CHAPTER 43: HELLO TRAITOR
Chapter 43: Hello Traitor
“Tangina ka!” Palomo shouted and pull me back inside. Pagkatapos niya akong hilahin papasok ay tinanaw niya ang iba na tumatakbo palayo. Hindi na niya mahahabol ang mga ito lalo na kung siya lang. Ilang beses siyang nagmura at pulang-pula sa galit ang kanyang mga mata nang bumaling siya sa akin at sinampal ulit ako nang ubod ng lakas.
Kinaladkad niya ako at akmang sasampalin ulit nang may nagsalita mula sa likuran. Pusangina niya, namumuro na siya sa pagsampal sa akin!
“Tama na ‘yan Palomo, dumating na ang bibili sa kanya,” sabi ni Doctor Sigmund Fred.
Nangigigil na binitiwan ako ni Palomo. “Nakakainis ang kliyenteng iyan, kung hindi lang malaking halaga ang kapalit edi tinanggihan ko na. Hindi makapaghintay, sabi nang huwag muna ngayon ang delivery!” sabi ni Palomo at tiningnan ako na may galit pa rin sa mga mata. “Pero mabuti na rin at mapilit siya, dahil kung hindi ay hindi ko malalaman na nakatakas na silang lahat.”
Muli niya akong kinaladkad pabalik sa daan na tinahak namin kanina. My wounds hurt kaya napapangiwi na lamang ako sa bawat hila na na para bang isa akong rolling bag. Hindi niya ako binalik sa kulungan at sa halip ay pumasok kami sa opisina niya kung saan may mga naghihintay. Tatlong lalaki and two of them are personal bodyguards, I guess.
Ang nakaupo naman na tila boss ng dalawa ay parang baliw. Ang dilim-dilim dito sa kuta ni Palomo tapos may dark glasses pa siyang nalalaman.
Bahagyang yumuko si Palomo nang makita ito.
“Pasensya na kung medyo natagalan, medyo nagkaproblema kasi,” nakangiting sabi ni Palomo. Wala na ang bakas ng labis na galit niya kanina. Wow, ang plastic, iba talaga kapag pera ang involved. “Pasensya na rin kung may mga sugat siya. She tried to hurt herself dahil akala niya ay dadalhin siya sa ospital--”
“Wag kang sinungaling, nilatigo mo ako,” nayayamot na wika ko na nagpagulat sa kanya. He gave me glare like he’s telling me to shut the hell up.
Hello? Isa yata ‘to sa talent ko, ang sumagot-sagot at magpakita ng katigasan ng ulo.
Bumaling si Palomo sa kanyang bisita. “Pasensya na talaga, mahilig talagang gumawa ng istorya ang--”
“You mean, ikaw mahilig gumawa ng istorya?” singit ko ulit. “Ano ako tanga? Sasaktan ang sarili ko, sasampalin ang sarili ko?”
Muli niya akong tiningnan ng nakakamatay na tingin. He looks so done with me at tila anumang oras ay mananapak ulit siya pero biglang tumayo ang kanyang bisita. Lumapit ito sa akin at tiningnan ang mga sugat ko na hindi pa lubusang gumagaling kahit na may cream. Sabagay, sabi ni Doc Sigmund after three hours pa talaga iyon gagaling.
“Wala sa usapan natin na may dents at damage ang bibilhin ko Palomo,” wika ng lalaki at nagtanggal ng sunglasses and to my surprise, nakilala ko kaagad siya kahit ito ang unang beses na nagkita kami. Kumulo ang dugo ko, mas kumulo pa ang dugo ko dahil sa kanya kaysa kay Palomo na ilang beses na akong sinampal.
Inipon ko ang lahat ng natitirang lakas ko at sinuntok siya nang malakas sa ilong. Dumugo iyon at gusto ko pa sanang dagdagan ngunit nasa harap ko na ang kanyang mga bodyguard at halos sakalin na ako.
Pinahid niya ang dugo sa ilong at itinaas ang kamay. Hudyat iyon na bitiwan ako ng mga bodyguards niya. Nagulat silang lahat sa ginawa ko, lalong-lalo na si Palomo. Kung may lakas nga lang sana ako pati siya ay sinuntok ko na rin.
Bumaling siya kay Palomo. “I want a discount since may damage ang bibilhin ko.”
“Walang problema Sir Trap Lennon,” sagot ni Palomo at yumuko ulit. Tinanggap niya ang card na ibinigay ni Trap Lennon at ini-swipe iyon sa computer na nasa mesa niya. "Congratulations on your purchase."
***
Tahimik lang ako habang lumalabas kami sa lugar na iyon. I was still in my collar and leash na hawak ng isa sa mga bodyguard niya at nang marating namin ang magarang sasakyan na naghihintay ay inutusan niya ang bodyguard na alisin iyon-- at agad namang pumalag si Palomo.
“Sir Trap, medyo magaslaw ‘yang isang ‘yan kaya mas mabuti siguro na huwag mong tatanggalin ang tali--”
Trap Lennon cut him off. “Huwag mo akong pagsabihan kung ano ang dapat kong gawin Palomo, pag-aari ko na siya ngayon kaya wala ka ng pakialam kung ano ang gusto ko.”
Boo, pakialamero kasi!
Yumuko ulit si Palomo pero tiningnan niya muna ako nang masama. I gave him the same glare at parang anumang oras ay papatulan na niya ako pero nagpigil lang siya.
“Pasensya na po, bumalik po ulit kayo kung may nais pa kayong bilhin.”
Hindi siya sinagot ni Trap Lennon at pumasok na lamang sa kotse na binuksan ng isa niyang bodyguard. Pinapasok din ako kaya sumakay na lamang ako at isinara nila ang pinto.
The bodyguards are in the front at nang umandar ang sasakyan ay may pinindot si Trap, may itim na screen na tinakpan ang bukas na espasyo kung nasaan ang dalawang guard kaya hindi nila kami makikita at ganoon din kami, hindi namin sila nakikita. Napakaluwag ng sasakyan so I sat far from him.
Tiningnan ko siya nang masama, iyong tinging nakakamatay. I hate him. He’s a traitor. Nakita ko sa alaala ni Android IX.
“You might want to tell me why you punched me,” sabi niya nang walang kaemo-emosyon.
“To say my hello. Isa pa, you deserved it, you traitor!”
Tumango-tango lang siya at hindi sinalungat ang sinabi ko. “Mind if I ask how did you know?”
“Nilunok ko ang memory chip ni Android IX,” sagot ko. I hate to admit that that silly thing happened.
Halata ang pagkagulat sa mukha niya at tila pinigilan niya ang pagtawa. Okay I know, that was so stupid of me. Sinong nasa matinong pag-iisip ang lulunok ng chip ng robot?
“How? I designed it to be inaccessible,” tanong niya.
“Kailangan ko pa ba talagang ipaliwanag? It doesn’t matter anyway dahil ang bottomline ay traydor ka pa rin. Pero sige, sabihin na lang natin na bayad ko sa pagsuntok sayo. I was shot with P2 bullets so the parasites probably fed on it. Naipon ang laman niyon simulation ng P2 na ginamit sa akin pero gaya ng sinabi mo, inaccessible nga iyon kaya sa akin lamang iyon gumana.”
That’s how I see it. I saw in my memory how he designed it at naipon ng memory bank ng lahat ng laman ng chip pero hindi iyon mabuksan, unless ibalik iyon sa katawan ko sabi ni Nikon. And he was right. The memories I saw was accessed for the first time kaya walang alam si Nikon, si Moran or kahit sino man sa kung ano ang laman ng memory chip ni Android IX.
At doon ko nakita ang ilang beses na pagbalik niya sa Capital upang makita ang robot na sa katauhan na ni Brenda. It was in a confidante mode-- bagay na si Trapezoid lang ang may alam kung paano i-activate. He told the robot the decisions he made at iyon ay ang huwag na lamang tumupad sa plano nila ni Mozart. He told Android IX na maninirahan na lamang siya sa Tussah at iiwan ang Capital-- including his sons.
He said he wanted it that way dahil mas maganda ang buhay niya sa Tussah. That’s how he abandoned my father and their plans at maging ang kanyang pamilya ay pinabayaan niya.
“Anak ka nga talaga ni Mozart, just like him, you do a lot of crazy things.”
Hindi ako nagsalita at binato lamang siya ng mga masamang tingin. Nanatili ang katahimikan sa loob ngunit mayamaya ay nagsalita ako.
“Saan mo ako dadalhin?” tanong ko sa kanya.
“Sa bahay ko.”
“Ah, balak mo talagang gawin akong aso o anumang hayop.”
“Kailangan mong magpagaling para maayos kang makabalik sa Capital,” sagot niya ngunit hindi man lamang ako sinulyapan.
Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Ibabalik niya ako sa Capital? “Anong sabi mo?!”
“Ibabalik kita sa Capital, this place is not for you.”
Tumawa ako ng pagak. “Talagablang ah? Hindi na pala para sa akin ang paninirahan sa Tussah when in fact, sa pagitan nating dalawa, ako ang may dugong Tussan.” Ang kapal naman ng mukha niya.
“It took you seven days to get here kaya kailangan mo ng kahit isang linggong pahinga bago ka bumalik,” wika niya na hindi pinansin ang sinabi ko kanina. Maybe he doesn’t want to say something about it since guilty siya kasi totoo.
Pero puto, isang linggo ang byahe ko sa loob ng Capsule na iyon? Gaano ba kahina ang pag-andar ng capsule na iyon para umabot ng isang linggo?! Pusangina, parang naglakad lang din ako ah?! Puto, kaya pala gutom na gutom na gutom ako. And speaking of gutom, my stomach growled loudly at napatingin si Trap sa akin.
“We’ll arrive there soon kaya makakakain ka na mayamaya.”
Isiniksik ko ang sarili ko sa gilid. Hindi na lamang ako sumagot pa at baka may masabi akong hindi maganda tapos mainis pa siya at magbago ang isip niya na pakainin ako. I swear I am so hungry right now and I’m too hungry to bicker with him anymore.
The car pulled to stop at nang lumabas kami ng sasakyan ay halos malula ako sa laki ng bahay ni Trap Lennon. Kagaya iyon ng mga bahay na nasa elite ward ng Capital or it could even be grander than those. Hindi ko tuloy maiwasan ang manggalaiti sa galit. So nasilaw siya sa yaman kaya pinili niyang manatili rito?
Giniya niya ako papasok sa bahay at mas lalo lamang akong namamangha at naiinis. Masyado yata siyang naliligayahan sa karangyaan niya rito kaya kinalimutan na niya ang pamilya niya.
‘yong tooo, hindi man lang ba niya naisip na may mga anak. And I remembered how lonely Triangle was because he thought he has no one but himself and Trench?! Puto, buhay na buhay pala ang kanyang ama at nagpapakasasa sa magandang buhay rito sa Tussah. Pusangina!
I was amazed on the splendor of the house ngunit hindi ko lang pinahalata na masyado akong naignorante sa nakikita ko. Trap guided me towards the dining room at pusangina, ang daming pagkain na tila ba fiesta! Mas lalo tuloy kumalam ang sikmura ko at kung hindi ko pa napigilan ang sarili ko, malamang tumakbo na ako at kumain kahit hindi niya sinabi.
“Please yourself Sunny, kumain ka, that’s all for you,” sabi niya at tinuro ang mesa.
As much as I want to dig in, napatingin ako sa kanya na may pagtataka.
“How did you know that my name is Sunny?” tanong ko sa kanya. My records that Palomo has contains my name as Sonia, not Sunny.
“Maybe you should eat first,” sabi niya at iniwan ako.
I sighed before rushing towards the table to satisfy my hunger. Saka ko na lamang iisipin ang ibang mga bagay, kailangan ko munang kumain.
#
A/N: Sorry for giving a short and half baked update. Ang sakit ng ulo ko mula kagabi hanggang ngayon. As in nonstop, feel ko ang sakit kahit tulog ako T_T Ilang gamot na nainom ko pero wala pa rin, mao-overdose na nga yata ako. This has something to do with my astigmatism (I hate this, sabi ng doktor 'di pwede contact lens kasi useless lang) I guess I have no other choice but pick eyeglasses tomorrow bago ako tuluyang mabulag.😭
VOTE AND COMMENT
thanks!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro