CHAPTER 14: RESOLUTION
Chapter 14: Resolution
Pasgpasok ko sa pinto ay ang nakangising mukha ni Moran ang naabutan ko. Bahagya niyang hinihimas ang mamahaling mesa at maging ang pangalan niyang naka-carve sa glass.
“Have a seat,” wika niya ta muling inilibot ang paningin sa paligid. “Na-miss ko ang silid na ito. This used to be Curie’s office.”
Gusto kong ipaikot ang eyeballs at sabihin sa kanya na ‘share mo lang’ kaso nagsasayang lamang ako ng laway at effort.
“Long time no see Gallego,” pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.
“And it’s not nice to see you, bakit hindi ka pa nabulok doon?”
Tumawa siya na tila ba punchline ang sinabi ko. “What can I do? The Capital needs me.”
“Hindi namin kailangan ang kagaya mong walang puso--” Pinatigil niya ako sa sasabihin sa pamamagitan ng pagtaas niya ng kanyang kamay.
“I said the Capital needs me Gallego, ibig sabihin, kailangan ako ng mga citizens ng Capital. Pero ikaw? How should I address you?” bahagya siyang nag-isip at tinapik-takpik pa ang kamay sa mesa. “Alien? Pero sige, sabihin na nating may dugong mula sa Capital ka but it doesn’t change the fact that you are not a pure-blooded citizen of the Capital.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Why is he suddenly opening something like this? Bakit hindi maganda ang pakiramdam ko sa patutunguhan ng usapang ito? Puto!!
“Mozart is a pure-blooded Tussan, royal blood, illegitimate nga lang. Your mom’s a pure-blooded citizen of the Capital, tsk tsk tsk not a very good combination.”
Pinigilan ko ang sariling hampasin siya ng kung ano mang bagay na naroon. Nanatili akong kalmado at inihanda ang isip. Hindi ako kasingtalino nila but I can outwit him. “Your point?”
He smirked and for the mth time, hindi talaga bagay sa kanya ang smirk! “How about I will deport you?”
“Nababaliw ka na!” Natatarantang sagot ko. The calm demeanor I established suddenly vanished. Gusto kong magwala at magsisisigaw ngunit tumawa lang ulit siya.
“Okay, I just figured out that it’s a wrong move since may dugong Capital ka naman,” wika niya. “And you know I want what’s the best for the people.”
Naningkit ang mga mata ko. What’s the best for the people? Baka what’s the best for him and for the damn elites! Hindi ako naniniwalang puro na ang intensyon niya ngayon.
“I’m leaving,” wika ko at akmang tatalikod ngunit nagsalita ulit siya.
“Good thing you decided to join P:RUM 2.0.”
Napatigil ako at lumingon sa kanya. “That’s your project?” Puto, kung sakaling sa kanya man iyon parang gusto kong umatras. Ayaw kong mangyari ulit ang nangyari dati. Ayaw kong may matatandang kakainin na naman! Ayaw kong may mga buhay na naman na maisasakripisyo!
“The P:RUM team’s project,” he replied. “P:RUM 2.0 is their project at maging ang nauna. I just supported such kaya kung titingnan mo, mali ang akusasyon mo sa akin noon pa man,” wika niya.
“How’s supporting different from that?” tanong ko.
Sumandal siya sa kinauupuan at minasahe ang kanyang ulo. “Gallego, Gallego, Gallego. Mahirap bang intindihin iyon? Ang Team PRUM ang nag-iisip, gumagawa, nag-iimplement, etc. What my job is that to support and give them a go signal.”
“At s-sino naman ang namamahala sa P:RUM team kung hindi ikaw?”
“Hindi mo siya kilala gayong ilang beses mo na siyang nakita?” He shrugged off a laugh. “Doctor Aaron Rosco. The one who ranked 7th on the Royals before.”
Okay, alam kong si Doc Aaron ang team leader para sa P:RUM pero malaki pa rin ang kasalanan ni Moran! Why would he support some gross projects like P:RUM?
“Tungkol saan na naman ang P:RUM 2.0?” tanong ko sa kanya.
“You should know that dahil diba bahagi ka naman ng team?” balik-tanong niya sa akin. Tumawag siya ng tauhan at nagpadala ng kape. “At alam kong galit na galit ka bakit nakalaya ako. Just so you know, maraming kinakaharap na problema ngayon ang Capital and I--, I, who is someone so brilliant lamang ang pwedeng makaisip ng mga solusyon. Look what your mother did,” tumawa ulit siya.
“Huwag mong sabihing pati ang nangyaring delubyo ay isisisi mo pa kay Hilary?” Okay, I’m not defending Hilary here or what. Gusto ko lang basagin si Moran. Masyado kasing bilib sa sarili eh.
“Not entirely her fault, but partly,” sagot niya. “She could have think could have think of prevention, safety precautions or even her staff, masyadong nagpabaya. No one analyze that after the earthquake, parating na naman ang delubyo.”
Bigla kong naisip si Trench. He was the one who analyze something like that. And come to think of it, he has become someone who was disregarded by the Capital and the citizens! When he become powerless, tila naging normal na lamang siya kahit pa ang talino niya. People picks on him but look, he analyzed and preempted something that the Capital’s trusted persons didn’t.
“See? Wala talaga kayong silbing mga babae--”
Padabog na ibinagsak ko ang mga kamay sa mesa niya. “Don’t ever say that! Just in case you’re outdated, there’s a statute that prohibits anyone from discrimination and violence against women!”
Tumawa siya uli. Nababaliw na yata, wala namang nakakatawa sa sinaabi ko. “You mean that? I can revoke that anytime I want to. Ipapaalala ko lang sa’yo Gallego, ako ang batas at ang batas ay ako.”
Nanginginig na ako sa labis na galit na nararamdaman. When he spoke, it didn’t relieve me even a little.
“But I won’t do that for now,” wika niya. “Let’s say it’s my little gift for you, congratulations because you just made the decision of becoming part of the P:RUM team. Aaron said that they have chosen students with the most potential.”
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or what. He said students with most potential. Pakiramdam ko ay hindi nararapat na ilagay ako sa posisyong iyon. They only want me because if I support it, people will probably support it too. Hindi naman talaga sila bilib sa kakayahan ko.
“Mali yata kayo ng pinili, kung iyon pala ang criteria upang maging bahagi ng team, then why am I chosen and Trench isn’t?” tanong ko. Hindi ko minamaliit ang kakayahan ko, or my willpower but we cannot just leave out Trench who in so many ways is better than me?
“Ah, Trench Grande Mariano...” bahagya siyang tumango-tango at nag-isip. “How is he doing? Maybe he didn’t make it because he’s grieving. After all, he lost a mother, a father, an aunt and a cousin?”
“Ano?!” I know he lost everything but his father too?
“So I totally understand if he flunk the activity--”
“Wala na ang papa ni Trench?” Nanlalaki ang mga matang tanong ko. Why do I didn’t hear about it?
“Theodore killed himself right after my abdication,” sagot ni Moran. “My poor cousin, marahil ay natakot siya. Masyado kasi siyang duwag, hindi niya alam kung paano dumiskarte. Natakot siya na pagbayaran ang patong-patong niyang kasalanan.”
My eyes formed into thin lines sa labis na panggigigil. “Ganyan ka ba magsalita sa pinsan mo?” Puto, wala man lamang siyang pighati o anumang maaring maramdaman ng namatayan ng kapamilya!
“Theodore Mariano is not my real cousin,” sagot niya. “We’re just generous enough for him and pretended that he’s my cousin upang maiwasan niya ang pambu-bully sa CLC dati. Sa katunayan ay mula siya sa 5th Ward.”
Napasinghap ako sa labis na pagkagulat. I wonder what are the other things that I still didn’t know. I’m sure the Capital and everyone around still holds secrets.
“Are we done here?” tanong ni Moran at kinuha ang mga papel sa gilid at maging ang kanyang laptop. “You see I have much work to do, may press interview pa ako.”
Sa huling pagkakataon ay tiningnan ko siya nang masama bago pumihit patalikod. Halos takbuhin ko na ang pinto upang makalabas ako roon. Pakiramdam ko ay naso-suffocate ako rito lalo na’t nandiyan ang presensya niya! How I hate to breathe the same air in a room with him!
Nang makalabas ako ay hinanap ko agad si Trench sa classroom ngunit walang tao roon. Everyone were probably back on their respective dorms. Napatigil ako sa gitna ng daan at tiningnan ang mga nakahilerang dormitory. Sa dami niyon ay hindi ko alam kung saan siya nailipat. I cannot just barge inside at isa-isahin ang bawat kwarto to check if Trench is there.
Nag-isip ako kung alin sa mga dormitory ang pwedeng tinitirhan niya ngayon. Dati ay sa Hellevator Dorm sila nakatira ni Triangle-- pero malabong doon siya inilagay. For now, I guess I have an idea where.
Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa harap ng District 9 dormitory. The first dormitory that I was assigned to. The dormitory which looked like a haunted house from the outside and looked like a storage room from inside. Binuksan ko ang makalawang na gate at lumikha iyon ng ingay.
This dormitory also holds a lot of memories of me and Gon at maging sa mga dati naming kasama. I pushed the front door and it creaked open. Gaya ng nakagawian, malinis ang sala ngunit luma na ang sahig at mga furniture na naroon.
I slowly stepped inside at bahagya akong napatigil nang makarinig ako ng boses.
“What are you doing here?”
It was Trench. May dala siyang walis at dustpan. He was wearing an apron on the lower part of his body. May nakataling bandana sa kanyang noo at bahagyang tumatagaktak ang kanyang pawis.
"Gallego," he said when he recognized it was me. "Napadalaw ka? If you're looking for your friends, nasa silid sila--"
"Ikaw ang ipinunta ko rito," putol ko sa sasabihin niya. I feel sorry for him. Patong-patong pala ang dinadala niya but no one noticed his pain. He was good in acting tough. Ang tatag pa rin niya.
Not that I see Triangle as someone weak unlike Trench. Ayaw kong i-judge ang mga tao dahil iba-iba naman ang approach natin sa pagharap ng problema. Some people are like Triangle and some are like Trench.
Bahagya siyang nagulat ngunit saglit lamang iyon. "Why?"
"I talked with Moran," wika ko. "He told me a-about your d-dad."
Mapait na ngumiti siya. "What did he tell you? Sinabi ba niyang nagpakamatay si Papa?"
My forehead creased. "S-so hindi siya nagpakamatay?"
Trench shrugged his shoulders. "Ewan, hindi ko alam. But I know my Dad. He's not someone who will kill himself."
Tila dumoble pa ang nararamdaman kong galit kay Moran. Bakit ba kasi may mga taong katulad niya?!
"H-how do you cope with it?"
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at pilit na ngumiti. "I appreciate what's left. I still have Triangle..." Tumingin siya sa akin. "I still have you."
Ilang beses akong napalunok at nanlalaki ang mga matang tumitig sa kanya. Hindi ko alam kung paano magreact, puto! Hindi iyon ang inaasahan kong sasabihin niya!
Siguro kung ako ang dating Sunny, kinilig na ako. I liked him before. I still like him now but not how I liked him before. Biglang sumagi sa isip ko si Tatsulok. Maybe I like him already. Or maybe liking anyone is not my priority. Ewan. Magulo.
Namayani ang katahimikan sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa sinabi niya. Puto, it wasn't a question in the first place but why do I feel that I need to answer it?
The awkward silence between us was broke by Iris who shouted my name.
"Sunny!!!!"
Halos liparin na niya ang hagdan upang bumaba at yakapin ako. Eh? Para namang hindi kami nagkikita sa classroom tsk!
The other doors opened at lumabas na rin ang iba upang yakapin ako. Trench stood with a blank face watching the others mobbed me with hugs. Siguro iniisip niya rin na nagkikita naman kami sa classroom.
"We missed seeing you here at our old dorm," wika ni Iris.
"Oo nga Sunny! Late ka kasi palagi kaya di ka namin nakakausap sa klase eh," dagdag ni Margo.
Hehe oo nga pala, that explains the tight hugs.
"Na-miss mo ba kami?" tanong ni Suri. Napatingin siya kay Trench na pawisan. "Naglilinis ka na naman?"
"I've got nothing to do," sagot ni Trench. "Babalik na ako sa kwarto." Pagkatapos magpaalam ay umalis na siya at umakyat sa hagdan habang nakatanaw kami sa kanya.
Nakalabing napatingin si Suri sa akin. "Hindi namim siya inaalipin kung iyan ang iniisip mo Sunny. Bakit bigla siyang nalipat dito?"
Pinalibutan nila ako. They looked so eager to hear why. "Mahabang istorya."
"Summarize! Summarize!" they all chanted.
"Basta, just be good to him," wika ko.
"We all are dahil mabait din naman siya!" wika ni Drix. "Minsan nga tinuturuan pa niya ako."
"Ako rin tinutulungan niya, in fairness mas may naiintindihan pa ako sa kanya kaysa kay Miss Venna," sagot naman ni Jeff.
Sasagot pa sana ako ngunit biglang nag-appear ang hologram ng flash news. Every dorm has it at kusa iyong lumalabas lalo na kung may balita o importanteng nais ipahayag ang gobyerno.
"Base sa huling census na naitala ng Capital, triple ang naging dami ng populasyon sa syudad na naglikha ng mas malaking problema. Narito ang pahayag ng kababalik lamang na czar na si Elpidio Moran."
I almost scowled when the hologram showed Moran's face. Nakatapat sa harap niya ang ilang mikropono na para bang maraming nag-iinterview sa kanya. Hello? Iisa lang ang broadcasting station ng Capital at kontrolado pa nila iyon.
"The raise in our population is very alarming at isa lamang iyon sa mga problemang kinakaharap ko ngayon mula nang makabalik ako." He sighed like he was really sad about this problem. "I made an immediate solution for this problem. From this day onward, we need to control the population to prevent further problems. I hereby announce the resolution that I signed; the mandatory death of citizens aging 70 above and that is effective today."
Mandatory death? Puto tama ba ang narinig ko?! Masahol pa talaga sa hayop si Moran!
#
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro