CHAPTER 25: WHAT'S GOING ON?
Chapter 25: What's Going On?
Niyakap ko ang mga tuhod habang sinisiksik ang sarili ko sa gilid ng kama. I’ve been crying since last night. Umiiyak ako dahil hindi ako nanalo sa face-off but that’s something that I expected pero naiiyak pa rin ako. Pero ang pinakadahilan ng labis kong pag-iyak ay si Trench. He’s no longer placed in the Royal list. I was out, too, but hello?! I was placed last while Trench placed first kaya parang ako ang nasaktan sa pagkakatanggal niya.
Ilang beses kong sinumpa si Tatsulok. He might be celebrating since last night for his victory of securing the first spot in the Royals. Saksak niya ‘yan sa pwet niya!
I glanced at Megan’s empty bed. Wala na sila roon, silang lahat. They went to the Research Lab for something-- and I, even if I was out of the Royals, are still part of the P:RUM 2.0 team pero tumanggi akong sumama. I was still grieving over my loss, and Trench’s. Tumayo ako at humarap sa salamin. The bags under my eyes were bulging, my face was so dry even if I spent the whole night crying.
I pampered myself and decided to follow the others at the Research Lab. Walang epekto ang concealer na ginamit ko dahil nahahalata pa rin ang mga mata ko but it somehow lessen the ugliness. Nang makarating ako sa Research Lab ay agad akong sumakay sa elevator. I don’t care if I look so ugly right now-- and speaking of ugly, I remembered the 69th floor. Sa halip na pindutin ang floor kung saan ang P:RUM ay pinindot ko ang 69th button at tahimik na hinintay na marating ang palapag na iyon.
When I reached the floor, I stepped out of the elevator without anything on my mind. I’m not here to have the doctors cut my excess facial fats or anything. I just wanted to walk here, watching the posters and pictures around.
“Sunny?”
Nilingon ko ang pinagmulan ng boses at napakunot ang noo ko nang makita ang isang napakagandang babae. Okay, I hate how I looked like a douche bag right now samantalang ang ganda ng babaeng ‘to na nasa harap ko ngayon. Her smile brightened up at bigla na lamang siyang tumakbo patungo sa direksyon ko at niyakap ako nang mahigpit.
“Oh my God! Ikaw nga, Sunny!”
I blinked few times and tried to recall if may kakilala ba akong diyos, oh well Megan, pero sino ‘tong babaeng ‘to? Am I that affected to the results of the face-off kung kaya’t kung anu-ano na ang nakikita ko.
When the girl pulled back, she spanked my butt at puto! Isa lang ang gumagawa niyon sa akin!
“Hindi mo pa rin ba ako nakikilala?” she asked with a smile.
“S-stella?!”
Mas lumawak ang ngiti niya at ilang beses na tumango. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa nakikita. This girl is definitely so far from Stella! Sasapakin ko rin sana ang puwet niya ngunit agad siyang umiwas.
“No, baka mawala sa ayos,” sagot niya at tumawa. “Buti nagpang-abot tayo rito, Sunny! Miss na miss na talaga kita.” She pulled me for another tight hug.
My mind is really clouded but I was able to process what’s happening right now. This gorgeous girl is Stella. We’re in the 69th floor. Puto, she undergone surgery?!
“Teka,” inilayo ko ang sarili sa kanya. Sabi ni Aling Edna, nawala sa katinuan si Stella. I asked her if it is because of the news about the human meat in canned goods, ang sagot nito ay wala na sa tamang pag-iisip si Stella bago pa man malaman ng lahat na mga matatanda sa Foster ang laman ng mga ipinamamahaging de lata. “S-sabi nila nawala ka sa tamang katinuan.”
Stella laughed hard. That’s how she really laughed but she tried fixing herself when she stopped laughing. “Nalungkot lang kasi ako, no one wants to marry me gayong halos lahat ng mga kaklase natin noon ay nakapag-asawa na. Iyak ako nang iyak noon at ayaw kong kumain. Nag-alala ang mga kapitbahay namin dahil baka anong mangyari sa akin. Then one time, nagpunta ako sa bahay ninyo. Nakita ko si Tita Almira... hindi siya tao. Sinabi ko iyon sa mga taga-3rd Ward ngunit walang naniniwala sa akin kaya iniisip nilang nababaliw na ako.”
I looked intently at her trying to picture out what happened to her. Alam kong nakakagulat talagang malaman ang tungkol kay Mama. Kahit ako ay hindi halos mapaniwalaan iyon lalo na at buong buhay ko ay butihing ina talaga ang tingin ko sa kanya. Well, she really was, except that she’s not human.
“Pero, Sunny, nakita talaga ng mga mata ko--”
I cut her off. “I know, Stella.”
She frowned. “Walang naniniwala sa akin.”
“I’m sorry.” I can totally understand her. Almira Gallego has deceived everyone in believing she’s human. But people can’t say ill about her beyond that. Robot si Mama ngunit ni minsan ay hindi sila nito pinakitaan ng hindi maganda. Saan na kaya silang dalawa ni Papa ngayon?
Hinawakan ni Stella nang mahigpit ang mga kamay ko. “Masaya ako na nagkita ulit tayo, Sunny. Bakit ka nga pala narito?”
Binawi ko ang mga kamay mula sa pagkakahawak niya at tiningnan siya na nakataas ang kilay. “I still cannot believe that you’re Stella. I mean, look at you? Ang layo-layo ng hitsura mo sa kanya.”
She laughed gently this time. “Salamat kay Dr. Luther,” she replied. “Siya ang dahilan kung bakit bumalik ang dating sigla ko. Tingnan mo ‘ko, ni hindi mo nga ako halos makilala. Malayong-malayo ako sa Stella na galisin noon. People could even mistake me as an elite dahil sa hitsura ko ngayon.”
I don’t know why but I don’t like the sound of what she’s talking about. “You mean that freak of a doctor totally changed you?” Pusangina, hindi ko pa makalimutan kung paano niya isa-isang pinuna ang features ng mukha ko na ayon sa kanya ay “hindi maganda” at kailangan ng kung ano mang pangingialam niya.
“Niligtas niya ako, Sunny,” matatag ang loob na sagot ni Stella. “Tingnan mo ako ngayon, nakikita mo ba ang Stella na nakikita mo noon? Wala nang bakas ng kapangitan at kahirapan ng buhay. Malayong-malayo sa pangit na hitsura at pangit na buhay ng mga taga-3rd Ward. Gaya ng iba nating mga kaklase, magugustuhan na rin ako ng mga lalaki. Lalaki ng 1st ward na kaya akong pakainin at ibigay lahat ng gusto ko, hindi gaya ng sa atin. Magkakaroon ako ng maraming kaibigan dahil maganda ako. Maraming oportunidad. Pupurihin ako ng mga tao. Lahat ng iyon ay matatamasa ko, Sunny.”
I took a step backward as I looked at her unbelievably. “Ibang-iba ka na nga sa Stella na nakilala ko. Ang Stella na kilala ko ay walang pakialam sa sasabihin ng mga tao. Hindi niya kailangan ng maraming kaibigan, she wanted few but real ones. Hindi niya kailangan ng papuri ng mga tao, gusto niya lang gawin ang gusto niya. Hindi na kita kilala, Stella.”
She looked at me with brave eyes. Ni hindi man lamang niya makuha ang pinupunto ko.
“Sunny, ito ang gusto ko. Ang maging maganda! I can find someone who’ll marry me na mula sa 1st ward at makakaalis na ako sa buhay na tila basura. Hindi mo ba ako maintindihan?” her voice raised a little as she try to proves her claim.
“Niintindihan ko, Stella, you wanted to improve your appearance pero ‘yong mag-iba ang tingin mo sa mga taga-3rd ward? And what did you call them? Pangit ang hitsura at pangit ang buhay? Stella, alam kong hindi maganda ang buhay natin na mula sa mga lower wards but it wasn’t our fault! I could have understand why you changed your appearance pero kung maging ang pananaw mo sa ibang tao dahil naging maganda ka lang? Don’t let that get to your head!”
Naiinis ako sa mga sandaling ito. Stella isn’t like this. She values people. She’s not selfish but look what she’s become?! Stella values her life so much. Kahit hindi niya nagawang makapag-aral sa 1st ward, she’s always been positive but now she dared calling it a trash? The trash here is this system!
“Ayaw kong makipag-away sa ‘yo, Sunny. Hindi ka ba natutuwa? Hindi ba kaibigan kita?” she looked at me with a sad expression.
“Stella, hindi ako nakikipag-away sa ’yo dahil naging iba ka physically, you can change anything in your face if that’s what you want pero, Stella, pati ba naman ang ugali mo? You’ve become someone I didn’t know anymore.”
Ang Stella na kilala ko ay hindi nangmamaliit ng kahit na sino man. But this Stella right here in front of me... she’s different. Totally different. She’s never materialistic. Mas mahalaga ang pagmamahal sa kanya kaysa anumang bagay. But I cannot really blame her. Siguro ay naging practical lang siya at nangangailangan ng taong kayang mapakain siya ng tatlong beses sa isang araw.
“Na-realize ko lang na kapag maganda ka, mas maraming oportunidad sa ’yo. Huwag mong sabihing naiinggit ka sa akin, Sunny?” She looked at me suspiciously. I mentally scowled. Seriously, bakit ako maiinggit? I don’t care if I look plain. A pretty face isn’t the solution in solving this rotten system.
“Ayaw ko nang makipagtalo pa sa ’yo, Stella,” wika ko at tinalikuran siya. Bumalik ako sa elevator at pumasok roon. At least I’m sure that Stella’s fine. I just can’t be relieve knowing what she’s become. I pressed the floor where the P:RUM team is. Sa huling pagkakataon ay tinanaw ko siya habang papasara ang elevator.
And before the door totally closes, someone called Stella and when I took a chance to look at that person who came out from the room with a glass door, I was so surprised.
It was Megan!
Nanlaki ang mga mata ko. What’s Megan doing there?! Bakit kilala niya si Stella?! Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan kaya ilang beses kong pinindot ang button upang buksan muli ang elevator door ngunit umilaw na ang arrows na tanda na pababa na ako.
Puto, what’s up with Megan?!
#
VOTE AND COMMENT!
Thank you❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro