Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1: WELCOME

Chapter 1: Welcome

If something that happened in my life is to repeat, iyon ay ang araw na nakilala ko si Pentagon. I drew a deep sigh bago inihagis sa bangin ang mga bulaklak na dala ko.

Isang buwan na ang nakalilipas ngunit hindi ko pa rin kinaliligtaan ang pagbisita rito sa bangin bawat linggo. I couldn't say everything is better this time pero kahit papaano ay napanatag ako na hindi na si Moran ang namamahala sa Capital. Following his abdication ay ang kanyang pagkakulong at sinampahan ng patong patong na mga charges.

Si Hilary Moran ang tumatayong in-charge sa Capital ngayong nakakulong si Moran. I want to talk to her and tell her I am her child but part of me don't want to. Call me ma-pride or anything, pero hindi na ako naghahanap ng kalinga ng tunay na ina. Si Mama— na isang android ay hindi nagkulang sa pagpaparamdam sa akin na mahalaga ako. Hilary doesn't have a mother vibes for me. Ilang beses na kaming nagkita pero masasamang tingin ang natatanggap ko mula sa kanya.

The past month isn't enough for the Capital to recover what it lost. Wasak ang malalaking nga gusali at iba pang establisyimento. Wala na ang mga nag-aalsa sa 1st Ward at bumalik na sa kanya-kanyang ward.

"Tara na?" Lumitaw sa likuran ko si Coco. Hawak niya ang susi ng sasakyan at gaya ko ay nakapaghagis na siya ng bulaklak sa bangin.

Pilit akong ngumiti sa kanya bago tumango. We walked towards the car at nang lulan na kami ng sasakyan ay saka lang siya nagsalita.

"Trench bought meat for dinner," wika niya habang nagmamaneho. "AndE did the cooking."

Tumango ako at tumingin sa labas. Thankful kami na sobrang useful ni AndE dahil na rin sa mga updates sa kanyang artificial intelligence.

"Magsisimula na ang klase bukas," wika niya ulit.

Huminga ako nang malalim at tumango. Halos isang buwan rin na ni-renovate at inayos ang Academy dahil sa pinsalang nangyari. They eliminated the bridge program at balik na naman kami sa regular class although we still stay at tht Bldg. 1485 bilang dormitory namin.

"M-mabuti naman," mahinang tugon ko.

"Your request has been granted. Bubuksan ang Academy bukas at iwe-welcome ang mga chance students," paalala ni Coco.

Few weeks ago, noong kinausap kami ni Miss Venna at Jean-Claude tungkol sa magiging ganap sa Academy ngayong si Hilary na ang nakaupo, I requested to reopen the admission at tumanggap ng mga estudyante na kahit hindi pumasa ay desididong mag-aral.

Most of those students are female— na naiintimidate sa mga kalalakihang mapagmaliit. And I was surprised to know na in-aprubahan iyon nin Hilary.

"If Gon is here, matutuwa siya na may mga chance students," wika ko habang nakatingin sa malayo.

"Sunny..."

"I miss him so much Coco," wika ko sa matatag na boses. I spent every night crying, and thinking of Pentagon. Kung malungkot ako ay tiyak kong mas malungkot sina Trench at Triangle.

Trench is always silent pero alam kong mabigat ang pakiramdam niya. He lost a lot of people pero gayunpaman, his sense of responsibility is outstanding. Hindi niya pinabayaan ang kanyang mga tungkulin dahil lamang nagluluksa siya.

On the other hand, Triangle seems different. Tahimik lang siya at palaging aburido. Kung sa tingin ko ay masama ang ugali niya noon, parang nag-kage bunshin no jutsu  ang sama ng ugali niya ngayon! Times two times two times two!

Not that I'm thinking na okay kami pero puto, parang hangin lang ako sa kanya! Yung tipong hindi ako nag-eexist! Minsan na nga lang niya akong tingnan, masamang tingin pa ang iginagawad niya! He's not the same Triangle who calls me Pancake... Ibang-iba na siya.

Coco pulled the car to stop at bumaba ako sa sasakyan. Pagpasok ko sa bldg. 1485 ay naabutan kong abala sa harap ng napakaraming papel si Trench.

I cleared my throat to get his attention. Nag-angat siya ng tingin at bahagyang tumango sa akin bilang bati. I smiled awkwardly and returned a nod. Hindi pa rin ako sanay sa bagong Trench. I mean he's still the over responsible Trench Grande Mariano with an earpiercing.

"What's that?" I asked, slightly pouting my lips and pointed on the papers.

"Applications ng chance students na na-approve," sagot niya.

"Can I take a look?"

"Sure," wika niya. Umupo ako sa tapat niya at tiningnan ang mga applications. Napangiti ako nang makita na maraming mga babae na napili. The Academy wanted to reform the current trend kung saan may inequality sa treatment lalo na sa mga babae. Giving an opportunity as a chance student is just one of the few ways to reform the Capital.

Bahagya akong napatigil at nanlaki ang mga mata nang mabasa ang isang pangalang hindi ko inaasahan.

"Puto!"

Napatingin sa akin si Trench at bahagyang nagtaka. "Why? Anong problema?"

"No, wala naman, I mean..." Hindi talaga ako makapaniwala na narito ang pangalang ito. The name is very surprising at pwede namang kapangalan lang niya but the picture on the side! Ang liit ng tsansa na magkaroon ng kapangalan na nga, kamukha pa! "How did you pick the chance students?"

"Base on their answers on the qualifying interview. We asked them why they want to be here."

Interview?! Kung ganoon ay malabong makuha ang taong ito— maliban na lamang kung magaling siyang magsinungaling. And as I know him, he's not good at lying.

"So how did you pick KL?" tanong ko sa kanya.

"KL?" kunot-noong tanong niya.

Iniharap ko sa kanya ang papel na naglalaman ng picture at mga impormasyon tungkol kay KL ngunit mas lalo lamang kumunot ang noo niya.

"Who's KL?"

"Him!" tinuro ko ang larawan na nakadikit sa papel.

"His name is Ronan Berdon," he said, reading the name.

"Yup, but he's KL!"

He crossed his arms as he tried to think of what I am talking about. Inilapit niya ang mukha sa papel at binasa ang iba pang impormasyon doon. "He's from 3rd Ward, you know him?"

Huminga ako nang malalim at inilapag ang papel. "At ano naman ang sinagot niya sa interview?"

Pumasok na rin sa loob si Coco at naupo sa tabi ko. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Trench, trying to catch up what are we talking about.

Pilit na inalala ni Trench at mayamaya ay lumiwanag ang mukha niya. "I think I remember because he's someone remarkable. Is he the one with a sun tattoo at the side of his neck?"

Dahan-dahan akong tumango. Yup, KL is someone remarkable at mas lalo mo pa siyang maaalala dahil sa tattoo niya sa leeg.

"He said he wants to be useful," Trench said. "Of the hundreds of applicants, siya ang may pinakamaikling sagot but he's the most sincere of all."

"That's really KL," I said to myself.

"Teka, KL ka nang KL Sunny eh wala namang letter K or L sa pangalan niya. Ronan Berdon, siya ba ang sinasabi mong KL?" tanong ni Coco.

"Kilala siya bilang KL sa buong 3rd Ward," sagot ko. "It stands for Karding Liit, tatay niya si Mang Karding na kilalang dating siga sa 3rd Ward."

KL somehow followed his father's path during younger years. Kilala si KL sa 3rd Ward bilang respetadong siga. Walang araw na wala siyang pasa dahil sa pagbabasag ulo. Despite this attitude, KL is always true to himself. Siya yung tipong ayaw sa kung ano man ang ayaw niya. Maybe it's what made me like him.

Hindi siya mapagkunwari at hindi nagbabago dahil gusto ng iba. He does everything on his own will. He's very handsome too— maybe not the type na makalaglag panty agad-agad. Siya yung tipong makalaglag panty pero paunti-unti. Puto, am I making sense?

"Sunny? Yuhoo!" pukaw ni Coco sa akin. I shook my head to remove KL from my thoughts. "Crush mo ba 'tong Ronan na 'to? Sabagay, he's not bad. Peklat ba 'tong nasa kilay niya?"

I grabbed KL's info from Coco at ibinalik iyon sa pile ng mga papel ni Trench. "Hindi ko siya crush."

"Kunwari ka pa eh."

Dumating si AndE at niyaya na kaming kumain. Nauna akong tumayo at pumunta sa kusina para makaiwas sa pangungulit ni Coco. Mayamaya ay dumating na rin si Megan sa hapagkainan. Naupo kaming lahat at tanging si Tatsulok na lamang ang hinihintay.

When he entered the dining room, his brows met like he's annoyed. Nakatitig lamang ako sa kanya at umasang sulyapan man lang niya ako but he didn't.

"What's this?" malamig na wika niya at inilibot ang paningin sa mesa kung saan nakahain ang maraming pagkain.

Trench heaved a sigh. "It's been a month—"

"It's been a month and here you are, preparing so much food like a banquet?! What's this, a celebration?"
Mataas ang boses ni Tatsulok at alam kong galit siya. Bago siya lumabas ay sinipa niya ang bakanteng upuan at natumba iyon. Puto, ang bastos ah!

Nakakuyom ang palad na tumayo ako at sinundan si Tatsulok. I told them to start eating at susunod ako pagkatapos kong kausapin si Triangle. Hindi ko na siya naabutan sa living room kaya dumeretso ako sa kwarto nila ni Trench. Kahihiga lamang niya sa kama at nakatalikod mula sa pinto.

"Triangle mag-usap nga tayo!" My voice echoed on the corners of the room ngunit hindi man lamang siya gumalaw. Lumapit ako sa kanya at tumayo sa harapan niya. I pulled away the sheets from him at saka lamang siya bumangon at naupo sa kama.

"Ano ba?" naiinis na tanong niya.

"Ano sa tingin mo ang ginawa mo? Binastos mo ang pagkain!" Naiinis na wika ko. Ang dami kong gustong isumbat sa kanya gaya ng bakit hindi niya ako pinapansin? Bakit bigla siyang nag-iba?! Alam kong nasaktan siya dahil sa mga nangyari pero dapat bang ganito?

"You're feasting when it's been a month since Pentagon's death," malamig na wika niya.

"Who said we're feasting? Sa tingin mo ba nagkakasiyahan kami dahil maraming pagkain? Pusangina Tatsulok, you have no idea how much it hurts me too pero kailangan nating magmove on!"

I heard him mumbled a "tsk" at hinila niya ang kumot mula sa akin. Muli siyang nahiga pagkatapos balutin ang sarili sa kumot.

"Hoy, hindi pa ako tapos!" Tinalikuran niya ako at tinakpan niya ng unan ang kanyang ulo. "Tatsulok!"

Ilang beses kong binigkas ang pangalan niya ngunit mukhang wala talaga siyang balak na kausapin ako. Fine, kung ayaw niya akong kausapin edi wag! Hindi ako namimilit!

***

It feels nostalgic.

Matagal-tagal na rin na panahong nang huli akong naglakad dito sa daan patungo sa regular class. The previous memories weren't pleasant dahil isang pancake party ang sumasalubong sa akin dati. It's a scene that I so much hate pero bakit tila hinahanap ko iyon ngayon?

Hindi naman sa gusto kong maligo sa pancake mix, it's just that I want the old Triangle back. I know he's still grieving pero hindi pwedeng habang buhay na lamang siyang ganoon. Ayos lang kahit araw-arawin na niya ang pagpapaligo sa akin ng pancake mix basta ba bumalik lang ang dating siya.

He seldom goes outside his room. Minsan lang din siya kumain at kokonti pa. Kahit si Trench ay nababahala na sa kanya.

But looking on the positive side of today, it's the first day of classes after what happened. As usual, late na naman ako at naiwan sa dorm. I'm looking forward to a better Academy kung saan tuluyang nang maiaalis ang inequality sa trato ng mga babae at maging sa mga lower wards.

I know, today will be a peaceful— Narinig ko ang sigawan ng mga estudyanteng nasa field na tila ba nasa sabungan. Nakatayo sila at nakapalibot sa kung ano man. I saw some let out paper bills at nagpustahan.

Puto! Nasa sabungan ba sila?! Isa pa, mahigpit na ipinagbabawal ang pustahan dito sa academy!

Nagmamadali akong tumakbo patungo sa direksyon ng kumpol ng mga estudyante. Everyone was hyped up at walang ni isa man sa kanila ang pumansin sa akin nang tinanong ko sila kung ano ang meron.

I irritatedly squeezed myself through the crowd at pagkatapos maapak-apakan at makatanggap ng ilang siko sa mukha at kung saan-saan ay nalampasan ko rin ang mga estudyante at napunta sa harap.

Napasigaw ako nang bahagyang tumilapon si Tatsulok sa lupa. Duguan ang kanyang kilay at akmang uundayan pa siya nang lalaki ngunit nakaiwas siya.

He stood up and lunged towards the guy. They both fell down on the ground kasabay ng ingay ng mga estudyante sa paligid para icheer sila. Puto! Ang dami-dami nila pero ni isa wala man lamang nangtangkang paghiwalayin silang dalawa!

Pumatong si Tatsulok sa lalaki at pinaliguan ito ng suntok. Gaya ni Triangle ay duguan na rin ang mukha ng lalaki kaya natarantang sumigaw ako at tumakbo sa gitna kung nasaan sila. I pulled Triangle away from the guy at naiinis na hinarap ito.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Triangle?!" sigaw ko sa kanya. He opened his mouth to answer ngunit wala pang isang salita na lumabas sa bibig niya ay biglang sumigaw ang kasuntukan niya at tumakbo patungo sa direksyon namin.

"Sunny Mylabs!"

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa pinanggalingan ng sigaw.

"KL?!"

The guy with a bloody face smiled at lumapit sa amin. Before I knew it, he lowered down his body and in one swift movement, he carried me like a sack of rice! Nasa balikat niya ang tiyan ko at nasa likuran naman niya ang mukha ko!

"KL ibaba mo ako! Ano ba!" I tried to wriggle free but KL made me stop moving when he spanked my butt!

"Steady ka lang mylabs baka mahulog ka! Sa wakas, nakita rin kita!" wika niya at humakbang palayo not minding the murmurs of the students around.

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro