CHAPTER 3: GHOST OF THE DEAD
Chapter 3: Ghost of the Dead
“Sunny, hindi ka pa ba tapos?” tanong sa akin ni Iris nang tumayo siya at dala ang kanyang papel. I shook my head at frustrated na napakamot ako sa ulo ko. I hate this. Kadi-discuss lamang namin sa topic na’to pero heto ako at nangangamote.
Iginala ko ang paningin sa kabuoan ng klase. Iilan na lamang kaming naiwan sa pwesto namin at pilit na sinasagutan ang quiz na ibinigay ni Miss Venna. I closed my eyes and tried to recall the discussions just few minutes ago pero wala!
Puto, ako lang ba ang ganito?! Katatapos lang ng discussion pero pakiramdam ko ay nagka-amnesia ako kung kaya kahit konti ay wala akong maalala. When the last student stood up to pass his paper, huminga ako nang malalim at hinawakan nang mahigpit ang papel ko at tumayo. Panay ang buga ko ng hangin habang tinatahak ko ang bawat hakbang papalapit sa mesa ni Miss Venna.
I bit my lower lip as I laid the papers in front of her. Nagmamadali akong tumalikod ngunit nakaisang hakbang pa lamang ako ay tinawag niya ang atensyon ko.
“Gallego.”
I mumbled a cuss and closed my eyes and turned to see her. “Yes, Ma’am?”
Itinaas niya ang papel ko na mula sa sampung items ay tatlo lamang ang may sagot. “What’s this?”
“My paper,” Dummy. Obvious ba? I never dared to say it though.
“I know.” Oh eh alam mo naman pala eh. “Your blank paper.”
“May answer naman po ako sa number four, seven and nine,” pangangatwiran ko.
Tiningnan niya ang papel ko at napamasahe siya sa kanyang batok. “And these are wrong.”
Napayuko ako. Edi mali. Kahit anong gawin ko ay wala talagang tamang sagot na pumapasok sa isipan ko.
“And it’s a simple balancing of chemical equations!”
Aba, anong simple, ang hirap kaya! Ang hahaba ng chemical equations na binigay niya, and my memory? Kilobyte lang ang capacity, hindi terabyte!
“Eh ma’am, ang hirap,” I said with a sigh.
Miss Venna raised her brow. “Mahirap? My God Sunny, even a basic learner can balance these! Hindi ba ito tinuro noong nasa 3rd ward ka pa lang?”
I swallowed hard. I will be lying if I will say no.
“This is just a review Gallego, bago tayo magha-hands on sa laboratory but…” She heaved a sigh of frustration.
“Sorry po,” nakayukong sagot ko. Gusto kong mag dahilan pero para saan pa?
Inilapag niya sa harapan ko ang isang makapal na folder. Nagtatakang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa folder at sa kanya.
“These are my reviewers when I was still a student. Just like you ay may struggles din ako so I made a personalized reviewer na sa tingin ko ay mas maiintindihan ko,” wika niya.
My eyes widen. “Sa akin na po?”
“No, hiramin mo lang,” sagot niya at napangiwi ako. “I will expect an improvement next week.”
“Nagmamadali ba kayo ma’am? Pero sige po, susubukan ko,” sagot ko sa kanya at kinuha ang folder. “Thank you po.” Tatalikod na sana ako pero muli siyang nagsalita.
“And Sunny?”
“Po?”
“About Triangle…”
Napatigil ako. “Bakit po?”
“Trench told me the matters about him. Please cheer him up, ikaw lamang ang makakagawa niyon,” wika niya sa tonong nakikiusap.
“S-susubukan ko rin po,” sagot ko. Uh, sa tingin ko imposible na’to. Ang pagperfect ang quiz niya baka possible pa, pero ang pagcheer up kay Tatsulok? Mukhang malabo na. Kahit gumiling-giling pa ako at kumanta ng Cheer up baby, cheer up baby jom deo himeul lae, malabo na yata. And Miss Venna’s wrong when she said na ako lamang ang makakagawa niyon. Only Triangle can do it to himself.
“He’s even absent now,” nag-aalalang wika ni Miss Venna. “Hopefully he’s not somewhere picking a fight.”
I gave Miss Venna a reassuring smile. “Huwag po kayong mag-alala, surely he’s not picking a fight right now.”
***
“ANO BA TUMIGIL NA KAYO!”
Nagmamadali akong pumasok sa dorm nang marinig ko ang sigaw ni Megan. When I opened the door, a flying chair welcomed me at kung hindi ako nakailag ay malamang basag na ang mukha ko dahil sa upuan na iyon.
I saw KL jumped towards Triangle at siniko si Tatsulok sa mukha, Megan shouted and AndE stood undisturbed. Hindi naman nagpatalo si Tatsulok at gumanti rin. Pinatid niya si KL at paulit-ulit na binigwasan ang mukha ni KL.
I made a whistle sound at natigilan silang dalawa. They looked at my direction at sabay na tumayo. “What are you doing?” Naiinis na tanong ko sa kanila.
Triangle scowled and angrily looked away. “You can’t tell by seeing?”
Naka-pout na lumapit si KL sa akin. “Mylabs, bigla na lamang niyang hinagod-hagod ang likod ko habang tulog ako at tinawag akong pentagon. Tangina, mukha ba akong hugis?”
I massaged my head at maging si Megan ay napailing
“You know him Sunny?” she asked and pointed at KL.
“He’s a friend,” sagot ko at tiningnan nang masama si KL.
“Teka, anong friend? Jowa mo ako hoy!”
Napakunot ang noo ni Megan at nagtatakang napatingin sa akin. KL cleared his throat. “I mean ex.”
I just rolled my eyes at napatingin kay Coco na kalalabas lang mula sa pinto ng kusina at may dalang popcorn. “Oh, saan na yung boxing?”
Tiningnan ko siya nang masama at tumahimik naman si Coco. Lumapit ako kay Tatsulok at hinawakan ang mukha niyang nakatagilid. Tinangka niyang tabigin ang kamay ko ngunit muli kong hinawakan ang mukha niya at sinuri ang kanyang mga pasa.
“KL, look what you’ve done! Ano’ng panama niya sa’yo?” I asked.
“Wala nga siyang panama,” mayabang na sagot ni KL. I’m referring to his skills! KL is a trained mixed martial artist, samantalang basagulero lang si Tatsulok!
“Coco, pakainin mo nga ‘yang taong iyan at gagamutin ko muna si Triangle,” wika ko at hinila ang tahimik na si Tatsulok patungo sa taas. Tumayo naman si Coco at hinila papunta sa kusina si KL. I can hear him shouting from the kitchen.
“Mylabs! Gamutin mo rin ako! Hoy mylabs!”
Hindi ko pinansin ang pagtawag ni KL at nagtuloy-tuloy lamang ako patungo sa kwarto namin ni Megan. When I opened the door, I gasped to see how mess up the room was. I gritted my teeth at tiningnan nang masama si Tatsulok. He just smirked and looked away. Sinubukan niyang tanggalin ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko but he failed. Mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kanya at dinala siya sa kwarto nila ni Trench.
Pinaupo ko siya sa kama at kumuha ako ng bimpo at tubig para punasan siya. He looked so pissed but he just sat and stayed still. Nang makakuha ako ng tubig at bimpo ay sinimulan ko na siyang punasan.
“What’s wrong with you? Bakit mo pinatulan si KL kanina?”
“Why do you care?” masungit niyang tanong. Aba!
“Look Triangle, alam kong hindi madali ang pinagdaanan mo okay, pero hindi naman pwedeng ganito ka na lang palagi. If Gon’s here he wouldn’t be happy—”
He cut me off. “But he’s not here!”
“And the least you can do is not to do the things that he doesn’t want,” wika ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at kinagat lamang ang kanyang lip ring. He winced when I pressed harder on his wound. Putok ang gilid ng labi niya na tiyak kong napuruhan ni KL. I slowly touched his lip wound. He winced again but he just stared at me as I stared at his lips. Triangle has a red luscious lips na tiyak kaiinggitan ng mga babae.
None of us speak at tanging ang paghinga lamang naming dalawa ang naririnig. I was tempted to move my lips on his pero nagawa ko pa namang pigilan ang sarili ko. Bumukas ang pinto at pumasok doon si Trench.
Natigilan siya nang makita kami ngunit agad din namang nakabawi. “Should I get out?” he asked.
“No,” dali-dali kong sagot at umayos nang upo. Ibinaba ko ang bimpo at pilit na ngumiti. He handed us two invitations.
“There’s a torch-lighting ceremony later to welcome the chance students, I will be expecting you to be there,” wika niya sa amin. “Triangle, you should go. Ilang araw ka nang nagmumokmok dito.”
Just like he always does, Triangle didn’t speak ngunit nakakunot ang noo na tumango lamang siya. Even if he’s mad and grieving, he doesn’t want to disappoint his cousin. Sabagay, si Trench na lamang ang natitirang meron siya.
Nang lumabas ulit si Trench ay bumaling sa akin si Tatsulok. “Ikaw, hindi ka pa ba lalabas?”
I gave him a deadly glare bago ibiinagsaka sa palanggana ang bimpo. Madali naman akong kausap eh! “Edi aalis!” pasigaw na wika ko.
I took few steps towards the door ngunit narinig ko ang boses niya. “Wait.”
I don’t know why I stopped. Nilingon ko siya at tiningnan. “What?”
He sighed. “Accompany me tonight, sa torch-lighting ceremony.”
My eyes widened at hindi agad ako nakasagot. Triangle pulled the blanket at humiga. “I will take that as a yes,” wika niya at tumalukbong ng kumot at tumalikod sa akin.
Do I have a choice?
***
Panay ang hila ko pababa sa damit na suot ko. Puto bakit ba tumataaas ‘tong short na suot ko sa bawat hakbang ko?! Puto, Nagtatalo ang kalooban ko kung babalik ba ako sa dorm or what. Nagmamadali kasi akong umalis bago pa aman ako maabutan ni Tatsulok. Sinadya ko siyang iwasan kahit pa niyaya niya akong maging kasama niya ngayon kahit na medyo hindi pormal ang pagkakayaya niya.
Nang magpasya akong bumalik ay nakasulubong ko naman si Tatsulok. Hinagod ko siya ng tingin ngunit nakapamulsa lamang siya at tila annoyed na annoyed sa paligid. Ano na naman ba ang problema niya? Nilagpasan ko siya ngunit hinawakan niya ang suot kong damit mula sa likuran.
“Ano ba?” naiinis na tanong ko sa kanya.
“I thought you agreed to accompany me tonight?” he replied.
I let out a smirk. “Tama ka, you only thought.”
Lumuwang ang pagkakahawak niya sa damit ko bago ako tuluyang binitawan. “Mas gusto mo bang kasama ang taong iyon?”
Eh? Sinong.. Ah. “Si KL?”
“Whatever his name is.”
Tiningnan ko nang masinsinan si Tatsulok. Just by seeing him reminded me of Gon kaya minsan ay nalulungkot ako kapag nakikita siya. By the way, ang dami niyang pasa sa mukha. For a second, I hated KL for his bruises. Wala talagang patawad si Karding Liit!
“Tayo na nga,” wika ko na lang at hinawakan ang braso niya papunta sa field kung saan gagawin ang torch-lighting. Marami na ang tao roon at kadalasan ay mga lalaki at tila nagkakasiyahan. Maraming mga bagong mukha sa paligid ngunit hindi naman ako sociable na tao kaya hindi na ako nag-abala pang isa-isahin at kilalanin sila. Hinanap ko sa paligid ang mga kasama namin sa dorm ngunit hindi ko sila makita dahil sa kumpol ng mga estudyante. I can’t also find Trench or KL around.
One of the seniors stood in front and held a wireless mic. Umalingawngaw sa paligid ang malakas niyang boses.
“Magandang gabi Academians!” The crowd replied with a cheerful greeting. “Tonight is a historic event of the academy dahil sa unang pagkakataon ay tumanggap tayo ng mga chance students pagkatapos ng pagsubok na dinaanan ng Capital.”
Again, the crowd cheered loudly. Hindi ko maiwasang maisip kung alam ba talaga ng lahat ang totoong nangyari. Do they know that the Grandes are manipulated and used? Do they know that Moran is nothing but an evil, manipulative man? Do they know that Gon died a hero?
That I doubt. Or kung alam man nila ay tila nakalimutan na nila ang lahat at ang nais na lamang nila ay magsaya ngayong gabi. They forgot everything and that’s the sad truth. Maybe it’s true that oblivion is one of the frightening things on earth.
“And to formally open tonight’s event, let’s welcome the top qualifier of the chance students with the academy’s torch!”
Mas lumakas pa ang sigawan nang lumabas mula sa dilim ang isang lalaking puro pasa ang mukha at may hawak na torch. Puto, kamukha yata ni KL— ay mas puto! Si KL nga!
He’s showing his focused face as he held tightly on the torch. At the signal of a gong, he began running around the field at sinindihan ang bawat torch na nasa paligid. Maingay naman ang mga estudyante sa paligid.
“Isn’t that him?” tanong ni Tatsulok mula sa tagiliran ko.
“Basing on the bruises, I think it’s really KL,” sagot ko sa kanya. Pero pusangina, tama ba ang narinig ko kanina? Siya ang top qualifier?
On his last lap, bigla siyang natisod at nadapa. He landed on the last post at natumba ang torch na naroon. Nagsigawan ang mga estudyante nang agad na kumalat ang apoy dahil sa natapon na gas ngunit agad din naman iyong naapula. Uh, I guess KL won’t last a day without any damage.
He stood and smiled sheepishly at the crowd. “Sorry,” he mouthed.
“Thank you so much Mister Ronan Berdon, our rank 1 for on the qualifiers!” Muli ay umugong ang palakpakan sa paligid.
“Is that a big deal?” naiinis na tanong ni Tatsulok. “He just ranked first on the qualifiers, not on the Royals, there was no exam in that.”
Tiningnan ko siya nang masama. “At least nag-top!”
I saw him cocked an eyebrow and looked away. Iba talaga si Tatsulok, parang may menopause. Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa senior na nagsasalita sa harap.
“Tonight is our escape from the previous calamity that we experienced. At ngayon ay ikinagagalak kong ipaalam sa lahat na pantay-pantay na tayong lahat dito sa Academy! Babae man o lalaki, we should treat each other the same. The prep class and bridge class is also eliminated so we highly encourage everyone to embrace this new system.”
Loud cheers can be drawn from the crowd. Somewhat I felt relieved that it’s what should happen now. At least kahit papaano ay may nagawa rin palang tamang desisyon si Hilary Celdran Moran— the incumbent ruler of the Capital slash my biological mother.
“And to celebrate the liberty from discrimination and inequality, we came up with a practice of picking random names to heat up the night with a physical face-offf.”
Napaawang ang labi ko sa narinig. When I turned to see Triangle on my side, he was also stunned. Physical face-off? Anong ibig sabihin niyon? Whispers and murmurs are can be heard around lalo na nang may lumapit sa nagsasalitang senior. May dala itong tila remote control na may blue button.
“What are they up to?” I heard Triangle said from my side.
Lumitaw ang hologram image sa tabi ng senior at naroon ang mga pangalan ng mga babaeng nag-aaral sa academy. The names shuffled on the hologram display at nang pinindot ng senior ang blue button ay huminto iyon at naiwan ang isang pangalan.
Sonia Gallego.
Pusangina, that’s my name.
Triangle looked puzzled when he turn to me. Huminga ako nang malalim at naglakad papunta sa harap kung nasaan ang senior na tinawag ang pangalan ko.
I saw how the senior smiled habang papalapit ako. Nang tumayo ako sa harap niya ay mas lalo pang lumakas ang sigawan ng mga estudyante.
“Miss Gallego’s name has been the talk of the town for quite some time now, wow,” he said and grinned widely. Of course, talk of the town ako dahil sa mga pinagagawa ko mula pa lamang noong unang araw ngpagpasok ko rito sa Academy. And yeah, I love attention.
“Ano na namang pakulo ‘to?” tanong ko sa kanya.
“Just a physical fight, and it wouldn’t be bad right?” sagot ng senior.
Physical fight, what? Ano na naman ba ang pumasok sa kukote nila?
Another senior gave him a remote with a red button. Muling lumabas ang mga pangalan sa hologram display and when the senior pressed the red button as the names shuffled, it stopped on the name Nikon Zamora.
Tinawag ng senior ang pangalang Nikon at mayamaya ay humakbang sa harap ang isang lalaking nakatingin lang nang diretso sa akin. His eyes were black and lackluster. Ito ang unang beses na nakita ko siya ngunit sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin ay tila ba kilala niya ako.
I tried recalling if I met him somewhere pero walang pumapasok sa isipan ko. The name Nikon Zamora doesn’t ring a bell also.
Nagulat na lamang ako nang may mga estudyanteng nagbuhos ng likido sa paligid namin. They poured it and formed a circle kung saan nasa gitna kaming dalawa ni Nikon Zamora. The senior stepped out of the circle at pagkatapos ay bigla nilang sinindihan ang likidong nakapalibot sa amin!
Fire burned around us at nasa gitna kami. Puto, ano na naman bang kalokohan ‘to? As much as possible ayaw kong makakita nang apoy dahil mas naaalala ko lamang ang mga nangyari.
“The rule is simple. You can do what you want to do, pwede kayong magjack en poy o magtulakan as long as one will be thrown out of the ring fire,” the senior said. “But it will be entertaining if you will fight.”
“Nahihibang na ba kayo?” sigaw ko sa kanila. I received a boo and disapproval from the crowd. Bigla na lamang tumakbo si Tatsulok sa harap ng senior at itinaas ang kamay.
“I will replace Gallego,” he said. Puto, puro na nga siya pasa at bali, maypa-I will replace Gallego pa siya?! Isa pa ‘tong hibang eh!
"No, not you!" sagot ng senior. Triangle was about to grab him by the collar ngunit nilapitan siya ng dalawang lalaki.
Bigla na lamang hinawakan ng dalawang lalaki ang mga braso ni Tatsulok. “Hoy Grande, baka nakakalimutan mong alam na namin na hindi kayo ang pinakamataas na elite kaya hindi na kami takot sa’yo!”
“F*ck you!” sigaw ni Tatsulok sa kanila.
“F*ck you ka rin!” sagot nila kay Triangle. They even gave him a dirty finger.
The sad thing about exposing the truth about the Capital, the respect that the TT cousins received was gone along with Gon.
“Sorry Grande pero kung magvo-volunteer ka, ang lalaki lamang ang pwede mong palitan, paano natin maipapakita ang equality na gusto ng mga babae kung papalitan mo si Gallego, tanga ka ba?!” one of the guy on the crowd shouted.
“Mas tanga kayo! Paano naman maipapakita ng bulok na pakulong naisip ninyo ang equality na sinasabi niyo?” sagot ni Triangle. He suddenly winced in pain nang may sumuntok sa kanyang tiyan. Puto, kotang-kota na sa bugbog si Tatsulok ngayong araw!
“Stop it!” sigaw ko kaya napatigil sila sa pagsuntok kay Triangle. Nilingon ko ang paligid at pilit na hinanap si Trench ngunit hindi ko siya makita. I can’t find KL from the crowd too. If he’s here, malamang sisigaw na naman siya ng Mylabs!
“Ano na Gallego, naiinip na kami,” wika ng isang lalaki.
I tightly closed my eyes. All the battles we fought and all the lives that were lost were all in vain kung ganito pala ang persepsyon ng lahat sa equality na pinaglalaban namin. Iilan lamang kaming babae sa Academy, pero puto, why do they came out with this idea?
Napadaing sa sakit si Tatsulok nang sinipa ng kung sino man ang tuhod niya. Napaluhod siya sa sakit at napatingin sa akin. I clenched my fist. This is not right. Gon didn’t die for this!
I cracked my knuckles at lumapit sa lalaking kasama ko sa gitna ng umaapoy na bilog. Hindi man lamang siya naalarma sa paglapit ko sa kanya. Everyone was surprised when I jumped towards Nikon and we rolled on the ground, passing the blaze. Parehas kaming lumabas sa bilog. Nagpagulong-gulong ako sa lupa nang umapoy ang likurang bahagi ng damit ko.
Nagulat silang lahat sa ginawa ko. I deliberately let myself and Nikon roll out of the circle. Tumayo ako mula sa lupa at pinagpagan ang sarili ko.
“We’re both thrown out of the circle, I guess I did it right dahil simple lang naman ang rules,” matigas na wika ko sa kanila. They were too surprised to move kaya agad akong lumapit kay Tatsulok na nakaluhod sa lupa. Inalalayan ko siyang tumayo para umalis sa lugar na iyon.
Suddenly, Nikon stood up after rolling to remove the fire from his back. Nagulat na lamang ako nang sinalubong niya kami ni Tatsulok nang wala pa ring kaemo-emosyon ang kanyang mukha.
Bigla na lamang niyang hinawakan ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. He then smiled at us.
“That’s my Kitten,” he said which made me gape my mouth open.
#
A/N: For those who keep on asking for the schedule of the updates; I don't have a fixed schedule, I update every time I wanted to. That means any day and any time of the day.
Thank you for your patience❤
Spread love.
—Tammii/ShinichiLaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro