Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

HINIHINGAL na nagising ang dalaga mula sa isang masamang panaginip na kahit saan man siya magpunta ay hinahabol siya nito. Labing-apat na taon na rin ang lumipas nang mangyari ang nakaraan na iyon, pero nananatili pa rin sa puso ng dalaga ang naidulot niyon na sakit.

Tumayo ang dalaga mula sa kama at kinuha ang biyolin. Umupo uli siya sa gilid ng kama at tumugtog habang nakatingin sa bintana kung saan matatanaw ang kalangitan.

'The night is serene, and the stars shine brightly. How could the beauty of these stars value someone like me?' anito sa isipan.

Umiiyak at naninibugho ang puso ng dalaga mula sa pangyayaring naging sanhi upang siya ay maging pipi at bingi.

Her mother taught her to play the violin when she was three years old. Sa katunayan, maestra niya iyon pagdating sa mga instrumentong pangmusika. Sa galing magturo niyon ay niya ang mga chord ng biyolin. Hindi pa siya pipi at bingi nang panahong iyon.

Palaging sinasabi ng kaniyang ina na ang pagtugtog lalo na kung galing sa puso ay mas napakikinggan hindi lang ng mga tainga kundi ng buong kaluluwa.

She learned to love playing the violin because of her mother. Because of this, her Aunt Tilly, her current guardian, enrolled her in a special music class for people like her. Now she was being taught how to play the violin using vibrations and frequency.

Iba pa ang mga music book na puwedeng gamitin ng mga tulad nila. Kaya rin niya nasundan ang mga tono at nota kahit na hindi niya ito naririnig.

Sumagot ang dalaga sa pamamagitan din ng sign language. 'I'm okay, you go back to sleep, Auntie,'" pakahulugan niya.

Nagkibit-balikat ang tiyahin at niyakap siya.

Alam nitong may dinaramdam siya, lalo pa't tanging ito lang ang nakaiintindi sa saloobin ng dalaga.

'How can I be lucky to have her as my aunt?' Mapait na ngumiti ang dalaga.

Tilly sighed and kissed her niece on the cheek. "Don't try to hide your emotions from me. You know I won't buy it. I've known you since you were born."

The girl sighed and nodded. Hindi na siya nag-abalang ipagpatuloy pa ang pagmamaang-maangan niya dahil kilalang-kilala na nga siya nito. Alam nito kung nalulungkot siya o kung nanaginip na naman siya ng masama. Alam din nito kung paano pakakalmahin ang kalooban niya.

Minsan naman, kapag nasa ganitong sitwasyon siya ay ang biyolin niya ang ginagawa niyang karamay. It's a gift from her mom –the most precious thing for her.

"Go back to sleep, dear. You have a class tomorrow." Her Aunt Tilly pinched her cheeks.

Inayos din nito ang ilang hibla ng buhok ng dalaga bago nagpaalam na lalabas na. Hindi isinasara ni Tilly ang pinto dahil sa masasamang panaginip na nararanasan ng dalaga.

Hindi na nakapag-asawa ang kaniyang tiyahin dahil mas inuna siya nito. Nalulungkot ang dalaga dahil isinakripisyo ng kaniyang tiyahin ang sariling kaligayahan nito para sa kaniya. Wala siyang narinig na reklamo mula rito, kabaligtaran ng ama na halos isumpa na siya sa mga nangyari sa kanila.

Sa isang iglap ay nawala sa kaniya ang lahat nang mamatay ang kaniyang ina. Ang kaniyang Aunt Tilly at ang biyolin ng kaniyang ina ang tanging natira sa kaniya. Ang ibang mga tao naman sa paligid niya ay ilap sa kaniya at wala man lang sumubok na makipagkaibigan.

'I wished someone will accept me for who I am.' Matagal na niyang hiling ang bagay na ito pero

Hinawakan niyang mabuti ang biyolin at muling nag-umpisang tugtugin ang kantang palaging pinakikinggan nila noon ng kaniyang ina. At kahit hindi siya nakaririnig ay tama pa rin ang tono at tempo niya sa pagtugtog, dahil noon pang bata siya ay kabisadong-kabisado na niya ang kanta.

'My name is Alyona Karina Gabriel, sounds angelic, but I am not an angel. I'm a broken girl who wants to end her life,' she told herself bitterly.

Limang taon siya nang hindi makapagsalita at makarinig dahil sa trahedya na nangyari sa kaniyang pamilya. Tila ba pakiramdam niya ay hindi na niya kayang gawin ang magsalita dahil sa nangyari sa kaniya at sa kaniyang ina. She cut herself off from everyone. She didn't want anyone to enter her world. Para sa kaniya, madaling manghusga ang mga tao lalo na't wala silang alam sa pinagdaraanan ng iba. Kaya matagal na rin niyang sinukuan ang paghahanap ng mga tunay na kaibigan o ng mga taong magmamahal sa kaniya.

'No one will love you! You killed your own mother! You will die alone! Wala kang magiging kaibigan! Walang taong maaatim na makasama ka!'

Napapikit siya nang maalala ang huling mga salitang narinig niya bago siya mawalan ng pandinig. Mga salitang mula sa tao na akala niya ay mas dapat na makaiintindi at magmamahal sa kaniya.

'I accept my faith now. I am pathetic, a loser, and a deaf-mute. I can't hear or speak to them, but I can read their lips. I understand what they're saying,.' This was her thought when she decided to stay away from everyone.

Huminto siya sa pagtugtog ng biyolin. Naiinis na sinabunutan niya ang sarili nang maalala niyang may pasok siya kinabukasan. Babalik na naman siya sa kalbaryo niya—ang pagkatuwaan ng halos lahat ng estudyante.

Ilang beses na siyang nagmakaawa sa tiyahin na huwag na siyang pumasok sa eskuwela ngunit tumanggi ito at pinagsabihan pa siya.

'The best way to your future, Aly, is through your education,' naalala niyang sabi nito sa kaniya. Sa music class lang yata hindi takot ang dalaga.

Tumango na lang ang dalaga noon bilang sagot sa sinabi ng Aunt Tilly niya kahit na hindi naman iyon ang gusto niya. Mas nanaisin pa niyang tumugtog nang tumugtong na lang ng biyolin.

Kinuha niya ang Conservatory of Music bilang kurso dahil sa hilig sa musika. Music is her life. She can't live without it. It always makes her relax and at peace. As if may pagpipilian pa ang dalaga gayong siya at ang biyolin lang ang naging matalik na magkaibigan.

'I hope tomorrow will be okay,' piping dasal ng dalaga habang pinanonood ang kisame habang iniisip ang mangyayari sa isang tulad niya.

***

LUMABAS na si Alyona mula sa silid niya at bumaba sa hagdan upang mag-agahan. Dala-dala niya ang kanyang biyolin. Kahit saan magpunta ang dalaga ay dala-dala pa rin niya ang munting pamana ng ina.

Hindi niya iyon inihihiwalay sa kaniyang katawan dahil iyon lang ang nagpapatatag at nagbubulong sa kaniya na ipagpatuloy lang ang buhay.

She entered the kitchen and saw her Aunt Tilly cooking her favorite pancake. Araw-araw itong ginagawa ng ginang para sa dalaga. Minsan naisip ni Alyona, hindi kaya magsawa si Aunt Tilly niya sa kaniya? Pabigat lang siya sa iba, walang nakatatagal sa kaniya.

May mga negosyo itong namana mula sa mga magulang nila ng ina ni Alyona. Dahil wala na ang ina ni Alyona, sa kaniya napunta ang parte ng yumaong kapatid. Pero bilang si Tilly ay wala ring mapagbibigyan ng mana, kay Alyona rin mapupunta ang lahat kung sakali.

Nilingon siya ng kaniyang tiyahin at nginitian.

"Good morning, Princess Aly! How's your sleep? I hope it is fine!" she said and used sign language.

"Umupo ka rin muna at kumain. Sabay na tayong umalis. Ihahatid na kita sa university," dagdag pa nito. Pagkatapos ay naghain na ito sa mesa. Nag-umpisa na silang kumain.

Alyona's aunt was wearing her usual business attire. She's gorgeous. Samantalang si Alyona ay nakasuot na naman ng hoody.

'I guess I'm afraid of people staring at me, so I hide from them. I don't want them to hurt me again,' sabi niya sa sarili habang kumakain. Kung kailangang iwasan ay iiwasan niya ang ibang tao.

"Ayaw mo ba ng pagkain, Aly?" Tilly asked worriedly.

Yumuko ang dalaga at napalabi bago niya sinenyasan ang tiyahin.

'Aunt, I don't want to go to school.'

Bumagsak ang balikat ni Tilly. "Napag-usapan na natin ito, 'di ba? It's for your own good." Mababakas din ang lungkot sa mukha nito na parang nadidismaya ito sa sarili na hindi nito maprotektahan ang pamangkin.

Alam kasi nito ang nangyayari sa dalaga sa loob ng unibersidad na iyon, ngunit kahit na ilang beses siyang nakiusap ay may mga estudyante pa rin na pinaglalaruan ang dalaga at hindi naiintindihan ang espesyal na kondisyon ni Alyona.

"I'm sorry, Aly, I can't stop them. But please, try to understand. Kaunting tiis na lang."

Napayuko na lang si Alyona. Wala naman siyang magagawa kundi ang sundin ang tiyahin. Ito lang ang taong nag-aalaga sa kaniya kaya sinusunod niya ang lahat ng gusto nito.

Pagkatapos mag-almusal ay nauna na siyang lumabas ng bahay at sumakay ng kotse. Sa ikinikilos naman ng dalaga ay napabuntonghininga na lang si Tilly. Malamang na hindi na naman ito papansinin ng pamangkin.

Alyona stared at the house where she grew up. Malaki nga ito para sa kanilang dalawa. Pinakiusapan ni Alyona si Tilly na huwag nang kumuha ng mga katulong. Gusto niya na sila-sila lang. Ayaw niyang may ibang taong titingnan siya na may awa sa mga mata nila.

This townhouse witnessed her youth. Ang kalungkutan at pag-iisa ng dalaga ay nasaksihan ng bahay na ito.

She was snapped with her reverie when Aunt Tilly opened the driver's seat door. Nilingon niya lang ito at ibinalik uli ang tingin sa bintana.

Alyona's school was a walking distance from their house, but sometimes Tilly prefered to drive her there.

Nang dumating sila sa unibersidad ay parang ayaw ni Alyona na lumabas ng sasakyan. She felt terrified and unsafe. Some of the students were absolute monsters. If they were dogs, Alyona would have been bitten.

This was why she kept on insisting that she didn't want to go to school.

"Aly, bumaba ka na," sabi ni Tilly matapos siyang kalabitin.

Alyona stared at her, pleading, but her aunt shrugged at her.

Laglag ang mga balikat na bumaba sa kotse ang dalaga. Naiinggit ang dalaga sa itim na mga mata ni Tilly, hindi katulad ng sa kaniya na kulay berde na tulad sa pusa.

Sabi ng iba, mukha raw siyang freak. No, she's not. She just inherited her father's eyes. Her father's lineage was a part Dutch.

Lumabas si Tilly sa kotse at niyakap si Alyona nang mahigpit. She also kissed her forehead lovingly before she cupped Aly's face. She knew what's playing on her mind. Kaya hiniling nito na sana, kahit kaunting sakit na nararamdaman ng dalaga ay makuha nito.

Agad namang humiwalay si Aly sa pagkakayakap ng Aunt Tilly niya. Then she forced a fake, kissed her aunt's cheek, and ran toward the university gate. Hindi na niya tinangkang lingunin uli ang tiyahin dahil sa sama ng loob.

Nang makalapit sa gate, sandali siyang huminto. 'Here goes my hellhole.'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro