Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

01

"WHO ARE YOU PEOPLE?!!"

Malakas kong sigaw sabay tapon ng mga unan sa tatlong lalaking nakatayo sa dulo ng kama ko.

"What are you doing here in my room?!" sigaw ko sabay pag bangon mula sa pagkakahiga.

Even though I can't open my eyes due to extreme tiredness, I continue to shout because it seems like these men have no plans of leaving my room.

"Can't you hear me?" napabuga ako ng marahas na hangin. "I said, get out–" I suddenly stopped, and my eyes widened when I realized something wasn't right.

Wait.. napatingin ako sa kamang hinihigaan ko at namilog ang dalawa kong mga mata nang may napagtanto.

Whose bed is this?! This is not mine!

Napaayos ako ng upo sa kama at agad inilibot ang paningin sa paligid. Natigilan ako at bumilis ang pagtibok ng puso ko nang makitang nasa hindi mapilyar na kwarto ako.

No, No, No....

The sunlight coming through the holes in the roof told me it was morning. The room is small, with walls made of old wood, giving it a simple beach house vibe. The floor is rough because it was made of bamboo, and there weren't many decorations—just some shells, dried flowers, and candles on a small table next to the bed.

Looking out of the window, I see the beach nearby the house I'm in, and the sound of waves crashing against the shore hits me with a sudden realization.

HINDI ITO BAHAY NI LOLA!

Nagpapanic na inilibot ko ang paningin sa hindi mapilyar na kwarto.

No!!

How?!

When?!

Why?!!

Whose house is this?! Where am I?! How did I end up here? And, more importantly, who are these strangers standing at the foot of the bed, looking at me?!

Wala sa sariling napakapkap ako sa katawan ko para malaman kung may suot ba akong damit. Nang makitang suot suot ko pa rin ang pulang dress na binigay ni Lola ay nakahinga ako ng maluwag, pero agad naman akong natigilan nang makitang wala na ang mga alahas ko.

"AHHHH!"  Sigaw ko sabay yakap sa katawan ko nang tumuwid na ang pag iisip ko.

"WHERE'S MY JEWELRIES?! AND W-WHO ARE YOU?!" I shouted at the strangers.

Three men, all looking nervous , are now standing at the end of the bed where I am laying. Their faces show they're shocked, and they seem unsure of what to do because I started screaming and panicking.

The first man was short and bald, probably in his 30s or 40s. He had this funny mustache and he's holding a spatula to cover his face.

The second man is tall, skinny, wearing a big jersey t-shirt that looks too large for him and he hides behind the bald man, peeking at me nervously.

The third or last man looks younger, like a teenager with curly hair and a tan complexion covered in scratches. He's holding a broomstick and he's staring at me with his eyes wide open because I am now awake and panicking.

As I stare at them, feeling lost and confused, a sense of unease creeps over me as I look at these unfamiliar people. I can't tell what they're thinking, and that makes me even more nervous.

Sino sila? At nasaan ba talaga ako?!

The bald man begins to speak, stepping forward with his hands gesturing for me to stay calm.

"A-Ah... Huwag kang matakot, w-we are not ano..." tumigil ito para mag isip "ano uhm.. we are not trouble person."

Tumigil ito at nilingon ang mga kasama niya nang marinig ang mahinang pagtawa ng mga ito.

"Anong trouble person?" natatawang wika ng payat na lalaki.

"Oh sige, kamo istorya sa iya!"

"AHHH!!" Ibinalik ulit nila ang atensyon sa akin nang muli akong sumigaw. "Who are you?! Where am I?! What do you want?!"

Bigla silang napaatras sa biglaang pag sigaw ko ulit. Halata rin sa mga mukha nila ang matinding gulat at takot sa kung ano man ang susunod kong gagawin.

"M-Miss kumalma ka.." Mahinang sabi ng payat na lalaki.

"NO! WHERE AM I?! WHO ARE YOU?!" hinablot ko ang natitirang unan na nasa kama at itinapon iyon sa kanila.

Nag papanic na sinalo ito ng matangkad na lalaki, pero naitapon din naman ito sa sahig dahil sa matinding gulat.

"Tawagin nyo si tonton!!" nagmamadaling utos ng kalbo. Sinunod naman ito ng morenong binata at agad na tumakbo palabas ng kwarto para tawagin ang tinutukoy ng kasama niya.

"WHERE AM I?! ANSWER ME!" I yelled.

Ilang sandali napatingin ako sa labas dahil nakabukas ang bintanang gawa sa kahoy. Natigilan ako nang makitang maraming tao ang nagtitipon sa labas at mukhang nakikinig sila sa mga sigawan at hinihintay din siguro ang susunod na eksenang mangyayari ngayon dito sa amin.

Hindi ko pinansin ang mga tao sa labas, patuloy lang ako sa pagsigaw at pagtatanong kung nasaan ako.

"WHERE AM I?! SINO KAYO?–"

"N-NASAAN SIYA?!"

Napatigil ako sa pag sigaw at lahat kami napatingin sa isang lalaking biglang pumasok sa loob ng kwarto. Pawis na pawis ito, magulo ang kulay lupa niyang buhok, at nakasuot lamang siya ng sando. Halata rin sa ekspresyon ng mukha niya ang labis na pag-alala at takot nang mag tama ang mga mata namin.

My heart suddenly raced when my eyes met his. I don't know but I found myself mesmerized by him, unable to shift my attention. Despite the tense atmosphere, his presence captivated me, leaving me breathless and charmed. It's like everything else faded into the background, and all I could focus on was him.

It feels strange, as if he comes out of nowhere, grabbing my attention without saying anything. When he shows up out of the blue, my heart starts racing, and I don't know why. It feels like something inside me just wakes up, making my heart beat faster. I can't understand why he has such a strong effect on me, but it's like there's a force pulling me towards him.

Pasekreto akong napahawak sa dibdib ko at bigla akong natigilan kasabay ang pagmilog ng dalawa kong mga mata nang maalala lahat ng pangyayari kagabi.

No...

The Marriage..

Si Daddy...

Me... running away,

And wait... the guy!

Si Antony!

Inimulat ko ang aking mga mata at agad napatitig sa lalaking magulo ang buhok at pawis na pawis.

He's Antony!

"Iwan nyo muna kami." mahinang sabi niya sa dalawang lalaki.

Agad naman tumango ang mga ito at dali dali na lumabas ng kwarto.

Nang makalabas na ang mga ito, lumakad si Antony papunta sa nakabukas na bintana na nasa kaliwa ko at sinarado iyon.

Sunod sunod naming narinig ang pag "Aww" ng mga tao sa labas at rinig ko ang paglakad nila paalis sa tapat ng bahay kung saan kami ngayon.

Napabuga ako ng hangin.

Nakatitig lang ako kay Antony at hinhintay ang susunod niyang gagawin. Nanatili akong nakaupo sa kama habang siya naman ay kumuha ng towel bulsa niya at pinunasan ang sarili.

Is this really him? The son of Tito Renato and one of the successors of the Ortez family? The guy I'm destined to marry? The reason why I ran away from my father?

I snapped out of my thoughts and returned to reality when I heard him clear his throat.

Umupo siya sa dulo ng kamang hinihigaan ko, habang ang mga mata niya ay hindi pa rin inaalis sa akin.

I look at him, feeling nervous as I wait for his next words. As our eyes meet, everything seems to slow down, and that's when I also realized that there are a lot of important things we need to talk about, like, right now.

"How's your sleep? Komportable ka ba sa kama?" He suddenly asked, his voice breaking the silence that surrounds us.

Hindi ko alam pero parang may humaplos sa puso ko sa tanong niya, hindi ko lang kasi inaasahan na iyon ang unang bungad niya sa akin.

Wait- NO!

Gosh, Geia! Remember, it's Antony! You must hate him! Why? Because he's the man you'll marry, and he'll take away your freedom!

Tinaasan ko siya ng isang kilay at nag iwas ng tingin. "Its Fine." I answered.

Pagkatapos niyang magpakilala kagabi sa sasakyan, panay ang sigaw ko sa kanya na ibaba ako sa gilid ng karsada. Ayokong sumama sa kanya kahit siya pa ang tumulong at nagligtas sa akin mula kay Daddy. After all, he's the reason why I ran away, and I'll just go with him just like that? Of course no! Ano ito? Joke?

Kahit anong pilit at pagmamakaawa ko, hindi ito nakinig. Dire-diretso lang ang pagmamaneho niya, at hindi ako pinansin, hanggang sa napagod ako kakakulit at kakasigaw at nakatulog sa byahe.

Napatawa nalang ako sa aking pag iisip.

Mukhang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana, dahil ngayon, nandito ako sa isang lugar malapit sa dalampasigan at malayo nga kay Daddy, pero napapalibutan naman ng hindi ko kilalang mga tao at kasama ang lalaking dapat ikasal sa akin.

"Nagugutom ka na ba? May pagkain dito sa laba-"

"Where am I?" I cut him off. "And are you really... Antony Ortez?"

Ngumiti ito sa akin na kinagulat ko. "You're here at Brgy. Maninila, Miagao." sagot niya "and yes, It's actually Antony Blake Carillo Ortez."

Wait...

Hindi ko pinansin ang pagmamalaki niya sa pangalan niyang mahaba, dahil bigla akong natigilan nang may napagtanto sa sinabi niya.

"M-Miagao?"

Antony nodded. "Yes, Miagao, Iloilo." Kumunot ang noo niya, mukhang nahalata niyang nagulat ako. "Bakit?"

Natawa nalang ako bigla pagkatapos marinig ang sagot niya.

I'm just here for a vacation, actually. I lived in New York for 12 years. Doon ako tumira at nag-aral simula noong 10 years old ako, kaya hindi ko masyadong kilala o kabisado ang mga lugar dito sa Iloilo. It's been so long since I've returned here, but one thing I'm sure about – the distance between Miagao, where I am, and Puerto Real, where my lola, Daddy, and my siblings live, is enough for me to keep a low profile and stay hidden from my father... at least for now.

"Do you want to eat? I know you're hungry." Binalik ko ang atensyon ko kay Antony.

As I glanced at him, I couldn't help but notice his strong jawline and captivating eyes. I noticed that his voice is deep and strong, but it also had a gentle tone that made me feel at ease. Despite trying to focus elsewhere, I don't know but I find myself struggling to tear my gaze away from him.

Wait...

NO!

WHAT THE FUDGE, GEIA!

"So, Why did you helped me?" tanong ko nang makabalik sa matinong pag iisip. Hindi ko pinansin ang tanong niya kung gusto ko bang kumain, kahit sa totoo lang ay nagugutom na talaga ako.

Halata sa mukha niya na natigilan ito sa tanong ko, pero ngumiti siya at agad naman sumagot. "Because you're so desperate." natatawang sabi niya. "You suddenly just grabbed me and yanked me away from your house when you saw my car keys, remember?"

Ako naman ang natigilan dahil sa sinabi niya. "At sumunod ka rin naman!" depensa ko.

"Do I even have a choice?"

Ngumiti ito habang umiling iling, mukhang inaasar ako. Umikot naman ang dalawa kong mga mata dahil sa mga sinabi niya.

Seryoso ba siya?

"So, the moment I dragged you out of the house, you already know me?" seryosong tanong ko.

I want to know because I suddenly remember the revelation he made last night that left me completely speechless and shocked. Does he know about the marriage? Does he have any idea that I'm his soon-to-be wife when he helped me?

There's just too many questions in my mind, and I need his answers right now!

A moment later, he casually shrugged and smiled "Hulaan mo." He said it with a mischievous tone, which irritated me.

His response caught me off guard, and I was really surprised because I didn't expect that answer from him, but before I could say anything, he quickly spoke up, like he knew that I was going to shout at him.

"I do know you actually..." bigla itong nag seryoso at parang may kung anong kislap ang dumaloy sa kanyang mga mata. "Last night, I was late because of the heavy traffic, and yes I will show up to the dinner to meet you in person and to talk about the marriage."

Teka....

So, He knew about the marriage?!

"But suddenly right before I could enter your house we bumped to each other and you dragged me with you to escape from your father and to escape from me..." biglang lumamig ang tono ng boses niya nang sabihin niya iyon.

"I didn't actually expecting something like this..." nag iwas ito ng tingin sa akin "that my bride will run away."

Natigilan ako sa huli niyang sinabi pero agad naman akong nakabawi.
"What do you expect me to react? To just agree to what they want?"

"To what they want?" naguguluhang ulit niya sa sinabi ko.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano ba nakain ng lalaking ito?

"Why? Did you agree to marry me? To marry someone you don't even know? To marry a stranger just for business?"

Nakatitig ito sa akin gamit ang gulat at naguguluhang mga mata. What's with that reaction? Inaasahan niya ba na papayag nalang ako na ikasal kahit hindi ko naman gusto? No, never!

"You know, Antony, you don't need to force yourself to marry me..." I said in a calm voice. "Alam kong ginagawa mo yan para sa pamilya mo, but we can fix this, we'll find another way to stop this wedding."

Mas lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Hindi ko nalang din mapigilan na kwestyonin ang reaksyon niya.

"What? Would you like to marry someone like me?" I joked.

Sino ba naman gustong mag pakasal sa babaeng hindi mo naman kilala pa at hindi mo mahal, diba? Tanga lang ang gagawa ng ganyan.

"Yes."

"Exactl–What?" Bigla akong natigilan.

Sa simpleng sagot niya na iyon ay biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Tama ba ang narinig ko?

"W-What?" I asked, hoping that I misheard what he just said.

"I said, Yes."

No way....

Tumawa ako ng peke sabay hampas hampas pa sa kamang hinihigaan "HAHAH Grabe, joker ka pala eh!" mas nilakasan ko pa ang tawa "You're kidding right?"

Ngumiti ako pero agad naman iyon nag laho at napalitan ng gulat at inis nang sumagot na ito sa tanong ko.

"No." he seriously said. "I'm not."

Napanganga nalang ako ng tuluyan dahil sa sagot niya.

WHAT?!

HE'S OUT OF HIS MIND!

"I can't believe you!" hindi makapaniwalang wika ko

"Kung pumayag kaman sa kung ano ang gusto nila, pwes, ako hindi!" I shouted. "I don't want to marry someone I don't even know and love." I laughed out of frustration. "and I don't want to surrender my freedom and let them do whatever they want just for the sake of our business!" I burst out.

Umigting ang panga ni Antony sa sinabi ko at nakita ko sa mga mata niya ang matinding galit at sakit na pilit tinatago. Marahas itong bumuga ng hangin at halatang pinapakalma nito ang sarili.

"Someone you don't even know..." bulong nito na narinig ko.

Why is he mad? Did I offend him? Well, I was just telling the truth, and everything I said was right!

Bumuntong hininga ako at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Umangat naman ang tingin nito sa akin at sinundan ako ng tingin na naglalakad papunta sa pinto.

"Saan ka pupunta?" He asked.

"Away." hindi ko ito tinapunan ng tingin "Away from father, here, and away from you." diretsong sagot ko sabay bukas sa nakasaradong pinto, pero napaatras ako bigla dahil may biglang natumbang mga lalaki sa sahig nang buksan ko ito.

"A-Aray ko!"

"Ang likod ko tangina!"

"Dom ang bigat mo!"

Mga reklamo nila.

Sila ang mga lalaking una kong nakita pag mulat ng mga mata ko kanina. Napabuntong hininga nalang ako sabay iling nang may napagtanto.

So, they were listening to our conversation.

"Takte, Dom ang bigat mo legit!" reklamo ng matangkad at payat na lalaki dahil nakadapa ang pandak at kalbong lalaki sa likod niya.

Dom... ok. I'll remember that.

"Sumasakit na likod ko sa i-inyo!" biglang sigaw ng morenong lalaki na nasa pinakailalim at parang kakainin na ng sahig.

"You can't leave..." bigla akong napalingon kay Antony nang mag salita ito.

Tinaasan ko ito ng kilay. "And why?" lumakad ako palapit sa kanya na nakataas noo.

Yeah, girl, show him who's Geia Margarette Vegara is!

"I appreciate your help last night, but that doesn't mean you can give me orders just because I owe you."

Ang lapit ko na sa kanya, isang hakbang nalang ay didikit na ako sa mga dibdib niya. Hindi ko maiwasan hindi tumingala sa kanya dahil ang taas niya kumpara sa akin. Ilang sandali dahan dahan na yumuko si Antony para mag tama mga mata namin. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko at wala ng pwersa ang mga tuhod ko dahil sa mga titig niya sa akin, pero hindi ko ito pinahalata. I should look fearless and intimidating!

"No, you can't." matigas na sabi niya "It's not safe out there and you don't know anything about this place. You'll just get yourself in danger." aniya.

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko dahil tama siya.

Yes, He's right, but I don't want to stay here with him!

"I don't care if you'll hate me, but you'll stay here with me or I'll bring you back to your Father."

Napanganga ako dahil sa pagbabanta niya sakin.

Is he serious?!

Bago pa ako makasagot ay nilagpasan niya ako at nag simula na itong mag lakad palabas ng kwarto.

Dali dali tumayo ang mga kaibigan niyang lalaki mula sa pagkakahiga sa sahig at tumabi para makadaan si Antony.

Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko at hindi ko alam kung ano ang dapat kong ireak sa sinabi niya sakin. How unfair! Hindi niya ako binigyan ng magandang pag pipilian.

Napabuntong hininga ako at umikot ang mga mata ko dahil sa labis na inis.

Malapit na itong makapunta sa pinto, pero bago pa tuluyang makalabas si Antony ng kwarto ay muli akong nag salita.

"At bakit naman kita susundin ha?"

Tumigil siya sa paglalakad.

I smirked. "Maliban nalang dahil kay Daddy at may utang na loob ako sayo, give me a reason why should I stay and listen to you."

Binalot kami ng katahimik ng ilang sandali. Tahimik lang din ang tatlong lalaki habang ang mga mata nila ay pabalik balik sa aming dalawa ni Antony.

Rinig na rinig ko na ang pagtibok ng puso ko dahil sa katahimikan at lalong bumilis ang pagtakbo nito nang lumingon si Antony na naka ngiti. Bahagya akong nagulat pero hindi ko ito pinahalata.

Why is he smiling? What's wrong with this guy?!

"I have one." he said and after that my heart begun to beat even more faster when he finally answered my question.

I can't believe him. This guy is so unbelievable...

"Dapat lang na makinig ka sakin." he smiled. "Magiging asawa mo ako eh."

After he said that, he left with a smile on his face, while I was left in the room with the three guys, all completely speechless from what we just heard.

____________

Thank you for waiting!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro