Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

02

"Magiging asawa mo ako eh.."

"Fuck you!" sigaw ko sa hangin sabay sabunot sa sarili ko nang maalala bigla ang mga sinabi ni Antony.

"That asshole! Ang kapal talaga! Augh!" naiinis na sigaw ko habang nagdadabog sa kama.

Hindi pa ako nakuntento, wala sa sariling kinuha ko ang unan na malapit sa akin, ibinaon doon ang mukha ko at doon sumigaw para mailabas ang matinding inis.

"No, Nooo! Fuck you Ortez!"

Paano na'to? Ayokong manatili dito! Ano ba ang dapat kong gawin? Paano ako makakaalis dito? What should I do?!

Shit.

I need to make a plan... right! Dapat lang, dahil ayokong manatili pa ng matagal dito kung makakasama ko lang pala si Antony.

Ano ito? Joke? Laro? Of course no!

He's the reason why I ran away from my father, and now I'm with him! Pinaglalaruan talaga ako ng tadhana at hindi ako natutuwa.

Napabuntong hininga ako.

I need to make a plan how to escape and leave this place as soon as possible. Kapag tatagal pa ako dito baka mahanap o makita ako nina Daddy.

Antony's here and I can't trust him.

He can be the reason that my Dad will find me, or maybe... pwede niya akong ilaglag para matuloy ang kasal!

Nang mapakalma ko na ang sarili ay umupo na ako ng maayos sa kama at inayos ang sarili ko.

When I looked up, I saw Antony's three friends all stepping backward as I looked at them. Halata sa mukha nila ang kaba nang makitang hindi maipinta ang mukha ko dahil sa inis.

Kanina pa sila dito, at patuloy lang ako sa pag taboy sa kanila na umalis ng kwarto, pero ayaw talagang makinig ng mga ito. Inutusan kasi sila ni Antony na bantayan at pakainin ako.

"Magagalit talaga si tonton kapag hindi 'to pinakain sa kanya." mahinang bulong ni Paulo– ang matangkad at payat na lalaki na may dalang tray ng pagkain.

Umikot na lamang ang dalawa kong mga mata nang banggitin niya at marinig ko ang palayaw ni Antony dito.

Tonton...

Napapikit nalang ako at marahas na napabuga ng hangin para mapakalma ang sarili. Hindi ko alam pero bigla nalang umiinit ang ulo ko kapag makakarinig ako ng kahit anong bagay tungkol kay Antony.

He's just so unbelievable!

Napakawalang hiyang lalaki, at sobrang kapal talaga ng mukha!

Pagkatapos ng mga sinabi niya kanina sakin ay agad itong umalis at iniwan ako sa mga alagad niya– sina Dom, Paulo at Enzo. Mag iisang oras na simula nang umalis siya, at mag iisang oras na rin akong nagdudusa at mukhang masisiraan ng bait, dahil iniwan niya ako dito sa trio.

I know that I can't leave or escape, because I don't have any plans yet, and yes, Antony's right that it's dangerous if I leave. So, here I am, left with no option but to stay with this trio and with Antony Ortez.

"T-Te..." mahinang tawag sakin ni Enzo–ang morenong binata at ang bunso sa kanilang magkakaibigan.

"K-Kain ka na." aniya, pero umiwas ako ng tingin at hindi ito pinansin.

I actually want to have a conversation with them to express my apologies and gratitude for their care when Antony wasn't around, but I'm not sure how to start talking to them without making them scared or uncomfortable, especially I shouted at them earlier, and their first impression to me is not that great.

"Miss Geia... k-kain kana.." mahinang wika ni Dom.

Hindi ko sila nilingon, nanatili lang akong nakatingin sa nakabukas na bintana at hindi sila pinansin.

Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga ng tatlong alagad ni Antony. Mukhang malapit na sumuko ang mga ito. Ilang sandali natigilan ako at napapikit nang biglang pumasok ang ihip ng hangin mula sa nakabukas na bintana, at kasabay nito ang pagkalat, at pag amoy ko ng aruma ng piniritong isda na dala dala nila.

Gosh...

Napalunok ako nang makitang may dala rin silang mga prutas, mainit init pang pandesal at juice na hawak hawak naman nina Enzo at Dom. Kung wala lang ako sa matinong pag iisip, siguro kanina pa tumutulo ang laway sa labi ko.

"T-Te... ge na oh."

Palihim nalang ako napakagat sa pang ibabang labi ko nang mag paramdam bigla ang tyan ko, dahil sa naamoy at nakita. Kanina pa itong nagrereklamo, dahil sa labis na gutom, pero nagmatigas ako.

Yes, I'm hungry, but no! Hindi pwede, ayoko!

Ewan ko ba, pero mas gugustuhin ko nalang na mag pagutom, lalo na kapag naaalala ko kung paano ko sigawan ang tatlong ito kanina.

Its just that... nahihiya ako.

Augh!

Nahihiya ako sa mga pinag gagawa ko kanina nang magising ako. Sino ba naman hindi? After all the shouting and yelling earlier, and the way I spoke to them— sobrang nakakahiya talaga! Bakit? because instead of thanking them, I shouted at them!

"Baka hindi nakakaintindi ng tagalog at mukhang ayaw niya naman eh, edi tayo nalang kakain." sulpot ni Paulo, mukhang naubusan na ito ng pasensya sa akin.

Nakita kong kukunin na sana ni Paulo ang saging na nasa pinggan na hawak ni Enzo, pero natigilan ito at napasigaw nang biglang...

"A-Aray, Dom!" reklamo niya nang bigla siyang sabunutan ni Dom.

"Sige subukan mo, makakalbo ka rin katulad ko." banta ng kalbo habang hawak hawak pa rin ang buhok ni Paulo.

A moment later, Dom let go of Paulo's hair and turned to look at me.

"Miss Geia.. uh... you." he stumbled over his words, gesturing his one hand towards a plate and mimicking eating to show me he was eating. "Kain..." aniya

I couldn't help but to sigh because of his awkward attempt to communicate. "Nakakaintindi ako ng tagalog." I answered as I got up from the bed.

Nakita kong sabay lumayo ang tatlo papalayo kung saan ako nakatayo. Nilingon ko ang mga ito kasabay ang pag kunot ng noo ko nang makitang mag kadikit sila sa isa't isa at halata sa mukha nila na ayaw nilang lapitan ako o makalapit sa akin.

They look so scared while looking at me. Ganun na ba talaga sila katakot sakin, dahil kanina?

I sighed.

Ignoring their presence, I made my way towards the door, wanting to see the beach outside and find some peace and quiet to clear my head.

Nang lumalakad ako papalapit sa pinto ay dumedistansya rin ang tatlo. Tinitigan ko lamang sila ng ilang sandali at binuksan na ang pintuan.

Pagkalabas ko ng kwarto agad na bumungad sa akin ang maliit na sala na may mahabang upuan at isang bilog na mesa na gawa sa kahoy. Malinis at naka semento ang sahig, ang pader ay gawa rin sa kahoy kagaya ng nasa kwarto at napaka maliwanag ng paligid, dahil pumapasok ang liwanag ng araw sa loob ng bahay.

Ilang hakbang lang sa kanan ay nandyan na agad ang kusina na may mahabang mesa at upuan na gawa rin sa kahoy. Malinis ang lugar at napansin kong kompleto ang mga kagamitan sa pagluto.

Napalingon ako sa kaliwa ko at agad nakita ang pinto palabas ng bahay.

Without any word, I started to walk towards the door and I can also sense the trio following me.

Nang makalabas ako ng bahay agad kong nasilayan ang magandang tanawin ng Miagao.

"Woah..." I whispered.

My red dress fluttered gently in the breeze as I look at the calming view of the place. The endless ocean and sky blended together in soothing shades of blue, and the sound of the waves softly hitting the shore was like a calming melody in the background with the ocean spreading out as far as the eye could see.

In the midst of my chaotic life, stepping outside brought me a welcome escape. I closed my eyes and enjoyed the peaceful moment as I try to forget all of the chaos and problems that I have.

"May sayad ata bisita ni Tonton.." rinig kong bulong ni Enzo na sumira sa moment ko.

Bumuntong hininga ako at ilang sandali inimulat ulit ang aking mga mata.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at agad napansin ang mga bahay na hindi naman ganon kalayo sa tinutuluyan ko ngayon. Pare-pareho lang ang mga ito at nasilayan ko ang mga taong abala sa kanilang ginagawa.

Marami akong nakita na mga babaeng nag lalaba at nag sasampay sa kanilang mga damit habang nag tatawanan. May mga bata rin na nag lalaro ng habulan at naliligo sa dagat. May mga mangingisda, nag iinuman, mga taong nag bebenta ng ice cream, pandesal, at may mga tao rin na umaakyan sa punong niyog.

This place looks peaceful and simple. They're just living their life peacefully in here with their family. Unlike mine, palagi nalang tungkol sa kompanya ang pag uusapan lalo na kapag kompleto kami. Hindi uso ang tinatawag na saya at kalayaan samin, dahil palagi kaming sumusunod ng mga kapatid ko sa mga gusto ni Daddy.... but not this time.

"Nasaan si Antony?" tanong ko, hindi lumilingon sa trio.

Narinig ko ang mahinang mga bulungan nila sa isa't isa, mukhang nag aaway pa kung sino sasagot sa kanilang tatlo.

"A-Ano... may pinuntahan lang." Paulo answered.

Shit, where did he go? Mas importante pabayan kaysa sakin na anak ni Ignacio Manuel Vegara?!

"Bring me to him, we need to talk."

I continued walking barefoot until the sunlight hits my face, and my feet finally touched the sand.

Nasaan naba si Antony? Bakit niya ako iniwan ng hindi sinasabi sakin kung saan siya pupunta? Siya lang ang kilala ko dito tapos ang kapal ng mukha niyang iwan ako!

Habang patuloy lang ako sa paglalakat, napatingin ako sa mga lalaking nag lalaro ng volleyball ilang hakbang lang mula sa akin.

They are really loud and there's also some kids and teenagers watching and cheering them.

"Oy akon nana!" malakas na sigaw ng isang lalaki habang hinahabol ang bolang nasa era.

"Ako na!" sigaw naman ng isa na hinahabol din ang bola.

Sa isang iglap, sabay nilang napalipad ulit ang bola sa era, pero sa kamalas-malasan, ang bola ay biglang napunta sa direksyon ko.

"Matatamaan siya ng bola!"

Shit–

"T-Te, Ilag!"

Wala akong nagawa kung hindi pumikit nalang, dahil kahit umatras, umiwas o protektahan ko pa ang sarili ko ay walang silbi ito, dahil mabilis ang paglipad ng bola papunta sa akin.

Napapikit ako at hinanda ang aking sarili na may maramdaman na sakit, pero isang malakas na hiyawan at palakpakan lang ang narinig ko pagkatapos ng ilang segundo.

Wait.. what? Bakit hindi pa ako natatamaan? Bakit walang masakit?

Teka... what happened?

As I slowly open my eyes, I immediately saw a tall guy towering over me while his arms stretched out protectively to cover me. When I looked down, I noticed that the ball had already fallen and was rolling away, and that's when I also realized... that he saved me. He blocked the incoming ball that was supposed to hit me!

"Oks ka lang ba?" tumingala ako sa lalaki nang bigla siyang nag tanong gamit ang malalim na boses.

Ilang sandali akong natigilan, dahil nararadaman kong maraming mga matang nakatingin sa akin ngayon.

Gosh, nakakahiya ka Geia!

Dahan dahan akong tumango at agad namang sumagot sa lalaki. "Y-Yeah... thanks."

The man is tall, have a soft curly hair, and I also noticed that he have a sharp nose, red lips, a scar on his right eyebrow and a huge flaming scorpion tattoo on his right biceps.

Who is this guy? At paano niya ako hinarangan sa bola ng ganon ka bilis?

Ilang sandali akong napatitig sa tattoo niya sa balikat. Astig and damn, this guy can be a model, especially he's good-looking just like Antony- wait.. what?! NO!

Teka nga... bakit ko bigla naisip ang baliw na iyon? Gosh! Nasaan naba yun?!

Seconds later, the guy was about to speak again but then...

"Naku, pakshet!" Bigla kaming napalingon kay Dom na tumatakbo palapit sa amin.

"Raulong mga bata to! Puli kamo to!" malakas na sigaw ni Paulo sa mga lalaking nag lalaro.

"Tangmother, malalagot tayo kay tonton kapag nalaman niya 'to!" nag papanic na sabi ni Enzo habang dala dala parin ang tray ng pagkain.

"Ayos kalang ba, Miss Marga?" bigla akong natigilan nang tawagin ako ni Dom sa pangalan na hindi naman akin.

Imbis na oo ang lumabas sa bibig ko ibang salita ang naisabi ko.

"Marga?" nagulat ako dahil sabay naming binanggit iyon ng lalaking nag ligtas sakin mula sa ligaw na bola.

Napatitig kami sa isa't isa, pero sa sitwasyon ko, nakatingala ako dahil matangkad ito at hanggang dibdib niya lang ako.

His height is the same as Antony, but this guy's body is just more bigger than Antony.

"Marga.." mahinang sambit ng lalaki na narinig ko, mukhang tinatandaan ang pangalan na iyon na hindi naman akin. "Bago kaba? Subong talang ka di nakita." nakangiti ito sa akin sabay lagay ng dalawang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya.

Ano daw?

"Sabi niya ngayon kalang daw niya nakita dito, te." bulong ni Enzo.

Tumango tango ako sa pag translate ni Enzo sa mga sinabi ng lalaki. Ngumiti ako at tinago ang matinding hiya na nararamdaman ko. Mag sasalita na sana ako para sagutin ang lalaking ito, pero biga akong inunahan ni Dom.

"A-Ah oo, bisita siya rito ni Antony, Theo." aniya. "Hindi siya masyadong nakakaintindi ng hiligaynon o karay a."

Napatingin ako sa lalaking may pangalan na Theo. Tumango ito sa sinabi ni Dom habang ang mga mata niya ay nakatitig sa akin. Muli siyang nag salita.

"Masaya akong makilala ka, Marga." he said, smiling as he extended his hand for a handshake. "Theo nga pala..."

I nodded and smiled, and I was about to take his hands, but then Dom interrupted again.

"A-Ah! Wow! Ganda ng lupa doon oh!" masayang wika ni Dom, pero nahahalata ko sa boses at mukha niya na parang kinakabahan ito.

"Naku, hindi pa kumakain si Miss Marga, D-Dom." sulpot ni Paulo habang nakangiti ng pilit. Nakita ko ang pasimpleng pagsiko niya kay Dom.

Kumunot ang noo ko, dahil sa mga kilos nila. What's going on?

"Ay oo nga pala! magagalit si Tonton kapag hindi pa siya nakakakain!" nilingon ni Dom si Theo habang kinakamot ang ulo niya "M-Mauna na kami Theo."

Hindi na hinintay ni Dom ang sagot ni Theo. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay walang pasabing hinila niya ako palayo doon.

Sumunod naman sina Paulo at Enzo sa amin na mabilis na naglalakad papunta sa bahay kubo malapit lang sa dalampasigan.

"What's wrong?" Hindi ko maiwasang mag tanong sa gitna ng paglalakad. Hindi ko rin maiwasang hindi mapatingin sa mga taong nasa paligid, dahil nakatingin silang lahat sa akin. Mukhang nakita nila ang eksenang nangyari kanina.

Shit.

"Wag kang lalapit doon, te." bulong ni Enzo na kasabay ko na ngayon sa paglalakad.

Kumunot ang noo ko sabay lingon kay Theo na nakatayo pa rin sa pwesto niya kanina. Nang makita niyang lumingon ako ay agad itong kumaway sa akin sabay ngiti ng matamis.

"Bakit naman?" I asked as I looked again to Enzo. "He seems nice.. and he saved me."

"Adik yun!"

Natigilan ako sa sagot ni Paulo.

Is he serious? Adik iyon?!

"T-Talaga? Hindi halata..." pogi naman kasi.

"Basta wag kang lalapit doon, play boy na adik yan." sulpot naman ni Dom.

Nang makarating na kami sa tapat ng bahay kubo ay agad na inilapag nina Enzo at Paulo ang pagkain na dala nila sa mesa. Napahawak nalang ako sa tyan ko, dahil bigla nanaman itong nagparamdam at mukhang narinig iyon ng tatlo.

Minutes later, Dom approached me while holding a plastic chair. "Upo ka rito." He said as he placed the plastic chair next to me.

"Kain kana, magagalit si Tonton kapag nalaman niya na hindi ka pa nakakakain." he added.

I nodded and smiled as I realized they weren't as scared of talking to me as they were just minutes before.

Positive points for me!

"Thank you..." nakangiting sabi ko at umupo na sa upuan habang nakaharap sa magandang karagatan ng Miagao.

What a view...

Looking out, I see the waves flowing smoothly, and gently hitting the shore. The sea breeze brushes against my face, giving me a fresh feeling and peace. It's so chill and peaceful, just looking in this view.

Nag simula na akong kumain habang ang tatlo naman ay nakatayo lang sa tabi, pinagmamasdan at hinihintay akong makatapos sa pagkain.

Despite the urge of ignoring them because of my shyness, I cant help but to ask to start a conversation.

"Kailan pa naging Marga ang pangalan ko?" natatawang tanong ko habang hinihiwa ang isda.

Nilingon ako ng tatlo at narinig ko ang mahinang pag tawa ni Enzo.

"Ano lang yun.. uhm.. para kay Theo." si Dom na ang sumagot, tumango ako habang natatawa, dahil sa reaksyon nila. "Magka away kasi si Theo at si Antony." mahinang dagdag niya.

Napatigil ako sa pag kain. "What? Why?"

"Hindi namin alam, basta hindi matutuwa si Tonton kapag hinayaan ka naming lumapit kay Theo." sulpot ni Paulo.

Tumango nalang ako bilang sagot at nagpatuloy sa pagkain.

"Gelai diba pangalan mo, te?" tanong ni Enzo sa akin.

Mahina akong natawa sa tanong ni Enzo. Mukhang madami na akong pangalan sa lugar na ito ah.

"Its Geia." I corrected him.

"G-Geia?" napalingon ako kay Paulo at kumunot ang noo ko nang makita ang reaksyon niya.

Gulat na gulat ito at parang hindi ito makapaniwala.

"Yeah.. Geia." naiilang sabi ko. What's his problem? "Why?" I asked.

I sat there, waiting for Paulo's response. Then, out of nowhere, Enzo shouted, making us all jump and exchange surprised looks.

"Oy! anjan na si Tonton!" maligayang sigaw nito sabay turo sa karagatan.

Agad akong napatigil sa ginagawa at hinanap ng mga mata ko si Antony. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, hanggang sa nakita ko na siya.

And there he is...

Isang bangka na may tatlong lalaki ang naka sakay, at isa na doon si Antony. He's sitting infront of the boat, and he's wearing a white sando and a cap on his head. Even from a distance, I could see him sweating so hard because of the heat.

He smiles as he wipes his sweat with a towel he has, and when the boat finally reaches the shore, he confidently jumps off and begin shouting.

"Preskong isda!!"

Ilang sandali lang ang nakalipas, maraming tao ang lumapit sa kanilang bangka at tumulong sa pagbuhat ng mga isdang nahuli nila.

I can see the exhaustion in Antony's eyes, but I can't help but to feel amazed as he continues to smile while helping others carry the fishes off the boat.

"Mukhang marami ang nahuli nila ah." narinig kong sabi ni Dom.

"Tonton!" biglang sigaw ni Enzo.

Natigilan ako at bigla nalang nag panic nang mapatingin si Antony sa direksyon namin.

Our eyes met and all of the sudden my heart began to beat so fast.

Gosh... bakit ganito?

Enzo waved and shouted again "Dito Tonton!"

Antony waved back, smiling, while his eyes are still fixed on me. Palihim akong napahawak sa dibdib ko at biglang nag paramdam ang nananahimik kong puso nang mag simula si Antony lumakad papunta sa amin.

Gosh.. bakit bumibilis ang pagtibok ng puso ko?

Ito ba ang feeling ng mga bidang babae sa pinapanood na kdrama ng mga katulong ni Lola? Ito ba ang nararamdaman nila?

Shit.

No, baka kaba lang ito. Tama... knowing that I can't trust Antony, because he might drag my father here makes me feel nervous.

Antony's soft hair bounced as he started to run. His smile never fades as he made his way towards us.

"Geia!" he shouted, his voice echoing across the shore as he waved his hands in excitement.

I was about to wave back, but suddenly I froze while my hand is halfway up when someone enters the scene.

Napatigil sa pagtakbo si Antony nang may isang babaeng biglang humarang sa kanya. Mahabang buhok at likod lang nito ang nakikita ko sa babae, dahil nakatalikod ito at nakaharap kay Antony.

Sino siya? Kaibigan ba siya ni Antony?

Ilang sandali natigilan ako at namilog ang dalawa kong mga mata nang makitang biglang niyakap ng babae si Antony ng mahigpit.

Out of nowhere, my heart starts to ache, and I find myself touching my chest as I watch them laughing and chatting happily while the girl is hugging him.

Hindi ko alam, pero bigla nalang ako tumayo mula sa pagkaka upo at lumakad palayo doon.

"Te, saan ka punta?"

The trio started calling me, but I didn't mind them.

Mabibigat ang bawat hakbang ko sa buhangin at kasing bilis ng pagtibok ng puso ko ang pag lalakad ko.

Whats going on? Why do I feel this kind of thing?! Nerbyos lang ba ito? Gosh!

Patuloy lang sa pag tawag ang tatlo sa akin at nararamdaman kong sinusundan nila ako.

Hindi ko alam pero bigla nalang ako lumingon para tignan kung ano naba ang ginagawa ni Antony, pero pinag sisisihan ko na ito, dahil parang tumigil sa pag ikot ang mundo nang makitang niyakap ni Antony ng mahigpit ang babae pabalik.

Tumigil ako sa paglalakad at pinagmasdan silang dalawa.

"Asawa pala ah?" natatawang sabi ko. "Asshole." I whispered as I started to walk away again.

__________

Hello! Heheh

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro