CHAPTER 5
Chapter Five
Friend Request
It wasn't that bad. It wasn't that boring. It's going to be fine. I'm going to be fine here. So damn perfectly fine...
Nababaliw akong napangisi habang nag-iinat ng katawan at ganadong bumabangon sa kama habang paulit-ulit rin ang mga salitang iyon sa utak.
It's my first day at UDB. Simula ng makilala ko ang mga lalaking iyon kahapon lalo na si Achilles Arquin Cordova ay para akong sinaniban ng lakas para tanggapin na lang kahit paano ang lahat ng desisyon ni Daddy.
"Ilang taon?"
"Nineteen na siguro. Halos ka-edad lang rin natin."
"Sports? His built was made for that so I guess meron? Basketball?"
"Volleyball."
"Interests? Tell me something more about him."
Kahit na nababaliwan si Lilibeth sa akin ay wala itong magawa kundi ang saluhan ako sa pagkain at sagutin ang lahat ng mga katanungan ko tungkol sa lalaki.
Apparently, they were very popular at school. Hindi naman na nakapagtataka dahil magagandang lalaki ang mga iyon pero hindi ko mapaniwalaang swerte ako kahapong nakasalubong sila at mas swerte naman silang nakilala ako. I mean, it's Belcalis De Valentin, duh?
"Mayroon silang dance group sa school–"
"He's a dancer?!"
Mabilis itong tumango-tango. Kahit na nababaliwan na rin sa amin ang kanyang ina ay hinayaan lang ang anak na samahan ako dahil nakikita niya ring nag-iba ang aura ko simula pa kahapon pag-uwi namin.
"Oo. Tsaka officer rin siya ng student council. Dean's lister rin at president ng chess club–"
"Woah, wait a minute! Calm down!"
"S-Sorry."
Natawa ako at mas lalong napangisi. Nangalumbaba ako sa harapan niya. Sobrang interesado sa mga naririnig.
"So you were saying, apart from being hot, gorgeous, talented and popular, he's a genius too?"
Tumango siya ulit.
"Sobrang talino, Miss Cali."
"Drop the miss. Simula ngayon Cali na lang rin ang itawag mo sa akin lalo na sa school. Anyway, does he have a girlfriend? Any girl I should be worried about?"
She swallowed hard at that. Kahit na alam ng mga itong pranka akong tao at iba sa lahat ng narito ay hindi niya pa rin mapaniwalaan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko.
Sandali siyang nag-isip pero sa huli ay umiling. Halos yakapin ko siya sa katuwaan.
So Achilles is basically perfect and single!
"Isa pa po pala, aktibo rin iyon sa simbahan."
"Hallelujah, praise the Lord!" bulalas kong napa-krus pa ng wala sa oras!
God damn, bakit ngayon lang ako ipinatapon ni Arnulfo rito?! Kung alam ko lang na may ganitong tao sa lugar na ito ay sana nagboluntaryo na akong lumayo sa kanila sanggol pa lang ako!
Lilibeth chuckled nervously. Dahil tuluyan na akong na-amaze ay hindi ko na siya inusisa. Bukod sa utos kong kunin na lang ang schedule ng lalaki ay wala na akong sinabi sa kanya.
Isinabay ko siya papasok. Halos parehas ang schedule namin dahil sinadya iyon ni Lita para may aalalay sa akin pero baka magpabago ako kapag nakuha ko na ang schedule ni Achilles.
Lili accompanied me to my first class. Okay lang naman sa aking tuntunin ang silid ng mag-isa pero hinayaan ko siya dahil iyon rin ang utos ng kanyang ina.
I already expected people to look at me longer than they should. Naintindihan ko dahil bukod sa bagong mukha ako ay talagang halatang ibang-iba ako sa lahat.
I continued chewing my bubble gum after I bid my goodbye to Lili. My eyes scanned the room. There was silence for a moment.
Ang mga mata ng lahat ng nasa silid ay nakatuon sa akin. Tumaas ang isang kilay ko at ginantihan silang lahat ng tingin bago nagsalita na parang pinatawag ko silang lahat para sa importanteng pagpupulong.
"I'm Danary Belcalis Amari De Valentin. I'm new to this school and this place. You can call me never because I'm not here to entertain y'all, but let me know if you want to be friends so I can consider it." I said before finally walking to the last row seat.
Naupo ako sa pinakadulo at gilid na upuan malapit sa bintana. Mas lalong natahimik ang lahat. Ang iba ay pasimple pa rin akong sinusulyapan habang ang iba naman ay natatakot akong tignan. I did not care.
Kinuha ko ang aking salamin at sinipat ang sarili. I fixed my almost black lipstick and then tied my gray balayage hair in a half bun. Pagkatapos no'n ay naghintay na lang ako sa una naming professor.
It was a boring day. Bukod sa ilang mga interaksiyon mostly from the guys, wala nang nagpagana sa buhay ko buong araw. I have four class today. Sa mga bakante ay iginala ko ang sarili sa university. I familiarized myself. Nagbabaka-sakali ring may makasalubong na Cordova pero bigo ako.
I called Orie and told her how boring my day was.
"Hindi ka na ba talaga uuwi? Baka naman kapag ipinangako mo kay Tito na magpapakabait ka na ay pauwiin ka niya kaagad." anito sa kabilang linya na ikina-rolyo ng mga mata ko.
"I'd rather stay in this boring place than beg him that. Besides, I don't think it will be that boring anymore."
"What do you mean?"
Napangisi ako ng maisip na naman ang lalaking iyon.
"Basta. You'll see."
"Ano nga?! You're making me curious, Cali!"
"I'll tell you next time kapag medyo okay na."
"Ang ano?"
"Puta makulit ka?"
"Your mouth talaga!" she said giggling on the other end. Natawa na lang rin ako.
Sanay na si Orie sa bunganga ko. Ang totoo, it's one of the reason why she loves me. She calls me squammy sometimes because of my vulgar mouth, but I did not hate her for that because it's true. I am damn proud to be a wealthy squammy.
"Basta, huwag ka ng makulit. Anyway I got to go. I have homework to do."
"Oh, you do homework now?!" gulat niyang tanong.
"Shut up. Bye!" I cut the line without her saying the same thing.
I actually don't do homework, tama siya. Gumagawa lang ako no'n sa mismong araw na ng pasahan o 'di kaya naman ay kapag sinipag lang, pero iyon lang ang naisip kong excuse para pakawalan niya ako dahil hindi ko naman masabi sa kanya ang totoong gagawin ko.
I logged in to my social media. Hindi pa rin nauubos ang tsismis tungkol sa mga nangyari sa AU at ang eskandalong dala ni Dawn at Brixton pero wala na akong pakialam sa mga hindot na 'yon.
Instead of giving a fuck about them, I typed Achilles Arquin Cordova on the search bar. Nakagat ko kaagad ang aking pang-ibabang labi ng makita ang kanyang profile.
I was impressed by his thousand followers. I have more, but it was impressive knowing that we're on the other side of the world.
I scrolled down his page. May mga shared posts siya galing sa UDB official page. Karamihan ay tungkol sa student council and their projects, but I did not read any of it.
Halos limang minuto lang ay na-bored na ako. I was saving to see his photo albums for last, but it was really a boring profile so I scanned it. Sa profile pictures ako pumunta.
"Hello baby..." nakangisi kong sambit nang mabuksan ang unang litratong naka-public.
It was a candid shot of him while at the beach. Naka-beach shorts siyang sky blue habang may hawak na surf board at malawak ang ngiti sa camera. He looks so good without his glasses on, but damn those abs... Naglaro ang dila sa aking harapang ngipin when I zoomed in the photo. I counted it.
"Six pack," I whispered softly.
Gusto kong matawa sa sarili ko. Hindi naman kasi ako sabik sa mga lalaking may abs dahil talamak iyon sa pinanggalingan ko pero sa pagkakataong ito ay aliw na aliw ako. Na para bang first time kong makakita no'n at gusto ko pang makita ng personal!
I closed it and swiped left. Sa susunod na photo niya ay nakatalikod siya at nakatanaw sa magandang view galing sa itaas ng bundok.
He loves swimming, hiking, what else? May hindi ba siya kayang gawin?
I swiped again, but my smile faded when I got nothing else!
Dalawang picture lang ang naroon?! What a shame! He should upload more photos! Paano naman iyong mga stalker niya?
Nando'n na 'yung kilig eh! Napakadamot ng lalaking 'to! Walang konsiderasyon! Nakakabitin!
Bago tuluyang tantanan ang mga pictures niya ay pinagla-like ko 'yon at isinave pa sa cell phone ko. I even sent him a friend request. Ladladan na at wala na akong pakialam kung i-decline niya. Free naman ang mag-send ulit.
'Kapag crush mo, sunggaban mo.' Iyan ang motto ko na ngayon lang nagamit dahil hindi naman ako nagka-crush ng ganito kahit kanino.
Besides, sa panahon ngayon hindi na uso ang pagiging Maria Clara na iiyak na lang kapag hindi na-crush back. That was so overrated. People are fighting for gender equality. Kung kaya ng lalaking iladlad ang pagkagusto nila sa isang babae, kaya rin ng mga babae 'yon!
I checked his friends but it was private. Binalikan ko ang mga posts niyang kahit shared lang ay maraming likes at comments.
Napairap ako ng makita ang mga comments ng iba't-ibang babae. I clicked the reactions and found his cousins. Hindi ako nahirapan dahil mukhang aktibo naman ang mga ito sa social media lalo na iyong dalawang makulit at approchable na si Nicolaus at Riggwell.
I added all the Cordova's I found. Hindi lang tatlo ang nakita ko. Buong angkan nga yata nila ang nasendan ko ng friend request!
Parang nag-init ang tumbong ko ng makita ang pag-pop up ng isang notification na accepted na raw ang friend request ko pero bahagya ring bumalik sa normal na temperatura ng makitang hindi iyon si Achilles.
I opened the profile. Sa sobrang lutang ko ay hindi ko napansing matanda ang isa kong na-add!
Ellen Claveria Cordova. Siguro ay apo nito ang nasa profile picture pero matanda ang may gamit dahil sa mga tagged photos nito.
Muling bumalik ang tuwa sa aking puso ng makita ang isang family photo na naroon si Achilles at ang kanyang mga pinsan. Tama nga ako, Lola nga nila ang nag-accept sa akin!
Agad akong napaahon sa kama ng makitang nag-wave ito! Parang sinilaban ang mukha ko! What the heck! Anong sasabihin ko?
I started typing back. I hate sending and receiving emoji's, sticker or even reactions, but this Lola was an exemption. She's going to be my future Lola in law so I had to be nice.
Napapailing ako habang ilang beses nang binura ang mga itinipang mensahe.
I started typing, 'Hi po, isa po ako sa mga future kasapi ng pamilya ninyo. Salamat po sa pag-accept.'
'Hi Lola Ellen! Buntis po ako at si Achilles ang ama.'
'Hi Lola! Kailan po pwedeng tumira sa balawarte niyo? I'm your future apo po. Opo.'
But then I was laughing so hard and decided to delete all of them. Baka bigla akong i-block. Minus points kaagad 'yon. I need to be nice to his Lola. Kung hindi niya ako magustuhan, at least my back up na ako kaagad.
Ako:
Hi po! Thank you for accepting my friend request. You're beautiful po. No wonder magaganda at gwapong lalaki po ang mga apo n'yong narito sa Buenavista. Thank you po for spreading your genes. Respect po.
Napapamura ako ng ma-seen niya iyon matapos kong i-sent kaya hindi ko na binawi.
It's the truth. Hindi naman ako nagsisinungaling. Maganda ang Lola Ellen at kahit na matanda na ay hindi pa lumilipas ang kagandahan, mukha ring mabait at approachable. She has this vibe na tingin ko ay pagkakasunduan naming dalawa.
Ellen Claveria Cordova:
You're welcome. Thank you apo.
Nagpagulong-gulong ako sa kama ko dahil doon! Sinasabi ko na nga bang magkakasundo kami! Hindi ko pa man kilala ng lubusan ang mga adonis na galing sa kanya ay ramdam ko nang parte ako ng kanyang pamilya.
Danary Belcalis Amari Cordova. Papapalitan ko na ba ang school I.D ko?
Ako:
Thank you rin po Lola Ellen! Good night po! Beauty rest na po kayo tapos send niyo na rin po ang skin care routine niyo para tumanda rin po akong maganda gaya niyo.
Hindi iyon pambobola kahit na iyon ang dating pero giliw na giliw sa akin ang matanda. Plus points na kaagad! Napangisi ako.
Nagpasalamat ang Lola. Nang tanggapin naman ni Nicolaus ang friend request ko ay nawala na rito ang aking atensiyon.
I messaged him.
Ako:
Hey! Thanks for accepting my friend request! ☺️
Nicolaus:
No problem. Mutual natin ang Lola Ellen ko, mabilis kang trumabaho. I like that.
Ako:
Thanks! Pakisabi na rin pala sa baby ko na i-accept ako para mas matuwa ako.
Nicolaus:
He's studying. Hindi nagpapaistorbo 'yon kapag nag-aaral.
I pouted and smiled at that. Nai-imagine ko na siyang nag-aaral at tuwang tuwa ang puso ko. I've never really had an interest on genius guys, but Archi was paving all the way to my heart!
Ako:
I like to study, too. I-offer mo baka kailangan niya ng study buddy o kahit anong buddy, I'm free.
Nico sent three laughing emojis. In-accept na rin ako ng iba pa niyang pinsan maliban na lang talaga sa kanya. Kahit nga iyong mga bata ay friends ko na. Maybe he's really busy studying.
It's a yes for me talaga!
Nicolaus:
He likes to do it alone.
Ako:
He's boring like that, huh?
Nicolaus:
Don't get your hopes up. Baka masaktan ka.
Ako:
Is he gay?
Nicolaus:
Lol. I wish he was para mas madaling mag-explain sa mga nagkakagusto sa kanya, but no. Hindi lang talaga niya priority ang lumandi.
Ako:
What's his priority?
Nicolaus:
Studying, being the best player in chess, best in class, the best captain ball and a whole lot more.
Ako:
So he doesn't have time to make ligaw?
Nicolaus:
I never saw him got interested in girls. Maraming babae diyan pero ni minsan wala siyang in-entertain.
Ako:
Sorry, kararating ko lang kasi sa lugar na 'to. Hayaan mo, pag-iigihan ko. I'll make you proud Nicolaus. We can be best friends, too. G ka ba?
Nicolaus:
Hahaha! Gagamitin mo lang ako Belcalis!
Ako:
Oh, eh ano naman? Ayaw mo bang lumigaya 'yang boring mong pinsan?
Nicolaus couldn't stop laughing. Hindi ko alam kung tumatawa rin ba siya sa personal o sinasakyan lang ako.
Nicolaus:
You really have the guts, huh?
Ako:
No guts, no glory, bro.
Nicolaus:
Fine. I'll try to steal his phone later to accept your friend request.
Ako:
Can't he do it himself?
Nicolaus:
Sorry to break it to you, pero parang gano'n na nga. I told you he doesn't like entertaining girls lalo na 'yong mga alam niyang may gusto sa kanya.
Nagsalubong ang kilay ko. I wasn't disappointed. I'm more of challenged because of that.
Ako:
Well sorry to break it to you, too, but I'm not like those girls. I'm up for that challenge. Let him accept my friend request himself. Maghihintay ako.
Nicolaus:
You'll wait forever.
Ako:
Magkano pusta mo?
He sent me a laughing GIF this time. Mas lalo akong naging determinado.
Nicolaus:
A bottle of tequila.
Ako:
Three bottles, shoot.
Nicolaus:
Deal.
Hindi nawala ang ngisi ko kahit tapos na ang usapan namin at si Riggwell naman ang kinulit ko. Seidon accepted my friend request, too kahit na mukhang napilitan lang ito. Siguro ay sinabihan lang ng kanyang mga pinsan. Venus was nice. Kahit hindi ko pa siya nakikita ay maayos siyang nag-hi sa akin.
Ang sabi ni Lili ay magkakasama ang mga ito sa iisang bahay na malapit lang sa bayan. Nadaanan na namin iyon noong nakaraan pero hindi ko masyadong napagtuonan ng pansin.
Siguro dahil magkakasama sila ay ako rin ang topic nila ngayon. Mabaliwan na sila pero wala na akong pakialam.
Hawak ko na ang alas, ang kanyang Lola Ellen. Kung ayaw niya akong i-accept ay ang matanda na lang muna ang liligawan ko.
Lumawak ang ngisi ko bago ko pa tuluyang bitiwan ang aking telepono dahil sa isa pang notification... Ang pag-accept sa akin ng kanyang butihing ina, my future mother in law, Adalira Judith Santistevan Cordova.
~~~~~~~~~~~~
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂
—
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro