CHAPTER 22: SOMETHING'S UP
Chapter 22: Something's Up
“Sunny ano ba ang pumasok sa kukote mo at hinamon mo sa Face-Off si Triangle?”
Umalingawngaw ang boses ni Suri sa kabuoan ng living room ng District 9 dormitory kung saan na rin namamalagi si Trench. I decided to hangout here tonight para na rin mag-isip ng maari kong gawing research para sa face-off. Napayuko ako at napalabi. Ewan ko ba kung bakit ang lakas lakas ng loob ko.
Paulut-ulit na nagplayback sa isipan ko ang sinabi sa akin dati ni Pentagon na si Triangle ang pinakamatalino sa kanilang tatlo. Meh! Matalino? Sa tingin niya matalinong desisyon ang ginawa niyang paghamon sa pinsan niya? After everything Trench did for him, this is what he gives in return?!
Napatingin ako kay Trench na nakaupo sa harap ko. Puto, don’t tell me iniisip din niya na ang tanga-tanga ko at masyadong nag-uumapaw ang confidence ko sa sarili ko kasi kung oo, tama sila! Puto, pinagsisisihan ko ang paghamon sa kanya! Kung pwede nga lang bawiin eh ginawa ko na.
Actually, I can withdraw but that will make me a sore loser hindi lamang sa paningin ni Tatsulok kundi maging ng buong academy. That’s why I wouldn’t dare to withdraw!
“Oo, ilang beses ko na ring tinanong ‘yan sa sarili ko Suri,” nakasimangot na wika ko. “Anong gagawin ko ngayon?”
Margo rolled her eyes. “Gaga, syempre mag-aaral ka nang mabuti at mag-iisip ng kung anong pwedeng ipanlaban kay Triangle.”
“Wag kang mag-alala Sunny, nandito lang kami para i-cheer ka,” dagdag ni Iris kasabay ng ngiti. Mas lalo lamang akong napasimangot. Uh, those words doesn’t help me at all. I have to deal with my stupidity and think of a way to defeat Triangle. Kaya ko! Kayang-kaya ko!
Wait, kaya ko nga ba?
Puto naman eh! Bakit ba kasi hindi ako nag-iisip muna nang matino bago gumawa ng desisyon? Bumaling ako kay Trench.
“What will be your ace against him?” tanong ko.
Trench pulled some of his papers besides his laptop. “Para makuha ko ang atensyon at boto ng mga judge, I need a timely research that will be very beneficial to the Capital.”
“Gaya ng?”
Iniabot niya sa akin ang isang folder na agad ko namang tinanggap. “Potable water. Dahil sa mga nangyari nitong nakaraan, the Capital runs out of safe drinking water. I wanted to develop something that can be used to treat polluted water and convert them to potable one.”
Napapalakpak sina Drix at Jeff nang marinig ang sinabi ni Trench. I am internally clapping and sobbing too. Trench was so smart to think that way samantalang ako, wala pa akong maisip na pwede gawin. Potable water? PUTOble water siguro kaya ko. I slouched in my chair, looking helplessly at Trench’s drafts. He also developed a prototype of whatever device he’s working on for the upcoming face-off.
“Don’t worry, we’ll think of another way for you research,” wika ni Trench. Napalabi lamang ako nang tahimik na nagkurutan sina Margo at Iris na tila ba kinikilig sa sinabi ni Trench. Uh, nakakakilig ba iyon?
I wonder if their perception about Trench already changed. Dati ay kinatatakutan talaga nila ang TT cousins, knowing that they held a high position in the hierarchy of elites kaya sa tingin nila ay masama ang ugali nito. The Grandes are at fault too. Sila ang nagpapakita ng kasamaan sa amin kaya normal lang na ganoon ang isipin namin sa kanila.
Pero base sa nakikita ko, I think they know Trench already. Na hindi siya ganoon kasama gaya ng akala naming lahat dati.
“No, I can do this.” Puto, bakit ko sinabi iyon? Of course I can’t!
“I insist,” giit niya.
Sino ba ako para tumutol? I sighed in surrender. “I will need your help pero minor help lang,” matatag ang boses na wika ko. I don’t want to rely on anyone, not even Trench. I need help but most work must be done by me.
Tumango-tango siya at isinara ang kanyang laptop. “Let’s start brainstorming now.”
Nagsitayuan na ang ibang naroon at isa-isang nagpaalam.
“Brainstorming na raw, babe halika na,” tawag ni Jeff sa nobya at inakbayan ito.
“Exit na rin ako,” Drix said and ran towards the stairs.
Margo and Iris are wriggling their brows at me. Puto, ano ba sa tingin nila ang gagawin sa brainstorming?! They all left the living room at kami na lamang dalawa ni Trench ang naiwan roon.
I continued sulking on my seat, trying to picture out the embarrassment I arranged for myself. Ilang beses na pinaghahampas ko ang ulo ko dahil sa inis.
Umayos ng upo si Trench at humarap sa akin. “So what do you want to do?”
Huminga ako nang malalim at tiningnan siya ng diretso. “Ngayon?” His reply was a brief nod. “I want to talk to my mother.”
Nagulat siya sa sagot ko. Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko. I don’t know how to think straight and prepare for the assessment at face-off kung ganitong marami akong iniisip. Si Papa na mismo ang nagsabi na kailangan kong makausap si Mama-- even if she’s Hilary Celdran Moran, isa sa mga pinakiinisan kong tao sa Capital ngayon.
Paano kung tama si Papa? Paano kung nami-miss niya nga ako gaya ng sinabi ni Papa? That she cares for me in her own way? Sabi nila walang masamang ina pero sa mga pinakita sa akin ni Hilary, parang ayaw kong maniwala roon. But I have to try again and see if it’s her way of saying she misses me.
Isa pa sa mga iniisip ko ay tungkol kay Gon pero sa tingin ko ay mahabang proseso ang paghahanap sa kanya. Puto, mas mahirap kayang hanapin ang mga taong ayaw magpahanap! Whatever his reason for hiding away from us all these time, siguraduhin lang niyang katanggap-tanggap ang rason niya or else!
Or else wala siyang share ng ration meat tuwing kainan!
“Are you sure that’s what you want to do now?” tanong ni Trench. His eyes doesn’t reflect any emotion in it. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya dahil sa sinabi ko.
I nodded my head. “Oo.”
Nagulat ako nang inayos niya ang mga gamit at inilagay iyon sa kanyang attache case. “I’ll just keep these and then we’ll go there together.”
Nanlaki ang mga mata ko. Puto, tama ba ang narinig ko?! “Huh?”
“I said we’ll go there together,” wika niya at binitbit sa kanang kamay ang laptop at sa kabila naman ang case. “I’ll be back in a minute.”
***
Halos malaglag ang panga ko nang bumaba ako sa sasakyan ni Trench. Nakaharap ako sa malaking arch sa taas ng mataas na pader na may nakasulat na ELITE WARD.
I’ve never been here! Or maybe I’ve been since Papa told me I grew up with Moran but I never remembered being in a place as splendid as this.
Pusangina, a ward inside 1st ward?! Puto, bakit hindi ko alam ang tungkol dito?!
Trench kept the keys at the back of his pocket. “You look like you’re about to shot a lot of questions.”
Puto, aba oo! Ang dami kong gustong itanong. I looked at him with amazement in my face. “What’s this place?”
“Elite Ward.”
“Elite Ward?”
Inilawan ni Trench ang tila boulder na nasa gilid ng mataas na pader. “Not really a ward, but a village inside high walls occupied by elites.”
Halos nakanganga pa rin ako. “Bakit hindi ko alam ang tungkol dito?”
“The elites made it that way. Inside high walls, their lives would be more private,” sagot niya. He got a card inside his wallet and swiped it on the red light near the boulder. Ilang saglit lamang ay bumukas ang mataas na gate at halos nanghina ang mga tuhod ko nang makita ang loob.
The place was like a paradise! Maliwanag ang paligid kahit gabi, thanks to the street lamp posts that were piled on the side of the road. Siomai, mas maliwanag pa yata ang ilaw sa mga posteng ito kaysa sa mga ilaw na nasa loob ng tahanan ng mga nasa ibabang wards. Mas maliwanag pa ang mga ilaw sa poste kaysa sa kinabukasan ko!
Unti-unti akong humakbang papasok at muling ini-swipe ni Trench ang card niya kaya muling sumarado ang pinto. May mga bulalak na iba’t-ibang kulay sa gilid ng daan. I can see the big houses along the area at putong kulang sa asukal, halos kasinlaki na ng mga pabrika sa 3rd ward ang bawat bahay na naroon.
Halos bawat bakuran pa ay may fountain at nakaparada ang mga kumikinang na sasakyan. Bigla akong nanlumo at nabuhay ang galit sa dibdib ko. Kung ikukumpara sa ibang wards, this seems like a colorful picture book samantalang dull newspaper with black and white contents naman ang ibang wards!
I didn't believe a place like this existed inside Capital. Ibig bang sabihin ay lahat ng mga narito sa village na 'to ay mga elite?!
My eyes formed into thin lines as I looked at Trench. "Ibig sabihin dito rin kayo nakatira?"
He slowly nodded at bigla akong nanliit sa sarili ko. Kumpara sa lugar na ito, tila iskwater ang bahay namin. Hindi gawa sa pinagtagpi-tagpi na gulong at yero ngunit kung itatabi sa mga bahay rito, parang ganoon na nga ang bahay namin.
I felt sorry for us and for every citizen of the Capital na mula sa lower wards. Mas lalong nabuhay ang pagnanais kong baguhin ang sistema ng Capital. Matatag na nilingon ko si Trench.
"Which way is Moran's house?"
Tinuro niya ang bahay na nasa kanan. The house is so big and very grand. Gusto kong manliit ulit sa sarili ko, umuwi at matulog na lamang upang kalimutan ang nakita ko ngayon pero nandito na ako. Kakayanin ko 'to kahit pakiramdam ko ay naiinsulto ang pagkatao ko kapag nakikita ko ang karangyaan nila.
"By the way our house is that way," Trench added.
I glared at him. "Wala akong pake!"
"Oh, sorry."
Kuyom ang kamao na nilakad ko ang daan palapit sa bahay na tinuro ni Trench. Maraming bahay roon at mabuti naman at nasa malapit lang ang bahay nina Moran. Nanggigigil na ako sa mga sandaling 'to!
"Gallego," tawag ni Trench mula sa likuran ko. Ramdam ko na tila may imaginary na usok ang lumabas sa katawan ko dahil sa labis na inis sa mga elite. Puto sila! Nabubuhay sila sa karangyaan samantalang napakarami ng mga naghihirap! Mas matino pa yata ang lamp post sa daan kaysa sa mga mismong bahay ng mga tao sa lower wards!
"What?!" singhal ko. Okay, I feel sorry for him dahil siya ang napagbubuntungan ko ng inis! Kasi naman hindi ko iniexpect na ganito kaalwan na ang buhay ang makikita ko! I expected that an elite's life would be different from commoners like us pero pusangina, hindi ko ini-expect na ganito kalayo ang pagitan ng buhay namin!
Kumbaga langit sila, lupa kami tapos bedrock pa! Bottom na bottom!
"Not that house, the next one," wika ni Trench at napasimangot ako. Uh, minsan talaga natatanga ako lalo na kapag galit ako.
Ngayon ay nakatayo ako sa harap nga bahay ni Moran. The house is sure big, but it seems empty. Tsk, if I know Monster house iyon knowing na roon nakatira si Moran! Wala nang mas hahalimaw pa sa kanya!
I walked towards the front porch ngunit hinarang ako ng dalawang sentinels na nakatayo sa harap.
"Anong sadya mo rito?"
Wala kayong pake! I glared at them ngunit hindi sila makuha sa tingin. Pinili kong manahimik at muling lumapit sa pinto ngunit humarang ulit sila at tinulak ako.
Napamura ako ng marami dahil sa pagbagsak ko sa semento. Bastos ah! Agad naman akong dinaluhan ni Trench at tinulungang tumayo.
"Ano ba! Kailangan kong makausap si Hilary!" naiinis na wika ko.
"May appointment ka ba?" tanong ng sentinel.
I glared at him before I replied. "I don't need an appointment."
"Pasensya na pero hindi pwede."
Puto, naiinis pa ako habang nakikita ang paligid tapos mas lalo pang paiinitin ng mga pusanginang sentinels na 'to ang ulo ko!
"No---"
Natigilan ako nang bumukas ang pinto at lumabas mula roon si Hilary. She walked towards the porch, closer to us.
"I didn't expect you to be here, Mozart's daughter," wika niya. I mentally rolled my eyes. Mozart and your daughter!
At hello, kahit ako ay hindi iniexpect na pupunta ako rito. Kung hindi lang ako may tiwala kay Papa, edi hindi na ako naniniwala sa sinabi niya na marahil ay miss na niya ako.
Hilary looked at me with disgust in her eyes. "What do you want?"
Puto, ganoon ba? Ganoon ba tumingin ang ina na namimiss ang kanyang anak?!
"I want to talk with you."
Inayos niya ang coat na suot. Siomai, nasa bahay lang may pa-formal coat pang suot! Global warming na kaya-- pero sabagay, I bet their whole house is air-conditioned. Kahit siguro doghouse nila naka-air con!
"If it's just gibberish, I'd rather not waste time."
Tila punyal na isinaksak sa dibdib ko ang sinabi niya. Puto, hindi pa ako attach sa kanya pero nasaktan na ako ng ganito! Paano na lang kung na-attach na ako?!
"Is that how you talk to your daughter?" I don't want to say the "d" word kasi hindi ako sanay pero pusangina, pino-provoke niya ako!
She let out a very annoying smirk. Nahawa na siya sa smirk ni Moran na nakakasira ng araw!
"You're not my daughter," wika niya at tiningnan ako nang diretso. Her eyes reflected sincerity. She said it without remorse and hesitation. Pakiramdam mo ay mas diniinan pa niya ang punyal na nasa dibdib ko.
Ramdam ko ang panginginit ng mga mata ko but I didn't cry. If Trench didn't support me, I would have fallen down on my knees.
"I see, you only want to talk nonsense to me, sorry but I cannot give you some time."
Tumalikod siya sa akin at pumasok ulit sa pinto. Her words were like palms slapped few times on my face. Napabuga ako ng hangin. Fake news naman 'to si Papa! Ito ba ang sinasabi niyang miss na ako ng mama ko? Na inaalagaan niya ako sa paraang alam niya? Na mahal na mahal niya ako at ramdam ko iyon?
Puto, kahit nga tuwa lang na makita ako, di ko ramdam, pagmamahal pa kaya?! Why does Papa sounded so sure when he said it?
"Let's go back."
Si Trench ang nagpabalik sa akin sa tamang huwisyo. Tumango ako sa kanya at sa huling pagkakataon ay nilingon ko ang bahay.
Papa really sounded so sure. He's the kind who doesn't tell something like that unless he's sure.
I think something's up with Hilary and I have to find out soon.
#
VOTE AND COMMENTS
share yah thoughts guys thank you
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro