil tinutulungan siya ni Abby.
"P-pasensya na." Paghingi ni Erin ng paumanhin ngunit imbes na sagutin ang dalaga ay hikbi ang narinig niya mula sa kay Abby.
"H-hindi, ako ang dapat humihingi ng tawad, Erin. Ang rami mong napagdaanan at nahuli lang kami ni Danica sa pagtulong sa'yo. Sana kung naniwala ako agad sa kanya hindi ka magiging ganito." Hindi sanay si Erin na may nag-so-sorry sa kanya o may nag-aalala sa kanya.
Sa loob ng limang taong pagiging bulag tanging sarili lang ang makakapitan niya kaya nga noong nasa puder siya ng taong gumawa sa kanya nito ay hindi na siya umaasa pa na may magliligtas sa kanya.
"Hindi mo naman kasalanan. Hindi ko na naman maibabalik pa ang nakaraan," bulong ni Erin.
"Ang mga sugat at peklat na ito ay parte nalang ng kahapon ko ngayong nakatakas na ako nais kong mamuhay ng walang takot nais kong ipa-opera ang aking mga mata." Iyon naman talaga ang plano ni Erin magmula noon at hindi pa rin mababago 'yon pero dahil nangyari sa kanya ay magiging ilag na siya sa ibang tao. Ang traumang nangyari sa dalaga ay sadyang nakakatakot para itong kalagayan niya ngayon. Bulag siya pero hindi pinalampas ng makamundong pagnanasa ni Alejandro.
Ang mundong ginagalawan ni Erin ay sadyang nakakatakot at nakakadismaya. Silang mga mahihina, silang mga walang laban at silang mga may kapansanan pa ang nakakasalo ng lahat nang kasamaan ng mga tao sa mundo.
"Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya, Erin. Hindi kami makakapayag ni Danica namaranasan mo ulit ang naranasan mo sa kamay ng kapatid niya." Sa tono ng boses ni Abby alam ni Erin totoo ang sinasabi nito.
Alam ni Erin determinado itong tulungan siya hindi dahil naawa sa dalaga kundi dahil nais nitong wala nang makaranas ng mga mararahas na pangyayari gaya nang sa kanya.
"Magbanlaw ka na ulit Erin, pagkatapos mong kumain mamaya ay gagamutin natin ang mga sugat mo," sabi ni Abby.
Pakiramdam ni Erinay may nakakatandang kapatid siya nang dahil kay Danica at Abby. Muli siyang pinaghanda ng maligamgam na tubig ni Abby para mabanlawan at malinis mabuti ang kanyang katawan nais nitong makitang mabuti ang mga sugat upang gamutin at hindi maimpeksyon.
"Salamat ulit, Abby," sabi ni Erin sa kanya. Hinalikan ni Abby sa pisngi si Erin bilang sagot at agad din namang lumabas.
Siguro ay inaayos ni Abby ang pagkain ng dalaga. Bumalik ang babae sa bathtub upang muling ibinabad ang sarili sa maligamgam na tubig. Nakakaginhawa ang tubig na ito kahit na papano ay nalimutan ang mga pasa at sugat sa kanyang katawan.
Taimtim na nanalangin si Erin. Dasal na sana ay hindi na muling magkrus ang landas nila ni Alejandro –ang taong ang kanyang bangungot. Ang taong iyon na siyang sumira sa pagkatao ng dalaga. Ang lalaki na ay sinusumpa niya hangga't nabubuhay siya.
Ayaw niyang makita si Alejandro. Ayaw niyang maramdaman ang presensya nito kung may paraan man si Erin upang burahin ang lahat ng ginawa nito sa kanya ay gagawin ng dalaga kahit na ano pa ito.
"HUWAG na huwag mo akong susubukan, Danica. Sabihin mo kung nasaan siya!" sigaw ni Alejandro kay Danica. Nagkunyaring umiiyak at nakayuko ang dalaga.
Alam niyang ma-award-an na siya sa pagiging artista. Ngayong nailabas na ni Danica si Erin dito susubukan niyang mailayo ito sa kapatid. Susubukan niyang huwag mahanap nito si Erin.
Pagod na si Erin, alam ni Danica na kung hindi maagapan ang pagpapalaya nito at ang bigyan itong muli nang pag-asa baka tuluyan ng kitlin nito ang buhay nito.
"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na wala akong kinalaman dyan, Kuya. Nakatulog din ako matapos akong uminom ng juice doon sa mga pitsel na nasa lamesa sa kusina kahit itanong mo pa dyan sa mga tauhan mo." Para siyang kalaban ng Kuya niya habang kinukuwestyon sa pagtakas ni Erin.
Tinuro ni Danica ang mga tauhan nitong halos hindi na makilala ang mga mukha dahil sa suntok at sipa na natamo mula sa binata. Swerte nalang ni Danica dahil kapatid siya nito pero alam ni Danica na gustong-gusto na siyang sakalin ng kapatid.
"Kasama ko 'di ba kayo habang umiinom ng juice?" Naghanap pa ng kakampi si Danica naroon siya ng mga oras na iyon pero hindi nila napansin na kumuha na si Danica ng juice noon na hindi pa nalalagyan ng pampatulog.
Lahat sila tumango kay Danica. Walang makitang pruweba ang kapatid nito sa kanya. "At matapos naming uminom ng juice ay nagkanya-kanya na kami ng paalam para matulog. Itanong mo pa sa mga katulong. Nagpahatid pa nga ako ng gatas sa kuwarto ko at hindi na ako lumabas pa. Check mo pa ang CCTV cameras. Takot ko lang sa'yo," sabi ni Danica.
Madilim ang anyo ng kapatid nito para siyang nasasapian ng demonyo at si Danica ang biktima nito. Napalunok nalang ang dalaga at namumutla. Lahat ng pwede nilang gawin para pagbintangan siya ay nilinis niya nang maayos at walang ebidensya.
Ang mga CCTV cameras malapit sa kuwarto ni Danica at sa silid kung nasaan si Erin ay naayos na niya na mula pa noong binabalak niya ito.
Tinitigan siya nang matiim ng lalaki at tila ba sinusukat kung nagsasabi ng totoo ang nakababatang kapatid. Kalmado si Danica at hindi nagpahalata na guilty siya dahil nasa mabuti nang kalagayan si Erin. Makakahinga na siya ng maluwag.
Kinasa nito ang hawak niyang baril at itinutok iyon kay Danica. Napakagat ng labi si Danica sa sunod nitong sinabi.
"Siguraduhin mo lang, Danica. Kapatid nga kita pero kapag nalaman ko na may kinalaman ka sa pagpapatakas sa pag-aari ko. Haharapin mo ang galit ko."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro