CHAPTER 46: YOU SHOULDN'T DO THAT
Chapter 46: You Shouldn't Do That
Nakapwesto ako sa mesa at parang timang na nakangiti. Alas sais pa lamang ng umaga ngunit maaga akong nagising.
Sleeping beside Triangle is so good at pakiramdam ko ay ang sarap-sarap ng tulog ko. In fact it was one of the most comfortable sleep I have ever experience in my life. Nakahiga na kayakap siya.
I heard a door open kaya napangiti ulit ako at hinintay kung sino ang papasok sa kusina. It was KL who was rubbing his eyes. May dala siyang maliit na box at bahagya pag nakapikit ang kanyang isang mata nang lumapit siya sa gilid ko at dumaan doon. He walked towards the side kung nasaan ang malaking aquarium. I don’t know how it happened to be there dahil noong nandito pa ako, siniguro kong malayo ang isda niya or else I’ll freak out.
“Good morning Sunny,” bati ni KL. Akala ko ay ako ang binabati niya ngunit ang isda pala niyang pangit. May kinuha siya mula sa box na dala at inilagay iyon sa aquarium. Ah, feeds pala ng isda niyang pangit. Muli siyang dumaan sa gilid ko at nilagpasan lang ako bago muling lumabas ng kusina.
I sulked and frowned as I watched him disappear through the door.
Muli naman akong napangiti nang may marinig ulit akong pintong bumukas at mga yabag na papalapit sa kusina. Ipinatong ko ang mukha ko sa dalawang palad at ngumiti nang bumukas ang pinto at pumasok si Coco.
May tangan-tangan siyang toothbrush sa bibig ngunit gaya ni KL ay nilagpasan lang niya ako at nagtuloy-tuloy sa banyo. Napasimangot ulit ako. Hello, hindi ako multo okay? I’m here, I am really here!
Sunod na pumasok sa kusina si Gon. Gaya ni Coco ay may tangan din siyang toothbrush. He looked at me and smiled before he sat beside me at isunobsob ang ulo sa mesa.
Inalis niya ang toothbrush sa bibig at pumikit. “Antok na antok pa ako nakikita ko si Kitten.”
Tinapik ko nang mahina ang ulo niya. “Sige tulog ka muna.”
“Damn naririnig ko pa,” sabi niya at ibinaling ang ulo sa direksyon ko. His eyes opened widely bago siya napatayo sa gulat. “Kitten?!”
“Good morning Pentagon.”
He muttered some cuss before he dashed towards the sink and splashed water on his face. Ilang beses niya iyong ginawa bago muling tumakbo sa direksyon ko at niyakap ako. “Kitten!”
The hug was warm and tight and I like it dahil namiss ko naman talaga pero puto, naalala kong hindi sila nagpanic nang umalis ako.
“Teka lang ah?” Inilayo ko ang katawan sa kanya at mahinang binatukan siya. “You didn’t look for me!”
Pentagon laughed hard before pulling me again for a hug. “Aalis-alis ka tapos aasa kang susundan ka namin? Ano ka hello?”
“Pentagon!”
Tumawa ulit si Gon. “Biro lang Kitten, of course that’s for the better.”
“How?” maktol ko. “Alam mo ba kung ano ang sinapit ko roon?”
“What?” he asked in a serious voice na tila handa siyang mainis anumang oras.
“Kita mo ‘to?” tinuro ko ang peklat na naiwan sa pisngi ko. “Nilatigo ‘to nung walang hiyang Palomo."
He looked closer and I saw how he clenched his jaw pero agad ring kumalma. "Kitten, ginusto mo 'yan."
Napaingos ako sa kanya. "Tinali niya ako at kinulong na parang aso!" Puto, bakit parang nagsusumbong ako kay Gon? Wala, gusto ko lang marinig na mag-alala siya sa akin.
"Oh, ako ba ang nagtali sa'yo?"
I rolled my eyes and stepped on his foot. "Puto Pentagon naman eh!"
He groaned in pain pero natawa rin siya at niyakap ulit ako. "Believe it or not but we missed you Kitten. We missed you so much. Walang araw na hindi ka namin iniisip but truth be told, it was a relief to know you’re away or else you’ll do stupid things again.”
Napalabi ako sa sinabi niya. Puto, matutuwa ba ako sa sagot na 'yon?!
Pentagon smiled and messed my hair. “You know we all worried for you right?”
“Talaga lang ah? Baka pabigat lang ang tingin ninyo sa akin?” I tried not to sound sad about it.
Umakto siyang tila nag-iisip. Puto pinag-isipan pa talaga. When I kicked his foot, tumawa ulit siya at nagpeace sign. “Sinong may sabi sa’yo na pabigat ka?”
“Si Nikon...”
“Ah, that bastard,” sagot niya. “Sabihin na lang natin na palalagpasin ko ang sinabi niyang iyan sa’yo. He somewhat saved you by sending you away.”
Puto, so parang utang na loob ko pa kay Nikon na pinadala niya ako sa Tussah? “Wait, you mean Nikon helped me?”
Gon nodded. “Parang gano’n na nga Kitten. He’s loyal to Doctor Aaron and he know what’s going on from the start. He knows that Doctor Aaron wanted you out of the picture. Nang binalik niya sa akin ang memorya ko, he told me that he sent you away. Nagalit ako sa kanya, who knows what fate is waiting for you there but as time goes by, narealize ko na tama ang ginawa niya. You can say that Nikon somewhat saved you.”
Ilang beses akong napakurap habang pino-proseso iyon sa utak ko. Minsan ko nang naisip na tila niligtas pa ako ni Nikon sa lagay na ‘to. Bumaling ako kay Gon.
“Wait, bakit niya iyon ginawa?” My eyes widen as I moved my face closer to him. “Pentagon, sa tingin mo may gusto siya sa akin?”
Unti-unting napasimangot si Pentagon at tinulak niya ang noo ko gamit ang kanyang hintuturo. “God, Kitten hindi ka pa rin nagbabago! Umaapaw pa rin ang self-confidence mo grabe! Maganda ka ba?”
I crossed my arms and looked away. “Nagtatanong lang eh! At oo maganda ako, didn’t you say that to Doctor Luther?”
Gon rolled his eyes. “Naniwala ka naman. Pang-aasar ko lang ‘yon sa kanya.”
Mas lalo lamang akong napasimangot. Puto, kinilig pa naman ako at lahat dahil doon tapos.. argh! Bakit ko ba naging kaibigan si Pentagon?
Napalingon ako sa kanya nang marinig ko siyang napabuntong-hininga. “And speaking of Doctor Luther, that sick doctor is Doctor Aaron’s accomplice. I mean, not directly pero parang ganoon na rin. Doctor Luther is obsessed in making everyone pretty so he tested his skills on women. Mas tumaas ang case ng mga nawawalang babae pero dahil sa pag-aakalang nagpasurgery sila, people disregarded the alarming raise in the number of missing women. Sa eksperimento, may successful, may hindi. The unsuccessful bodies were experimented by Doctor Aaron habang naghahanap ng pwedeng maging subject ng Project:RUM 2.0. since matatanda ang subject for for the first P:RUM, he tried younger ones-- male and female pero base sa resulta ng research niya, women are the best meat.”
“That’s disgusting!” bulalas ko.
“But everyone will disagree on that-- or at least those people who tasted the products,” sagot ni Gon.
“Alam ba nila kung ano ang kinakain nila?” tanong ko.
Pentagon shrugged his shoulders. “Maybe they know, maybe they don’t. What matters is that their needs will be satisfied. Marami ang kumakalam ang sikmura Kitten.”
My fists clenched at ilang beses kong sinumpa sa isipan ko si Doctor Aaron. Pati na rin si Doctor Luther. Isama pa si Moran at si Palomo! Naramdaman ko ang bahagyang pagmasahe ni Pentagon sa likod ko.
“Relax Kitten, relax and don’t make hasty actions. Alam kong marami na namang tumatakbo diyan sa utak mo ngayon. Hopefully you’ll think about it before doing anything, okay? Anger does no good. We need to plan this thoroughly.”
***
They keep on telling me to stay calm and we will plan this thoroughly. Unfortunately, I am Sunny Gallego and most of the times, I act impulsively. Hindi ko kayang sikmurahin ang mga nakikita kong hindi tama so I always act upon it.
I found myself inside the Research Laboratory, looking for Doctor Aaron. Nasa lobby pa lang ako nang mapatigil ako dahil may narinig akong nagtatalo. It’s Megan...
...and another Megan
Puto, dalawang Megan? It must be her friend Thea. Nagkubli ako sa likod ng haliging naroon at nakinig sa usapan nila.
“Do you realize what this is all about? Thea mali lahat ng ito!?” I recognized such voice. It’s Megan. The real Megan.
“Mali? Mali ba na kahit minsan maranasan ko man lang na maging maganda?”
“Mali kasi tingnan mo? Do you think that mad doctor helped you? He changed you Thea! Hindi ka na ang Thea na kilala ko. You are someone so... so different. Ang Thea na kilala ko ay hindi ganito. She stands on what’s right pero bakit ngayon ay tila nagbubulagbulagan ka sa mga nangyayari? You’re used as guinea pigs! You’re used as bait para gawin ang Poject:RUM yet okay lang ‘yan sa’yo? My god Thea what happened to you?!”
I heard a faint laugh from Thea. “Nasasabi mo lang ‘yan kasi hindi mo pinagdaanan ang mga pinagdaanan ko. Walang nagkakagusto sa akin dahil hindi ako maganda pero ngayon alam mo bang pinupuri na ako?”
“That’s because you have my face. Hindi mo ba naisip na hindi ikaw ang pinupuri? That’s my face, whether you like it or not mukha ko ang nasa mukha mo kaya hindi pa rin ikaw ang pinupuri nila!”
Minsan ay walang preno ang bibig ni Megan pero ngayong naririnig ko siya, alam kong hindi niya sinasadya ang mga sinasabi niya. She doesn’t mean those. She just want to snap Thea to her old self.
“A-at l-least napupuri pa rin ako.”
“I can’t believe na kaya mong ipagpalit ang katarungan para sa mga papuri. You seriously changed Thea. Malayong-malayo ka sa Thea na kilala ko.”
“Nagkaroon ako ng mga kaibigan ngayong maganda na ako!”
I saw Megan smiled bitterly. “Naging kaibigan kita noon. Tell me where are the others Thea!”
“Eavesdropping is bad.”
Muntik na akong mapatalon mula sa pinagkukublihan ko nang may nagsalita sa likuran ko. Agad ko itong nilingon at nakita ko si Trench. I haven’t seen him since I returned last night since sa District 9 dorm na siya nananatili at hindi sa Bldg. 1485.
“T-trench...” Looking at him, he looks more dignified than ever plus a little rebel. When Triangle asked him to pierce his ear and wear a stud, he always does now.
He didn’t smile. “How are you Gallego?”
“A-ayos lang,” sagot ko. Puto, bakit ako nauutal?
He suddenly pulled me in a tight hug na ikinagulat ko. I didn’t expect this. I really didn’t expect this! “We missed you.”
I was shocked but I wasn’t confused. Gone were the days where I liked Trench in a different way. Ngayon gusto ko pa rin siya ngunit bilang kaibigan. I saw him in a different way before. In a negative way. Pero nang malaman ko kung gaano nagpapahalaga si trench sa mga taong nakapaligid sa kanya, my view about him changed.
Bumitaw siya mula sa pagkakayakap sa akin at hindi agad ako nakapagsalita. Ilang beses lang akong kumurap habang nakatingin sa kanya.
“What?” he asked.
“What was that?” tanong ko. “The hug...”
I saw how he tried to smile but hide it. Hay kailan kaya matutotong ngumiti si Trench nang hindi niya pinipigilan? He deserves to break free from whatever prevents him to do so. Maraming hindi magagandang bagay na nangyayari sa Capital but there are still things that are enough to make us smile.
He shrugged. “Everyone will do so if they see you.”
Hindi na lamang ako nagkomento sa sinagot niya. “What are you doing here by the way?”
“Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”
“I need to see Doctor Aaron,” sagot ko sa kanya.
“Don’t do anything stupid,” seryoso niyang wika na nagpasimangot sa akin. Puto, ganoon ba talaga palagi ang ginagawa ko? “Let’s go.”
Tumalikod siya at humakbang ngunit pinigilan ko siya.
“Teka...” He stopped and turned to me. “Sasama ka?”
He just replied with a nod kaya napabuntong-hininga na lamang ako at sumabay sa kanya. We walked around the laboratory ngunit hindi namin makita ni anino ni Doctor Aaron pero nakita namin si Doctor Luther. My hands curled into fist as I entered his office at padabog na sinara ang pinto. Trench followed the movement of the door with his eyes bago napatingin kay Doctor Luther na hindi man lamang nasorpresa sa presensya namin. His attention were on the files that he is reading.
Nag-angat siya ng tingin at inayos ang suot na salamin. “Are you here because you changed your mind?”
Pusangina niya, hanggang kailan ba niya ako titigilan? Or sadyang inaasar lang niya ako?
“Nah. Kontento na ako sa mukha ko. Meron bang surgery para sa ugali? I really think you need one.”
Tumawa si Doctor Luther ngunit halatang naiinis siya sa sinabi ko. “If you don’t have business with me, you may now leave because as you see...” He motioned his hands on the pile of folders in his table. “I’m a busy man.”
“I’m here to tell you a lot of things Doctor Luther,” nakakuyom ang kamao na wika ko. “Una, you’re not helping people to become pretty, you’re making them image-obsessed.”
Tumawa lang siya at umiling. “I am making them pretty and I cure their insecurities dear.”
“Pangalawa, you’re making them lose their true beauty. Look at them? Sa tingin mo maganda na ang mga mukha at katawan nila na tila barbie dolls ngunit nagiging kasuka-suka na ang ugali?”
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pangangalit ng panga niya. He hate what I’m saying. Tumayo siya at lumapit sa akin. My eyes met his deadly glares, hindi ako natatakot. Bakit ako matatakot sa kanya? No way.
“And most importantly, you’re no good. Hindi ka magaling sa ginagawa mo, I think you should consider changing career kasi ang daming faults and failure. Ilang pasyente mo na ba ang namatay? Kasi hindi ka magaling, hindi ka eksperto like you claimed to be.”
His eyes were turning red. Siguro ay tama nga si Gon. He’s just obsessed in his profession and I guess that is the best way to attack him.
Nanginginig na siya sa galit. “How about I’ll try my skills on you?”
He suddenly grabbed the pen from his side pocket at akmang sasaksakin ako sa mukha. I shouted as I tried to turn my head to one side ngunit walang tumama sa akin. Nang napatingin ako sa kanya, nakahawak si Trench sa palapulsuhan niya at pinipigilan ang kamay niyang nasa ere.
Trench pressed harder on his wrist kaya nabitiwan nito ang hawak na signature pen at nalaglag iyon sa sahig. I was still shaking in fear and so as he; he’s shaking in anger. He turned to look at Trench na wala man lamang kaemo-emosyon sa mukha.
“You shouldn’t do that,” sabi ni Trench sa kanya na may halong pagbabanta sa boses. It’s the same Trench that I know before. The one who was so cold na parang nagbabanta sa bawat sinasabi and you’ll seriously fear him. He’s so cold and soul-less like he’s the devil himself. “You really shouldn’t do that.”
#
VOTE AND COMMENT
sorry for the late update. I'm procrastinating these past days hehehe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro