CHAPTER 42: GIVE IT A SHOT
Chapter 42: Give It A Shot
“Gutom na gutom na ako,” reklamo ko kasabay ng pagyakap ko sa tiyan ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa loob ng capsule mula sa Capital pero sa tingin ko ay matagal-tagal din.
“Darating din ang pagkain natin pero ewan ko lang kung gugustuhin mo pang kumain,” sagot ni Klein.
Tila narinig naman kami ng mga tauhan ni Palomo. Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang lalaki na may dalang timba.
Puto, timba?
Naglapag sa harap ko ang isang lalaki ng satin na plato at nagbuhos ng pagkain mula sa timba. Ganoon din ang ginawa nila sa iba. They put food on the plates like we’re pigs and left.
Hindi ko mapigilan ang mapaluha ulit. Gutom ako pero hindi ko yata kayang kainin ang nasa plato. Mas gugustuhin ko pa ang amoy disinfectant na dilaw na pagkain sa quarantine sa Capital kaysa ganito.
Hindi ko mapigilang isipin ang mga nasa dormitory ngayon. Iniisip kaya nila kung nasaan ako? Kumain na kaya sila? Binigay na naman kaya ni Coco ang karne na para sa kanya kay Pentagon? Ano kaya ang iniisip nina Gon ngayon? Siguro nag-iisip na siya ng paraan para hanapin ako. How about his memories, naibalik na kaya sa kanya? I guess I have to keep myself busy with such thought to forget that I am hungry.
“Psst, Sunny.”
Napalingon ako kay Gino. He suddenly tossed a ripe banana towards my cage. Buti na lamang at malapit iyon sa akin kaya maaabot ko pa rin.
“Kainin mo ‘yan at kahit papaano ay maibsan ang gutom mo,” sabi niya at naupo. None of them were eating too.
“Saan ‘to galing?” tanong ko habang sinisipat ang saging. Kung hindi pa ito kakainin pagkalipas ng ilang araw, malamang bulok na ito. “At bakit hindi kayo kumakain?”
“Hindi talaga namin gusto ang hapunan na pagkain,” sagot ni Aleah. “Kapag umaga, ayos naman ang pagkain iyon nga lang, konting-konti lang. Ganoon din kapag pananghalian. Sa hapunan naman parang pagkain nag baboy kaya parang hindi talaga nila tayo pinapakain ng hapunan.”
“S-salamat Gino,” sabi ko at kinain ang saging. Puto, ninamnam ko ang saging para naman kahit paano ay ramdam ko na may kinakain ako.
“Bakit ka ba napunta rito?” tanong ni Klein.
“Mahabang storya but to make it short, something’s wrong with the Capital at hindi ako sang-ayon doon. Unfortunately, I am powerless and all I could think of is to agree to a deal of leaving the Capital,” sagot ko. “Hindi ko alam na ganito ang kapalaran na naghihintay sa akin.”
“Tussah’s government isn’t like this,” sagot ni Caina. “Maayos naman ang pamamalakad ng hari sa kanyang nasasakupan but it’s just that some rules are not fair. They decide for your path. Intellectual thoughts that directly opposed the government decisions are illegal unless you are part of the intellectual council-- and that’s consist of 12 people. 12 out of millions in the population kaya hindi ko na rin masisisi ang mga tao or those who can’t bear with such system. Ganyunpaman, wala namang naagrabyado na gaya ng ganito sa ganoong sistema.”
“Ano? Anong ibig sabihin?” naguguluhang tanong ko.
“Bawal mong i-outsmart ang gobyerno. Kapag sinabi nilang iyon ang dapat mong marating, you have to follow that. Kunyari gusto mong maging guro pero sinabi ng gobyerno na magiging doktor ka, you will be a doktor. Kung hindi ka magiging doktor dahil hindi mo kaya, wala kang kwenta at magiging commoner lamang. Walang propesyon. Kung pinilit mong maging guro, ikukulong ka. Kung ano ang desisyon nila, hindi mo pwedeng salungatin iyon or you cannot give an opinion about it. Compliance is mandatory. Insubordination means rebellion. Rebellion is a capital sin. Capital sin means death.”
Napasimangot ako. Kung sa Tussah pala ako nakatira, matagal na akong ibinitay. There's no freedom of choice here. And there goes people like Doctor John, Palomo and the elites who purchase “pets” like us. Para ano? To feel mighty? Na may tao silang naaagrabyado? Hindi ko makuha ang logic ng lahat ng ito.
Bigla kaming natahimik nang bumukas ang pinto at pumasok si Palomo na nakangiti ng nakakaloko. Puto, isa pa ‘to. I thought people are pretty when they smile pero mukhang hindi yata siya bahagi ng ‘people’ na ‘yon (if he's even human). Or maging si Moran. He keeps on rubbing his palms together at tila excited na excited.
“Hmmm, malaking pera ‘to!” bulalas niya at binuksan ang kulungan ko. Bumaling siya sa mga tauhan niya. “Ilabas na ‘to at ihanda ang tali!”
Sinalakay ako ng kaba nang patungo sila sa direksyon ko. They pulled my by my collar samantalang ikinabit naman ng isa ang tali. I have never imagined that I'll be humiliated like this. I wasn’t treated as human. Tila ginawa nila akong aso. The others looked down and feel sorry for me. Hinili ako ng isa sa pamamagitan ng tali ngunit nagmatigas ako kahit masakit sa leeg.
“Hoy anong ginagawa mo? Bilisan mo! Labas!”
He yanked me again but then this people don’t know me. I am the most stubborn person they could ever meet kaya kahit masakit ang pagkakahila nila sa leeg ko nanatili akong nakakapit sa metal bars.
“Boss ayaw!” sumbong ng tauhan ni Palomo. Boo! Sumbungero!
Lumapit naman si Palomo sa akin. He lowered himself and look at me.
“C’mon royal blood. Hindi biro ang perang makukuha ko sa pagbebenta sa'yo so you need to be as obedient as I want you to be.” He held my jaw pero agad ko iyong tinabig. Tumawa siya at muling hinawakan ang mukha ko, roughly squeezing my jaw. “Fierce as cat.”
I openly scowled. Wow, kitten lang ako dati ngayon nag-evolve na bilang pusa. Hindi ko napigilan ang sarili ko, I spit on his face at nasa noo niya ang laway ko. Pusangina niya, pasalamat siya nakaligo siya ng laway ko at lease kahit paano ay luminis siya.
Nagulat ang ibang mga nakakulong sa ginawa ko samantalang bahagyang natigilan si Palomo. He couldn’t bear the humiliation at sa isang iglap ay dumapo sa pisngi ko ang isang malutong na sampal. Sampal lang iyon pero tumilapon sa lakas niyon. Napasigaw ako sa sakit at pakiramdam ko ay humiwalay ang pisngi ko sa mukha ko. I silently cried samantalang galit na galit na napamura naman si Palomo.
“Tangina mo!” Tumayo siya at kumuha ng latigo and before I know it, the whip hit my body at pumainlang sa silid na iyon ang mga sigaw ko dahil sa sakit. I felt my flesh opened on every hit at maging ang pisngi kong hindi pa nakarecover sa sampal niya ay natamaan din ng latigo at nasugatan. Hindi siya tumigil hanggang hindi mapuno ang katawan ko ng sugat at halos hindi na ako makagalaw.
“Tanngalin ninyo ang tali ng gagang iyan at ako na ang magdadahilan kung bakit hindi natin siya pwedeng ideliver ngayon! Tawagin niyo rin ang doktor upang gamutin ang mga sugat niya!” sigaw ni Palomo. He glared at me before he stormed out of the room.
Umiiyak pa rin ako hanggang sa muling isara ng mga tauhan niya ang cage at umalis. The others looked at me with leniency in their eyes ngunit wala silang magawa kundi ang tingnan ako dahil nakakulong kaming lahat.
“Sunny, wag mo nang uulitin iyon,” narinig kong sabi ni Klein. “Natuwa ako dahil kahit paano ay may naglakas loob na lumaban kay Palomo but you see his temper. Baka ikamatay mo pa ang bugbog niya sa susunod.”
I spit some blood before I straightened my body. Tumayo ako mula sa pagkakadapa at sumandal sa cage. I raised my hand and they all gasped. Hawak ko ang kumpol ng mga susi na pasikretong kinuha ko sa tagiliran ni Palomo kanina.
“At least I got this,” wika ko.
Nakarinig kami ng mga papalapit na hakbang kaya tinago ko agad ang susi. Pumasok ang ilang mga tauhan ni Palomo at may kasama silang doktor. I would have been in trouble kung si Palomo ang sumama sa doktor dahil baka mapansin niyang nawawala ang mga susi niya.
The guard open my cage at pumasok ang doktor. Bumalik sa pinto ang tauhan at umupo naman ang doktor sa tabi ko.
“It would have been fatal for you kung hindi nagpigil si Palomo,” mahinang sabi niya habang naglalagay ng cream sa sugat ko. Masyadong masakit ang katawan ko kaya hindi ko na inalam pa kung ano ang cream na iyon. It feels so cool on the wound though.
“So may awa pa siya sa lagay kong ito?” sarkastikong tanong ko sa doktor.
“And if you keep such attitude, hindi lang ganito ang aabutin mo, hindi lang kay Palomo kundi sa ibang pang makakasalamuha mo,” mahinang sambit niya na para bang ayaw niyang marinig kami ng gwardiyang kasama niya.
I sneered at him. “Sorry doctor pero wala akong panahong makinig sa good manners and right conduct lesson mula sa taong mas nangangailangan niyon. Look at you, do you think this attitude of you is good? Sabihin na nating hindi ikaw ang nambugbog sa akin but knowing that you’re here, providing your service ibig sabihin ay wala kang pinagkaiba kay Palomo at sa mga tauhan niya. Kayo ang mas nangangailangan ng GMRC lesson,” sagot ko. Puto, I really cannot control my mouth. So what? This is my attitude. I respect people who respect others. If they’re disrespectful, well I can show them what disrespectful really means.
Napailing lamang siya at hindi na sumagot. Tsk, supalpal kasi totoo.
“The wounds will close after approximately 3 hours so make sure you wouldn’t get whipped again or it will totally sting.”
Tiningnan ko siya at at tahimik na in-assess. Maybe he’s around 30 or 40. His eyes look tired pero parang ganoon na talaga iyon. Matapos niyang lagyan ng cream ang lahat ng sugat ko sa katawan ay sinunod naman niya ang sugat sa mukha ko ngunit tinabig ko ang kamay niya. Kailan ba sila aalis?
He sighed before he closed the tube containing the cream and put it on my side. “I am denied to live the life that I wanted so this is my only resort. Hindi ko na iniisip kung ano man ang pinasok ko, ang gusto ko lamang ay maging doktor at manggamot but Tussah denied me that life. This is the only way possible.”
“So you treat people you deliberately hurt? Wow ang ganda naman po ng layunin ninyo,” I blurted out. He didn’t smile but he didn’t look pissed either.
“This system deprived us the freedom that we want. We have no choice but to live what they want. The system wants us to be stupid and I cannot allow that,” sagot niya. “Hindi mo rin naman ako maiintindihan kaya hindi ko na lamang ipapaliwanag. I’m here for a reason, same as you’re here in Tussah for a reason. May mga desisyon tayong gagawin na para sa atin ay tama ngunit maling-mali sa mata ng iba. Anyway, ilagay mo na lamang ang natitirang cream sa sugat mo sa mukha.”
His words hit me. Tama siya. May mga desisyon talaga tayo na para sa atin ay tama ngunit mali pala. Like how I decided to be here. Hindi ako sumagot at yumuko na lamang. Inayos niya ang kanyang mga gamit.
Napatingin siya sa kanyang relo at mas lalo pang hininaan ang kanyang boses. “By the way, paglipas ng isang oras ay maririnig mo ang buzzer. Ibig sabihin niyon ay hapunan ng mga gwardiya so the lobby will be clear. Take the left path at makikita niyo roon sa dulo ang daan palabas.”
Tumayo siya at pinagpagan ang kanyang tuhod samantalang nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. Did he just tell me where and when to escape? Paano niya nalaman?
“Who are you?” tanong ko sa kanya.
“Does it matter?”
I rolled my eyes. “Mali bang itanong ko ang pangalan ng doktor?”
He shook his head. “Doctor Sigmund Fred.”
Tuluyan na siyang humakbang palabas ng cage at muli namang isinara ng gwardiya ang kulungan. I watched them as they disappered through the door. Dr. Sigmund Fred. His name doesn’t sound trustworthy but I’d like to give it a shot.
***
I waited for the buzzer and we heard footsteps outside. Malamang ang mga gwardiya iyon. The footsteps disappeared at agad kong inilabas ang susi. Binuksan ko ang kulungan ko at sunod na binuksan ang mga kasamahan ko. Wala sa aming nagsasalita. Siguro ay dahil sa labis na kaba.
I guided them towards the direction that Dr. Sigmund said. Puto, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ngayon. If we got cuaght baka tuluyan na akong patayin. Worst, lahat kami mananagot. But being confined inside those cages are worst than being dead so we need to do this.
“Kinakabahan ako,” mahinang bulong ni Aleah. Well sino bang hindi?
“Bumalik na lang kaya tayo?” tanong naman ni Gino.
Tiningnan ko sila ng masama. I cannot blame them to be afraid. They witnessed how cruel Palomo is kaya kapag mahuli kami, good luck sa amin. But this is an opportunity to escape. Sometimes good opportunity knocks only once kaya ayaw kong pakawalan pa ‘to.
“Magtiwala tayo sa sarili natin,” sambit ko. Alam kong hindi iyon magpapatatag sa loob nila pero bahala na. I guided them towards the way that Dr. Sigmund told me about at nang marating namin ang dulo, tama siya. May lagusan palabas.
“Dahan-dahan lang sa pagbaba,” sabi ko at pinauna ang mga lalaki upang tanggapin ang mga babae. The place was a bit high and if we aren’t careful, masama ang bagsak namin.
Gino and Klein successfully made it down. Sunod na bumaba si Aleah at Caina. Just as when I was about to squeezed myself out, someone grabbed me hard on my wounded arm.
Puto! Si Palomo!
#
VOTE and COMMENT
thanks
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro