CHAPTER 4: RESTORED
Chapter 4: Restored
Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo at tanging kami lamang ni Triangle ang nanatiling humihinga habang nakatingin kay Nikon. Biglang uminit ang gilid ng mga mata ko ngunit pinigilan kong bumagsak ang mga luhang nagbabadya. Yes, I miss being called that way pero puto, wala siyang karapatan na gawin iyon! He doesn’t have a right unless he’s Pentagon!
Nagulat na lamang ako nang biglang tumalon sa kanya si Triangle at pinaulanan siya ng suntok. Triangle has lost it again. Alam kong mas labis ang sakit na nararamdaman niya ngayon pero hindi pwedeng ganoon siya. Like the seniors said, they doesn’t fear him anymore dahil hndi sila ang pinakamataas na elite.
“Triangle no!” Agad ko siyang hinila palayo kay Nikon. Hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang mga nakakuyom na kamao. I tried opening it and with lots of effort, I successfully did. Hinaplos ko ang kanyang mga kamay. Gusto kong umiyak at puto, gustong-gusto ko ring bugbugin si Nikon dahil sa kapangahasan niya pero hindi ngayon. Kailangan ko munang malaman kung sino siya at bakit niya iyon ginawa. I thought I was able to tame Triangle but then he suddenly pushed me away. Kung hindi lang ako nakabalanse ay malamang nalaglag na ako sa lupa.
Hinarap niya ang senior na kanina pa nagsasalita sa harap. “F*ck everything! Nag-iisip ba kayo nang maayos? Ito ba ang nais ninyo? This is what you call fairness?” galit na singhal niya. Triangle is really scary whenever he’s mad.
But the senior wasn’t moved. Ni hindi man lamang siya nagpakita ng konting takot sa harapan ni Tatsulok. “Grande, I think you misunderstood. Narinig mo naman ang sinabi ko kanina. I said liberty from discrimination and inequality. That’s why we abolished it. Hindi namin minaliit ang kakayahan ng babae kaya ginawa natin ang seremonyang ito.”
“At ano? Ipaglaban ang babae at lalaki? What the fuck?!” Triangle hissed.
The senior laughed along with his minions. Pusangina, nakakairita sila!
“Matalino ka ba talaga? You really got it wrong. Pinaglaban namin ang babae at lalaki, diyan papasok ang equality dahil pantay ang tingin namin sa kakayahan nilang lumaban. We give everyone the equal rights, privileges and opportunities gaya ng makalaban ang opposite gender. Pantay lang.” He let out a mocking laugh.
“Puto, saan naman ang pantay na pagtrato roon sa bawat isa?” Naiinis na singit ko sa usapan.
“I’m not surprised with you Gallego dahil una sa lahat, hindi ka naman matalino. We promote equality, not equity so do not expect us to treat women with fairness as the way we deal with men or anyone we want,” sagot ng senior kasabay ng tawa. "Equity and equality are two different things."
I slowly clenched my jaw at konting-konti na lang ay matatamaan ko na siya kung hindi lang ako nagpipigil. Suddenly, someone shouted from my back.
“Hoy p*tangina ka, anong hindi matalino si Mylabs, gago ka ba? Ang gago gago mo! Gago ka! Gago!” It was KL. And yeah, isa siya sa taong walang kwentang kausap at idadaan ka na lamang sa walang hanggang pagmumura.
Tiningnan ko si KL nang masama at nagpacute lang siya sa akin. Someone from the crowd also walks towards our direction and it was Trench. He’s in his usual blank face nang nilapitan niya si Triangle at hinawakan sa braso at hinila palayo roon. Triangle, who was still stoic after what the senior said, just let his cousin pulled him somewhere.
Hinarap ko si Nikon na nanigas din sa kinatatayuan niya matapos makatanggap ng mga suntok mula kay Tatsulok. “Sino ka?” tanong ko sa kanya. Deep inside me, I was hoping that he is Pentagon pero imposible iyon. Pero masisisi niyo ba ako kung umasa ako?
Nang hindi siya sumagot ay hinablot ko ang basong hawak-hawak ng isang estudyante sa gilid ko. Hinampas ko iyon sa nakita kong speakers at nabasag iyon. Napasigaw ang karamihan nang nilapitan ko si Nikon at hiniwa ang kanyang braso. Blood squirted from his wound at napadaing din siya sa gulat.
“Damn,” he cussed and looked at me. “Para saan iyan?”
“To prove that you’re human,” sagot ko sa kanya. “Pero hindi iyon sapat.”
Mas lalong napasigaw ang karamihan nang nilapitan ko si Nikon at hinubaran. I lifted his shirt at sinunod ang kanyang pantalon ngunit bigla na lamang akong umangat mula sa lupa. To my surprise, KL is already lifting me.
“Mylabs, sa akin mo na lamang gawin iyan,” wika niya at binuhat ako na para bang isa akong sako ng bigas. Puto, namumuro na si KL!
“Ibaba mo ako KL!” banta ko sa kanya. Naglalakad na siya palayo sa kumpol ng mga estudyanteng tila bumalik na sa party mode.
“Ayaw.”
“KL ibaba mo sabi ako! I need to know who is Nikon!”
“Nikon nga diba?”
I gritted my teeth. Kung tao ba siya o hindi! Kaya ibaba mo ako.”
“Tao siya pero hayop siya okay?” wika niya at mahinang tinampal ang pwet ko. Puto! Isa na lang!
“I-BA-BA MO A-KO!” I made emphasis on every syllable ngunit kahit pa siguro I-spell out ko ang sasabihin ko, hindi makikinig sa akin si KL.
“A-YAW KO!”
Patuloy lang siya sa paglalakad at nang ibinaba niya ako ay nasa malayong parte kami ng Academy. Medyo madilim doon at hindi na namin masyadong naririnig ang ingay na nagmumula sa kasiyahan sa field.
“Do you know what you just did? Kailangan kong alamin kung tao ba o hindi si Nikon! What if he’s an android that Gon created or—”
“Mylabs, tama na okay? Tama na. Tao siya, tapos ang usapan. Tao siya, I warrant you that,” iritadong wika ni KL.
“How could you be so sure?” huh, the feeling is mutual! Iritadong-iritado na rin ako sa mga sandaling ito! KL messed up everything!
“Alam ko dahil kasama ko siya sa pagte-training. We both joined underground mixed martial arts!”
Mas lalo lamang akong naguluhan. Kung kasama siya ni KL ay malamang, wala siya noong mga panahong kasama ko si Gon. But how come he knows Gon’s gestures and endearment to me? Puto, nakakabaliw mag-isip! Napahawak ako sa batok ko sa labis na pagkalito. “Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko.”
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinarap sa kanya. “Listen Sunny, kahit anong mangyari, do not get involve with Nikon.”
I faced him with a serious face. “Why?”
For a second, he stood silent like he’s trying to think of the proper explanation of what he said. “Just don’t.”
“KL, you’re not making any sense,” I replied, rolling my eyes.
KL pushed his hair back. Kahit madilim ay naaaninag ko ang mga pasa sa mukha niya. “There are people you shouldn’t get involve with at nangunguna roon ang mga katulad ni Nikon.”
I frowned. “But he looks harmless.” No offense pero mas mukha pang may masamang balak si KL kaysa sa Nikon na iyon. Si KL kasi mukhang aabangan ka sa kanto at hoholdapin ka. Again, no offense Ronan.
“Looks can be deceiving. Kilala ko si Nikon, dinadala niya sa inosenting mukha ang lahat pero ang totoo niyan ay ang dami niyang tinatago. He’s evil and manipulative. He’s the type who doesn’t care whatever it takes if he wants somethings. What Nikon wants, Nikon gets.”
I let out a dry laugh. “Really? You know him that much?”
“I know enough that he cannot be trusted,” sagot niya. “Kaya...” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. “Huwag na huwag kang magpapadala sa kanya.”
I let out the drowning thoughts in my mind. “He called me Kitten.”
“Don’t get swayed,” ngiwi niya.
“I didn’t! It’s just that... that’s what Gon used to call me,” wika ko. No, he cannot be Gon. I saw it in my own eyes how Gon sacrifice himself. Parang panaginip lang ang lahat pero kahit anong gawin ko, hindi na yata ako magigising mula sa panaginip na iyon.
“Gon?” naguguluhang wika ni KL.
“A friend. A dead friend,” sagot ko sa kanya. Physically dead but he will always be alive in my heart. “Puto, paano niya nalaman iyon?”
Nanigas ang mga bagang ni KL. “That’s why you shouldn’t trust him.”
Naningkit ang mga mata ko habang tinitingnan siya. “At sino naman ang pagkakatiwalaan ko? Ikaw? Sabihin mo nga sa akin KL, bakit ka bumalik?”
Muli siyang napahawak sa kanyang buhok. “Do I really have to say it again Mylabs? Bumalik ako para sa’yo Sunny. Isa pa, what can I do? The Capital has become something it shouldn’t be.” KL is a low-key anti of the Capital. Iyon ang rason kung bakit nagustuhan ko siya kahit pa basagulero siya.
“Anong alam mo KL?”
“Magpahinga ka na Sunny,” paglilihis niya sa usapan. Puto, may alam nga siya!
“KL!”
He covered his ears and looked somewhere far. “Wala akong naririnig.”
“KL isa! Hindi mo gugustuhing magbilang pa ako!” pagbabanta ko.
His jaw clamped. Hesitation was written on his eyes but at the end he decided to spill the beans. “During my application as chance student, I overheard a voice talking to someone over the phone.”
“And?”
“They’re talking about a project.” Hinawakan niya ang balikat ko at sumeryoso ang kanyang mukha. “A long-term project of the Capital. Tunog alak iyon, ano nga ba iyon?” Napatingin siya sa taas habang may pilit na inaalala.
“Project RUM?” I asked with a wide eye.
“Tama! RUM! Iyon nga!”
Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko. “Huli ka na sa balita. That project is already terminated.”
“Hindi,” protesta niya sa sinabi ko. “Klaro ang narinig ko. Project RUM 2.0 is soon be launched.”
2.0?!! Puto?!
***
Kumikirot ang ulo ko nang gumising ako kinabukasan. Gaya ng dati ay wala nang tao sa dorm, maliban kay AndE (and she’s not human).
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lutang na naglakad ako papunta sa klase. Halos lakad-takbo na ang ginawa ko ngunit napatigil ako nang makita ang taong nakatayo malapit sa fountain. Nakapamulsa siya at tila may hinihintay.
His eyes shifted from his shoes then to me. He smiled a smile that is hard to decipher what is behind it. Lumapit siya sa akin at tumayo sa harapan ko.
“Hinihintay talaga kita Sonia Gallego,” wika niya sa baritonong boses.
Nikon Zamora is surely someone who doesn’t look like he’s capable of fighting and brawling with anyone. Per ano naman ang mapapala ni KL kung niloloko niya lang ako na kasama nga niya si Nikon sa training? Unlike KL, Nikon’s muscle weren’t refined. Hindi siya payat pero hindi talaga siya mukhang sanay sa suntukan at kung anu-ano pa.
“You’re assessing me,” he said with a laugh. “Ano naman ang nasa isip mo ngayon?”
Out of impulse, I grabbed him by the collar of his shirt at mahigpit na hinawakan doon. “Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo ako tinawag na Kitten?”
He let out a smile. Iyong ngiti na ang sarap tanggalin sa mukha niya. “If you’re that curious, come with me.”
Humakbang siya papalayo sa akin at naguguluhang tinanaw ko siya. I was torn between following him or not. KL already warned me. Hindi ko dapat pagkataiwalaan si Nikon. Pero puto, curious talaga ako! I stood there, clenching my fist. Naramdaman niyang hindi ako gumalaw kaya huminto siya at nilingon ako.
“Come on Gallego.” Hindi pa rin ako gumalaw at nanatiling nakatayo. “Ah, natatakot ka na baka patayin kita.”
Pusangina, no I’m not afraid.
“Kung papatayin kita, then you must be dead the fist time we’ve seen each other,” wika niya at ngumisi ulit. “So, you wanna come or not?”
“Alam mo bang matagal akong natulog kagabi dahil nag-aral ako ng balancing equations?” wika ko sa kanya. I really hate explaining to him at this moment. I should be in my class right now pero heto ako at nag-aaksaya ng panahon sa harapan niya.
His forehead creased, confused with what i said. “Your point?”
“Dapat nasa classroom na ako at in-apply ang mga pinag-aralan ko at hindi nag-aaaksaya ng panahon sa pakikipag-usap sa’yo. Don’t waste my time Nikon Zamora, sabihin mo sa akin ngayon kung ano ang alam mo sa mga bagay na si Gon lamang ang gumagawa.”
He used his pointer finger to scratch the side of his eye. “Kaya nga sumama ka na sa akin at huwag mag-aksaya ng panahon.”
I stared at him and he stared back without blinking. Humigpit ang hawak ko sa backpack ko and I decided! Humakbang ako papalapit sa kanya at taas-noong nagsalita. “Make sure na hindi masasayang ang oras ko sa pagsama sa’yo. And it doesn’t mean that I trust you. It’s my curiosity.”
He slowly nodded his head before he walked with his hands in his pockets. “And you should know curiosity kills the cat.”
I didn’t say anything at naging alerto lamang sa lahat. Nang sumakay kami sa sasakyan niya ay bahagya pa akong nag-alangan pero sa huli ay pumasok ako. He drove his car towards a building— the building that was once called Foster.
The place was deserted. May mga bahagi pa ng gusali na basag ang mga salamin. Dahil hindi na iyon operative ay huli iyon sa priority repairs and infrastructure project ng Capital pagkatapos ng mga nangyari.
Bumaba si Nikon sa sasakyan at pinasok ang gusali. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng tapang para sumunod sa kanya. I could end up dead any moment now at walang makakaalam pero puto, bakit parang ayaw kong umalis palabas ng Foster. Nikon pressed the elevator door at hinintay na pumasok ako. Bilang ko ang mga pintig ng puso ko hanggang sa muling bumukas ang pinto ng elevator. None of us dared to speak. Sabagay, ano naman ang pag-uusapan namin?
To my surprise, he walked towards the familiar alley na alam ko at tiyak akong napuntahan ko na dati. He opened a metal door and the room welcomed me with familiarity. Oh my god. It’s the Blue room! The room kung saan minsan akong nakulong nang sinundan ko si Jean-Claude. The blue tubes that I saw before were still there and functioning.
Sa gilid ay nakita ko ang puso na nakalutang sa kulay bughaw na likido at tumitibok pa. On another glass tube was kidney and other organs. Blue room is a laboratory for... puto, anong tawag sa mga ‘to?
“You don’t seem surprise, nakapunta ka na rito?” tanong niya, although he sounded like he’s sure of it instead of asking.
“I’ve been here once,” sagot ko sa kanya. “Bakit mo ako dinala rito?”
“Welcome to the Blue Room, the place where the Capital develops lab-grown organs. Everything here are lab-grown, that beating heart? Made of materials na ilang taon dinivelop. Light as the real heart functions well but not capable of developing diseases hindi gaya ng natural na puso.”
I rolled my eyes at him. “Oh so ano, share mo lang?”
His face straightened. He doesn’t look angry but he doesn’t look particularly amused either.
“Sabihin mo sa akin Nikon kung ano ang alam mo tungkol kay Gon,” sabi ko sa kanya. I even made a gesture of looking at my watch para ipakita sa kanya na ayaw kong mag-aksaya ng panahon.
Sa halip na sumagot ay tumalikod siya sa akin at naglakad palayo. Ay puto, ang bastos ah! Ganoon na lang, tatalikuran ako nang ganun-ganon lang?!
“Hoy!”
I ran to follow him and he opened another door. I took away all the fears and inhibitions at sumunod sa kanya sa pagpasok sa pintong iyon. I’m expecting the same blue tubes with the lab-grown organs ngunit hindi. The room was still blue bu it was made of glass. Everything around was made of glass.
May malalaking estante na naglalaman ng maliliit na itim na bagay. Nang dahan-dahan akong lumapit doon ay napakunot ang noo ko. “Flash drives?”
Binuksan ni Nikon ang isang estante at kumuha ng isang flash drive. “This is called memory drive.”
Mas naguluhan lamang ako sa mga bagay-bagay. “Anong kinalaman niyan kay Gon?”
“This little thing is an electromagnetical device for storage purposes. It retrieves digital and analog data using magnetic—”
Napangiwi ako. “Pwede ba, simpleng balancing of chemical equations nga, nahihirapan na ako! Drop the scientific explanation and go straight to the answer of my question. Anong kinalaman nito kay Gon?!” naiinis na wika ko sa kanya. Kapag mas pinatagal pa niya ay mas lalo lamang akong naguguluhan. Parang ang hirap nang i-process iyon sa utak kong kilobyte lamang ang capacity.
Nikon walked towards a corner. Puto, konti na lang babatuhin ko na siya ng sapatos. Ang hilig niyang maglakad palayo sa halip na sagutin ang mga sinasabi ko! He stopped in front of a black chair na may pabilog sa bandang ulo. Ano ‘to, salon? Hair dryer chair?
He tapped the chair at tinawag ako. “Sit here.”
“Sorry, pero tuyong-tuyo na ang buhok ko,” sarkastikong wika ko sa kanya.
Nikon laughed. Tumawa siya pero mukhang hindi siya natutuwa. “Sit here.” Ulit niya.
Sumimangot ako bago humakbang palapit doon. Minsan talaga ay uto-uto ako kaya nang sinabi niyang sit, para akong asong sumunod sa sinabi niya. He pushed down the circle upon my head and pressed a button.
“Anong ginagawa mo?” nahintakutang tanong ko nang maramdaman ang tila pagdaloy ng kuryente sa buong katawan ko. Ah, hindi pala 'to hair dryer chair kundi silya elektrika? Pusangina.
Nikon inserted the memory drive on the USB port at muli kong naramdaman ang pagdaloy ng kuryente sa sistema ko. My mind seemed like it voluntarily shutdown and new flashes of thoughts and memories flowed.
But those memories weren’t mine but Gon’s.
#
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro