Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 33: THREE STEPS

Chapter 33: Three Steps

“Heeey.”

Triangle’s voice was high pitched and he looked high too. Pusangina, na-high yata sa laplapan nila ni Stella! Nakahawak siya sa braso ko kaya kahit na gusto kong habulin si Stella ay hindi ko magawa. I can breakfree if I want to, kaso ramdam ko ang alak na nagte-takeover sa sistema ko.

I looked at the drunk Triangle in front of me at ibinaba ko ang tingin sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. His hands were warm but I remembered that this filthy hands probably groped Stella’s fake butt o kung saang bahagi man ng katawan ni Stella. And that thought pains me.

He smiled giddily. “Paaancake~”

Dapat ay natutuwa ako o di kaya ay kinikilig. Puto, nagcomeback na ang tawag niyang “Pancake” but what just happened is not worth celebrating. He’s banging Stella at nasaksihan ko iyon. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pinigilan ang mga luha ko.

Busog na busog ako ngayon. Kinain ko kasi lahat ng mga sinabi ko noon na hindi ko muna pagbibigyan ng pansin ang like-like na ‘yan sa kung kahit na kanino. Mas nabusog ako nang maalala ko ang sinabi ko kay Tatsulok noon na hinding-hindi ko siya magugustuhan. But here I am, bloated with the words I spit and eat.

“You’re crying~” wika pa rin niya. Lasing na lasing siguro siya. Ano ba kasi iniinom niya? Pinahid niya ang mga luha ko gamit ang kanyang palad ngunit mas lalo lamang akong umiyak.

“Why Triangle?”

“Hmm?” he asked and balanced himself dahil tila nabubuwal siya. He moved to the side at sumandal sa dingding pero nakahawak pa rin siya sa akin.

“Bakit ang sakit? You’re trying to get even for every pain I caused you before? Pusangina mo naman, ang childish mo naman kapag ganoon.” Wala na akong pake kung hindi na klaro ag mga salita ko dahil mas nangingibabaw na yata ang mga hikbi ko. I’m drunk and drunk people loves to cry. I guess that is what's  causing me to cry right now.

Nakatingin lang siya sa akin at mahinang kumukurap as if he’s trying to adjust his sight.

“Okay ka naman noong nakaraan ah?” pagpapatuloy ko. “Puto, you even asked me to sleep with you, to caress your back pero puto talaga, mali ba ginawa ko noon? How am I supposed to caress your back then? Hindi mo ba nagustuhan ang tulog na iyon kasi pusangina, sabihin mo naman at nang masubukan ko ulit baka sakaling matama ko ang pagkamot sa pesteng likod mo!”

“Why do you have to do this all of a sudden? Why did you make me fell for you and dropped me just like that? Bakit kailangan mong gawin lahat ng iyon? Do you want me to pour you a damn pancake mix every day like you did? Puto, sabihin mo naman sa akin kung ganoon nga ‘yon Tatsulok! Why are you doing this to me and everyone around you?”

Hindi siya sumagot ngunit naramdaman kong unti-unting lumuluwag ang pagkakahawak niya sa braso ko. He tried to stand straight but failed kaya muli na lamang niyang isinandal ang kanyang ulo. He accidentally bumped his head on the wall. Mabuti nga at nang matauhan naman siya kahit konti!

“Bakit mo hinalikan si Stella? Hindi mo man lang ba ipapaliwanag sa akin kung paano iyon nangyari? Did she grab you? Or did you grab her? Are you just drunk or you seriously like it? Puto parang ang galing-galing mo na! You were this someone who doesn’t even know how to kiss tapos ganitong eksena maaabutan ko? Puto naman eh!” my tears were falling endlessly at malutong na puto rin para sa sarili ko! Saan ako humuhugot ng kapal ng mukha para sabihin lahat ng nasa isip ko? It’s not like he’s cheating on me kasi una sa lahat, hindi naman kami. Ang labo! Kasalanan ‘to ng alak eh!

His stares were warm but his lips didn’t even say a single word. I waited for his answer pero namayani lamang ang katahimikan sa pagitan namin. And it was another blow to my heart. Ang sakit sagutin ng masasakit na salita pero masakit rin pala kung katahimikan lang ang sagot.

Silence is a damn painful answer!

“Do you want me out of your life?” matapang na tanong ko. Our eyes met and I expected an unspoken reply that tells me no through his eyes but I found nothing but determination and sureness as he nod.

Puto, he nodded. And it’s another painful answer. Hindi man lamang siya nagbaba ng tingin at tila hindi rin niya pinagsisisihan ang tango niya na iyon. Siguro naman klaro sa kanya ang tanong ko diba? He didn’t get confused that’s why he nodded, right?

Mapait na ngumiti ako. “O-okay.”

Tuluyan niyang binitawan ang braso ko at tiningnan ako habang umaatras nang dahan-dahan. Three steps. I need three steps.

“Tatlong hakbang paatras Tatsulok. Kapag hindi mo ako pinigilan sa loob ng tatlong hakbang, you get what you want.” Huminga ako nang malalim at humakbang ng isa. His eyes didn’t leave my face. His hands were relax na tila wala lang sa kanya.

Another step.

I took another step but his face didn’t show any changes. I know he’s sober enough to understand what I said a while ago. Naiintindihan naman niya iyon diba? Naiintindihan ba talaga niya?

I stopped to stare at him before I take the last step ngunit wala pa rin akong nakukuhang reaksyon mula sa kanya. And that should be enough.

Humakbang ako paatras ng isa pa ngunit napatingin lang siya sa paanan ko at nang muli siyang tumingin sa mga mata ko, I can still see the same look in his eyes.

Tuluyan akong tumalikod at nilisan ang lugar na iyon. Panay pa rin ang tulo ng mga luha ko kaya walang humpay na pagpupunas ang ginawa ko. I entered the dining area at naroon na sina KL. It was then I realized clearly that he didn’t even follow me here. That’s clear. Okay, I got it now.

“Mylabs? Anong nangyari sa’yo?” nag-aalalang tanong niya. “Saan ka galing? Bakit ka umiiyak?”

I wiped away all my remaining tears and looked around. Nakatunghay lang sila sa akin at nag-aalala habang hinihintay ang sagot ko. Lumapit ako kay Megan at inalalayan siyang tumayo.

“Sunny...” nag-aalalang untag sa akin ni Coco.

I faked a smile at them. “Uwi na tayo. Sunduin n’yo na lang din si Triangle, nasa CR.”

Nagkatinginan na lamang sina Coco at KL bago nagsenyasan. KL fetched Triangle while Coco helped me with Megan.

This is it. I’m giving Triangle what he wants.

#

VOTE AND COMMENT

A/N: short update but hopefully I can post another chapter later or tomorrow

labyu guys

P.S. Wala na finish na huhu Tatsulok :(

— Tammiibells❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro