Prologue
NANGINGINIG ang ng babae habang pilit silang ipinapasok ng isang ginang sa sekretong taguan sa pader ng isang silid.
"Auntie, why Mommy and ninong are lying on the floor and aren't waking up? Let's call them and ask them to hide here too!" Sabi ng isang bata. Kitang-kita sa mga mata nito ang pagtataka at pag-aalala. Nasilip kasi nito mula sa tuktok at tagong parte ng hagdanan na nakahandusay ang ina pati ang ninong nito sa sala ng mansiyon at naliligo sa sariling dugo. Binuhat ng ginang ang bata at dinala sa isang silid na may taguan, kasama ang kaniyang sariling anak na nakita rin ang sitwasyon sa ibaba ng mansiyon.
"I'm sorry, Princess Ariel, but your mother told me she won't be able to hide here. Kayo lang daw ni Prinsesa Aurora ko ang puwedeng magtago," pagdadahilan ng ginang, pilit na pinatatatag ang sarili.
Ang tawag ng ginang sa batang babae na itinuturing niyang pamangkin ay Princess Ariel, habang ang anak naman niya ay Princess Aurora. Idolo kasi ang mga ito ng dalawang bata. These girls love fairy tales, but what was happening at that moment was a nightmare.
"But, Mama, Daddy is sleeping as well. He doesn't want to hide too?" umiiyak na tanong ng anak ng ginang. Ang daddy na tinutukoy nito ay ang lalaking nakahandusay sa sala.
The woman fixed her gaze on the two girls, pretending that nothing bad was happening. She managed to crack a smile at them. She wrapped her arms around the girls.
Maya-maya, binalingan nito ang anak at hinawakan ang mga pisngi ng bata. "My Princess Aurora, I absolutely love you. Tell your brother that Mama and Papa love him as well," sabi ng ginang at saka binalingan ang isa pang bata. Hinawakan din niya ang mga pisngi nito. "My Princess Ariel, your mommy and auntie both adore you. Take care of one another."
Pinaghahalikan pa niya ang noo ng dalawa bago tuluyang isinara ang kanilang taguan. Nagsimula naman mag-iyakan ang dalawang bata nang malakas. Ramdam na ramdam ng ginang ang lungkot at takot sa mga ito.
"Auntie, where are you going?! Please don't leave us here!" The five-year-old girl pleaded, hitting the hiding place wall heavily.
Sa takot na hindi tumigil ang dalawang bata sa kaiiyak at pagkalampag ng dingding, binuksan uli ng ginang ang taguan.
"Sshh, huwag kayong maingay. We are playing hide and seek, right? Make a promise to me that you two will not go out until Princess Aurora's brother arrives. Promise me . . ."
Nag-pinky promise pa ito sa dalawa na tinanggap nila. She kissed them one last time before closing her eyes to hold back the tears from falling. Then, she left them in order to protect them, knowing that her husband and best friend died in an unfortunate manner.
Itinago niya ang mga bata upang hindi makita ng mga kalalakihang bigla na lang pumasok sa mansiyon. Balak din niyang magtago pero pinili niyang sa ibang parte ng mansiyon gawin ito upang hindi matunton ang dalawa kung sakaling makita siya ng mga lalaki. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi pa man siya nakapagtatago ay nadakip na siya ng mga ito.
As the men assaulted her, she screamed. Her screams could be heard all over the mansion, which made the girls feel terrified.
"Mama!" Napasigaw ang anak ng ginang dahil sa takot. Agad din itong umakma na lalabas sa kanilang taguan. Kaya naman ay agad itong pinigilan ng batang kasama nito.
"No . . . no! Remember the promise, Helena!" the girl whispered.
Pero hindi nagpapigil si Helena. Binuksan pa rin niya ang taguan at lumabas, dahilan para mapasigaw ang batang babaeng kasama niya.
"Helena!"
Napalingon naman si Helena rito. "Pupuntahan ko si Mama. Stay here and hide. Mama needs my help," bulong niya sa matalik na kaibigan at saka marahang isinara ang taguan.
Walang ibang nagawa ang batang babae kundi ang umiling habang umiiyak—umaasang pagbibigyan ito ni Helena na huwag nang tumuloy pero hindi iyon nangyari. Nakita na lang nito sa siwang ng taguan ang maingat na paglalakad ng kaibigan palapit sa pinto ng silid.
Naging mabilis ang mga pangyayari. Pagkabukas ni Helena ng pinto, bumungad sa kaniya ang grupo ng mga kalalakihan. Napasigaw siya nang malakas at isang putok ng baril ang siyang nagpatigil sa kaniya.
Samantala, dahil sa nasaksihan, nanginginig na napahawak sa bibig ang batang babae na nasa loob ng taguan.
"Helena . . ." she silently called out. Her best friend was now lying on the floor, too, with blood pooling around her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro