Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6

Chapter Six

Seloso


It has been a week since I've sent him a friend request, but it was still pending. Sa tuwing nagkikita ko si Nicolaus ay panay ang ngisi nito sa akin dahil sa tatlong bote ng tequila na taya sa pustahan namin.

Sa buong linggong iyon ay wala akong ginawa kung hindi ang hanapin ang mailap na lalaki. He was really busy. Naiintindihan ko na kung bakit talagang wala siyang panahon sa mga babae dahil hindi lang siya sa pag-aaral abala kung hindi sa marami pang bagay.

I did not go to my class. Minabuti kong manuod ng practice game nito ng volleyball sa gym ng sabihin ni Nico na naroon ito. He's giving me a chance to win our deal. Medyo naiirita ako dahil mukhang hard to get nga ang lalaki pero hindi iyon dahilan para sumuko.

Lumawak ang ngisi ko nang siya kaagad ang matanaw sa gymnasium. He was the tallest player in his team. No wonder why he's the captain ball. Hindi ko alam kung ikatutuwa kong parehas sila ng sports ng ex ko pero gusto kong isipin na advantage na lang rin dahil alam ko kung paano laruin ang sports na iyon. I know when to cheer and piss the opponent kapag dehado na ang manok ko.

Dumiretso ako sa loob. He was busy and didn't saw me entered the place. Marami ring mga nanunuod at nagpapantasya sa mga players.

Naupo ako sa bleachers. Nakisiksik sa mga estudyante roon at naupo sa pinakagitna kahit na nababaliwan sila dahil hindi ko naman sila kilala. Nagpatay malisya ako. I did not come here for them, so why would I care? My spot has the best view and it's vacant so it's really for me.

Sinamaan ako ng tingin ng mga babae samantalang ang mga lalaki ay ngingisi-ngisi lang sa akin. Wala akong pinansin. I continued chewing my bubble gum while I watch my baby play.

Kahit na laro-laro lang ay mainit ang mga kaganapan. Achilles was so good at serving the ball and everything else. Ilang beses niyang na-save ang bola sa team nila kaya sa pang-apat niyang serve ay hindi ko na napigilang ilagay ang mga kamay ko sa aking bibig para sumigaw at i-cheer siya.

"Go baby, Archi!" Mabilis na umalingawngaw ang boses ko kasabay ng pagpalo niya sa bola pero dahil sa gulat ay napalakas ang paghampas niya dahilan para ma-out ito.

Agad na nangunot ang kanyang mga mata habang hinahanap ang sumigaw. Lumihis ang mga mata niya patungo sa direksiyon ko kaya imbes na pahirapan pa siya ay ikinaway ko na lang ang kamay ko at sumigaw ulit.

"Okay lang 'yan! Mahal pa rin kita!"

His jaw dropped at that. Maging yata ang mga panga ng katabi ko't lahat ng mga nanunuod ay agad nabaliw sa isinigaw ko. Nawala ang ngiti ko nang bumalik siya sa laro, binalewala ang ganda ko. Sinulyapan ko ang aking mga katabi.

"What?" iritado kong tanong sa tatlong babaeng pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nagbulungan sila. Ayaw ko sanang makialam pero narinig ko ang pangalan ni Archi sa usapan kaya bahagyang nagpintig ang tenga ko.

"Do you want to share what you bitches are talking about?"

Namutla kaagad ang isa habang patuloy namang umiling ang dalawa. Naghalukipkip ako.

"Bakit niyo pinag-uusapan si Achilles? Trip niyo ba ang boyfriend ko, ha?"

Namilog ang mga mata nila at agad nagsikuhan, hindi talaga makapaniwala sa mga naririnig.

Gets ko naman dahil matagal naging single si Achilles pero totoo ang sinasabi ko. Girlfriend niya ako dahil advance akong mag-isip.

"H-Hindi sa gano'n. B-boyfriend mo nga si A-Archi?"

"Oo, may problema ka do'n? May alam ka pa bang ibang girlfriend niya?"

Hindi natigil ang sikuhan nila.

"Sagot!" hiyaw kong pare-parehas nagpapitlag sa kanila.

Napatingin na ang ilang mga katabi naming estudyante pero hindi ko inalis ang matalim na titig sa tatlo.

"W-Wala! Nagulat lang kaming may girlfriend pala si Achilles! Iyon lang!"

"Pwes, oo! You've personally heard it from his girlfriend kaya kung pinagpapantasyahan niyo siya at may utak kayo, pagnilayan niyo ulit, maliwanag? Sa akin si Achilles at boyfriend ko siya."

Nagtanguan sila at natakot nang magbulungan ulit. Napangisi ako at muling ibinalik ang tingin sa court. Doon ko napansin na nakahabol ang kanilang kalaban at dalawang puntos na lang ay matatapos na ang laro. Napatuwid ako ng upo at muling nag-cheer sa team nila.

"Come on, Achilles! Beat the shit out of them now! You can do it, baby!" pumapalakpak pa ako.

Hindi ko inintindi ang mga matang patuloy na nakatuon sa akin. Sa tuwing sinusulyapan naman niya ang direksiyon ko at napapailing ay mas lalo akong natutuwa.

Sa ilang minuto ay hindi ako natigil sa pagsisisigaw. Ako lang yata ang maingay sa court dahil pang-championship ang mga birada at energy ko.

Nang manalo sila ay parang gusto kong manakal sa tuwa! I was so happy I ditched class to witness his team won! Kahit na practice game ay todo ang suporta ko sa kanya.

Nagmamadali akong tumayo nang makitang aalis na ang mga ito para bigyang daan naman ang mga susunod na magpa-practice.

"Achilles!" sigaw ko, nagkukumahog sa pagtakbo palapit sa kanya bago pa siya makaibis patungo sa kung saan kasama ang mga teammates.

Tamad siyang napatingala bago ako harapin. Lumawak ang ngisi ko nang matapat sa kanya. Medyo hiningal ako pero nawala lahat ng pagod at pamamaos ko nang malapitan siya ulit.

He was so damn fine! Nahinto ako sa paghakbang ng makita ang bakat ng mga abs niya sa pawisang damit.

"Oh, wow pandesal... hello there..." nakangisi at nahihibang kong sambit habang nakatuon doon at parang gusto na lang siyang hubaran.

I can still remember every details of that abs! Iyon yata ang screen saver at wallpaper ng telepono ko. Makita ko nga lang iyon ay busog na ako. Parang sapat na ang tinapay at litrato niya para sa breakfast.

Naipilig ko ang uli ng marinig ang kanyang pagtikhim. Sa pagbalik ng paningin ko sa kanyang mga mata ay magkasalubong na ang kanyang makakapal na kilay, tila hindi natutuwang makita ako pero imbes na panghinaan ng loob ay nag-puppy eyes lang ako sa harapan niya... O baka husky eyes dahil hindi ko naman alam paano magpa-cute. Fuck.

"Hindi mo pa rin ina-accept ang friend request ko isang linggo na. Busy ka pa rin ba?"

"What are you doing here?" he asked instead of answering my question.

"To support you, may iba pa ba?"

"Don't you have other things to do? Wala ka bang klase?"

"Meron, pero mas mahalaga ka sa mga 'yon kaya–"

"Don't be ridiculous. Go to class and stop bugging me." masungit niyang sabi, kinilig ako.

"Wait!" maagap kong hinawakan ang kamay niya ng akmang tatalikod na siya.

Parang balewala sa akin ang mga pagsusungit niya. The more sungit, the more kilig lang ang nararamdaman ko. Tang ina, baliw na yata ako.

Sinubukan niyang hawiin ang aking kamay pero hindi ko siya hinayaang gawin iyon.

"Bakit ayaw mo akong i-accept? Buong angkan mo na ang friends ko maliban sa 'yo. Isa pa, your mom–"

"Pati si Mama in-add mo?!" hindi makapaniwala niyang tanong sa matalim na boses, mukhang nawawalan na ng pasensiya sa akin.

"Uhm... pati ang Papa mo at mga kapatid?" napangiwi ako ng marinig ang malalim niyang buntong-hininga!

Eh bakit ba? Masama bang makilala ang future family ko? Napakadamot talaga ng lalaking 'to!

Hinawi niya ang kamay ko. Ayaw ko sanang bitiwan pero tumutulo ang mga pawis niya kaya hinayaan ko siyang punasan ang mga iyon.

Unti-unting umawang ang aking bibig ng punasan niya ang kanyang leeg. Pakiramdam ko ay nag-slow motion ang lahat. Simula sa pagbaba ng kanyang masasaganang pawis hanggang sa pagdampi ng towel sa kanyang morenong balat.

Sana towel na lang ako... Bulong ng utak kong napapraning na rin. Bumalik ako sa kasalukuyan sa kanyang pagtikhim.

"H-ha?"

"Sabi ko bakit mo friends ang buong angkan ko?" naiirita na niyang pagpapatuloy kahit na kanina pa ako gustong mawala sa harapan.

"Getting to know. Ayaw mo ba?"

"Unfriend them. You don't know them."

"Paano ko sila makikilala kung ia-unfriend ko? Isa pa, apo na ako ng Lola Ellen mo sa ayaw at gusto mo. Shinare niya na sa akin ang skin care niya kaya hindi ko na siya pwedeng i-unfriend."

Nalaglag ang panga niya at iritadong napahilamos ng mukha.

"I-accept mo na kasi ako para makilala mo na rin ako at–"

"No," he cut me off.

Mabilis kong naitikom ang bibig at bahagyang napalunok.

Sakitan na ba, ha? Hindi pa ako prepared! Kapag ako nainis sa pagiging hard to get mo, baka sunggaban kita sige ka!

"Bakit ayaw mo?" sinundan ko siya nang maglakad at hindi na ako nilingon pa.

"Hoy, Achilles!"

"Stop following me!"

"Bakit muna? Hindi kita titigilan hangga't hindi mo ako ina-accept!"

"You'll get tired eventually."

I scoffs sarcastically at that.

"Hindi mo pa talaga ako kilala."

"Ayaw kitang kilalanin."

Bumilis ang mga hakbang ko dahil sa lalaki ng hakbang niya patungo sa kung saan.

"Napakadamot mo! Para friends lang!"

"I'll block you."

"Gagawa ako ng panibagong account tapos ia-add kita ulit!"

"Then I'll block every account you'll make. Mas mahirap gumawa ng account kaysa mag-block."

"Baka nakakalimutan mo, marami akong katulong at tauhang pwedeng utusang gumawa ng ilang libong Facebook account para lang i-add ka!"

"Such a brat."

"I am not a brat!"

He chuckled sarcastically at that. Hindi ako na-offend. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makapasok na kami sa kanilang shower and locker room!

Akala niya yata ay titigilan ko na siya kaya gano'n na lang ang gulat niya sa muli kong pagsasalita kahit na ang mga lalaking nadatnan namin doon ay mga nakahubad!

"Isusumbong na lang kita kay Lola Ellen. Sasabihin kong ayaw mo siyang maging friends ko at pinapatanggal mo siya sa friend list ko!"

Nanatili ang mga mata ko sa likuran ni Achilles at agad napangisi nang marahas siyang pumihit para agad akong lapitan at takpan ang paningin sa mga lalaking naroon gamit ang pagharang sa kanyang katawan!

"Bakit ka ba sumunod! Hindi ka pwede rito!" natataranta niyang sabi.

Natawa ako pero natutuwa dahil amoy na amoy ko ang katawan niyang pawisan. He smells like rain and mint combined. Parang gusto kong manlamig at yakapin na lang siya.

"Ang bango mo naman..."

Nagtawanan ang kanyang mga kasama dahil sa sinabi ko. Kinantiyawan siya ng iba pero nang akmang lilingunin ko na ang mga kahubaran sa likod ay agad akong natigil nang ilagay niya ang magkabilang kamay sa aking balikat at saka mas iniharang ang sarili sa aking harapan.

Napangisi ako at wala nang inaksayang panahon, agad kong iniyakap ang mga kamay ko sa kanyang katawan at napapapikit na sininghot ang bango niya.

Lumakas ang hiyawan ng kanyang mga kaibigan habang ito ay tila naging estatwa sa ginawa kong pagyakap.

"Seloso mo naman. Hindi ko naman gustong tignan 'yang mga 'yan dahil abs mo lang naman ang gusto kong makita kahit na nakita ko na. Wallpaper ko pa nga..." hibang kong litanya habang humihigpit pa ang yapos sa kanya.

"C-Cali–"

"Sige na kahit huwag mo nang i-accept. Kung yakap ba naman ang kapalit sino ako para tumanggi?" nakangisi o siyang tiningala.

Namumula ang tenga at hirap na napapalunok habang hindi malaman kung paano ako tatanggalin at ilalayo sa kanyang katawan! Mas lalo ko siyang nginisihan.

"Seloso ka pala, baby?" malambing kong tanong pero imbes na sagutin ay hinawakan niya na lang ang ulo ko at ibinaon sa kanyang dibdib upang patigilin bago ako dahan-dahang iniatras palabas sa silid na iyon!

Nagwawala na ang mga lalaking nasa loob at kahit na nasa labas na kami ay hindi natigil ang malakas nilang kantiyawan! Rinig ko pa rin kahit nasa labas na kami.

Hindi nawala ang ngisi ko kahit pa kinakalas niya na ang mga kamay kong nakakapit sa kanyang katawan.

"Sandali naman Achilles! Hindi pa nga nag-iinit eh..." reklamo kong dahilan ng mas pagiging alarma niya kaya ginamitan na ako ng dahas.

Napanguso ako ng matanggal niya ang mga kamay ko. Hindi pa nakuntento, ibinalik niya ang mga palad sa balikat ko at iniatras ako palayo sa kanya. He step back after pushing me away.

"Stop following me, Belcalis. Tapos na ang laro namin. Go to class."

"Wala na akong klase. Last na 'yong hindi ko pinasukan para mapanuod ka."

"Don't do that again."

"Concerned ka ba?"

"Hindi. Basta huwag mo na akong susundan." masungit niyang pagpapatuloy pagkatapos ay tinalikuran na ako ulit.

Napailing ako dahil sa bilis niyang lumayo pero hindi pa rin nakaligtas sa tainga niya sa huling sigaw ko.

"Okay fine! I love you, too!" napalakas ang pagsara niya ng pinto dahil doon.

Natatawa akong napaatras at malawak ang ngising lumabas sa gymnasium kahit na ang mata ng mga estudyanteng naroon ay hindi nawala sa akin.

I called my bodyguards and told them we're going home. Ang totoo ay nasa paligid lang naman sila at binabantayan ako. Talaga kasing nagwawala ako kapag nakikita ko ang mga pagmumukha nila sa malapit kaya pinapaalis ko.

Kahit na ayaw ko pa rin ang ideyang iyon ay hinayaan ko na lang para pare-parehas kaming tahimik nina Daddy at nang mga kapatid ko.

Pag-uwi ay iyon pa rin ang inatupag ko, ang pangungulit kay Achilles. I flood all his posts with hearts. Ang mga pwedeng lagyan ng comment ay hindi ko rin pinalagpas pero bigo pa rin ako sa pustahan namin ni Nicolaus.

Napangiti ako ng makitang online si Lola Ellen. Ito na lang ang pinagkaabalahan ko.

Ako:

Magandang gabi sa pinakamagandang Lola sa balat ng lupa! Kumusta po ang Lola Ellen ko?

Lola Ganda Ellen:

Okay naman apo. Kumusta kayo diyan?

Nag-reply siya kaagad. Kung sa cool Lola man lang, siya na yata ang pinaka-cool sa tanan. May edad na ito pero techi at mabilis ring mag-reply! Gabi-gabing tuwang-tuwa ang puso ko.

Ako:

Okay naman po Lola. Busy po lahat at nag-aaral ng mabuti lalo na ang apo ninyong si Achilles.

Lola Ganda Ellen:

Hilig talaga ng batang iyan ang mag-aral noon pa. Simula bata ay palaging first honor iyan sa klase. Talagang hindi binibigo ang paghihirap ng kanyang mga magulang.

Ako:

Oo nga po Lola eh, nakaka-proud. Kaya nga lang po ay masungit masyado.

Lola Ganda Ellen:

Sinusungitan ka ni Archi? Ngayon lang ako nakarinig niyan. Napakabait ng apo kong 'yon.

Ako:

Opo Lola eh! Inaaway po akong palagi. Nakalulungkot po Lola. Nakasasakit ng kalooban. 🥺

Lola Ganda Ellen:

Hayaan mo at kapag tumawag ay pagsasabihan ko.

Ako:

Thank you, Lola. Pakisabi na rin na i-accept ako sa Facebook. Tsaka baka kung pwede ay pahingi na rin ng number niya, Lola? Kung okay lang naman po. Nakalimutan ko kasing kunin tsaka sinusungitan nga po kasi ako. Nakaka-sad girl po ang apo ninyo.

Lola Ganda Ellen:

Oo naman. Sandali at hahanapin ko.

Napapasayaw na ako sa tuwa dahil kay Lola Ellen. Mas lalo akong nagbunyi nang i-send na niya ang contact number nito.

Ilang minuto pa akong nakipag-usap rito. Ang totoo ay masaya talaga siyang kausap. Nakatutuwa dahil sa bawat pagsusumbong ko ay may banat siya at palaging sinasabing pagagalitan ang apo kapag nakausap.

Mabilis kaming naging close ni Lola Ellen. Minsan rin ay nagtatawagan kami lalo na kapag wala itong makausap. Parehas naming napupunan ang boredom ng isa't-isa. Nang magpaalam na siyang matutulog ay saka ko lang binalikan ang number na ibinigay niya.

It's almost ten in the evening. Tiyak na gising pa si Achilles kaya hindi na ako nagdalawang-isip na kulitin ito.

Ako:

Hi baby! Gising ka pa ba?

He did not reply. I texted him again.

Ako:

May I know your perfume and where did you buy it? Gusto ko ring bumili para kahit saan amoy kita.

Napapangisi kong sent ulit pero wala pa ring sagot. I tried calling the number. Pinatay ko kaagad nang mag-ring naman. Baka kasi nagkamali si Lola Ellen ng bigay pero mukha namang legit. I texted him again.

Ako:

Achilles, hanggang kailan mo ba ako pagdadamutan, ha? Alam mo bang ngayon lang ako nagka-crush, ha? Crush kita. Gusto kita kaya gustohin mo na lang rin ako pabalik. Hindi ka na lugi sa 'kin, aba!"

Ako:

Achilles kapag ako ang minahal mo daig mo pang nanalo sa lotto!

Ako:

Achilles, paliligayahin kita.

Ako:

Sige, crush back na lang kahit slight, please?

Napabuntong-hininga ako ng wala pa rin akong makuhang sagot. Nagtiyaga akong maghintay. Ayaw ko naman talagang makaistorbo pero nababaliw ako kapag hindi ko siya nakukulit.

Nagtipa ulit ako ng panibagong message.

Ako:

Kapag hindi ka nag-reply ibig sabihin crush mo na rin ako. Sige na huwag ka nang mag-text. I love you na agad. Mwah!

Nakangisi kong ibinaba ang aking telepono at balak na talagang matulog dahil ayaw ko nang makatanggap ng text niya pero napanganga na lang ako nang mag-reply ito!

Baby Archi:

Stop texting me. Nakakaistorbo ka.

Kahit na patuloy ang pagsusungit niya ay hindi nawawala ang gana ko. Hindi naman pala siya busy! Kung hindi pa utuin hindi pa magre-reply!

Ako:

Ano bang ginagawa mo at bakit nag-reply ka pa, ha? Huwag ka nang mag-reply kung talagang crush mo ako.

Baby Archi:

Hindi kita crush. Itulog mo na lang 'yan.

Ako:

Sus. Kunwari ka pa. Huwag ka ngang mag-reply kung mahal mo na ako.

Baby Archi:

You wish.

I never typed fast my whole life, pero ngayong nagpapalitan na kami ng text ay para akong hinahabol ng ilang libong kabayo sa pagtitipa ng reply!

Ako:

Mamahalin mo rin ako Achilles tandaan mo 'yan. Huwag ka nang mag-reply kung alam mong tama ako.

He did not replied. Hinintay ko at inantok na lang ako pero hindi na siya ng-reply!

Ayiehh! Marupokpok!

Kahit na kabaliwan ang lahat ng mga sinabi ko ay pinaniwalaan ko 'yon. Pinagbigyan ko ang puso at utak ko sa aking mga kahibangan kaya naman hanggang sa panaginip ay masayang-masaya ako. Naputol lang ang lahat sa muli kong paggising at nabasa ang text niyang isinend lagpas alas dose na at nananaginip na ako sa tungkol sa future naming dalawa.

Baby Archi:

NOPE. I WILL NEVER.

~~~~~~~~~~~~

What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂

Follow all my social media accounts if you want to be updated.

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro