Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8

Chapter Eight

Choke Me Daddy

Oo nga't wala naman kaming relasyon ni Achilles pero daig ko pang nahuling nagloloko dahil sa makapal na tensiyong agad namagitan sa amin kahit na ilang dipa ang layo niya sa akin. Nagmamadali kong nilingon ang mga damit kong iniwan at agad iyong nilapitan at isinuot.

The boys were still at the sea. Mukhang hindi rin alam na narito na ito. Hindi nawala ang titig niya habang palapit ako sa kanya't yakap ang aking giniginaw na katawan. Pinilit kong ngumiti kahit na parang biglang nanghina ang mga tuhod ko sa hindi matinag na talim sa kanyang mga mata.

"H-Hi... You came..."

Imbes na sumagot ay tinalikuran niya ako. Napasimangot ako at agad siyang sinundan.

"Hey! Wala man lang bang hi back? Love back kaya?"

"I'm not here to talk to you."

"And yet you're talking to me. Bakit ang sungit mo?"

Huminto siya sa lamesang naroon. Napalunok ako ng kunin niya ang isang beer at agad na uminom.

"Umiinom ka pala ng alak. Sayang ubos na ang tequila. Hindi naman nakakalasing 'yang beer."

Lumayo siya nang akmang tatabihan ko. Napairap ako at imbes na sundan malapit sa may net ay kumuha na lang rin ako ng beer sa cooler.

Naupo ako sa buhangin kahit pa basang-basa at walang tuwalya. Niyakap ko ang sarili ko. Hinilot ang sintido matapos tunggain ang beer.

Shit, am I drunk? O nahihibang lang ako kay Achilles? Bumaba ang kamay ko sa aking dibdib. Sa paglapat ng mga mata ko sa kanyang likuran ay ramdam ko ang pagbilis no'n.

Tangina, ano bang meron sa lalaking 'to? Hindi naman hinete at pinapatakbo na parang kabayo na nasa karera palagi ang puso ko!

"Archi!" maya-maya'y sigaw ni Seidon sa dagat. May mga sinabi siya pero hindi ko maintindihan.

Hinanap ko si Riggwell. Wala na ito sa niyayakap na puno kanina at walang bakas kung nasaan.

Inubos ko ang laman ng hawak na beer habang nakatulala sa punong iyon pero sa muling pagbaling ko sa harapan at lapag ng bote ay parang umangat ang alak pabalik sa lalamunan ko ng bumalandra si Achilles sa aking harapan habang hawak ang isang puting tuwalya.

"Cover yourself." pormal niyang sabi pero sa pag ngisi ko ay agad nag iwas ng tingin. Hindi ko inabot.

"Okay lang ako. Hindi ako nilalamig."

That made him look back at me. Ngayon ay may halong irita na ang titig.

"Tuyuin mo ang sarili mo."

"I like being wet. Hindi na kailangan. Beer lang iinit na ulit ang katawan ko–"

Pakiramdam ko ay naputol ang dila ko kasabay ng hirap na pagsinghap ng gumalaw siya't siya na mismo ang nagbalot ng tuwalya sa aking katawan!

Imbes na manghina sa ginawa niya't matulala ay agad kong hinawakan ang mga kamay niya nang akmang lalayo na.

"H-Hug me na lang... kaya..."

Namilog ang kanyang mga mata. Hindi alam ang gagawin at natitigilan rin pero ilang segundo lang ay agad kong nabanaag ulit ang iritasyon sa mga iyon. Agad niyang hinawi ang mga kamay ko at hirap na itinayo ng tuwid ang sarili. He swallowed hard twice.

"Tuwalya ang kailangan mo hindi ako."

"Paano kung ikaw?" I rebutted playfully.

Umiling siya at humakbang palayo. Mas lalo akong napangisi dahil parang bigla siyang nahirapang huminga sa paglalapit naming iyon.

Nagmamadali siyang pumihit patalikod at naglakad palapit sa mga kaibigang nasa dagat pero hindi ako nagpapigil.

"Napakadamot mo! Parang hindi mo pa ako nayayakap, ah! Eh nagyakapan na nga tayo sa gym! Ano ba naman 'yung uulitin lang! Madamot!"

Natigilan ang lahat sa malakas kong sigaw. Napangisi ako ng bumagal ang mga hakbang niya. Siguro ay nababaliw na talaga sa akin.

Ayieeh! Cali for the win!

Inayos ko na lang ang tuwalya sa aking katawan. Iyon siguro ang isinisigaw ni Seidon sa kanya kanina dahil sa kanya itong tuwalyang ibinigay ng kanyang pinsan.

Tumayo ako at imbes na magmukmok mag-isa habang nagkakasiyahan sila ay kumuha ulit ako ng beer. Tinanggal ko ang telepono ni Roldan sa speaker at ipinalit ang sa akin.

I opened my apple music and play one of Taylor Swift's song, my favorite artist.

I started singing the song. Inaliw na lang ang sarili pero napangisi ako't ginanahang ilakas ang pagkanta sa pagdating ng chorus.

"If you could see that I'm the one who understands you, been here all along so, why can't you see. You belong with me... you belong with me!"

Nakita ko ang pag-iling niya. Natawa lang ang mga nasa harapang lalaki pero hindi na talaga ako pinansin.

Sumandal ako sa cooler at tumingala. I closed my eyes and just enjoy the whole song while drinking my beer.

This is good. I am okay. I'm happy. I'll be fine. Paulit-ulit na bulong ng utak ko.

Tamad kong tinakpan ang aking bibig ng mapahikab. Ilang kanta na ang lumipas ay nanatili pa rin ako sa gano'ng posisyon. Inayos ko ang tuwalya sa katawan ko ng umihip ang hangin.

I'm sleepy, but I don't want to leave them lalo na't narito si Archi. Hinayaan kong makaidlip matapos i-text ang head ng mga bodyguard kong hayaan lang ako.

Inubos ko ang laman ng bote at tuluyan nang nagpadala sa antok.

Nagising ako ng may marinig akong mga ungol. Iritado akong napangiwi ng lumakas iyon kaya tuluyan na akong napadilat.

It was dark and I'm not on the beach anymore. Agad kong tinanggal ang tuwalya sa natuyo ko nang katawan at natatarantang inikot ang paningin sa loob ng isang sasakyan.

What the hell?! Kaninong kotse 'to?!

Napapitlag ako ng marinig ulit ang ungol na galing sa likuran ng pwesto ko. Umayos ako ng upo matapos ihanda ang sarili sa pagsapak sa kung sinong naroon pero agad bumagsak ang balikat ko ng makita si Riggwell na nananaginip. Inangat ko ang sarili para tapikin ang mukha niya.

"Riggs!"

Tamad siyang dumilat pero imbes na gumising ay kinindatan lang ako pagkatapos ay tumalikod na kaagad para ipagpatuloy ang kung anong panaginip.

He's hammered. Napapailing akong umayos ng upo at sandaling natulala ng muling maisip kung nasaan ako pero bago pa makapag-isip ay nakita ko na ang pagdating ng asawa kong palapit sa bukas ang makinang sasakyan!

Wait, I'm inside his car?! At wait ulit, siya ba ang nagdala sa akin rito?! Binuhat niya ako? Wait, paanong buhat kaya? Parang newlywed ba? Tangina, bakit hindi ko man lang naramdaman?! Bakit hindi ako nagising?! Ugh, so unfair!

Bago pa siya makalapit ay nagkunwari na ulit akong tulog. Sa pagsakay niya ay pinigilan kong mapangisi nang lingunin niya ako. Nang makitang lumihis ang tuwalya sa katawan ko ay agad niya iyong inayos.

Pakiramdam ko ay umikot ang aking tiyan sa kanyang ginawa pero agad natigil ang paglipad ng mga paruparo sa sikmura ko nang mag-ring ang kanyang telepono.

"Hello?" sagot niya kaagad sa kung sino.

Baka si Lola Ellen iyon. Tiyak na gising pa ang matanda. Anong oras na ba? Sinulyapan ko ang orasan sa harap. It's almost eleven o'clock.

"I'm going home. May ihahatid lang ako. Why are you still up?" magiliw nitong pakikipag-usap sa kung sino sa kabilang linya na nagpairita sa akin lalo na't tiyak na hindi iyon si Lola Ellen!

If it was the old woman, he would talk to her with so much respect knowing that it was where his good genes came from! It wasn't our Lola! Who is it then?!

"Okay, fine," he chuckled.

Marahas akong napadilat! What the hell! Ngayon ko lang siya narinig na humagikhik! Isang malaking talipandas!

"Okay, I'll message you once I got home..."

Nang mabanaag ko ang lambing sa boses niya ay agad na akong napaahon sa pagkukunwaring tulog!

Sa pag-angat ng mga mata niya sa rear view ay agad siyang napatalon ng magtama ang mga mata namin!

"Jesus Christ!" Bulalas niya matapos akong lingunin na parang natakot talaga lalo na sa hitsura ko!

Inayos ko ang buhok kong nakakalat sa aking mukha pero ang matalim na titig na parang multo ay hindi binago. Who the hell is he talking to?!

"I'll call you back. Magda-drive na ako, bye." pagmamadali niyang sabi sa kausap bago ibalik sa akin ang buong atensiyon.

"Why are you scaring me!" iritado niyang hiyaw.

Napairap ako at napahalukipkip pero hindi siya nagawang bulyawan. I'm not that drunk enough to be mad at him and his malanding kerida.

"I'm going home. Bakit ba ako nandito sa sasakyan mo?"

He locked the door when I'm about to open it.

"Ihahatid na kita. Kinausap ko na ang mga bodyguard mo pati ang driver. Susunod na lang sila. Malayo ang pinag-parkingan ng sasakyan niyo."

Sinamaan ko siya ng tingin. Naiirita pa rin.

"Ikaw ang nagdala sa 'kin dito?"

He nodded. Naglaro ang ngisi sa labi ko pero tumikhim ng maalala ang kausap niya. Hindi ako pwedeng maging marupok. Dapat galit ako.

"Binuhat mo ako?"

"Oo."

"Bakit hindi mo ako ginising? Ilang oras na akong tulog?"

"Uh, two hours?"

"Two hours nang bukas ang sasakyan mo?"

"And a half, I think."

I heave a contented sigh. "So, ihahatid mo na ako pauwi? Nasaan sila?"

"They're just packing up. Uuwi na rin."

"Walang sasabay sa atin?"

Naningkit ang kanyang mga mata. "May gusto ka bang isabay?"

Napalunok ako sa boses niyang parang gustong manakal.

"Wala naman. Ikaw baka may gustong sumabay."

"Sabihin mo kung sino ang gusto mong isabay at tatawagan ko." malamig niyang sagot.

Doon na ako napangisi lalo nang maalalang hindi malabong nakita niya talagang hinalikan ko si Giovanni kanina.

"Nakita mo ba 'yong kanina?"

Inalis niya ang titig sa akin at sinimulan na ang pagmamaniobra sa kanyang sasakyan.

"Alin?"

"'Yung kanina... Sa dagat?"

"Hindi ko alam."

I bit my lip when I tasted bitterness in his words. He definitely saw us.

"Ah... Akala ko nagseselos ka, eh."

He laughed at that. Gusto kong ma-offend pero mas lamang ang tuwa sa puso ko.

"Please. I don't care kung sinong kahalikan mo."

Ako naman ang natawa. Sumandal ako sa upuan at hindi na nawala ang ngising hanggang tenga. There you go, baby.

"Ahh, nakita mo naman pala bakit nagsisinungaling ka pa?"

That made him closed his mouth. Mukhang naisip na dapat hindi na lang siya nagsalita.

In all fairness, ito na yata ang pinakamahaba at mas kalmado naming pag-uusap sa mapayapa at tahimik na lugar bukod sa mga munting hilik ni Riggs sa likod.

"Huwag kang magselos. Hindi ko trip si Giovanni. Hinalikan ko lang para matigil na sa kabubuntot sa akin. Sinabi ko na rin namang ikaw lang ang gusto at gugustohin ko kaya titigil na 'yon."

"I don't need your explanations. Malaya kang halikan ang sinong gusto mo–"

"Talaga?!" ganado kong inangat ang sarili at nagmamadaling lumipat sa passenger seat.

I heard him called my name in an angry tone because what I did made him lose his focus pero wala nang nagawa dahil nagmamaneho!

"Stop driving pala para mahalikan na kita?"

Marahas siyang napalunok at mas itinuon ang mga mata sa daan kahit na alam kong hindi na naman alam kung ano ang gagawin. Kung maliwanag lang ay tiyak na namumula na naman siya.

"Except me. Huwag ako."

"Walang bawian Achilles! Sinabi mong malaya akong halikan kahit sino at ikaw lang naman talaga ang gusto kong halikan kaya maghalikan na tayo!"

"Belcalis!" agad niyang pinigilan ang katawan ko nang pabiro kong ilapit ang sarili sa kanya.

I was laughing especially when his hand went to my neck.

"Oh, you're chocking me Daddy..." parang napaso siya lalo sa sinabi ko pero hindi magawang ialis ang kamay dahil sa pagbibiro kong halikan siya!

"Stop it!"

"Choke me more—Ahhh–more, Daddy!" paungol kong pang-aasar dahilan nang tuluyang pamumula ng mukha, tenga at leeg niya kahit na medyo madilim pa rin!

God, he's so innocently precious!

I held his hand and force it more on my neck, but I stopped when his jaw clenched. Humagalpak ako ng tawa.

Imbes na pagtripan pa ay ako na ang sumuko. Hindi nawala ang halakhak ko habang inaayos niya ang sarili sa manibelang hawak at pinapagalitan ako.

"You're crazy!"

"For you! Ang damot mo kasi!"

Hindi na siya nagsalita kahit na alam kong talagang naubos ko ang pasensiya niya. Kahit na iritado ay nagawa niyang mabilis na hilahin ang seatbelt ko bago tuluyang hinarurot ang kanyang sasakyan para mawala na ako sa kanyang tabi.

Sa pagbaba namin ay hindi pa rin nawala ang ngisi ko. Kahit na ayaw ko pa siyang mawala sa aking paningin ay nagpasalamat na lang ako at hinayaan na silang umalis dahil gabi na rin.

Bumaba ang tama ko sa lahat ng mga nangyari at nakatulog rin ng mahimbing baon ang moment namin ng madamot na lalaking iyon.

My head felt like blowing up the next day.

Tinulugan ko ang ilang klase dahil talagang masakit ang ulo ko. Kahit nga nakasuot ako ng sun glasses ay hindi iyon pinaalis ng professor namin. Everyone knew who I was and I already made a reputation to the university kaya ang ilan ay ilag na pero may ilan pa rin talagang gustong subukin ang pagkatao ko.

"Oo! Nakita ko ang posts nila Gio sa outing nila kagabi! Siya lang ang babae do'n!"

Kumunot ang noo ko. Ang ihi ko ay umatras sa narinig na pag-uusap ng mga babaeng kapapasok lang sa banyo.

"Grabe 'no?! Gano'n yata kapag mga taga Maynila! Mga liberated at malalandi!"

"Nakakainggit pero mas lamang ang inis ko! Matagal ko nang crush si Riggwell pero ni minsan hindi ko nalapitan 'yon! Siya, ilang araw pa lang rito lahat na ng lalaki nakasama! Mga Cordova pa at varsity boys pa!"

"At talagang nakipag-inuman pa! Malandi talaga ang babaeng 'yon! Akala mo kung sino! Palibhasa anak ng Heneral kaya malakas ang loob! Ang landi!"

Hindi ko napigilang matawa ng malakas dahil sa mga narinig.

Agad silang natigil sa pag-uusap pero dahil hindi na ako maihi ay lumabas na ako sa cubicle. Gano'n na lang ang pamumutla ng tatlong babae nang makita ako!

"Oh, bakit kayo huminto?" lumapit ako sa tabi ng isang nasa sink at naghugas ng kamay dahil parang biglang nangati ang mga palad ko at gustong manapok.

"Come on, pag-usapan niyo pa ako. Makikinig ako."

"H-Hindi ka namin pinag-uusapan–"

Natigil siya't napalunok nang harapin ko. Nawala na ang aking ngisi.

"Mukha ba akong tanga, ha? Ginagago mo ba ako?" Singhal ko sa mukha niya.

Natatakot itong napaatras. Akmang maghihilahan na sila palabas nang hawakan ko ang kwelyo ng damit ng babaeng nasa harapan ko!

"S-Sorry! Sorry!"

"Oh, bakit ka nagso-sorry? Dahil pinag-uusapan niyo ang kalandian at pagiging liberated ko?"

"S-Sorry Cali! Hindi na namin uulitin! Please!"

"Shut up!" sigaw ko kaya awtomatikong nalaglag ang mga luha niya.

Hindi naman talaga ako galit dahil ang totoo ay wala naman akong pakialam kung ano ang iniisip ng iba sa akin pero malas lang talaga nila dahil may hang over ako ngayon at madali akong mairita!

Hindi ko binitiwan ang hawak sa babaeng nangangatal na sa takot sa akin. Binalingan ko ang dalawa niya pang kasama.

"Kayo? Wala kayong dila para mag-sorry?!"

"Sorry! S-Sorry! Hindi na namin uulitin! Bitiwan mo na si Miriam!"

Marahas na bumalik ang titig ko sa babae. Dahil sa sobrang irita sa grupo nila at hinila ko ang kanyang suot na salamin, itinulak siya ng malakas at pagkatapos ay ibinagsak ang salamin sa sahig at buong lakas na tinapakan dahilan para magkapira-piraso! Napasinghap silang lahat!

"Salamin ko!"

Akmang pupulutin na niya pero madali ko iyong sinipa. Napaluhod siya sa sahig. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.

"Pasalamat kayo wala pa ako sa mood nito, ha," Nagsiksikan sila ng maglakad ako palapit sa kanila.

Pinagpupunas ko ang basa kong kamay sa mga damit nila na parang towel iyon. Wala silang nagawa dahil takot na sila ang mapagbalingan ko ng natitirang galit.

Umamba ako ng suntok sa huling babae na agad nangilid ang mga luha. I smirked at her.

"Sa susunod na mag-krus ulit ang mga landas natin ay baka mabangasan ko na lahat ng mga pangit at tsismosa niyong pagmumukha! Tangina niyo huwag ako!"

Nang makita ko ang galit sa mukha ng isa ay lumapit ako pabalik sa kanya. Her jaw dropped when I spit on her face!

"Are you mad? Anong gusto mong gawin, huh? Do you want to hurt me? Gusto mong magsuntukan tayong letse ka?!"

"H-hindi! S-sorry! Sorry na!" natataranta niyang paumanhin habang pinupunasan ang laway ko sa kanyang mukha.

Imbes na mag-aksaya pa ng panahon ay isang pasada na lang ng masamang titig ang ginawa ko bago sila tuluyang iwan.

I heard the weird Miriam girl cried for more while picking the pieces of her glasses. Too bad, lumipad na ang pakialam ko patungong Maynila.

Nanatili ang iritasyon ko sa mga sumunod na klase, pero gano'n na lang ang pagbalik ng gana ko ng makita si Achilles sa labas ng aking silid matapos ang huli kong klase.

Hindi ko alam kung pinapasabik lang ako ni Lord o ano pero agad nang nag-alburoto ang puso ko ng lumapat ang mga mata niya sa akin matapos akong makalabas sa classroom.

Umalis siya sa pagkakasandal sa dingding at naglakad palapit. Malawak ang ngisi ko habang sinasalubong siya pero dahan-dahan rin iyong napawi ng makita ang nakakanginig niyang kaseryosohan.

Like I did something wrong... Wait, is it because of what I did yesterday? He's still mad about me calling him Daddy?

"H-Hi–"

"The student council are looking for you. May mga nagrereklamo sa 'yong estudyante kaya kailangan mong sumama sa akin." marahas niyang putol sa kung ano pa mang sasabihin ko kaya tuluyan ko nang naitikom ang aking bibig.



~~~~~~~~~~~~

What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂

Follow all my social media accounts if you want to be updated.

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro