CHAPTER 9: SELECTION
Chapter 9: Selection
Nanigas ako sa kinahihigaan ko. I don’t know how long I’ve been awake-- ni hindi ko magawang pumikit at matulog. I’m not used to this position, especially beside Triangle. Mahimbing siyang natutulog sa mga sandaling ito. He makes cute little snores and his face was pressed on my neck. Parehas kaming nakatagilid, magkaharap sa isa’t-isa habang dahan-dahan na hinahaplos ko ang likuran niya.
Just an hour ago, he was asking me to do this at tila hindi si Triangle Grande Bermudo ang nasa harap ko. Wala akong ideya kanina kung ano ang sinasabi niya na he will clean his own mess this time. Ang request lang niya ang tumatak sa isipan ko, and here I am.
Puto, kailan pa ako naging maaawain sa tatsulok na ito? Daig ko pa yata si Mother Theresa eh. Ang dahilan ng pagpayag ko? It’s the look in his eyes, those sad eyes that tell me a lot of emotions behind it. Pain, anxiety, longing, and others. Mukha siyang tuta na basa at umiiyak habang hinahanap ang magulang. There was something in him that draws me in.
I tried closing my eyes to sleep after I whispered the words that even I wasn’t sure.
“Everything will be okay.”
***
Masakit ang ulo ko at bahagya pa akong inaantok habang nilalakad ko ang daan mula sa dorm patungo sa classroom. Maaga akong umalis sa hideout ni Triangle upang bumalik sa dorm. When I left, he’s still sound asleep. Hindi maayos ang tulog ko kaya kailangan kong bumalik nang maaga sa dorm at matulog ng kahit kaunti. When I woke up, I was already 15 minutes late for my class. Naging 30 minutes pa dahil kailangan ko pang maligo at magbihis.
Nang makarating ako sa classroom ay binuksan ko ang pinto. Hindi ko alam kung sadyang malakas ang pagkakabukas ko sa pinto kaya nakuha ko ang atensyon ng lahat o sadyang hinihintay talaga nila na bumukas ang pinto.
“Finally!” biglang sigaw ni KL sabay tayo upang salubungin ako. “Nandito ka na mylabs, kanina ka pa namin hinihintay.”
Eh? Puto, gusto ko ng atensyon pero kung ganitong wala akong kaalam-alam kung bakit ay tila nakakailang. Why are they staring at me like I’m someone important?
“Oo nga Sunny, baka mayamaya, babalik na sina Ma’am Venna rito,” wika ni Coco at ngumisi sa akin.
“Good morning mylabs,” bati ni KL at nagpout sabay turo sa labi niya. Inirapan ko lamang siya bago dumiretso sa upuan ko na katabi ni Trench. Pag-upo ko ay saktong bumukas ang pinto at pumasok si Ma’am Venna. Kasunod niya ay si Jean-Claude at si Bionic Arm.
These days ay hindi ko madalas na nakikita si Jean-Claude at hindi na rin ako nakapunta sa Research Lab kaya hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya. I know it’s normal pero puto, mas lalo yatang sumeryoso ang seryosong mukha niya.
Meanwhile, Bionic arm walked with a poker face. Tumahimik naman ang buong klase habang naglalakad sila papunta sa harap. Nang bumaling ako kay Trench, he also doesn’t have any clues about what’s going on. Dati, kapag may mga ganitong pangyayari ay alam na niya, but now? He looks as clueless as us. Hindi ko mapigilan ang malungkot para sa kanya. Is that because the name Grande doesn’t have any effect anymore? Hindi na ba nila pinagkakatiwalaan si Trench? But among all of us, sila ang nakakaalam sa tunay na kapasidad ni Trench! They should now that he is one of the best assets that the Capital could have!
Sa halip na si Miss Venna ang magsalita sa harap, it was Bionic arm who stepped forward and cleared his throat before speaking.
“Good day Academians,” panimula niya na sinagot namin ng katahimikan. Puto, lahat yata kami ay kinakabahan sa presensya nilang tatlo. Wala naman sigurong problema diba? Hindi naman siguro bad news ang dala nila?
“I have good news for everyone.”
Tila nakahinga ako nang maluwag dahil sa narinig. At least Bionic arm read my thoughts. Maging ang mga kaklase namin ay bahagyang nag-ingay nang marinig ang sinabi ni Beethoven. Nagbulong-bulongan sila tungkol sa good news na sinasabi niya.
“But of course, along with the good news is a bad news.”
Muli ay natahimik ang paligid. Puto, can he just get straight to the point?
“Let’s start with the good news,” wika ni Beethoven. “Project RUM is back.”
Murmurs filled the place. Hati ang reaksyon ng klase. May mga natuwa at may mga hindi sang-ayon. Sa gilid ko ay napansin ko ang pagkuyom ng kmao ni Trench na nakapatong sa mesa. Nang tiningnan ko ang mukha niya ay naninigas ang kanyang bagang. The news brought bad memories to him. Sunod ko namang nilingon si Tatsulok. He wasn’t spaced out but he was not also amused with the news. Hindi gaya nitong mga nakaraan na tila nasa ibang lugar siya at palaging nakatingin sa bintana. Ngayon ay nakatingin siya sa harap at matamang nakikinig kay bionic arm but his face was blank. An unusual expression from him dahil puto, dati parang ang laki ng galit niya sa mundo. He was always sulking, but now he seems interested with the words that were coming out from Beethoven’s mouth.
Nagpatuloy si bionic arm. “The bad news is only few are chosen.”
Masusorpresa pa ba ako? I know how the Capital works, they will choose the best. Marahil ito ang sinasabi sa akin ni Nikon kaya tiyak ko na kasali ako-- not that I am one of the best. Gusto lang nila akong gamitin dahil gaya ng sinabi ni Nikon, people will not think of this project because I, Sonia Gallego who firmly revolt against P:RUM before supports it now. Gayunpaman, kailangan ko pa ring alamin kung mabuti nga ba ang intensyo ng proyektong ito.
The class made a fuss about it at may kanya-kanya na silang teorya kung sinu-sino ang magiging bahagi ng proyektong ito. Bionic arm stepped backward at pumalit sa kanya sa harap si Ma’am Venna.
“About the selection of the students who will join this project...” she paused and looked around. “Remember our recent activity? I chose outstanding proposals right?”
Sound of frustration filled the room. May mga nanghinayang dahil hindi nila inayos ang kanilang proposal at mayroon namang natuwa para sa amin. A thought suddenly hit me... Napatingin ako kay Trench na nasa tabi ko. He forced a smile to himself at yumuko.
Kung gayon...
Hindi magiging bahagi ng proyektong ito si Trench?! He gave his best proposal to Triangle right?!
Nilingon ko ang iba pang nag-standout noong activity namin. Coco was torn between being happy and worried lalo na at alam niya ang nangyayari noong una. Nikon was smiling-- sabagay alam na niya ang tungkol dito. Megan seemed accomplished but her expression was being suspicious. Kahit maypagka-bitch siya, genuine naman ang intensyon niya sa Capital.
KL looks like he’s proud pero walang ideya kung tungkol saan ang proyektong ito. Si Tatsulok naman ay nakatingin pa rin nang diretso sa harap.
No, there’s no way that Trench will not be included in this project! Napakatalino niya at alam iyon ng lahat. He should be in this project too! Siguro naman sasabihin ni Triangle ang totoo na hindi siya gumawa ng proposal niya. Na yung ginawa ni Trench ay ipinangalan sa kanya! Triangle maybe evil but not to the point that he will take merit on something that he didn’t do! Hindi siya ganyan. Kahit ang sama-sama ng ugali niya, he’s definitely not that kind of person. Siguro kung ako, oo pero siya? Nah, malabo. Puto, kahit masama ang ugali niya alam kong hindi niya iyon gagawin sa pinsan niya!
“Now those I called last time, please be here in front,” wika ni Ma’am Venna.
Halos mabuwal ako sa kinauupuan ko nang unang tumayo si Tatsulok at pumunta sa harap. He stood in front firm and proud. Nagpalakpakan naman ang mga kaklase namin nang isa-isang tumayo ang mga magiging bahagi ng bagong proyekto ng Capital. Students praised everyone especially Triangle who keeps on nodding at everyone who greets him.
Pusangina.
Anong nangyayari kay Tatsulok?!
#
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro