Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

"A-Ano?"

Mas lalo akong napahikbi nang makita ang pagkagulat ni Sab.

"God, Ayesha, seryoso ka ba?"

Tumango ako habang umiiyak.

"Jusko." She combed her hair in frustration. "A-Anong... Pumasok ka muna." Inalalayan niya ako papasok at pinaupo sa sofa.

Pinagmasdan niya akong umiiyak doon habang sapo-sapo ang noo. Ang isang kamay niya'y nasa bewang at kagat-kagat pa ang pang-ibabang labi.

I couldn't stop myself from crying. Or maybe, it was more appropriate to say I was trying to stop myself but my tears wouldn't just listen. Patuloy sila sa pagtulo na tila ba nag-unahan dahil sa kanilang pagkakasunod-sunod.

She let me cry in silence, and I thank her for that. Kailangan kong ilabas ang mga luha ko dahil hindi ko alam ang mangyayari kung hindi ko gagawin iyon.

My chest hurts like it has been stabbed for multiple time but there's a little light within that tells me that I should not cry for it. It's a blessing. Yes, it is. But... I don't think he'll believe me. He hates me. He hates my family...

Nang kumalma ako nang kaunti ay inabutan niya ako ng tubig. Tinanggap ko naman iyon at tahimik na nagpasalamat pero hindi rin ininom.

Umupo siya sa kaharap kong silya, gulo at may awa sa kaniyang mga mata.

"Anong plano mo ngayon?" She softly asked.

Umiling ako at muling napahikbi. Mabilis naman siyang dumalo sa akin at niyakap ako. I cried on her shoulder.

I really don't know...

"Yesh naman kasi..." she frustrated said and I felt her sobbing with me, too. "Alam mo naman 'yong sitwasyon niyo, 'di ba?" She asked but I have nothing to answer her.

I know. That is why I'm crying. I don't know if I can take this or not. But still, I know too that he has the right to know. Maybe... Just maybe he'll be okay with it. That maybe he'll have a change of heart. Isa pa, may matagal kaming pinagsamahan.

Umahon ako sa pagkakayakap kay Sab at pinunasan ang mga luha. She worriedly stared at me, waiting for me to say anything.

"Sasabihin ko sa kaniya," mahinang sabi ko.

Napapikit siya at namasahe ang noo.

"You know that he won't listen to you, Ayesha! Baka ano pang gawin niya sa 'yo!"

A lone tear fell from my right eye. She's right. "But he has the right to know, Sab..."

"Bakit ba kasi... Bakit ba kasi nagpabuntis ka?!" She frustrated stood up and faced me. "Alam mong kinamumuhian niya ang pamilya niyo, Ayesha. Ano ba naman 'yan!"

Muli akong napaiyak. I know my fault. And she's probably right. He won't listen to me. His ears had been closed since then. His heart never opened again. And his eyes never looked at me with gentle stare but the ruthless one. He loathes me.

"Yesh, dalawang buwan na lang, graduate na tayo!"

"Wala naman akong planong huminto, Sab," sagot ko.

Natahimik siya saglit pero kita pa rin ang frustration niya. I looked at her with tired eyes.

"Kailangan kong sabihin sa kaniya..."

"At pagkatapos? Kung hindi ka pananagutan, anong gagawin mo?" Yesh naman." Her tears fell.

I know. She's greatly worried. Alam niya ang lahat-lahat nang tungkol sa akin. She knows how fucked my life is. She knows my pain and struggles. And I know hers, too. We were like sisters. And I thank God for giving her to me. She's the only precious person I can lean into.

"Bubuhayin ko ang bata nang mag-isa," I answered with conviction.

Her tears fell again. Pity was on her eyes. Alam kong alam niya na mahihirapan ako sa pagbuhay ng bata kung ako lang mag-isa.

She went to me and hugged me tightly.

"Nandito lang ako para sa 'yo," she whispered and I was like being assured by the world.

"Salamat, Sab." I then stood up and fixed myself, now determined to go.

"Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo, Yesh?" Nag-aalalang tanong niya nang ihatid ako sa baba.

I nodded and smiled at her.

"I'm always here," she reminded me and we hugged before I left.

Tahimik ako sa loob ng taxi habang bumabiyahe papunta sa bahay nila. Mabilis ang pagtibok ng puso ko sa totoong kabang nararamdaman.

Hindi ko alam ang mangyayari. My mind was battling with the choices that he may either believe and accept me and the baby or he won't and he'll push me away. And my gut really thinks that it's the latter.

I went inside their tall gate. Hinagilap pa muna ng mga mata ko ang maliit na bahay namin noon sa likuran ng bahay nila bago ako pumasok sa likurang pintuan.

Nagulat ako nang makita na nagmamadali at natataranta ang mga tao sa kusina. When they saw me, they were even more surprised and immediately went to me.

Bago pa sila makalapit, nakarinig na ako ng isang malakas na kabog mula sa sala, and that made my heart race. Is he destroying things again?

"Yesha, hija..." Si Manang Lolita ang naunang lumapit sa akin. Bakas sa mukha niya ang taranta at takot.

"A-Ano pong nangyayari?" Kinakabahang tanong ko.

Hinawakan niya ako sa braso at inilayo roon. Nang matanto kong plano niya akong palabasin ng bahay ay kumawala ako.

"Manang, ano po bang nangyayari?"

"Umalis ka na muna, hija. Baka makita ka ni Senyorito."

"Bakit po?"

"Bas—"

Pareho kaming natigilan nang makarinig ng isang putok galing sa sala. Sa sobrang gulat ni Manang Lolita ay nabitawan niya ako kaya mabilis akong nakatakbo papunta sa pinaggalingan ng putok.

Tumigil ang mundo ko sa naabutan. Nandoon si Ma'am Laureen at nasa likod niya si Kuya Axel. Sa harap nila ay si Lars na tumataya ng baril.

"Lars..." sa sobrang hina ng boses ko ay hindi niya ako narinig.

"Hijo, ibaba mo iyan, pakiusap..." His Mom, Ma'am Laureen begged him.

"Umalis ka sa harap ng lalaking 'yan, Mama!" Lars shouted angrily then his bloodshot eyes went to my brother.

"Ang lakas ng loob mong pumasok sa papamahay ko, ano?" He sarcastically laughed. "O baka naman lagi kang nandito sa tuwing wala ako? Dapat ba magpasalamat ako na hindi natuloy ang lakad ko ngayon at nahuli kita ritong putangina ka?!" He shouted so loud that I almost jumped.

Hindi sumagot si Kuya at seryoso lang siyang tinitigan. Naputol ang pasensiya ni Lars at lumapit sa kanila.

"Anak! Anak, huwag mo siyang sasaktan!" His mom begged, clinging into my brother's chest and shielding him from his son.

"Umalis ka, Mama!" He shouted and pulled his mom away, so strong that Ma'am Laureen got detached with my brother.

Nagawa niyang ilayo ang Mama niya sa Kuya ko at ganoon na lang pagsigaw namin ni Ma'am Laureen nang tayaan niya ng baril si Kuya.

"Lars!" My tears fell and I was immediately on my brother's side to shield him.

"Ayesha!" My brother lost his cool and shouted at me, worried.

Hindi ako nakinig sa kaniya. Tumulo ang luha ko habang pinakatitigan si Lars. His jaw clenched.

"Move, Ayesha Kate," he warned me.

Umiling ako, patuloy pa rin sa pagtulo ang luha. "Please don't do this..." I begged. "Please..." I took a step forward.

I saw a sudden change of emotion in his eyes but was immediately replaced with anger.

"Move!" He shouted and I had to shut my eyes to contain the fear.

My body was shaking in horror. I was afraid, not just for myself and for the baby, but for him, as well. I had never seen him so violent before. Yes, he easily loses his cool but he never came to the point that he held a gun. I don't want him to be violent. It's not him...

"Lars, itigil mo na 'to, please..." With all my built courage, I begged again.

Mabigat ang paghinga niya habang nakatitig sa akin. Nagsimulang manginig ang kamay niyang nakahawak sa baril at nakita ko ang bahagyang paglambot ng mga mata niya. Para bang ngayon niya lang tuluyang naintindihan ang ginagawa.

A faint strain of hope arose within me. Ngunit bigla rin iyong nawala nang makita ang pag-iling niya.

"Umalis ka," mahinang banta niya, nagtitimpi.

Umiling ako. "This is not you, Lars. Please..."

"What do you even know about me?"

Pumilas sa dibdib ko ang binitawan niyang mga salita.

Ganoon mo na ba ako kinamumuhian, Lars?

"Step aside, Ayesha." With danger in his voice, he talked again.

Umiling ako at imbes na humakbang palayo ay humakbang palapit.

"Umalis ka!" He panicked.

At mabilis na nawala lahat ng tunog sa paligid nang umalingawngaw ang putok ng baril.

I winced from the pain when the bullet hit my arm. Daplis lang iyon ngunit mabilis na tumagas ang dugo mula sa braso ko. And it hurts. So much.

"Ayesha!" Sigaw ni Kuya at mabilis na dumalo sa akin nang matumba ako dahil nawalan ng balanse.

My breathing became ragged when I saw the blood trickling down my arm. Hindi ako makapaniwalang nag-angat ng tingin kay Lars na noon ay gulat na gulat sa sariling nagawa.

Nabitawan niya ang baril at nanginginig na humakbang palapit. Nababakas ko ang ekspresiyon niyang tila hindi alam ang gagawin. Alam kong hindi niya sinasadya iyon. Hindi niya sinasadyang mapitik ang gatilyo. Nadala siya ng pagkataranta sa paglapit ko pero hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa niya akong barilin.

An immediate fear for my baby surfaced as I stared at his uncertain eyes. The man whom I then thought would protect me turned out to be the man who will hurt me.

"Yesh..." Sa nanginginig na boses ay tinawag niya ang pangalan ko sa paraang ilang buwan ko nang hindi narinig sa kaniya.

"Don't come near me," nanginginig ding tugon ko habang tumutulo ang luha. Ramdam ko ang pagkamuhi sa boses ko.

Tumayo ako, inaalalayan ni Kuya at tumalikod para umalis, hawak-hawak ang sugatang braso.

"Yesh, sandali—"

"Huwag kang lumapit," Kuya Axel warned him with his baritone voice.

"Ano ba, bitiwan mo ako!" He shouted with his anger to my brother.

Bumilis ang pagtulo ng luha ko nang tuluyang makalabas. Mabilis ang mga hakbang ko, hindi gustong maabutan niya pa lalo pa'y naririnig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko.

"Yesh. Yesh, saglit..." Hinawakan niya ako nang maabutan.

Hinarap ko siya nang may galit sa mga mata, dahilan upang hindi siya makagalaw. Pagkatapos ay muli akong tumalikod para tuluyang umalis.

Ramdam ko na ang panghihina habang nakasakay sa taxi. The driver offered to bring me to a hospital but I refused and told him to drop me by McRed's Tower, instead.

Hindi ko akalaing magagawa niya iyon. Paano kung hindi lang braso ko ang natamaan? Paano kung natamaan niya ang tiyan ko? Ang anak namin?

Tumulo ang luha ko. Hindi ko ata matatanggap kung iyon ang mangyayari.

Ang dahilan lang naman ng pagpunta ko roon ay para sabihin sa kaniya na... buntis ako. Buntis ako sa anak niya... Pero bakit ganito ang nangyari?

Namumungay na ang mga mata ko nang sumakay sa elevator patungo sa floor nina Sabrina. Marami na ang nawalang dugo sa akin dahil kahit ngayon ay patuloy pa rin ang pag-agos nito mula sa braso ko. Hindi pa nakatulong ang tuloy-tuloy na pagtulo ng luha na siyang mas nagdadagdag sa panghihina ko.

Shock washed over Sab's face when she opened the door for me.

"Ayesha!" Gulat na sigaw niya at mabilis akong dinaluhan. "A-Ano... Anong nangyari?!" Batid ko ang pagkataranta niya.

"T-Tulungan mo akong makaalis, Sab. Please..." Sa nanghihinang boses ay nasabi ko.

"A-Ano? T-Teka, ano bang nangyari? Jusko, Ayesha!"

"K-Kailangan kong umalis, Sab..." I sobbed.

"S-Saan? I mean, bakit ka aalis?" Natatarantang aniya.

"Si—ah!" Napahawak ako sa tiyan ko nang bigla iyong sumakit.

"Y-Yesh? Anong—"

Takot ang bumalot sa mukha ni Sab nang tingnan ako.

"D-Dinudugo ka..." Natitigilang aniya.

"An—" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin nang manghina ako at unti-unting nawalan ng malay.

"Oh, my God! Ayesha!" Naramdaman ko ang pagyugyog ni Sab sa akin.

"What's happening?"

"Luke, goodness! Dalhin natin sa ospital si Ayesha, please! Dinudugo siya!" Rinig ko na ang malakas na hikbi ni Sabrina habang nagsasalita.

"Got it," mabilis at kalmado na sagot ni Luke.

Naramdaman kong umangat ako at doon na ako tuluyang nawalan ng malay.

Nang magising ako, mabilis akong nakaramdam ng hilo. My eyes wandered the clean room until it stopped on the machine ticking beside me.

Rumagasa ang taranta sa sistema ko nang tuluyang bumalik sa alaala ang pagdurugo kanina. Mabilis akong napabangon dala ang nanghihinang katawan.

"Yesh..." Sab immediately went to me.

Lumuha ako nang mag-angat ng tingin sa kaniya.

"'Yong baby... H-How's my baby?" Nanginginig na tanong ko.

Napayuko siya at unti-unting umiling, dahilan para matigilan ako.

"Sab... A-Anong..." Hindi ko magawang ipagpatuloy, takot sa magiging sagot niya.

"I'm sorry." Her tears fell on my hand. "You lost one of the twin you were carrying."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro