Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 15: CHOOSE WISELY

Chapter 15: Choose Wisely

The news spread like wildfire and caused turmoil to the citizens. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kagabi nang makitang umiiyak si Jeff kagabi at iba pa naming kasamahan.

Gusto kong makausap ulit si Moran but it was something hard to do now. Ayaw akong papasukin ng mga sentinels no matter how much I tried. Bumalik na lamang ako kagabi sa dorm namin kung saan naabutan ko rin ang iba na tulala at marahil ay iniisip din ang pahayag ni Moran.

"I really can't believe him!" bulalas ni Megan at ilang beses na pinagsusuntok ang kanyang unan. Pasado alas dos na ng madaling araw at gaya niya ay hindi rin ako makatulog dahil sa labis na pag-aalala.

Ayaw ko man ngunit hindi ko maiwasang isipin na kaya inihayag iyon ni Moran ay dahil PRUM 2.0. what if the bodies of the old people will be used as source of meat again?

"Sunny tama ba ang desisyong ginawa natin?" tanong niya sa akin. "Paano kung mangyari ulit ang nangyari dati?"

"Megan, I think let's not think that way, baka ma-attract pa natin ang ganoon," sagot ko kahit iyon din naman ang iniisip ko kung kaya't heto ako at gising na gising ang diwa. May klase pa kami bukas ngunit sadyang ayaw kaming tantanan ng napakaraming isipin at takot sa maaring mangyari.

"Let's hope for the best," wika ni Megan sa tonong matatag.

***

Kumpara sa madalas na oras ng paggising ko, mas napaaga yata ngayon. Pagkatapos maligo ay agad akong nagbihis at lumabas ng silid. Wala na sina Megan kaya tiyak kong nasa classroom na sila. Pagbukas ko ng pinto ay siya rin namang pagbukas ng pinto ng kwarto nina Triangle. May dala siyang folder na may laman.

He stopped for a while when he saw me ngunit walang nagbago sa reaksyon ng kanyang mukha. Tiningnan ko siya ngunit nilagpasan niya lang ako ng tingin at naglakad palapit sa akin.

Halos mapugto ang hininga ko ngunit mali pala ang iniisip ko. Hindi ako ang sadya niya kaya papalapit siya sa akin-- kundi papalapit siya sa hagdan. Nilagpasan niya ko at saka lang tila nagpatuloy ang paghinga ko.

"Triangle..." tawag ko sa kanya nang makalagpas siya ng ilang hakbang. Huminto siya ngunit hindi ako nilingon. I throw away all my inhibitions at humakbang palapit sa likod niya.

Hindi na ako nagdalawang isip na yakapin siya mula sa likuran. I rested my cheek on his broad back and held my arm in front of him, locking him in.

Gusto kong umiyak, magsumbong, sabihin ang kawalang-hiyaang ginawa ni Moran kahit alam kong alam na niya iyon even if he looks like he care less about it.

Hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya sa ginagawa ko pero puto, kailangan ko ng taong magsasabi sa akin na magiging maayos din ang lahat. I need someone to tell me we can get through this in time. I need someone who will pat my head and tell me things that an old friend of mine used to tell me.

Naramdaman kong hinawakan ni Triangle ang kamay ko but only to unclasped it together nang makawala siya mula sa pagkakayakap ko.

He looked back and turned to me. "I'm running late."

Hindi man lamang niya hinintay ang sagot ko at tuluyan siyang bumaba ng hagdan without looking back at me. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig.

What's wrong with him?

Nanatili akong nakatayo roon at tinanaw ang pintong nilabasan niya. Triangle isn't like that. He even beg for my attention, for my presence pero bakit ngayong kusa ko iyong binibigay ay parang binabalewala niya?

Pababa na rin sana ako ng hagdan nang mapansin ko ang isang papel sa sahig. Marahil ay nahulog iyon mula sa dala niyang folder kanina at hindi niya lang napansin.

Napakunot ng noo ko habang binabasa ang laman ng papel. I’m no genius so what was written was a bit hard for me lalo na at sulat-kamay lamang iyon. Truth be told, Triangle’s penmanship isn’t that organized. It was an illustration na hindi ko tiyak kung ano. I saw pipes, tubes at kung ano pang hindi ko maintindihan. I was able to read some words like potable water.

Nilukot ko na lamang ang papel bago bumaba at pumasok na rin sa classroom. Saktong pagdating ko ay dumating rin si Armstrong at nagsisisigaw!

“IN YOUR UNIFORMS! NOW!

Yeah, what’s new? Ako talaga ang naaawa sa kanyang lalamunan. Agad namang gumalaw ang lahat at pumunta sa lockers upang magbihis. Bago ako pumunta sa locker ng mga babae ay lumapit muna ako kay Tatsulok at iniabot sa kanya ang papel.

He has a dark expression when he grabbed the paper from me. Wow lang, ni hindi man lamang siya nagpasalamat. Sana pala iniwan ko na lang iyon at nang mavacuum na lang ni AndE!

“You’re welcome ha?” I sarcastically said before I walked out towards the locker. Nakakainis si Tatsulok! I mean, noon pa man nakakainis na siya. Remember the first day I saw him? Halos isumpa ko na siya, pero ngayon mas lumala na yata siya.

Tinatali ko pa ang sintas ng sapatos ko nang narinig ko ang countdown ni Armstrong. Puto, para talaga siyang nauubusan ng oras! Palaging nagmamadali, palaging sumisigaw. I’ve proven that he is someone that can be trusted kahit hindi ko maintindihan ang pagiging istrikto niya.

But thanks to him, I learned my lesson. Ayaw kong maparusahan na naman ng sandamakmak na crunches at push ups kaya bago matapos ang pagbibilang niya ay nakapila na ako at nakatayo nang tuwid. We keep our hands at our back, naka-chin up at stomach in habang maawtoridad na naglakad si Armstrong sa harap.

“The Capital is in chaos, I know most of you wanted to leave the Academy and check the situations in your wards but it’s not the best thing to do right now. The situation is alarming, our problem doesn’t end in the earthquake or tsunami that hit the 5th Ward. We will face even bigger than those!”

Tahimik na nakinig lamang kami kay Armstrong. Tama nga naman siya, marami pa kaming kahaharapin na problema lalo na’t nakabalik na si Moran sa pwesto. That is one of the biggest problem now. Minsan ay naiisip ko na bakit ganito ang sitwasyon sa Capital. Totalitarian government; elites are the autocrats; and they own megacorporations. Yayaman ang mayayaman, mas maghihirap ang mga mahihirap. How did the Capital turn out this way?

“After what happened, bigger problems arise! Water pollution, scarcity of potable water, destruction of the industries at 5th Ward and that means mawawalan ng trabaho ang mga tao. Famine will affect every wards, dumagdag pa ang bilang ng populasyon. Darating ang panahon na mawawala na sa mapa ang Capital. Global warming is almost on the peak that one day, we will wake up floating due to the high sea level. Given all those problems, no one will survive! No exception!”

Nakalimutan yata ni Armstrong na ako si Sunny Gallego. And I say what’s on my mind no matter what.

“I beg to disagree Sir!” sigaw ko. I feel the piercing gazes of my classmates at me. Napahinto naman sa paglalakad si Armstrong at naniningkit ang mga matang lumapit sa akin. And yup, hindi pa rin ako nadadala. Uh, maybe old habits really die hard.

“Excuse me?” tanong niya at lumapit sa akin. Armstrong has a scary look and intimidating image. Nakakatakot siya dahil sa seryosong mukha niya plus his bulky body na para bang batak na batak sa training. Baka isang balibag lang niya sa akin, patay kaagad ako. Shakoy, mahal ko pa ang buhay ko.

“I beg to disagree Sir! Mali ang sinabi mo na no one will survive. Those problems are already existing for years and it has only gotten worst. Up till now, we all strive to survive kaya hindi ako naniniwalang no one will survive Sir!”

Wala man lamang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya. I closed my knuckles to control the shivering of my hand from the back. Puto bakit  ba ang tapang-tapang ko sa sagutan tapos bigla na lamang titiklop?! Kung sino man sa mga magulang ko ang nagpamana sa akin sa katarantaduhang ito, congratulations! I got it well.~

“Do you mind explaining your point Gallego?”

Ilang beses akong napalunok. Ito na nga ba ang ayaw ko sa lahat. Iyong sasagot ka tapos manghihingi pa ng follow up explanations! Pero puto, anong mali sa pagpapahayag ng opinyon kung wala ka namang natatapakang inosente?! Unless you step on others to prove your point, iyon ang mali.

“Sir, mali ka nang sinabi mong ang problema ay ang lindol, tsunami, pollution, scarcity of clean water, famine or the threat of rising sea level due to global warming,” taas-noong wika ko. Narinig ko ang singhap ng mga kakalase ko. Marahil ay iniisip na nila kung ilang metro na naman ang kailangan kong takbuhin o ilang push ups ang kailangan kong gawin. Well, I have to deal with those later. “Those are not the problems but the effects.”

Kahit nanginginig ang mga tuhod ay pinilit ko pa ring tumayo nang tuwid. “Those effects can be avoided if we only have the proper leaders. Natural disasters cannot be avoided but if leaders only educate people enough to be prepared, hindi ganito ang damage na mararanasan ng Capital. Yes we cannot eliminate it but somehow we can mitigate the effects.”

Hindi na ako halos kumurap habang nakatingin kay Armstrong. Puto puto puto puto! Parang sasabog ang dibdib ko sa labis na kaba. Pakiramdam ko ay sasaksakin niya ako ng kung ano man dahil sa pagiging matabil ng dila ko ngunit napalingon ako sa biglang nagsalita ilang metro mula sa kinatatayuan ko.

“I agree wth Gallego, Sir!”

Napatingin din ang lahat sa kanya. It was Megan. She held her head up at hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglunok niya nang mula sa pagkakatayo sa harap ko ay humakbang patungo sa direksyon niya si Armstrong.

“You want to say something Galendez?” tanong ni Armstrong sa kanya. Puto, kung gaano nakakatakot ang boses niyang kinakausap ako, gayundin pala ang pakiramdam kapag sa iba. Siguro ganoon din ang nararamdamang takot ng mga kaklase ko kapag pinapagalitan ako ni Armstrong.

“If you say no one will survive, what’s the point of your extensive training to us? What’s the point of enduring all these? It’s because we want to survive. We have the resources that somehow help us deal with those effects. The Capital has enough intellectuals that can help. There are solutions somewhere out there, Sir!” taas-noong sagot ni Megan. Mababakas ang panginginig sa kanyang boses ngunit mas nangibabaw ang kagustuhan niyang maipahayag ang nais sabihin. This is the first time she stepped out to express her thoughts well.

Mula sa harapan ay nakarinig kami ng palakpak. It wasn’t coming from our classmates dahil tahimik lamang sila at ayaw madamay sa kung ano mang parusa ang ipapataw sa amin ni Armstrong. Nang tingnan ko kung sino ang nangahas na pumalakpak, it was Moran.

Nakatayo sa gilid niya ang pitong men in black, at puto naka-shades pa talaga. Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko. Kahit nakangiti si Moran, alam kong gigil na gigil na siya sa mga sandaling ito. Did he hear everything? Did he hear what I said too?

Tumayo nang tuwid si Armstrong nang lumapit sa kanya si Moran. Bahagya nitong tinapik ang balikat ni Armstrong bago humarap kay Megan.

“Megan Galendez,” he smirked in front of her. “Sa tingin ko ay hindi talaga maganda ang impluwensya ni Gallego sa’yo.”

Pusangina, ako na naman?! He put his hands on his pockets at lumingon sa akin. Dahan-dahan siyang humakbang at pakiramdam ko tuloy ay palapit sa akin ang demonyo. Mas lalong naging tahimik ang paligid. Tila walang humihinga sa mga kaklase kong nakatayo sa gilid! Maging ako ay halos hindi na huminga!

“And you Gallego, you’re right,” wika niya. Eh?! He made a worried expression at iginala ang paningin sa paligid. “Hilary, who temporarily took my seat didn’t educate people and somewhat tolerate their ignorance because she is also ignorant herself.”

Kung wala lang kasama si Moran na mga men in black baka binelatan ko na siya o kaya ay ipinaikot ko na ang eyeballs ko sa mga pinagsasabi niya. Boo! Pabibo! Hugas-kamay! Pero ang totoo, mas malala pa siya kay Hilary!

Mas lumala pa ang tensyon sa paligid dahil sa presensya niya. Bumaling si Moran kay Armstrong na gaya namin ay naninigas din sa kinatatayuan.

I wonder what is he thinking now. Iniisip kaya niyang baka mawalan siya ng trabaho? Tiyak kong hindi pa nakakalimutan ni Moran ang ginawa nila Ma’am Venna at Armstrong na pagtulong sa amin dati.

Nagpunta sa harap namin si Moran at iginala ang paningin sa mga nakatayong estudyante. “I personally come here to send off the students of the Academy. You can go home to your respective wards and bid goodbye over the night to your family members who are subject to the mandatory deaths which will happen tomorrow at the Capital Circle.”

Puto, talagang sumusobra na si Moran!

“What the hell are you doing?!” biglang sigaw ko. In a swift movement, the men in black’s guns are all pointing at me. See? Mabilis pa sa kidlat ang galaw nila! Puto wala ba silang mga pamilya? Wala ba silang mga magulang? Lolo? Lola? Bakit kung protektahan nila si Moran ay ganun-ganun na lang? Hindi man lamang sila umalma sa walang kwentang solusyon na naisip ni Moran!

“How do you want me to solve this problem Gallego? Isipin mo na lamang ang kinakaharap nating problema dahil sa patuloy na pagtaas ng populasyon. Do you even have an alternative solution? Wala hindi ba?”

Ramdam ko ang nag-aalalang tingin sa akin ng mga kaklase ko. Alam kong sasabog ang bunganga ko ano mang oras na naisin ni Moran pero puto, anong utak meron siya?

“Wala na rin namang silbi ang mga matatandang nasa edad 70 pataas. Dagdag lang sila sa palamunin ng Capital. Eliminating them is like hitting two birds with one stone. Mababawasan ang populasyon na nagdudulot ng napakaraming problema sa Capital at syempre mababawasan ang mga palamunin. Household will have more ration after the mandatory deaths,” nakangising wika niya.

Puto, siya kaya ang patayin at nang mabawasan ng isa ang populasyon?!

“At ano? Gagawin mo na naman ang ginawa mo dati? Use them as... as..” Puto, hindi ko magawang sabihin lalo na’t nagsimulang umiyak ang ilan sa mga kaklase ko. I don’t mean to touch scars about what happened pero nangigigil na talaga ako kay Moran. Siya kaya ang ilagay ko sa lata?! Hayop siya!

“We will have mass cremation tomorrow. You don’t have to worry...” wika niya sa mga estudyante. “Your elder family members will not experience pain at all at pagkatapos ay may mass cremation at maari kayong mag-uwi ng mga abo nila.”

It didn’t relieve the students at mas lalo lamang iyong nagpalungkot sa bawat isa. Kailangan kong mag-isip ng paraan upang hindi mangyari ang gusto niya. Hindi naman sa pagiging pabida kaya kailangan kong tumulong, I really want to dahil hindi gaya ni Moran, meron akong puso!

“You can’t do that!” sigaw ko. Kinapa ko ang dibdib at taas-noong sinalubong ang mga mata ni Moran. I thought I’ll see the fear that I saw in his eyes before nang nalaman niya ang tungkol sa device na inilagay ni papa sa dibdib ko ngunit mali ako. I only saw a smirk-- a really annoying smirk from him.

“Go ahead at nang lahat tayo ay mamatay na lamang at hindi lang ang mga matatanda. Now choose wisely Gallego.”

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro