Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7

Chapter Seven

First Kiss

Nakabusangot ako buong araw hanggang sa panibagong linggo dahil wala pa rin akong mapala kay Achilles. Talagang napapasubo ako sa ginagawa ko pero ayos lang. Bukod sa hindi na ako nabo-boring ay natutuwa pa rin naman ako kahit na puro pambabara lang ang nakukuha kong sagot sa kanya.

Tamad kong binuksan ang chat ni Nicolaus sa akin habang nasa cafeteria at lumiban na naman sa klase. Wala ako sa mood para mag-aral. Wala akong gana buong araw lalo na nang tuluyan akong matalo sa pustahan namin ni Nicolaus.

Kulas:

Thank you in advance Cali. Marami nang malalasing diyan. The best ka.

I sent an annoyed GIF. Sa ilang linggong pananatili ko sa lugar ay bukod kay Lilibeth, si Nicolaus kaagad ang naging close ko. Siya at si Riggwell ang madalas nagre-reply sa akin sa mga katanungan ko sa buhay. Makapal ang mukha ko sa kanila at sa buong angkan nila pero pagdating sa kanilang mga kaibigan ay ilag ako.

Ewan ko. I really don't feel like being attached to a lot of people. I don't want to have many friends. Sapat na sa aking mag-isa at tahimik ang buhay. Isa pa, kapag binalikan ng tino si Daddy at pabalikin ako sa Manila ay ayaw kong may maiwang iisipin rito, pero kung ma-in love naman sa akin si Achilles ay ako na mismo ang magboboluntaryong dito na tumanda. Baka kapag gano'n ay kaibiganin ko lahat ng lokal rito ultimo mga palaboy para isahang attachment na lang.

Nagtipa ulit ako ng reply ng makita ang pag-sent niya naman ng nakangising sticker.

Ako:

Oo na Kulas. Talo na ako, happy ka na?

Kulas:

Stop calling me that grabe ka.

Ako:

Kulas ang madalas tawag sa 'yo ng buong angkan mo at kasapi ako doon kahit natalo ako sa pustahan natin ngayon! Teka, baka naman talagang sinusulsulan mo si Archi para lang makuha 'yong tequila, ha?!

Kulas:

Baliw! Hahaha! Sinabi ko na sa 'yong walang panahon ang isang 'yon sa pakikipag-date. Binalaan na kita pero matigas ka.

I pouted at that. Kahit bigo ako ngayon ay wala pa rin akong balak na sumuko. Tuloy pa rin ang laban at pagwawagayway ng Bataan!

Ako:

Hindi pa tapos ang laban. Nanalo ka ngayon pero nasa akin pa rin ang huling halakhak tandaan mo 'yan.

Kulas:

Sure, sabi mo eh!

Napatuwid ako ng upo ng may maisip. Sa unang pagkakataon ay ginanahan akong mag-reply.

Ako:

Ibibigay ko mamaya 'yung alak. Iinumin mo na ba kaagad?

Kulas:

Oo sana?

Ako:

Kasama mga pinsan mo?

Kulas:

Ang talino mo rin talaga eh.

Ako:

Send me the details kung saan kayo para doon ko mismo dalhin. Thank you Kulas!

Lumawak ang ngisi ko nang thumbs up na lang ang isinagot niya kasabay ng detalye kung saan sila mag-iinom mamaya.

They said we'll have a party near the beach. Biglaan lang raw ang yayaan at sakto naman dahil may maiaambag daw siyang mga alak.

Kahit na gabi na iyon ay malaya akong pumunta. My father doesn't really care about my agenda's. And as long as I'm not killing anyone or no one's killing me, we're good. Alam kong suko na rin siya kaya hinayaan na lang ako. Talagang inilayo niya lang ako para hindi na makaperwisyo pa sa mga kapatid ko at pati na rin sa kanyang reputasyon sa Manila.

Kahit na wala sa plano ay pinasukan ko ang mga huling klase. Nicolaus said that they're already  preparing to go to the venue. Umuwi kaagad ako at nag-ayos na rin pagkatapos ay dumaan sa mall para bumili ng ilang bote ng tequila.

Ang sabi ni Nicolaus ay silang magpipinsang lalaki lang ang naroon kasama ang ilang mga lalaking miyembro ng basketball team kaya ayaw na akong papuntahin pero sinabi kong ayos lang sa akin at on the way na rin ako kasama si Lilibeth na walang kamalay-malay sa mga plano ko.

Sinabi ko sa kanyang kapag ayaw ni Achilles na naroon ako ay ayos lang dahil pwede naman kaming mag-solo ni Lili kahit na labag iyon sa kalooban ko at titiyakin kong hindi iyon mangyayari.

Malayo pa lang ay natanaw ko na ang grupo nila. Some guys are setting up the volleyball net. Pababa pa lang ang araw. Ang magpipinsan ay prenteng nakaupo sa buhangin ay nagkukwentuhan, pare-parehong naka-topless at basa na ang mga katawan at suot, mukhang kanina pa nagkakasiyahan.

Bumagal ang mga hakbang ko ng hindi makita ang lalaking dahilan kaya ako narito. Sa pagtatama ng mga mata namin ni Nicolaus ay agad siyang tumayo para salubungin ako. Bigo siyang umiling bago tuluyang mapunta sa aking harapan.

"Mag-aaral daw eh kaya ayaw sumama."

Pinilit kong huwag malungkot o magsalita ng hindi maganda kahit na totoong nadismaya akong hindi siya sumama. Lumawak lang ang ngiti ko at tumango sa kanya.

"Great! Then we can join you!"

Binalingan ko si Lili. Ibinigay niya kaagad kay Nicolaus ang mga alak na dala kahit na mukhang nahihiya ito rito.

"C-Cali, sabi mo dadaan lang tayo?" si Lili, kinakabahan sa sinabi ko.

Inangat ko ang aking telepono at tinawagan ang driver para sabihing ihatid siya pabalik sa bahay.

"You can leave me now. Ihahatid ka ng driver pauwi kaya hintayin mo na lang." tinapik ko ang braso niya bago tuluyang sumama kay Nicolaus na hindi na nagawa pang tumanggi.

"Ang dami naman yata nito?" Tanong niya habang pabalik kami sa mga kalalakihan na mayroong malalawak na ngisi maliban kay Seidon na abala sa pagtulong para maiayos ang net.

"Okay lang. Mukhang marami naman kayo at malalakas uminom. Kung hindi niyo kaya, tutulungan ko kayo."

Hilaw ang naging pagtawa niya pero wala ng nagawa. Everyone cheered when Nico told the guys about the alcohol. Naupo ako sa buhangin at tumabi kay Riggwell habang abala si Nicolaus sa pag-aayos ng mga gamit at pagkaing dala.

"Wala eh, busy si Archi. Gano'n talaga 'yon pero hayaan mo, pupunta rin 'yon!"

Marahas akong napabaling sa kanya, biglang nabuhay ang katawang lupa ko.

"P-pupunta? Sure ka?"

Tumawa siya at tumango. Kinuha ang isang bote ng tequila at agad binuksan para simulan na ang pag-iikot ng shot.

"Oo. Akong bahala sa 'yo. Kung ganito ba naman palagi, eh!"

Tinungga niya ang unang shot. Nagsalin at ibibigay sana kay Nico pero kinuha ko iyon sa kamay niya at nilagok. Parehas silang natigilan.

"Hindi ako maliligo at maglalaro kaya wala akong gagawin kundi ang tulungan kayong maubos 'yang mga 'yan. Isa pa, boring sa bahay at baka mamatay na ako kapag umuwi ako do'n ngayon!"

Dahil hindi pa rin makapaniwala sa mga sinabi ko ay kinuha ko na sa kamay ni Riggs ang bote at ako na mismo ang naging tanggera.

"You were saying? Paano siya pupunta?" nakangisi kong baling ulit kay Riggs matapos iabot kay Nico ang shot.

"Kapag may nalasing na at hindi na kayang umuwi, pupunta 'yon. We all came here using our sports bike. Siya ang taga-sundo sa amin kapag ganito."

Naglaro ang ngisi sa aking mga labi. Natawa siya. Imbes na magsalita pa ay sunod-sunod na ang naging pagtagay ko ng tequila sa kanila.

Oh eh 'di malasing na kayong lahat!

Siyam silang narito at ako lang ang nag-iisang babae. They're all part of the basketball team. Anim na lalaki ang nakilala ko. Si Matias, Roldan, Eron, Hudson, Adrian at Giovanni. They're all nice. Hindi ko pa man nakikita ang mga itong maglaro pero kumbinsido na akong sila nga talaga ang palaging champion dahil sa kaliwa't-kanang magagandang balita tungkol sa team nila.

I became their bartender, cheer leader, scorer and audience! Habang naglalaro sila ay patuloy ako sa pagbibigay sa kanila ng shot hanggang sa matigil sila at dumilim na.

Inasikaso nila ang bonfire. Hindi ako iniwan ni Nicolaus na kanina pa nakikipagtawanan sa akin sa mga kung ano-ano at halo-halong kwento.

Some of them were already tipsy, even him, but that was all part of the plan. Balak ko ngang kapag nagkulang pa ang alak ay magpapabili pa ako hanggang sa pare-parehas na silang ma-comatose at wala nang maging kawala si Achilles kundi ang puntahan at sunduin ang mga ito. I had a plan and I know it will work!

"Grabe ka, hindi ka nalalasing?" tanong nito matapos ang mahaba naming tawanan.

"Ito lang ba?!" Sarkastiko kong tanong habang inaangat ang bote. "Wala 'to. Kahit isang dosena hindi ako babagsak kaagad." I proudly said, naalala ko ang huling araw kong nagwalwal sa Manila bago ako ipatapon rito.

Agad kong ipinilig ang aking ulo. Not today bad vibes, not today.

"Your father is the General. Hindi ba siya istrikto pagdating sa 'yo?"

Muntik na akong mapahalakhak ng wala sa oras. It was as if the funniest joke I've ever heard.

"Sawa na 'yon! Sanay na silang ako ang black sheep ng pamilya at walang ibang dala kundi sakit ng ulo!" I said before chugging another shot of tequila.

Sa pagbaba ko ng baso ay bahagyang napawi ang ngisi ko dahil sa biglaan niyang pagiging seryoso.

"What?"

Umiling siya. Kinuha sa akin ang alak at siya ang nagsalin ng para sa kanya.

"Are you rebelling against your parents?"

"Don't be silly, Kulas. Wala. Hindi. Basta ganito lang ako. Sanay na sila at sanay na rin ako kaya masasanay ka rin."

"Nagrerebelde ka nga." he concluded.

"Isipin mo kung anong gusto mong isipin pero bigyan mo na ako ng shot! Mukhang mamaya pa makakabalik ang mga 'yon."

He obliged. Sa pagbalik ng mga lalaki ay mas umingay ang tawanan at kwentuhan. I was seated beside Gio and Hudson na pansin kong kanina pa kung alalayan ako ay parang wala akong mga sariling kamay at paa. Hinayaan ko na lang.

Nakinig ako sa mga kwentuhan nila kahit na ilang beses na nagpaumanhin ang mga ito lalo na sa topic nila pagdating sa babae.

"Fuck, marry, kill." suhestiyon ni Eron sa tinagal-tagal ng pag-uusap.

"I'm out." si Seidon.

Nagtawanan sila samantalang ang mga pinsan nito ay nagsikuhan.

"Ang kill joy naman palibhasa nga naman talaga in love oh!"

"Gago, I'm not!" reklamo niyang nagpangisi sa akin.

It's cute when boys deny their feeling towards someone. Natuwa ako bigla dahil naiisip kong magiging ganito rin si Achilles pagdating ng araw sa kanila. He would blush and deny it like Seidon, but the truth will always prevail!

"Come on, start the fucking game!"

Nagtawanan sila sa pagkakaubos ng pasensiya ko pero dahil panay pa rin ang tanggi at hindi alam kung paano sisimulan ay ako na ang nauna.

"Fuck Achilles, marry Achilles, and kill whoever the bitch he'll like."

"Oh..."

"You like Archi?" bulalas ni Gio kaya napabaling ako sa kanya.

"Yes. You like him, too?"

He dismissed my question. Natawa ako. Sa unang pagkakataon ay nakita kong ngumiti si Seidon sa akin. Mukhang naaaliw rin sa ideyang iyon.

We continued drinking. Some of them were smoking and I joined them. Masyado akong nauuta sa mga pagkain at alak kaya iyon ang ginawa ko.

I was hugging myself away from the boys while I continued puffing the cigarette in my hand. Lumayo muna ako dahil nakakarami na kami at baka kapag nagtuloy-tuloy ay baka ako pa ang unang malasing sa kanila.

Hindi nila ako pinigilan. Some of them were intimidated of me lalo na ng malaman nila kung sino ang ama ko at kung saang angkan ako galing.

My presence was already intimidating kaya nga minsan ay ayaw ko nang dalhin ang pangalan ng ama ko dahil minsan ay iyon rin ang dahilan kaya ako iniiwasan ng iba.

Pagbalik ko ay magiliw pa rin ang usapan pero halatang may mga tama na ito. I'm tipsy, too, pero mas malinaw pa ang utak ko sa iba sa kanila. Bukod sa dala kong alak, mayroon rin silang ilang case ng beer kaya nang maubos ay iyon ang ibinanlaw namin. Doon na nalasing ang lahat.

Riggwell was hugging the palm tree behind us while Seidon and the boys decided to swim.

Malakas ang alon sa dagat. Dahil sa mga hiyawan nila at kasiyahan ay hindi ko na napigilang daluhan sila kahit na wala akong dalang pamalit.

Walang pakialam kong hinubad ang suot kong shorts at crop top na nagpatigil sa tawanan nilang lahat. Everyone was stunned because of what I did. Some even turned their gaze away, but Gio and Hudson remained until I was with them.

"Cali, may pamalit ka ba?" tanong ni Nico matapos akong lapitan at hilahin ng bahagya palayo sa mga lalaki.

Natatawa akong umiling at ngumisi. Malamig kaya muli akong umilalim sa tubig at lumangoy sa kanya palayo, hindi na siya nasagot.

Sa pag-ahon ko ay hindi ko namalayang nasa harapan ako ni Seidon. Napalunok ako matapos alisin ang mga tubig sa mata nang matitigan ang kanyang katawan. His one arm was covered with tribal tattoo and all other symbols. Malaki iyon at bagay sa kanya.

"Are you okay?" tanong niyang may pag-aalala sa unang pagkakataon.

I just smile and nodded at him.

"I like your tattoo. Maangas."

"Thank you."

Umangat ang mata ko pabalik sa kanyang mukha at sinaulo ang mga detalye no'n. All of them were really good-looking, but I had my eyes on Archi. Hindi ko alam pero ang lalaki talaga ang trip ko. Maybe because he was the opposite of me.

"Ang gwapo niyong lahat, 'no? Requirements ba 'yan sa lahi niyo?"

Lumawak ang ngiti niya't agad napailing. Sabay naming hinayaan ang alon na isayaw ang aming mga katawan.

"You're just being nice to me because of Archi."

"That's not true. I am nice talaga kahit wala si Achilles."

"Baka lasing ka lang. Ang pula ng mukha mo."

"Ikaw rin naman."

"I'm not. Normal lang talaga kapag nakakainom."

"Same here. So ano nga? You think papasa ako sa requirements?"

He chuckled again. Mabuti pa lang nakakainom ito at hindi masungit. Marahan siyang umiling.

"Hindi naman importante ang panlabas. Ang importante ay kung masaya kayo sa isa't-isa at mahal niyo ang isa't-isa. If that's the case, wala ng masasabi kahit sino sa amin. That's all that matters."

I appreciate him for answering my question. Hindi na siya nawala sa tabi ko. Kahit na pumaikot sa amin ang iba ay nanatili sila ni Kulas sa aking tabi. Hindi ko alam kung wala lang bang tiwala sa mga kaibigan at ayaw akong iwan sa mga ito o dahil akala nila ay lasing na nga ako.

Kalaunan ay nakawala ako sa mga mata nila sa paglayo ko't paglangoy ng mag-isa pero nasundan ako ni Gio. Nagulat ako sa pag-ahon niya sa aking harapan, bahagyang natawa.

"Hi!" he greeted happily.

Ngumiti ako pabalik pero dahil sa paghampas ng alon ay mabilis na napalapit ang mga katawan namin.

Agad akong napakapit sa kanyang balikat kasabay ng paglingkis naman ng kanyang mga kamay patungo sa aking bewang. Kahit na nailang ako ay hindi ko kaagad nagawang tanggalin.

"It's really nice to meet you, Cali." namumungay ang mga mata niyang sabi habang hinahapit pa ang katawan ko palapit sa kanya pero imbes na sagutin siya ay agad ko na lang inilapit ang aking mukha upang halikan ang kanyang mga labi.

He didn't see it coming. Hindi siya nakagalaw at naging tuod habang ginagalugad ko ang kanyang bibig gamit ang aking mga labi.

I pulled him closer to me. Inilingkis ko pa ang aking mga paa sa kanyang bewang at mas nangunyapit sa kanyang leeg. I forced my tongue inside his mouth, napaungol siya kaagad ngunit bago pa siya madala ay agad ko nang pinutol iyon.

Mas lalo siyang namula at naging mabilis ang paghingal.

"Masarap ba?" I asked.

Nababaliw siyang tumango-tango, mas namungay ang mga mata habang hibang na nakatitig sa akin.

"Good, because that's all you can get. Huwag mo na akong subukang landiin, Gio. Gwapo ka pero hindi kita trip kaya baunin mo ang halik ko at tantanan mo na ako dahil si Achilles lang ang gusto ko." I said before pulling my body away from him.

Sumisid ako at lumangoy pabalik sa dalampasigan bago pa ako malapitan nila Nicolaus na gulat na gulat sa ginawa ko.

My heart was beating fast. It was my first kiss after Brix. Kahit naman tapos na kami ay
naaalala ko pa rin minsan ang lalaki. Pagkatapos ng halik na iyon ay siya kaagad ang pumasok sa isip ko.

Inis akong umahon nang bumabaw ang tubig pero hindi ko pa man naaayos ang tayo sa buhangin ay para na akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita si Achilles ilang dipa ang layo sa kinatatayuan ko!

Marahas akong napalunok ng makita ang madilim niyang titig sa akin habang nakapamulsa na para bang kanina pa ako pinapanuod...

Wait... Did he saw me kissed Gio?

Muli akong napalunok ng sagutin mismo ng utak ko ang tanong ng isang malaking 'oo'.

Shit.

~~~~~~~~~~~~

What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂

Follow all my social media accounts if you want to be updated.

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro