CHAPTER 11: I'M IN TROUBLE
Chapter 11: I'm In Trouble
Pakiramdam ko ay nasa cloud 9 ako. Ang saya isipin na may batas na na nagbabawal sa discrimination at violence sa mga kababaihan! This time ay nabawasan na ang isipin ko tungkol sa mga maling nangyayari rito sa Capital.
"Ayos ka lang ba Sunny?" nag-aalalang tanong ni Coco.
"Ayos lang naman ako, bakit?"
"Kanina ka pa kasi nakangiti diyan. Things heated up just few moments yet you're smiling like crazy," sagot niya.
What can I do? Nikon just gave me good news.
"Don't mind me Coco," wika ko sa kanya at ibinalik ang atensyon sa harap. Naroon pa rin si Doc Aaron at nagpapaliwanag sa mga pasilidad ng Research Lab.
At the moment ay nasa communication room kami. Actually, it was just a spacious hall at first glance pero kapag naka-activate na ang communicating lines, there are holograms that shows signal waves, radio-frequency at kung anu-ano pa.
"This is where big commands are send to various floors of the laboratory. Surveillance cams live feeds are also viewed here," sabi ni Doc Aaron at may pinindot sa glass panel. Ang dating transparent na glass floor ay nagpakita ng live feeds ng cameras na nakapalibot sa buong lab! I couldn't help but be amazed!
Sunod niya kaming dinala sa isa pang hall kung saan maraming mga doktor na abala sa kani-kanilang ginagawa.
"Our researchers who are working on pharmaceutical products," wika niya. "You all should now that research laboratory is not only for P:RUM kundi pati na rin sa iba pang researchers. Once hypothesis and tests were performed, saka na sila ipapadala sa mga Special Labs na iyon ang focus."
Ayaw niyang maistorbo namin ang mga researchers kaya agad kaming umalis doon. He took us to a mezzanine floor at tumawid sa extension ng Lab.
"Welcome to the space lab."
Megan gasped in amazement. Seeing aircrafts, big telescopes at kung anu-ano pang naroon ay nagningning ang kanyang mga mata. I know this is the field of science that she likes a lot. Lumapit siya sa isang virtual tube at pumasok roon. It feels like she was in the galaxy ayon sa kanya at puro paghanga lamang sa lab na iyon ang naririnig namin sa bibig niya.
Doc Aaron cleared his throat. "That's all for today. You can wait on the lounge at hintayin niyo ang chauffeur na maghahatid sa inyo pabalik sa academy.
I don't know if it's just me o sadyang lahat kami ay nagpanting ang tenga dahil sa sinabi niya.
"Excuse me?" wika ni KL. "Iyon na 'yon?"
Napatigil si Doc Aaron sa paghakbang at nilingon kami. "What do you mean?"
"I mean 'yon na? Ang laki ng Research Lab na 'to pero sa ilang bahagi mo lang kami dinala," KL asked. I want to second the motion.
A calm smile showed on Doc Aaron's lips, but kind of sinister. "Other parts of the research lab are not part of your business as junior researches. Sa katunayan ay bonus niyo na nga lang itong space lab."
I openly scowled. Puto, dinala lang naman niya kami sa mga bahagi ng Lab na dati na naming napuntahan. Ang kaibahan nga lang ay bago na ang lugar dahil sa ginawang repairs and renovation.
Hindi nagtagal ay hinatid na ulit kami pabalik sa Academy. Seriously, I really find it a waste of time. Parang pinagmayabang lamang ni Doc Aaron sa amin ang renovation ng research lab! Iwinaksi ko na lamang sa isipan ang tungkol doon at nagfocus sa magagandang bagay like the new statute!
At least ngayon, may batas na nagbabawal sa pangmamaliit sa aming mga kababaihan gaya ng dating ginagawa ni Triangle sa akin— wait.
Where's Triangle?
Napatingin ako sa harap, baka sakaling tumabi siya sa driver ngunit wala. Isa-isa ko namang tiningnan ang mga kasama ko sa loob ng sasakyan. Nakasandal si KL at nakapikit. Si Coco naman nakatingin sa labas ng bintana. Si Nikon ay nakatingin din sa labas at si Megan ay nakatungo sa cellphone niya.
"Guys, where's Triangle?" I suddenly asked. Nakuha ko naman ang atensyon nilang lahat. Ang mga nakapikit ay napadilat sabay tingin sa paligid. Triangle is nowhere out of sight!
"Hindi niyo ba siya nakitang sumakay?" tanong ni Megan.
Coco shook his head. "Huling naaalala ko, kasama pa natin siya nang bumaba tayo sa elevator."
Napasandal ako at napamasahe sa ulo. Puto, saan ba pumunta si Tatsulok?! Sasabihan ko na sana ang driver na bumalik sa reaearch lab ngunit naunang magsalita si Nikon.
"Let him. Malaki na si Bermudo, he knows the way back to the academy," wika niya.
Sabagay, but does he know Triangle? Paano pa inatake iyon ng kasamaan ng ugali at gumawa ng kung ano man?!
"Triangle might do something troublesome!"
Kampanteng ngumiti lamang si Nikon. "I'm pretty sure you're all amazed by the surveillance and security measures of the Research lab na pinakita sa atin kanina, so no need to worry."
The others agreed with Nikon kaya kahit paano ay kumalma na ako. I hope he won't do anything stupid lalo na't tila wala pa rin siya sa sarili niya.
Hindi nagtagal ay dumating na kami sa academy. We all got off the car at nagpaalam ang iba na may pupuntahan samantalang bumalik naman ako sa Bldg. 1485 dorm. Before leaving, Nikon approached me.
"See tonight at the dorm," wika niya sa akin. Hindi ko maiwasang magtaas ng kilay. Wait, anong ibig niyang sabihin?
"Why would you see me tonight?" tanong ko. "Are you asking me out for a date or something at susunduin mo ako?" Okay, this is me being too confident again. Naniniguro lang kasi pag oo, wow, ako na ang maganda.
Tumawa si Nikon sa sinabi ko. Puto! Ano, nakakatawa yun?! He snapped his fingers in front of me. "Why, do you want to have dinner date with me?"
"No thanks."
Mas lalo lang siyang natawa. Wow, nakalaklak yata ng vitamins na pampatawa. "Okay, then no. See you around."
Hindi na niya hinintay ang sagot ko at agad na naglakad palayo. Tinanaw ko ang likuran niya. Are his intentions pure? Maaasahan ba siya? I cannot get the answers by merely looking at him kaya tumalikod na rin ako at naglakad patungo sa dorm.
Pagdating ko roon ay naabutan ko ang ilang maleta na nasa living room. Eh?! Anong meron? I tried looking around for AndE pero nasa sulok siya at kasalukuyang naka-charge. I ignored the luggages at inakyat ang hagdan patungo sa kwatrto ko ngunit nakasalubong ko si Trench na may buhat-buhat na mga maleta.
Puto, sa kanya 'yon? Aalis na siya? I blinked few times and stared at him. Nagtagpo ang aming mga mata at nabasa ko roon ang kalungkutan-- but not really sure if it's sadness. Trench has a black expression and it's seldom to see him with emotions.
I cleared my throat at ibinaba ang tingin sa dala niyang mga maleta. "Aalis ka?"
Mahinang tumango siya at nilagpasan ako. He placed the luggages beside the others that were already there. Sinundan ko siya at hindi pa rin makapaniwala sa ginagawa niya.
"Bakit mo naisipang umalis?" tanong ko. Not that I wanted him to stay okay?
"Kailangan kong umalis, the school director asked me to," sagot niya. His voice was cold and I know why. The school director's position was previously his mother's. I suddenly feel bad for asking. Puto, bakit kasi minsan hindi ko nagagawang i-filter ang bibig ko?!
"Who's the new school director?" tanong ko. Hindi ko pa man alam kung sino, I already hate him/her!
Trench looked straight at me. "Hilary Moran."
I opened my mouth ngunit walang salitang lumalabas sa bibig ko. Puto, why do I suddenly hate her even more?
"W-why would she do that?" Aside from the fact that her husband is an asshole at malamang ay nahawa na siya, gusto kong malaman kung ano pa ang ibang dahilan niya.
"Maybe because I'm not part of the special class anymore," sagot niya. "Zamora will take my bed."
Puto?! Puto talaga! Kaya pala sabi ni Nikon kanina see you, puto dito na pala siya titira?! But what the fork?! It's too rude to sent Trench away!
"Why did you do that?" singhal ko sa kanya. Just in case he forgot, he made a fool out of me! Sinubukan ko lamang magsabi ng katotohanan kanina at napalabas pang ako ang uto-uto dahil naniwala ako sa biro niya?! "Why did you let Triangle take the credits?"
"Triangle deserves all the best things in this world," sagot niya. Naningkit ang mga mata ko. Siomai, santo ba siya sa previous life niya?!
"So hahayaan mo na lamang na ganoon ang mangyari?" naiinis na tanong ko.
"If that's what it takes to make people respect him, let it be."
I clenched my jaw in great frustration. Puto, hindi na'to maganda. Not healthy for him and to Triangle. Parehas silang matalino ni Tatsulok but he lets himself suffer just because his cousin is being too emotional?
"Mariano matalino ka. You are someone very important to the Capital but they failed to realize it. Instead of proving yourself, bakit mo 'yon ginagawa?" frustrated na tanong ko. Hayop, sa lagay na'to parang sinasayang ng Capital ang isang intellectual asset na gaya ni Trench. Kung transferable lang sana ang talino, sana isalin na lang niya sa akin.
I was taken aback when he smiled geniunely. Itinaas niya ang kamay at hinawakan ang pisngi ko. I felt his thumb gently caressed my cheek at bahagya akong nanigas mula sa kinatatayuan.
"Thank you dahil naniniwala ka sa kakayahan ko when everyone else doesn't."
I bit my lower lip and looked at him sadly. It must be hard for him to handle the criticisms that he gets lately na mula sa mga taga-Academy na akala mo naman ang tatalino para maliitin si Trench. Wala silang karapatang gawin iyon! Not to Trench, not to anyone!
"I wish you will not leave," wika ko sa kanya habang tinitingnan siya sa mata. I know he's struggling hard to adjust to his current life. Gayunpaman, I admire him for being strong when a lot of problem stomps him down.
Napangiti siya. Puto, bihira lang ngumiti si Trench but when he does, you must hold your wigs or it might fly away!
"Please say that again," wika niya ngunit mababakas ang kalungkutan sa boses niya.
"I wish you will not leave," pag-uulit ko. Napangiti ulit siya habang nakatingin sa akin. Puto, ilang beses ba kailangang lumipad ng wig ko?!!!
"I'm dying to do this again and see if I still feel nothing," wika niya. Napakunot ang noo ko at hindi ko maintindihan kung ano ang pinagsasabi niya. Puto, ano raw?
Suddenly, he cupped by cheeks with both hands as he lowered his face. Nanlaki ang mga mata ko lalo na nang maglapat ang mga labi namin. I was shocked and confused as the memories of the first peck he did to me flow in my mind. It was just quick and mere touching of our lips pero puto, ngayon hindi na!
He gently bite my lower lip that made me slighly open my mouth. His eyes were pressed closed at halos maduling ako sa lapit ng mukha namin so I decided to close my eyes too. His mouth moved in mine, gently and passionately. His lips lingered on my lower lip, gently tasting. He then tasted my upper lip, before his tongue explored my mouth.
Puto, what the hell is he doing? At puto cheese, why am I enjoying it?! I began to respond to his kisses but before I get too engrossed in tasting his lips, he gently pulled away.
"Did you feel anything?" he asked. Hindi pa ako nakakasagot sa tanong niya ay muli siyang nagsalita.
"Because I feel something," wika niya kasabay ng pagsinghap. "Damn, I think I'm in trouble."
#
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro