Chapter 5
THE man dragged towards their boss. She was trembling uncontrollably while walking. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa biyolin na dala-dala.
'I'll meet my demise,' she realized. 'Ano ba'ng nasa isip ko nang pakialaman ko sila? Why did I interfere in their business?''I'm so idi*t!'
Nang makalapit sila sa kinaroroonan ng tinawag na boss, marahas siyang itinulak ng tauhan, dahilan upang mapasalampak siya sa sahig. Agad siyang umusod palayo sa mga ito—nang hawak pa rin ang biyolin—dahil sa takot lalo na't nakita na niya sa malapitan ang basag-basag at duguang katawan ng taong pinahihirapan ng mga ito.
Gustong masuka ng dalaga kahit na wala pa siyang kinakain. And to prevent it from happening, she closed her eyes. Ngunit napadilat din agad at napaigik nang hilahin ng kung sino ang buhok niya.
Napakagat ng labi ang si Alyona. Napaigik siya sa sakit nang hilahin ang buhok niya ng lalaking may hawak sa kanya kanina.
"When the boss tells you to look at him, look at him!" sigaw ng lalaki kay Alyona. Nabasa niya ang bibig nito.
sarkastikong wika ni Alyona sa sarili.
"Answer me, b*tch!" nabasa niyang sabi nito.
Umiling lang ang dalaga. 'Maiintindihan kaya nila kung isa-sign language ko lang?'
Nawalan na yata ng pasensiya ang tauhan dahil hindi pa rin siya nagsasalita. Sinampal nito si Alyona, dahilan upang mapabaling ang mukha niya sa ibang direksiyon.
'Nasaan na ang mga luha ko ngayong kailangan ko na sila? Wala na bang mailalabas pa ang aking mga mata?' naiiyak niyang wika sa sarili.
Nagmamakaawa siyang tumingin sa mga lalaki pero wala silang ginawa. Alam niyang malaking pagkakamali ang makisali o manood sa usapan ng may usapan. She recognized her mistakes and would accept her faith. 'If death is the only option, so be it.'
Umangat na naman ang kamay ng tauhan upang sampalin siya. Akmang tatama na ang kamay nito sa mukha niya nang pigilan ito ng boss.
"Did I let you hurt her? Did I allow my men to harm someone without my permission?!" nabasa niyang sigaw ng pinuno. Ilang sandali pa, napatigagal ang dalaga nang barilin nito ang tauhan.
Dahil sa nasaksihan. Maging ang mga kamay niya ay mas nanginig sa takot at pinanlamigan ng katawan.
'This is the end of me,' she said to herself.
Alam ni Alyona kung kailan siya dapat matakot o kung kailan ang hindi. Ang taong nasa harapan ng babae ay makapangyarihan—hindi lang sa salita kundi dahil din sa gawa.
Tiningnan ni Alyona ang walang-buhay na katawan ng lalaki na nasa harapan niya. Naisip niyang magiging ganito rin ang kahihinatnan niya. Maya-maya pa, nag-angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata nila ng pinuno, ang taong tila may hawak na ng buhay niya. Then she fixed her gaze on him—the boss. He is the one who will decide her faith—the one who has the power to end her meaningless existence.
All she saw in his black orbs was nothingness—no emotions or feelings—just an endless dark abyss.
Napabaling siya sa isang tauhan nang lapitan sila nito. "Mr. Zchneider, what should we do to her?" nabasa niyang tanong nito sa pinuno.
'So, Mr. Zchneider is his name—surname, rather?' she thought. Hanggang napatingin siya sa isa pang tauhan nang lumapit din ito.
"Kill her. Hindi natin siya dapat kaawaan dahil sa pangingialam niya sa business natin dito, boss!" nabasa niyang sabi nito.
She gulped as she learned the guy's horrible suggestion. Napabaling siya sa isang tauhan na unang lumapit nang ito ang sumagot.
"Stop talking, Jask. I'm not asking you!" Sa tingin ni Alyona ay ito ang pinagkakatiwalaang tauhan nitong boss nila.
Jask said, rolling his eyes.
'Sino ba talaga ang mga taong ito?' Hindi niya alam kung ano'ng pinag-uusapan nila. Ang kagagahan lang naman niya ang nagpahamak sa kaniya.
"Does she strikes you as a spy, Jask? Could you take a look at her? She's just a regular girl, nothing special," Leon answered.
Napangiwi ang dalaga. Kailangan bang pag-usapan iyon sa harapan niya? Alam naman niyang walang espesyal sa kaniya.
"Don't be fooled by her looks, Leon. We know that in this world, no one is to be trusted," makahulugang sabi ni Jask kay Leon.
Walang ideya si Alyona sa sinasabi nilang spy. All she knew was that she was going to die. Kamatayan naman ang gusto niya, ayos na sa kaniya kung ito ang sasabihin nila. Pero wala nang nagsalita sa kanila.
She's tired and hungry. 'Ano pa ba ang hinihintay nila?'
"What is your name?"
Nanlaki ang mga mata ni Alyona sa atensiyong ibinigay sa kaniya ng pinuno. Hindi iyon napansin ng dalawang tauhan dahil abala pa rin ang mga ito sa kanilang pagtatalo. Should she tell him?
Bakit kailangan pa niyang alamin ang pangalan ng taong mamamatay naman sa sarili nitong mga kamay?
Bumuka ang bibig ni Alyona upang umaktong magsasalita, ngunit muli itong sumara sa kadahilanang alam niyang wala namang lalabas na tunog sa bibig niya.
The boss looked at her weirdly. Pero bago pa siya nito saktan, nag-umpisa na siyang gamitin ang paraan niya ng pakikipag-usap. Nagtatakang napatingin naman sa kaniya ang lahat nang matapos siyang mag-sing language.
mostra pa niya, pero natigilan siya nang makitang tinawanan siya ng mga tauhan .
"Is she deceiving us?" Jask asked his comrades.
Umiling ang dalaga pagkabasa niya ng sinabi nito, at mas lalo lang nangunot ang noo nila. Magbibiro pa ba siya sa sitwasyon niyang ito kung ganito na talaga siya simula noong limang taon siya?
Everyone seemed wary for their boss's decision.
Kahit paano ay malapit lang ang sementeryo kung saan nakalibing ang kaniyang ina at kung mamamatay man siya ay nais niyang ilagak ang labi niya sa tabi nito. Kung papayagan lang sana siya ng amang nag-abandona sa kanya sa bagay na 'yon ay wala na siyang mahihiling pa.
Lumapit si Jask sa dalaga at niyugyog ang mga balikat nito bago binitiwan uli. He was curious as to whether she was acting or not.
"Don't try to fool us, b*tch! Stop fooling around and tell us who you are and who sent you!"
She flinched as Jask locked his gaze on her. He was yelling at her. Takot na takot siyang mahawakan dahil naiisip niyang masasaktan siya nang pisikal. Iyon kasi ang nangyayari sa unibersidad na pinapasukan niya—sinasaktan siya at binu-bully ng mga kaklase at kaeskuwela niya.
Alyona cowers and hug herself as defense mechanism to avoid being hit.Samantala, kitang-kita sa mga mukha ng mga lalaki ang pagkalito nang yakapin niya ang sarili. She could even see fixed on her. Pansin niyang tila may halong awa ang tingin nito, pero ayaw niyang magpadala roon. Alam niyang sa huli ay ipapapatay siya nito.
"How should we deal with her, boss?" Leon asked once more.
Hinawakan niya nang mahigpit ang biyolin ng ina na hanggang sa pagkakataong ito ay hindi pa rin niya mabitiwan. Dito siya kumukuha ng lakas ng loob sa gitna ng sitwasyong kinahaharap.
At sa kailaliman ng gabi ay kitang-kita ng dalaga ang mga mata ng lalaki.
On the other hand, the boss recognized Alyona but he could not remember where and when. Malalim siyang nag-isip ngunit hindi niya mapagtanto. His men were just waiting for his command.
biglang saad ng pinuno sa mga kasama, na nabasa naman ni Alyona.
Nanlaki ang mga mata niya. Naghintay pa siya ng sunod na sasabihin nito pero nauna na itong naglakad at sumakay sa sasakyan. The other men were also shocked with their boss's decision.
'Gano'n lang 'yon? Ligtas na nga ba ako?' tanong ni Alyona sa sarili.
"Boss, what about the spy?" Jask asked while glaring at her.
'Ano ba'ng problema nito? Bakit ang init ng ulo niya sa akin?'
"Tss, shut up and just follow our boss, Jask!" nabasa niyang sagot ni Leon.
"Lucky b*tch," ani Jask at sumunod na sa kanilang pinuno. Ganoon din ang ginawa ng iba at sinundan iyon ng tingin ni Alyona.
Nang mawala na sa tingin ng dalaga ang mga kalalakihan, doon lang siya nakahinga nang maluwag. Nagtataka man sa nangyari ay nagpasalamat na lang siya na hindi brutal ang sinapit niya sa gabing ito.
She's confused. She knew she did something wrong, ngunit walang nangyari sa kaniya. Naguguluhan siya sa klase ng mga taong nakaharap niya kanina lalo na ang pinuno nila. When she remembered his eyes, her heart skipped a beat. He was the most perplexing person she had ever met.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro