Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9

Chapter Nine

Laters Baby

Just like that, I became the most hated person in Universidad de Buenavista. I was labeled as bully. Turned out, kapatid pala ng kasalukuyang Presidente ng student council ang babaeng siniraan ko ng salamin.

I wanted to defend myself, but then I didn't really have the energy for that. I've lost my interest explaining myself to people. If they will hate me, then so be it. Iyon na ang paniniwala ko't pinaninindigan ngayon.

I wasn't born to please anybody anyway. Besides, people will still believe what they wanted to believe even if it wasn't the truth. Ears could hear and minds could process, but it takes courage to swallow it down to our hearts and grasp for the truth especially if it was a bitter one.

Hindi lahat ng may tainga ay nakikinig at hindi lahat ng nakikinig ay nakaiintindi. It was just a waste of time.

Sa mga sumunod na linggo ay talagang gumulo ang tahimik kong buhay. People really tested my patience. Hindi sila umuubra kapag nasa labas ng silid dahil alam nilang may mga bantay ako pero kapag nasa loob ay talagang harapan ang mga parinig lalo ng mga kaklase ko.

They also called me malandi. Gaya ng tawag ng mga babaeng nabira ko sa comfort room. I swear to God, kapag nag-krus lang ang mga landas namin ay hindi ako magdadalawang-isip na talagang pagsasapakin silang mga hayop sila.

Inis kong sinipa ang upuan na hinarang ng isang lalaki sa aking harapan. I removed my earpods irritatedly and then stared at him like a hawk.

"Putang ina ka, anong problema mo?!" singhal ko.

It has been a week full of bullying and I'm now so sick of it! Hindi ako lumalaban sa nga nakaraan dahil ayaw kong madagdagan pa lalo ang dahilan para iwasan ako ni Achilles pero itong mga anak ng hinayupak na 'to ay talagang hindi ako tinitigilan!

Muli kong sinipa ng malakas ang upuan nang hindi niya nagawang sumagot. Napangiwi siya ng tumama iyon sa kanyang tuhod.

Agad akong lumapit at wala nang sabing sinapak siya sa mukha. Sa gulat ay natumba siya sa sahig pero hindi ako tumigil. Itinukod ko ang tuhod sa kanyang tiyan at pwersahang hinaklit ang kwelyo na kanyang damit!

Other boys cheered for me. Ang mga babae naman ay lalong nairita at nagalit sa akin pero wala namang nagtangkang umawat o kahit lumapit.

"Hindi porket lalaki, hindi na kita papatulan! Tangina mo kung may bayag ako mas malaki pa 'yon sa 'yo kaya tigilan mo ako dahil ang pangit ng hilatsa ng mukha mo!" ubos na ang pasensiya kong singhal sabay tulak palayo at alis sa ibabaw niya.

Inayos ko ang tindig. Huminga ako nang malalim at sinamaan nang tingin ang mga nilalang na minadaling Diyos gawin. Hindi lang hitsura ang ni-rush kundi lalo pati ang mga panloob! Nakakawalang gana lalo!

"Ano?! Sino pang may gustong sabihin, huh?! Bukod sa malandi ano pa? Putang ina niyo akala niyo masasaktan ako sa mga salita niyo?! Fuck you kayong lahat kung gano'n! Mga walang kwentang nilalang!"

Mabigat ang mga paa kong naglakad patungo sa dulo ng silid. Sa unang pagkakataon ay tumahimik ang lahat. Kahit na may gustong magsalita ay walang nagtangka. Hiniling ko na sana mayroon dahil nag-iinit pa ako pero dumating na lang ang professor namin na tahimik ang lahat.

Kahit na sandaling natahimik ang buhay ko, hindi naman iyon naging parehas sa paglabas ko ng silid.

Sa mga sumunod na klase ay iba't-ibang pangit na mukha pa ang nakasalamuha ko. Ang ilan ay galit pa rin sa akin na akala mo ay nagawan ko sila ng masama samantalang ang iba ay nagre-recruit lang yata para kagalitan ako. Mga bored rin siguro sa buhay, letse.

"Eh bakit nga kasi hindi mo na lang sinabi 'yong totoo?"

Napaismid ako sa sagot ni Nicolaus. I'm glad he's still talking to me. Lahat naman sila ay okay pa rin ang pakikitungo sa akin pero talagang madalas si Kulas ang napaghihingahan ko ng aking mga hinanaing dahil siya lang ang hindi busy na bigyan ako ng pakialam kahit na alam kong may tyansang magalit sa kanya ang pinsan.

Bukod sa kanya ay nakakausap ko rin si Lilibeth pero dahil nga mainit ako sa mga mata ng tao ay pinapalayo ko na para hindi na lang madamay.

"Anong mapapala ko kapag nag-aksaya pa ako ng panahong sabihin kung bakit ko 'yon nagawa? Paniniwalaan ba nila ako? Sasabihin lang no'n na hindi ako dapat nanakit and so on, so why would I bother?" kinuha ko sa kamay niya ang kanyang soda ay walang pakialam na ininom.

We're at the field. Sa isa sa mga punong narra na ilang beses ko nang tinambayan para lang makatakas sandali sa mga mata ng mga taong trip akong galitin.

"They need to know the truth. Maniniwala ang mga 'yon kung magpapaliwanag ka ng maayos. Baka kung ginawa mo, hindi ka pupuntiryahin ng mga tao ngayon. Hindi ka gano'ng klaseng babae. Iyon naman ang totoo, alam ko."

Napaismid ako.

"Bukod sa malandi, tingin rin nila ay bully ako Kulas at kahit anong gawin kong paliwanag, sa mga mata at pandinig ng mga taong ayaw umintindi ay mananatili ako sa kung anong gusto nilang isipin sa akin. Ako lang ang mag-aaksaya ng oras at mai-stress. Isa pa, wala talaga akong time magpaliwanag sa mga taong wala namang ambag sa buhay ko. They can hate me all they want, I don't fucking care. Okay na rin 'tong ganito para hindi ako nabo-bored."

He chuckled. Hindi makapaniwala sa mga rason ko kahit na ayaw niya iyon. Binalik ko sa kanya ang soda niyang may halong alak.

"Kahit kay Archi ayaw mong sabihin ang totoo?"

Hindi sinasadyang kumawala ang tawa ko sa narinig na pangalan.

"I told you. Kung nando'n ka no'ng araw na ipinatawag ako ay baka gugustohin mo na lang na maglahong parang bula. He was so disappointed of me. Hayaan mo na. Magpapalamig muna ako. Bibigyan ko muna siya ng chance na ma-miss ako."

"Baliw ka talaga."

He handed me the soda again. Inubos ko na. Napakamot na lang siya ng ulo. Sumandal ako sa puno at itinuon ang mga mata sa malayo.

"Hindi ka naniniwalang malandi ako kahit na nilalandi ko ang pinsan mo kaya sapat na 'yon. You're my favorite person here and your opinion is the only one that matters to me. It outweighs everyone's thought of me, Nico."

"I like you," he said. Marahas akong napabaling sa kanya. "Not that kind of like—like. I mean, I like you personality. Ngayon lang ako nagkaro'n ng tropang gaya mo. I felt like I know you even without you explaining yourself to me. Parang kahit anong ingay ang gawin mo ay sa 'yo pa rin ako maniniwala. Ewan ko ba. Anyway, just let me know what I can do to help you with your awful situation and I'll see what I can do."

"Nah, don't bother. Kaya ko na ang sarili ko tsaka sabi ko nga, these people entertains me. I'm fine. Huwag ka nang gumawa ng ikadadamay mo. Kaya ko na."

Marami pa kaming napag-usapan at hindi iyon natigil lalo na ng mayroon pa pala siyang dalang isa pang coke na may halong rum. Iyon ang pinagsaluhan naming dalawa hanggang sa bumalik kami sa kanya-kanyang klase.

The bullying intensified the next week. Some girls had the audacity to touch my stuff and attacked me physically.

Ilang beses akong naglabas-masok sa opisinang unang pinagdalhan sa akin ni Achilles at maging sa opisina ng guidance counselor. Sa loob ng apat na araw na pasok sa isang linggo ay isang beses lang akong nabakante.

Unang araw ay nakipagsabunutan ako sa tatlong babae. Sa pangalawa ay tatlong lalaki ang sinapak ko sa mukha. Sa pangatlo ay muntik ko nang masaksak ng ball pen sa mata iyong babaeng nagbuhos sa akin ng sopas sa cafeteria.

I swear, kung nakuha ko kaagad ang ball pen ko ay napaglamayan siya kaagad do'n at ipapalamon ko mismo sa bangkay niya 'yong tanginang sopas niya. For pete's sake, I'm wearing my favorite Louis Vuitton skirt that day! Mas mahal pa 'yon sa cheap niyang buhay!

Sa unang araw ng panibagong linggo ay panibagong trouble na naman ang naranasan ko.

Napapikit ako ng maramdaman ang pagdikit ng katawan ng lalaking taga engineering na sumunod sa akin sa isang sa dulong aisle sa library.

I was shocked when I felt his disgusting penis on my butt! Kumalma ako. Kunwaring may inabot siya sa istante kaya naikulong niya ang katawan ko. There's no one on our aisle. As usual, tahimik ang library at kakaunti lang ang mga estudyante.

"What do you want?" I asked calmly.

"Balita ko pinagpapasa-pasahan ka ng mga lalaki sa basketball varsity, ah? Baka gusto mo namang tumikim ng iba?"

Umatras ako para sana lumayo pero hindi ako nakagalaw nang idiin niya lang ang sarili sa akin!

Halos masubsob ako sa bookshelves! Huminga ako ng malalim at pinanatili ang kalmadong presensiya. Nakangisi akong pumihit paharap sa kanya. Halos maglaway ang de puta nang ilagay ko ang mga kamay ko sa kanyang leeg.

"Easy to get ka ngang talaga." nahihibang niyang sabi.

Maluwag akong tumango. I licked my bottom lip and then started touching his disgusting petite body. Though I think he doesn't have abs, he's actually decent. Mabango at mukha namang naliligo kahit na nilulumot ang utak  sa katigangan.

Marahas siyang napalunok nang bumaba ang mga kamay ko sa kanyang pantalon. Parang lalabasan na kaagad hindi ko pa man siya nahahawakan.

Nagpatuloy ako habang walang emosyon na nakatitig lang sa kanyang mga mata. Napaawang kaagad ang kanyang bibig nang tuluyan ko nang maipasok ang kamay ko sa loob ng kanyang pantalon pagkatapos ay nahawakan ang kanyang pagkalalaki.

"Ito na ba 'yon?" Tamad kong tanong, dahan-dahang ginagalaw ang kamay doon.

He was moaning silently while nodding at me. Lumawak ang ngisi ko.

"Matigas na 'to? Wala nang ilalaki?"

Muli siyang umungol. Sa pagpikit niya ay agad nang nagtangis ang bagang ko. Mabilis kong ibinaba ang kamay hanggang sa maabot ko ang mga itlog niya ay madiin iyong nilamukos na kung nababasag lang ay baka nag-scrambled egg na ako dito sa library!

Agad siyang napasigaw ng malakas sa ginawa ko. Hinugot ko kaagad ang kamay at tinuhod ang bagay na iniiyak niya sabay suntok sa gitna ng kanyang mukha dahilan para malaglag siya sa sahig at doon mamilipit sa sakit!

"Sa liit ng titi mo nakuha mo pang mang manyak hayop ka! Para sabihin ko sa 'yo, hindi ako tumitikim ng kikiam putang ina mo!"

Nabulahaw ang buong library sa malakas kong sigaw pero bago pa ako tuluyang makalayo ay agad niyang nahawakan ang paa ko at marahas akong hinila kaya nalaglag ako sa sahig! I was kicking him, but her wouldn't let me go!

Kung kanina ay mapayapa ang library, sa nangyari sa pagitan namin ng lalaki ay agad nagulo ang lahat.

Mabilis niya akong nakubabawan. He was pinning me on the floor and the next thing I felt was the slap on my face! Sa lakas ay nalasahan ko ang dugo sa labi ko.

Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Imbes na mas magalit at pumalag ay nabigla ako't bahagyang natigilan. I wished I did not ask my bodyguards to take some break. Kung sana hindi ko sila inutusan na iwan ako sa library dahil mag-aaral ako ay hindi mangyayari ang lahat ng ito!

Bago pa ako makagalaw at masaktan ulit ng lalaki ay naramdaman ko na ang paghila sa kanya ng kung sino. Nagmamadali akong tumayo. It was Seidon and he's now punching the hell out of that guy!

Sa bawat sapak nito sa lalaki ay naghihiyawan ang mga taong nakapaligid sa amin.

I was stunned. I couldn't move. Nahawakan ko ang aking labi at gamit ang likod ng aking palad ay pinalis ang mga bakas ng dugo rito. Nahiwa ang labi ko sa lakas ng sampal ng malibog na lalaki.

Kung hindi pa dumating si Riggwell at Nicolaus ay hindi pa ito maaawat. The pervert was now crying for mercy.

Hindi ko lubusang kilala si Seidon pero hindi ko akalaing kaya niyang magalit ng gano'n! Halos mabasag ang mukha ng lalaki dahil sa ginawa niya!

Hinihingal siyang inilalayo ng mga pinsan dito.

"You have no fucking right to hurt anyone especially a girl! Tumayo kang tang ina ka! Ako ang kalabanin mo! Ano! Tayo gago!"

"Bro! Calm down!" si Nicolaus pero nagpatuloy ito sa pagpiglas.

Kung hindi pa ako nilapitan ni Riggs ay hindi pa ako matatauhan.

"Hey, are you okay?"

Tumango ako, pinilit na ituon sa kanya ang titig.

"I-I'm f-fine..."

Naningkit ang mga mata niya pero nang makita ang dugo at sugat sa labi ko ay nagulantang na lang ako nang siya na mismo ang sumugod sa lalaking basag na ang mukha!

Muling nagkagulo! Napahilot ako sa aking sintido dahil hindi na malaman ni Nicolaus kung sino sa dalawa ang aawatin.

I called my bodyguards. Sa pagdating ng mga ito at nang ilang mga tauhan sa library ay doon lang natigil ang kaguluhan. Muli, pinatawag na naman kami sa guidance pero dahil nagsasawa na ako ay tumakas ako. Hinayaan ko muna sila at ipinasyang huminga muna.

Sa banyo ako nagtagal. Hindi ko inintindi ang mga katok sa pintuan sa pag-lock ko.

"Naglilinis! Humanap ka ng ibang banyo!" sigaw ko sa huling kumatok dahil sa inis.

Naghilamos ako. I tied my long hair in a ponytail. I died it purple yesterday and it suits me well, pero mukhang malas yata dahil sa mas malalang nangyari ngayon.

I applied a darker shade of lipstick. I also put some concealer on my bruise. Namumula pa rin ang gilid ng labi ko at kung tititigan ay makikita pa rin ang bakas ng sampal sa pisngi ko, pero hindi na masyadong halata dahil sa mga inilagay kong kolorete.

Nang makuntento sa ayos ay naghugas ako ng kamay at saka lumabas.

I wasn't planning on going back, but I just can't leave the boys there. Kahit labag sa loob ko ay tinahak ko ulit ang daan pabalik sa kinaroroonan nila pero bago pa ako makaibis ay natigil ako sa bagong kumosyon.

"Sorry. Hindi ko s-sinasadya..." takot na hiyaw ng isang babae.

Napangiwi ito nang makita ang pagtulak sa kanya ng babaeng nasa kanyang harapan dahilan para mahampas ang likod niya sa dingding!

"Sorry–"

"Sa susunod huwag kang paharang-harang! Sinisira mo ang araw ko letse ka!"

Oh God, bakit napakatalamak yata ng bullying sa lugar na 'to?! I mean, I know hindi naman talaga nawawala sa kahit saan ang ganitong eksena pero seryoso?!

Nag-init na naman ang ulo ko. Bago pa niya masapak ang babae ay marahas nang lumipad ang bag ko diretso sa mukha niya.

Everyone gasped at what I did. Agad silang nagsilingunan sa aking gawi. Tumabi ang ilan sa aking daraanan. Mas dumiin ang pag nguya ko sa aking bubble gum dahil sa pinipigil na gigil. Kotang-kota na ako ngayon at kapag namatay ako ay tiyak na diretso na kaagad ako sa impyerno!

I squat in front of the girl. Kinuha ko ang bag na hinagis rito ngunit bago tumayo ay napangisi ako sa mukha niya at agad na kinuha sa bibig ang bubble gum at walang pakialam na idinikit ito sa kanyang bunbunan.

Mabilis na lumakas ang ugong ng bulungan. Nawala ang tapang ng babaeng nambu-bully at hindi na malaman kung iiyak ba o sisigaw na lang. Ang mga kasama nito ay hindi na rin alam ang gagawin dahil sa ginawa ko.

"Do not fuck with me you piece of shit, you understand?" I said while smiling sarcastically from ear to ear.

Akmang itutulak niya ako pero mas nauna kong hawakan ang panga niya. Bumaon ang aking mga kuko sa kanyang mukha, naluha siya sa takot.

"And do not fucking fuck with everyone here or I'll make your life a living hell." dagdag ko bago tampalin ang mukha nito palayo.

Nakangisi akong umahon sa sahig hawak ang bag at pinagpag ang mga kamay. Nang tuluyan akong makatayo ay saka ko naman inisa-isang titigan ng masama ang mga kasama ng babae.

"Pakialis sa harapan ko ang basura," itinuro ko ang babaeng umiiyak sa sahig. "Now bitches! Fuck!" mas malakas kong sigaw nang walang gumalaw sa kanila.

Matalim kong sinundan ng tingin ang lahat habang nakahalukipkip ang mga kamay. Agad na umikot ang mata ko nang tuluyang mawala ang mga babae.

These bitches didn't know how to fucking fight. Ang mga pinupuntirya lang ay iyong tingin nila hindi kayang lumaban gaya na lang ng babaeng ito... Napadikit ulit sa dingding ang babaeng isinalba ko, natatakot na baka saktan ko rin.

"Okay ka lang?" tanong kong agad niyang tinanguan.

She was scared of me, too. Naintindihan ko naman at ayos lang dahil sanay na ako sa gano'n. Nilapitan ko siya at inalis ang dumi sa kanyang balikat. Gusto ko pa sana siyang tanungin pero naputol na kami nang marinig ang umuugong na boses ni Achilles sa aking likuran!

"What the hell are you doing?!" bago pa namin malingunan ang nagsalita ay agad ako nitong nahila palayo sa babae.

"A-Archi..." nahihirapan niyang pigil rito pero galit na galit ang huli. Imbes na matakot ay mas napangisi lang ako.

It's the first time that he touched me after what happened the last time.

"Baby," I playfully licked my bottom lip. Inayos ko ang tindig sa kanyang harapan. "Mukha bang may ginagawa akong masama?"

"Oh stop it Belcalis–"

"Music to my ears," I cut him off. Hindi nawala ang pang-aasar sa aking mukha kahit pa alam nang hindi natutuwa ang lalaki. "Pero masyadong mahaba 'yon. You can always call me baby. I already told you that, right?"

"Look, guluhin mo nang lahat huwag lang si Svetlana naintindihan mo?" walang pasensiyang singhal nito sa akin pabalik, nagbabaga ang galit sa mga mata.

"Archi, she's not–"

"Noted," I cut the girl off and I apologized to him.

Gaya nang sabi ko, ayaw ko nang ipaliwanag pa ang aking sarili sa kahit na sino at malaya silang paniwalaan ang gusto nila. Sa galit niya rin ay alam kong hindi niya ako paniniwalaan kaya hinayaan ko na lang.

"Lana, let's go. Ino is waiting for you." aniya at muli nang hinila palayo ang babae.

Hindi nawala ang titig ng huli sa akin. Alam kong marami pa siyang gustong sabihin pero hindi na nagawa dahil sa paglayo. Imbes na makaramdam ng lungkot ay binaunan ko na lang si Achilles ng mga salita.

"Laters baby!" pahabol ko rito bago magpasyang tumuloy sa guidance office pero agad akong nahinto sa paglalakad ng may maalala.

Did Archi said Ino was waiting for them? So ibig sabihin ay tapos na ang paglilitis? Kung oo, saan na ako pupunta ngayon?! Ugh, tang inang buhay 'to talaga.

~~~~~~~~~~~~

What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂

Follow all my social media accounts if you want to be updated.

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro