CHAPTER 13: CATASTROPHE
Chapter 13: Catastrophe
Kalat na sa bawat sulok ng Capital ay pagpapalaya kay Moran and I know how citizens from the lower wards felt. Inis, galit at kung ano pa man ngunit wala rin namang saysay kung ano ang nararamdaman namin. What we feel doesn’t matter because at the end, the votes and opinions of the elites are what matter the most. Ganyan, ganyan kabulok ang sistema ng Capital.
Pumasok ako sa academy na dala ang layunin na maging opisyal upang mabago ang sistema sa 3rd Ward but I later realized, it’s the whole Capital that should be reformed. The mentality of the people, the system, the autocratic government under the oligarchs! Everything in the Capital isn’t right!
I was disheartened by the fact that Moran will be roaming around the Capital freely. I have so many scenarios in my head about what will happen next and puto, hindi ko gusto ang mga naiisip ko! Walang saysay ang lahat ng buhay na nawala! Walang saysay ang sakripisyo ni Gon, ng Grande twins at ng mga matatnda! Walang halaga ang laban na isinulong ng mga pamilya ng mga matatanda noon sa 3rd Ward. All efforts of the people who revolted against the government just went to waste.
“Sunny matulog ka na,” wika ni Megan habang mahinang kinukusot ang kanyang mga mata. Nakatalukbong siya ng kumot ngunit nakalabas ang kanyang ulo. Tiningnan niya ang orasan na nasa gilid ng mesa. “It’s three am, matulog ka na. May pasok pa tayo bukas.”
Niyakap ko ang binti ko at ipinatong ang baba sa tuhod ko. Nakaupo ako sa kama at iniisip ang napakaraming bagay. I just can’t believe what Triangle did. Nababaliw na ba siya? Apektado ba siya ng P2? Puto, ang daming katanungan sa isipan ko!
“Megan ano na ang mangyayari sa hinaharap?” wala sa sariling tanong ko. Megan covered her head with a blanket.
“Think about it tomorrow Sunny, matulog ka na.”
Nagpakawala ako ng buntong-hininga. What difference will it make if I think about it tomorrow? Kung pwede lang sana paggising ko, hindi totoo ang resulta ng voting eh. Kung pwede lang sana, paggising ko mabubulok na habangbuhay sa kulungan si Moran. Kung pwede lang sana paggising ko, magbabago na ang lahat ng bagay.
“Sunny matulog ka na! Hindi ako nakakatulog nang maayos dahil sa ilaw,” Megan said while groaning.
Sa huling pagkakataon ay nagpakawala ako ng buntong-hininga bago pinatay ang ilaw at nahiga na lamang.
***
Nagising ako dahil sa mahinang alog na nararamdaman ko. Dahan-dahan na binuksan ko ang mga mata at natutop ang noo dahil sa naramdamang pagkahilo. My head was spinning in circles kaya pakiramdam ko ay maging ang paligid ay umiikot. Is this what I get for almost staying up all night?
Iniinda ko ang nakakahilong pakiramdam at pinilit ang sariling makatulog ulit. Masyado akong inaantok para pansinin ang ingay na naririnig ko.
Hindi ko alam kung ilang oras lang ang tulog ko. Nang buksan ko ang mga mata ko ay hinanap ko ang orasan na nasa mesa ko. Kinapa ko ngunit wala akong mahawakan na orasan. Eh? Nasaan ang orasan ko? Kahit ayaw ng katawan ko ay bumangon ako sa kama. May pasok ako at kahit gaano ako katamad at araw-araw na challenge sa buhay ko ang paggising nang maaga ay kailangan ko pa ring pumasok.
My eyebrow raised when I found my clock on the floor and thankfully, hindi naman iyon nabasag. Eh? Bakit ‘to nasa sahig? Puto nasagi ko ba ‘to kagabi?
Muntik na akong mapasigaw nang makitang anong oras na! Puto puto puto! Tatlong oras na akong late?!!! Hindi naman siguro ‘to sira! Halos tinakbo ko na ang daan mula sa kwarto patungo sa banyo upang maligo. Hindi na ako nag-aalang maghilod pa at nagmamadaling maligo. After ten minutes, I was at the door of Bldg. 1485 and I began sprinting towards the my class.
And thankfully, I am a swift runner kaya hindi na nadagdagan pa ng isang oras ang pagiging late ko. My hair was dishevelled; hindi naman kasi ako nag-abalang magsuklay pa at agad na tumakbo. I opened the classroom door and found everyone talking in groups and looking worried. Ang iba ay umiiyak at may iba pang nakatingin sa mga cellphone nila.
Wala si Ma’am Venna o sinumang guro ang naroon kaya medyo maingay ang mga kaklase ko. Walang nakapansin sa akin dahil abala sila sa pag-uusap at sa kung anumang ginagawa nila. Puto, anong meron?
Dahan-dahan akong pumasok sa loob at nagpunta sa upuan ko. Trench was there, busy looking at his laptop at may sinusulat sa kanyang papel.
“Psst, Trench,” mahinang tawag ko. “Anong meron?”
He stopped writing to look at me. Ibinaba niya ang ballpen at hinarap ako. “Where were you?”
“Nasa dorm,” sagot ko at inilibot ang paningin sa paligid. “What’s the fuss about?”
“An 7.5 magnitude earthquake just hit 5th Ward approximately 150 kilometers off the coasts of the 5th ward. You didn’t know?” tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Puto, 8.5 magnitude earthquake?! “Ano?!”
“More than 600 homes were destroyed, as of the latest update 360 people are reported dead--” huminga nang malalim si Trench at pinakita sa akin ang notebook na sinusulatan niya. “I made some analysis about what happened. Given the magnitude, there’s a high probability of a tsunami---”
“Knock on wood!” bulalas ko. Napahawak ako sa dibdib ko at sinamaan siya ng tingin. “Puto, don’t say that baka magdilang demonyo ka pa!”
“Look Gallego, this is just based on my scientific analysis at tiyak kong ngayon ay abala na rin ang mga kaukulan ng Capital sa ginagawa nila to avoid more catastrophes. Given the force of the earthquake, malaki ang posibilidad na nafo-forced down sa mantle ang oceanic plate dahil sa plate tectonic forces--”
“Trench!” Puto, tinatakot ba niya ako?!
Hindi niya ako pinansin at patuloy lang na nagsalita. “Although the latest news that there’s a small possibility of a tsunami dahil kumpara sa mga nagdaang lindol, this one’s not that strong compared to the previous tremors but I know you have idea how those overriding plates might exceed the frictional forces--”
Ganoon na ba katalino ang tingin niya sa akin para maintindihan agad ang mga pinagsasabi niya? Nasa shocked mode pa ako! I cut him off. “How are the people doing? May tulong na ba ang Capital para sa 5th Ward?”
Tumango si Trench. “There were relief supports na ipinadala ni Hilary Moran.”
“Si Coco!” bulalas ko at napalingon sa upuan niya. Nakapikit siya at nakakuyom ang mga kamao. Praying, probably?
“If 5th Ward is something like 1st ward na may nagtataasang gusali, malamang mas malaki pa roon ang pinsala at number of casualties,” wika ni Trench. Mahinang napatango na lamang ako. I don’t know if the poverty situation in 5th ward is a curse or a blessing. Maybe a curse because less buildings, less occupations for the citizens, less opportunities for them to be stable economically. Blessing dahil kung nagkataong malalaki ang mga gusali na naroon at hindi pawang kabahayan lamang, the ward must be in total damage at hindi lamang doble ang dami ng namatay kundi baka triple pa niyon.
Bigla na lamang nag-flash ang LED display ng balita tungkol sa 5th ward na nagpanganga sa aming lahat.
“A series of immense ocean waves just hit 5th Ward devastating the coastal areas!”
Napasigaw kaming lahat nang nagflash sa LED screen ang pagtama ng tubig na halos sumira sa camerang nagrerecord niyon. It was something very tragic na dati ay sa palabas ko lamang nakikita. Umugong ang sigawan at iyakan sa loob ng classroom namin lalo na nang makitang nasira ang mga bahay na halos sira na rin dahil sa nangyaring lindol.
Tila nag-slowmotion pa sa paningin ko ang pagtama ng tubig sa bawat bahay. It was a painful sight that made some of the students breakdown, faint and cry in terror. Biglang nawala ang balita at nagkaroon ng problema sa broadcasting system na naghahatid ng live feeds mula sa 5th Ward.
Narinig ko ang ilang beses na pagmumura ni Trench sa tabi ko. My mind was empty and I cannot think of anything. Sa tingin ko ay isa na lamang ang maari kong gawin sa mga sandaling ito. To pray that the odds will be on our side.
***
For the past seven hours, puno kami ng pag-aalala dahil sa nangyari sa 5th Ward. Nagdulot din iyon ng pinsala sa 4th Ward ngunit kumpara sa 5th Ward ay hindi ganoon kalaki ang pinsala. Even 3rd ward suffered some damages.
Nanginginig ang mga kamao ko habang nakakuyom. Nasa stadium kami ng academy, lahat ng estudyante ng Academy. I can hear the whispers of worries and curiosity of what will happen here filled the place. Nakahanda sa harapan ang podium at nakatapat roon ang maraming ilaw. Mayamaya ay napansin ko ang mga men in black na nakalinya sa paanan ng stage. They stood on both side and created a way in front.
Biglang tumahimik ang buong paligid. Napakatahimik na inakala kong may problema ako sa pandinig. My heart beats so fast that it’s all I can hear. It seems like everyone stopped breathing. Puto, I have a bad feeling about this.
Mayamaya ay nasapawan ng tunog ng footsteps ang naririnig kong kabog ng dibdib ko. The foots steps were heavy and it echoed on the corners of the big stadium. Isang anino ang natanaw ko na dumaan sa gitna, sa daan na ginawa ng mga men in black.
My breathing almost stopped when I saw the familiar red, yellow and green light.
Pusangina.
My shaking fist turned cold. I have so many emotions in me right now. Wary, fear, sadness, anger and others crept in my body. The man in the shadows appeared in front, greeting every students with his
straight face.
Elpidio Moran.
I hate how he looked problematic right now. Parang gusto kong magwala at pagbabasagin ang mga nakakalat na LED screens kung saan mas nakikita ko nang malapitan ang mukha niya.
“Students,” unang bati niya.
Gaya ng nararamdaman ko ay samu’t-saring emosyon rin marahil ang nararamdaman ng iba. They knew what happened kahit pa ayaw maniwala ng iba na kaya niya iyong gawin. Like how it’s supposed to be, hati ang opinyon ng mga nag-aaral sa academy tungkol sa isyung nangyari.Most students who came from the lower wards loathed Elpidio Moran but students coming from 1st Ward and elite families were against his abdication.
Hindi na ako nasurpresa sa ganoon. What do I expect from them? Masyado silang makasarili para isipan pa kaming mga taga mababang wards.
Silence filled the place at iyon ay marahil sa gulat na naroon si Elpidio.
Nanlulumong napabuntong-hininga si Moran habang inililibot sa paligid ang paningin. “You might be surprised why I am standing here right now. I was wrongly accused for my noble belief that my job as the leader of the Capital.”
Wrongly accused? Noble? Putongina niya, is he here to poison the minds of the students and make us believe that his intentions are pure and for the betterment of the Capital?! Huh, tanga lang ang maniniwala sa kanya!
“But the truth has been spoken, I am happy that people see my point and believe that I am capable of continuing my service,” wika niya kasabay ng ngiti. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sandaling ito. Tahimik pa rin an paligid. Ang iba ay nagbubulong-bulongan and what the pork? Bakit ang bilis nilang magpauto kay Moran?
“I am sorry for the students who are from the 5th ward. I know how you feel right now knowing that your families and homes are in danger. I am also worried for the citizens affected by the earthquake and tsunami.”
Pusangina mo Moran wag kang plastik! Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ng mga tag-5th Ward dahil wala kang pakialam!
“Dahil wala ako sa serbisyo, ang asawa kong si Hilary Moran ang nakaupo sa posisyon ko and this is what happen if you let a woman sat in a position she’s not capable of.”
Gago, kahit naiinis rin ako kay Hilary, wala siyang karapatan na maliitin ito o sino mang babae! Puto, don’t tell me he’s trying to brainwash everyone here and make us believe that women are not capable of being leaders?! Ano, isisisi niya kay Hilary ang lindol?! Ang tsunami?!
Tila sasabog ang ulo ko sa labis na galit na nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Halos madurog na nag mga daliri ko dahil sa tindi ng pagkakakuyom ko. Then someone held my hand.
“Relax, mylabs,” bulong sa akin ni KL.
“How can I?”
Inakbayan niya ako at nag-aalalang tinapik ang ulo ko. “It’s up to you how. Just remember anger doesn’t solve anything. I don’t exactly know how you feel right now but fix yourself. Walang patutunguhan kung magwawala ka rito.”
Tumango-tango ako at bahagyang kinalma ang sarili ko. Marami pang sinabi si Moran sa harap at may paawa effect pa siya. He tried to convince every student that he will do his best to solve the current problems and issues that the Capital is facing.
Nang matapos ang kanyang speech ay bumaba siya ng stage. Bumitaw ako mula sa pagkakahawak ni KL at tumakbo patungo sa direksyon ni Moran. Wala akong apakalam kung ilang beses akong nabundol sa mga estudyanteng naroon. Ang gusto ko lamang ay maaabutan siya at makausap.
“Moran!”
Nakatalikod siya sa akin at papasok na sana sa pinto. Huminto siya at nilingon ako. I hate how his lips slightly curved up when he saw me.
“Gallego.” He smirked and do I have to say it again? Hindi bagay ang smirk sa kanya! Hindi! Not even a little! “Long time no see.”
“Wala akong panahon makipagbatian sa’yo Moran--” Nanlaki ang mga mata ko nang sabay-sabay na itinutok ng mga men in black ang dalang baril sa akin. Gasps filled the place at maging ako ay nanigas sa gulat.
Itinaas ni Moran ang kanang kamay and acted a gesture like he’s telling his men to put down their gowns. Sumunod naman ang mga ito. “Let’ talk about it over a cup of coffee Gallego. We have a lot of things to talk about. Come, follow me.”
Muli niya akong tinalikuran at tuluyan na siyang pumasok sa pinto. Hindi ko alam kung tama bang sumunod ako sa kanya. Paano kung patayin niya ako? I-karne? Gawing sausage? Gilingin? Gawing steak? Ang daming posibilidad na maaring mangyari kapag pumasok ako sa pintong iyon.
But I may also miss a lot of opportunities if I won’t. Siguro naman ay hindi niya ako papatayin. He know my worth as a daughter of Mozart Gallego. Hindi niya ako basta-basta mapapatay. Huminga ako nang malalim at kinapa ang peklat na nasa dibdib ko.
As long as I have this, I can assure my safety.
I throw away all my fears and entered through the door.
#
VOTE AND COMMENT
I appreciate your theories guys❤ Nakakainspire na magsulat nang magsulat.
And yep, I'm muting people who keeps on commenting about other story and characters, sayang walang block feature sa watty hihi
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro