Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Name

“Ang bait po pala talaga nina Ma'am Laureen, 'nay.” Hindi ko napigilan ang pagsasalita habang nag-aayos kami ng mga gamit.

Pagkatapos naming kumain kanina ay ipinahatid na kami dito sa matutuluyan namin. Isa siyang maliit na bahay sa likuran ng mansiyon nina Ma'am Laureen pero mas malaki pa rin kaysa sa noong tinitirhan namin. May dalawang kwarto na tama lang ang laki, may sariling sala pa at kusina kaya tuwang-tuwa kami ni Nanay. Ito ata ang unang pagkakataon na nagkaroon kami ng bahay na talagang matatawag namin na amin. Iyon bang hindi namin kailangang magbayad, bagaman pagtatrabahuhan namin ang pagtira rito.

Ang bubong nito ay gawa sa yero at sa loob ay may plywood na kisame pa. Ang mga bintana rin ay tama ang laki at pinapasukan ng preskong hangin. Maganda iyon at kahit hindi naman lahat ng gamit ay bago, presentable pa rin at malinis. Kung tutuusin ay mas marami pa ang gamit dito kaysa sa iniwan naming bahay. Ang dalawang kwarto ay paghahatian naming tatlo. Dahil kulang nga para mag-isa-isa kami ay napagdesisyonan naming si Kuya na lang ang bumukod at kami ni Nanay ang uukupa ng isang natira.

“Oo. Kaya nga hiyang-hiya na ako. Ang dami na ng naibigay nila sa atin, hindi pa man tayo nagsisimula sa pagtatrabaho.” Halata ang hiya ni Nanay ngunit mababakas din ang pagpapasalamat sa boses niya.

“Oo nga po,” sang-ayon ko.

Tumigil siya sa pagtutupi ng damit at maayos akong hinarap. Pareho kaming nakaupo sa malaki at malambot na kama, nag-aayos ng mga damit na ilalagay sa cabinet.

“Kaya ikaw, huwag uunahin ang paglalaro. Nakakahiya na nakipaglaro ka pa sa anak nila kanina. Sinabi ko nang trabaho ang ipinunta natin dito.”

Napanguso ako. “Pinayagan naman po ako ni Ma'am Laureen, 'nay. Isa pa, si Lars po ang namilit.”

“Huwag nang magdahilan. Basta't bukas ay maaga pa tayo gigising para makapagtrabaho. Sigurado akong marami tayong gagawin. Sa laki ba naman ng bahay nina Ma'am Laureen, alam kong malawakang paglilinis ang gagawin natin.”

“Mukha naman na pong malinis 'yong bahay nila,” puna ko dahil iyon ang unang napansin nang pumasok kanina. Makikintab kasi ang muwebles doon at kahit saang paligid ay wala akong makitang alikabok. Isa pa, sigurado akong may ibang katulong din sila na naglilinis.

“Tama ka. Pero kahit na. Mas mabuti pa ring siguraduhin natin ang kalinisan ng mansiyon nila. Kahit pambayad na lang sa kabaitan nila sa atin,” dagdag niya.

Ngumiti ako at tumango bilang pagsang-ayon.

Tama si Nanay. Magpasalamat dapat kami na hindi na namin kailangang magpakahirap sa pagtitinda o paglalako ng kung anu-ano para makabayad ng upa. Malaking bagay na nabigyan kami ng tahanan at pinapakain pa kapalit lamang ng paninilbihan namin. Hindi na masama iyon. Malaking tulong na iyon sa amin. Mas lalo pa ngayon na pag-aaralin pa kami sa isang kilalang paaralan. Mas lalong dapat kong pag-igihan at pagbutihin ang pagsilbi sa kanila para kahit papaano ay masuklian ang kabutihang loob na iyon.

Pinagpahinga lang kami sa araw na iyon. Kahit pa gusto sana ni Nanay na magsimula na agad kami ay hindi kami pinayagan ni Ma'am Laureen. Ang sabi niya pa ay kailangan naming magpahinga dahil kagagaling lang namin sa biyahe kaya tuloy buong araw akong walang ginagawa. Nakatanaw lang ako roon sa puno ng mangga na nasa malapit ng bahay namin. Wala pa iyong mga bunga at berdeng-berde pa ang mga dahon.

Habang nakadungaw sa bintana ay napatalon ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Lars. Malaki ang ngisi niya, walang pinagkaiba sa ngisi ng isang pasaway na bata. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa biglaan niyang pagsulpot kaya hindi agad nakapagsalita.

“Tara,” bibo niyang untag.

“Saan?” tanong ko nang makabawi.

He only grinned at me before running away. Sa taranta ko tuloy kung saan siya nagpunta ay agad akong lumabas upang sumunod. Nang makalabas ay naabutan ko na siyang mabilis na umaakyat sa puno ng mangga. Sa gulat ko at pangambang baka mahulog siya ay napatigil agad ako sa ilalim ng puno nito, inaabangan ang bawat galaw niya, kinakabahan sa posibilidad na baka siya mahulog.

“Come here!” Sigaw niya mula sa unang malaking sanga nito.

May kataasan ang puno at hindi ako maalam sa pag-akyat. Isa pa'y may takot ako sa matataas na lugar kaya kapag umaakyat ako roon ay hindi ko na alam kung paano bumaba. Manginginig lang ako sa takot.

Umiling agad ako nang maalala na minsan na akong nahulog nang sinubukan kong bumaba mula sa inakyat na puno ng santol. Ang sakit ng pwet ko no'n at ayokong maulit iyon. Isang oras din akong pinagalitan ni Nanay noon.

“H-Hindi na. Dito na lang ako,” nalululang sagot ko.

Nakita ko ang pagsimangot niya. Nakatayo lang siya roon at walang pang hinahawakan na para bang hindi siya takot na mahulog.

“You're no fun. Sige na, akyat ka, may ipapakita ako,” pangungumbinsi niya.

Mariin akong umiling ulit. Hindi ko talaga ata kaya. Baka mawalan ako ng malay kapag nasa itaas na ako.

Mas lalo siyang sumimangot at lumungkot pa nang bahagya ang mga mata kaya bigla akong na-guilty.

“You don't want to play with me.” 'Ayan na naman siya sa linyang iyon.

Wala bang naging kalaro ito sa tanang buhay niya at parang ang lungkot-lungkot? Akala ko ba ay nakakalaro niya ang mga pinsan niya? O hindi ba madalas dito ang mga iyon? Kaya ba gustong-gusto niya ng kalaro ay dahil wala siyang kalaro palagi?

“A-Ano kasi... N-Natatakot kasi ako sa mga matataas,” nahihiyang pag-amin ko.

Natahimik siya sandali at hindi ko alam kung anong naging reaksiyon niya dahil nakayuko ako. Napa-angat lang ako ng tingin nang narinig ko siyang bumaba.

Hinarap niya ako nang may masiglang ngiti sa mga labi, saka siya lumapit.

“I'm with you. Come on, hindi kita pababayaan,” usal niya na para bang kaya niyang protektahan maging ang buhay ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at dahil sa pagkakatigil ay wala akong nagawa nang hatakin niya ako papunta sa puno. Pagdating sa gilid no'n ay hinarap niya ako.

“I'll go first, sumunod ka,” he instructed and I did nothing but to nod. He has this convincing aura that I can't just nudge off.

Nagsimula siyang umakyat at kahit nanginginig ay sumunod ako sa kaniya. Siya lang ang tinitingnan ko habang paakyat.

“Don't look down,” sambit niya pa na napapalunok ko namang sinunod.

He successfully reached the first branch and settled himself there. Pagkatapos ay nilingon niya ako at inabot ang kamay niya sa akin. Kahit natatakot na baka mahatak ko siya ay inabot ko pa rin ang kamay ko at hinayaan siyang tulungan ako na makasampay sa unang sanga. Nang magtagumpay ay doon ko lang napakawalan ang hiningang hindi ko namamalayan na pinipigil ko pala.

“Are you still scared?” Nakangiting tanong niya.

Tumango ako, kapit na kapit sa sanga. Hindi rin ako tumitingin sa iba, sa mukha niya lang, dahil natatakot akong malula at mawalan ng balanse.

He smiled and sat down comfortably. Saka niya itinaas ang kamay upang ituro ang isang direksiyon.

“Look,” he urged and I did.

With partly opened lips and eyes in full awe, I stared at the wide ricefield from a distance. Kita iyon mula sa parteng ito ng puno. Mapapansin ang mga magsasakang nagtatrabaho roon. Ang iba ay nagtatanim, ang iba ay naglilibot. Lahat sila ay nakabilad sa init ng araw.

“Wow,” I uttered in amazement.

“It's beautiful, isn't it? Gusto ko ring maranasan na gumawa ng ginagawa nila,” Lars said.

Napatingin ako sa kaniya. May kinang sa mga mata niya na para bang iyon ang pinapangarap niyang trabaho. I then smiled sadly.

Totoo ngang hindi kasiyahan ang kayamanan. Here goes a kid who have all the riches but still dreams to experience planting rice and grains. He desires a simple life which luxury can't give. Sa dami ng yaman nila, sa laki ng bahay, heto siya at napapangiti sa panonood sa mga magsasaka.

Binalingan niya ako kaya nagtagpo ang mga mata namin. He smiled  sweetly at me.

“What's your name again?” He asked.

I was mesmerized for a second. His coffee-colored eyes look like they are shining because of the sun's light.

“Ayesha Kate,” mahinang sagot ko.

“Too long,” nakangusong reklamo niya.

“Uh, pede namang Yesh na lang. Ganiyan ang tawag sa 'kin nina Nanay.”

“Sige. Yesh.”

Natahimik kami pagkatapos. Ibinalik ko na lang din ang tingin sa palayan nang mapansing doon din ang mga mata niya. Pero hindi nagtatagal ang mga mata ko ro'n dahil palagi akong napapabalik para titigan siya.

He looks... happy. Kahit seryoso ay parang nakangiti ang mga mata niya dahil sa kakaibang kinang nito. Nakakainggit pa ang kulay kape niyang mga mata. Ang sa akin kasi ay talagang itim lang. Minsan nga'y parang wala raw buhay. Hindi ito bumabagay sa makurba kong kilay, may katangusang ilong, manipis na labi at morenang kutis. Ibang-iba kami.

His looks really screams wealth. Malinis at plansado ang damit, maputi rin siya at halata sa mukha na galing sa mayamang pamilya.

Napababa tuloy ang tingin ko sa sariling suot. Isang manipis na t-shirt at short lang ang suot, may sira pa sa gilid ang tsinelas, at hindi pa nasuklay nang maayos ang hanggang baywang na buhok. Para talaga akong batang kalye. Halatang-halata na walang-wala sa buhay. Bakit ba ako kinakaibigan ng mayamang bata na 'to? Ganiyan na ba siya kalungkot sa malaking palasyo nila?

Ilang minuto pa ang itinagal namin doon bago ko narinig ang boses ni Nanay na naghahanap sa akin mula sa loob ng bahay. Nagkatinginan kami ni Lars at agad niyang naintindihan ang ibig kong sabibin kaya mabilis siyang kumilos para bumaba. Nang ako na ay doon ko lang naalala na hindi nga pala ako marunong. Kinabahan agad ako at hindi pa nakatulong ang paggawi ng mata ko sa ilalim. Kitang-kita ko kung gaano kataas ang inakyat namin.

“Tara na,” sigaw niya mula sa baba.

Napalunok ako at sinubukang ibaba ang paa ngunit agad ding bumalik sa taas. Hindi ko kaya!

“Yesh, ayaw mo pa ba bumaba?” si Lars ulit.

Naiiyak akong umiling sa kaniya, malakas na ang pintig ng puso.

“H-Hindi ako marunong...”

He got silenced. Tiningnan niya lang ako, walang emosiyon sa mukha pero tila nag-iisip. Hanggang sa tumalikod siya at biglang na lang tumakbo paalis.

Sa pag-aakalang iniwan niya ako roon ay napaiyak ako. Hindi ko alam kung paano bababa at kung iiwan niya ako, paano ako makakaalis dito? Natatakot ako. Baka mahulog ako.

“Ayesha! Jusko namang bata ka, anong ginagawa mo riyan?!” Gulat na tanong ni Nanay nang makita ako mula sa bintana.

Mas lalo lang akong napaiyak. Baka paluin ako ni Nanay pagkababa. Masakit siyang mamalo. Kapag pinapalo niya ako, pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ng kamay niya. Humahapdi ang pinalo niya at iniindi ko nang ilang oras.

Dali-dali ang mga hakbang niya papunta sa puno. Sa hitsura niya ay alam kong galit siya at paniguradong pagagalitan niya ako.

“Bumaba ka rito!” Sigaw niya.

Napailing ako habang umiiyak. Kung dahil ba ayokong mapalo at mapagalitan o dahil hindi ako marunong bumaba ay hindi ko na alam.

“Ayesha, isa! Bumaba ka!” Muling sigaw ni Nanay.

“Saglit lang po, hindi siya marunong bumaba. Padaan po.” Napatigil ako nang marinig ang boses ni Lars.

Dumungaw ako sa ibaba at natigilan nang makita siyang may dala-dalang hagdan. Sa maliit na katawan niya ay pinaghirapan niyang buhatin iyon at isinandal sa katawan ng puno. Nang matantiyang malakas ang pagkakakapit nito ay saka siya nag-angat ng tingin sa akin at ngumiti.

“Baba ka na. Hahawakan ko 'yong hagdan hanggang sa makababa ka,” malumanay na sabi niya, pinapanatag ang loob ko.

Pinunasan ko ang basang mukha at pinakalma muna ang sarili. Nakipagtitigan ako sa kaniya. He gave me an assuring smile. And it seems to me that all my worries flew away. Sa huli'y determinado namang akong tumango at nagsimulang bumaba.

I didn't know if it's because of its proper placing in the tree or because of his strong grip that the ladder didn't even moved a bit until I reached the grassy ground. Pagkababa at pagkababa ko ay agad akong hinarap ng ngiti niya.

“You're safe now,” he said gently before turning to Nanay. “'Wag niyo po siyang pagalitan, ako po ang pumilit sa kaniyang umakyat kanina,” aniya kay Nanay na noon ay gulantang pa sa naging asal nito.

Lumapit siya sa puno at hinawakan ang hagdan. Saka siya pumihit sa amin nang mabuhat niya iyon.

“Sige po, ibabalik ko na 'to,” paalam niya bago tuluyang umalis.

Naiwan kaming tahimik ni Nanay. Nang magkatinginan at nakita ang tila dismayado niyang tingin ay agad kong hinanda ang sarili sa pangangaral niya.

“Nakipaglaro ka na naman ba kay Lars, Ayesha?” mariing tanong niya.

Napayuko ako at naramdaman ang panunubig ng mga mata. “S-Sorry po, 'nay. Bigla na lang kasi siyang sumulpot sa may bintana at niyaya ako,” paiyak kong sagot.

Tumahimik siya sandali bago nagbuntong hininga. Lumapit din siya para punasan ang luha ko gamit ang laylayan ng kaniyang lumang t-shirt.

“Bakit ba kasi umakyat pa kayo sa puno? Alam mo nang hindi ka marunong bumaba. Sana ay dito na lang kayo sa baba naglaro. Napilitan pa tuloy siyang kumuha ng hagdan. Paano kapag nakita iyon nina Ma'am Laureen at mapagalitan pa tayo?”

Humikbi ako at yumakap sa baywang niya. “S-Sorry po, 'nay.”

She sighed once more and caressed my hair with her calloused yet gentle hand.

“Siya, tahan na. Basta't huwag uunahin ang paglalaro, Yesh. Magtatrabaho na tayo bukas at ayokong makita kang nakikipaglaro nang hindi pa tapos ang mga gawain,” aniya na mabilis kong tinanguan.

Alam kong kailangan naming magtrabaho. Hindi na rin ito ang unang pagkakataon na sinabi niya ito at naiintindihan ko iyon. Hindi pwedeng maglaro na lang ako habang pinapakain kami at pinapatira nang libre. Kailangan kong pagtrabahuan ang lahat dahil kahit mabait sina Ma'am Laureen, hindi pa rin tamang abusuhin namin iyon.

Bumalik kami sa bahay at doon na natapos ang araw ko. Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na kami para magtrabaho. Nakila rin namin ang iba pang mga kasambahay doon na sina Manang Lolita na siyang pinakamatagal na roon at siyang tagaluto, si Ate Hazel na pamangkin ni Manang Lolita na tagapaglinis din ng buong bahay, at si Ate Nemi na isa ring tagapaglinis at kung minsan ay tumutulong din sa kusina. Siya rin iyong sumundo sa amin noong unang pagpasok namin dito.

Inatasan kaming dalawa ni Nanay na tumulong sa paglilinis ng buong bahay habang si Kuya Axel naman ay binigyan ng mga trabahong panlalaki.

Maaga pa at hindi pa gising ang mag-asawa pati si Lars kaya malaya kaming nakapaglinis sa bahay. Ilang beses akong pinaalalahanan ni Nanay na maging maingat lalo na't maraming babasagin doon.

Nasa unang palapag lang kami dahil wala naman na raw masyadong lilinisan sa dalawa pang susunod na palapag kaya si Ate Nemi at Ate Hazel na ang bahala roon.

Pinag-igihan namin ang trabaho. Sinugurado naming kahit saang gilid ay walang matitirang alikabok. Ingat na ingat din kami sa pagpunas ng mga muwebles dahil sa takot na masira iyon.

Nasa malapit ako sa hagdan nang mamataan ang pagbaba ng mag-asawa. Pareho pang nakarobang pantulog at halatang kagigising lang ng mga ito.

“Good morning, po,” bati ko nang tuluyang silang makababa.

“Good morning,” Sir Zion responded formally, but with a small smile.

“Good morning, Ayesha. Ang aga mo namang nagising para maglinis,” nakangiti namang puna ni Ma'am Laureen.

If there's a thing I noticed about her, it is that she always smiles, and she beams with kindness. Ang ganda pa tingnan ng ngiti niya dahil bagay na bagay iyon sa maganda niyang mukha. Hindi ko rin maiwasang mapuna ang pagkakapareho ng ngiti niya sa ngiti ni Lars. Kahit si Sir Zion ay guwapo rin. Talagang bagay na bagay silang dalawa.

Ilang lang akong tumawa bilang sagot sa kaniyang sinabi. Parang hindi kasi tama na makipag-usap ako nang ganito sa mga amo ko kaya hindi na ako nagsalita pa.

Ilang saglit lang din ay bumaba na si Lars suot-suot pa ang ternong asul na pajama. Malaki ang ngiti niya nang makita akong nagpupunas ng alikabok malapit sa hagdan. Sa akin pa agad ito dumiretso nang makababa.

“Hello!” He enthusiastically greeted when he neared me.

“Hi,” nakangiti kong sagot, naalala ang nangyari kahapon.

“Do you want to play?” masiglang tanong niya. Too lively for the day.

“U-Uh, nagtatrabaho pa kasi ako,” dahilan ko.

Ayokong mapagalitan ni Nanay. At mas lalong ayokong maglaro nang hindi natatapos ang trabaho ko.

He pouted and for a second I was positive that he'll complain again, but he just smiled.

“Okay. Hihintayin kitang matapos,” positibong aniya bago pakanta-kantang umalis.

Sumunod ang tingin ko sa kaniya at hindi namalayang napangiti na pala. Ipinagpatuloy ko agad ang ginagawa nang mapansing natatagalan na ang pagkakatulala.

Ang sarap makita siyang masaya. It seems to me that it was the first time that he smiled that way— sincere and true.

And unconsciously that day, I ought to always make him smile.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro