CHAPTER 3
Chapter Three
Buenavista
I am wasted. My body was numb from alcohol, mj, pain, anger and fucking disappointment.
Nanlalata kong inangat ang hawak kong bote ng tequila. Orie was passed out on the lounger. Hindi ko na alam kung ilang oras siyang humihilik doon.
Pagkatapos naming umalis sa bahay ni Brix ay dumiretso kami rito sa kanila. Good thing her parents were currently out of the country. That gave us an opportunity to get more wasted... or should I say, get myself more hammered.
Matapos kong kunin ang ilang mga bote ng alak ng Daddy niya ay naabutan ko na siyang tulog. Hindi na kinaya ang kalasingan sa party pa lang. Imbes na huminto at yayain na lang siyang matulog ay nagpatuloy ang walwal ko.
I let her sleep while I silently chug the bottles of expensive tequila.
My phone was blowing up. Siguro dahil sa mga nangyari sa party kanina o 'di kaya naman ay galing na sa pamilya ko ang mga mensahe. Maybe they knew that I was missing.
Mapait akong napangiti. Bumuntong-hininga at pagod na ipinikit ang mga mata.
Nakakapagod rin pala ang ganito. I've never felt this way. Parang ilang milya ang tinakbo ko para mapagod ng ganito hindi lang ang katawan ko, maging ang utak at puso ko rin. I don't want to fight anyone now. I don't want to resist anymore. I just want to let myself feel tired.
Bago ko pa muling iangat ang alak ay nakita ko na ang pagkukumahog ng mga kasambahay nila Orie palapit sa amin.
I already knew what's up. Bago pa ako makatayo ay nakita ko na ang kapatid kong malaki ang mga hakbang palapit sa akin kasama ang aking mga useless bodyguards.
Muli akong napabuntong hininga pagkatapos ay tuluyan nang binitiwan ang hawak kong bote. Agad nagising si Orie sa tapik ng kanyang yaya.
"Belcalis!" umugong ang baritonong boses ni Kuya Sage.
Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata na handa akong tupukin ngayon dahil sa pagtakas ko.
Kung wala nga lang ang mga kasambahay at ang kaibigan ko ay baka siya na mismo ang kumaladkad sa akin paalis sa bahay na iyon.
It's almost sunrise. Marami siyang sinabi sa galit na boses pero wala na akong gusto pang intindihin. Mabilis kong itinaas ang dalawa kong kamay at sumusuko na sa lahat.
"You don't have to force me to go home. Uuwi ako, Kuya."
Nahinto siya, the disappointment in his eyes were still visible. Napayuko ako. There's nothing I can do to get him on my side. Sa pagkakataong ito ay talagang nawalan na ako ng kakampi at naiintindihan ko naman.
Inilahad ko nang magkadikit ang aking mga kamay sa harapan niya. That stopped him from talking again.
"Cuff me or whatever. Do whatever you want. I don't fucking care anymore."
Isang mahabang buntong hininga ang kumawala sa kanyang bibig at agad na hinawakan ang aking palapulsuhan.
Isang tango lang ang iginawad niya sa kaibigan ko. Nagpasalamat naman siya sa mga kasambahay bago kami tuluyang lumayo.
I did not even had a chance to say goodbye to Orie. Totoong nawalan na ako ng pakialam sa lahat. Siguro ay dahil sa alak at lahat ng mga nangyari, pero baka rin gusto ko na lang talagang sumuko ngayon. I don't want to fight now. Gusto ko na lang magpahinga. I'm tired. I'm just so damn tired...
Daddy scolded me as usual. I smell like alcohol and cigarette and that made him so mad.
"You're leaving now, Belcalis! Ngayong araw rin ay pupunta ka na sa Buenavista at doon mo itutuloy ang pag-aaral mo!" his voice thundered on the four corners of his office.
Tulala ako. Papikit-pikit, inaantok, pagod.
"Nakahanda na ang mga gamit mo. Bibigyan kita ng isang oras para ayusin ang sarili mo dahil ngayon rin ay aalis ka na sa lugar na ito!"
Hindi na ako nagsalita pa. Ni hindi ko nagawang pumalag. Sa pagtango ko ay bahagya siyang natigil, hindi iyon kailanman inasahan.
Lutang akong tumayo at parang robot na naglakad palabas sa kanyang opisina. Ilang beses niya pang inulit ang mga sinabi pero hindi ko na siya nilingon.
Pumanhik ako sa aking kwarto pero imbes na mag-ayos ay ibinagsak ko lang ang katawan ko sa aking kama. Pumikit ako dahil umiikot na ang mundo ko.
I had a quick nap. Pagbukas ko ng mga mata ko ay naroon na ang mga kasambahay at kinukuha na ang mga maleta kong hindi ko na alam kung paano nila naihanda.
I did not care. Ni hindi ko nagawang maghilamos o toothbrush man lang. Tanging ang nagawa ko para sa sarili ay magsuot ng jacket, kumuha ng sunglasses at itago ang mukha sa hood na suot. Nanlalata kong niyakap ang isang throw pillow na nadaanan ko sa living room at dinala iyon hanggang sa sasakyan.
Pagpasok pa lang ay nahiga kaagad ako. Hindi na inintindi pa ang mga kapatid ko at si Daddy na marami pa ring mga sinasabi at minamando sa kanyang mga tauhan.
I have a convoy. Bukod sa dalawang bodyguard at driver na nasa sasakyang kinaroroonan ko, mayroon pang tatlo sa nakabuntot na sasakyan.
I didn't know how long we were on the road. Sa pagdilat ng mga mata ko ay nasa daan pa rin kami pero wala na ang mga establisyimento. We're in another town. Ilang beses akong tinanong ng driver kung gusto kong mag-stop over pero imbes na sagutin ay itinulog ko lang ang buong biyahe.
Nagising ako ng marahan akong tapikin ng kung sino. Nakangiwi kong sinapo ang aking ulo dahil pakiramdam ko ay ilang bote ng hollow blocks ang kasalukuyang nakapatong doon.
"Miss Belcalis, narito na po kayo sa Buenavista." narinig kong boses ng babae ang nagsalita.
Pinakiramdaman ko ang paligid. Hindi na gumagalaw ang sasakyan.
Wait, where is this place again? Parang gusto kong matawa dahil hindi ko lubos maisip kung nasaan na ako. I haven't been to this place. Ni hindi ko nga alam na may lugar na ganito. I've only lived my entire life in Manila and I had no idea where in the world I am.
Pinilit kong tumayo at buksan ang mga mata. Inangat ko ang aking salamin at nakitang hapon na. Bumaba na ang araw at mukhang ilang minuto na lang ay didilim na.
Iginala ko ang mga mata sa aking paligid unang-una sa babaeng nasa harapan ko. She's wearing a proper white maid's uniform. May edad na at mas matanda lang siguro ng kaunti ang Lolo ko sa side ni Mommy.
Lumabas ako ng sasakyan. Doon ay napansin ko ang dalawa pang kasambahay na kinukuha ang mga gamit ko sa kabilang sasakyan. Niyakap ko ang throw pillow at pumihit para suriin ang paligid.
In front of me was a two storey house. It was big, but it wasn't as big as my father's house in Manila. Malawak ang daan sa pinanggalingan namin. Puro matatayog na puno ang nasa magkabilang hilera ng kalsadang simentado. Walang mga katabing bahay at tahimik.
Napapikit ako ng marinig ang sabay-sabay na pag-atungal ng mga kambing sa hindi kalayuan.
Right. I'm really on the other side of the world! Pilit na hinanap ng mga mata ko ang mga hayop pero wala akong nakita.
"Halina kayo. Nagluto at nakahanda na ang pagkain. Tiyak na gutom ka na."
Napaatras ako ng makita ang akma niyang paghawak sa akin. Agad siyang nagpaumanhin.
"Ako nga pala si Lita, ako ang namamahala sa bahay na ito ng Heneral," itinuro niya ang kanyang mga kasama. "Iyon si Lilibeth at Lisa, mga anak ko sila at kami ang magsisilbi sa iyo rito, Miss Belcalis."
"Cali na lang." I cut her off. Agad siyang tumango at ngumiti ng mas malawak.
Ibinalik ko ang aking salamin sa mata. I don't have time for formal introduction. I just want to sleep now because my head is fucking killing me!
"Okay, Cali. Halika na pumasok na tayo sa loob."
Nagpatianod ako sa kanya. Sa malaking puting pintuan kami pumasok. The house was newly painted. Hindi bago pero mukhang inayos para sa pagdating ko. Ang mga bintana at ilang detalye ay puti at ang kabuuan ay kulay bluish gray naman ang kulay. It was my father's favorite color, but I still didn't expect him to have a house on the country side. He never mentioned it.
Kung sabagay, ni minsan naman ay wala kaming matinong pag-uusap. Saka lang kami nagkakaharap kapag papagalitan na niya ako pagkatapos ng mga nagawa kong kasalanan.
Ipinilig ko ang ulo at nagpatuloy sa pagsunod kay Lita. She talked non-stop, it made my head hurt more. Her daughters' greeted me and I just responded with a nod. Maraming sinabi si Lita pero wala akong masyadong nakuha.
Nagkaroon lang ako ng kaunting interest nang makita ang malalaking painting sa loob ng bahay. Most of the frames were my great-great-grandparents. May painting rin ni Daddy pero bukod doon ay wala na. I saw some of photos on the fireplace.
Sa living roon ay mayroong magarbong chandelier na nakasabit sa mataas na ceiling. Maraming mga buhay na buhay na halaman sa bawat sulok at isang malaking puting bookshelf. The curtains were sky blue and white.
Nawala ang tingin ko ng maglakad pasunod kay Lita patungo sa dining area. Sa loob no'n ay mayroong mahabang lamesang may labing dalawang upuan. Maraming pagkaing nakahain pero imbes na punan ang tiyan ay pinigilan ko na si Lita sa pagsasalita.
"Can you just point me to my room so I can rest now?"
Natigil siya sa pagsasalita. Maging ang kanyang ngiti ay bahagyang napawi sa narinig.
"Hindi ka ba nagugutom? Ang sabi ng driver ay hindi kayo nag-stop over man lang?"
"I'm not hungry. I just want to sleep now. I have hangover so please?"
Madali siyang tumango kahit na gusto iyong tutulan.
"Lilibeth, Lisa, ayusin niyo na lang muna ang mga pagkain. Ihahatid ko lang si Cali sa kanyang kwarto."
Tumango ang dalawa. Muling nag-bow sa akin. Tinalikuran ko sila at sinundan si Lita pabalik sa grand staircase patungo sa itaas.
"How many rooms are there in this house?"
"Bali apat ang kwarto rito sa itaas at lahat ay may kanya-kanyang sariling banyo. Sa ibaba naman ay mayroong dalawang guest room at ang maids quarter."
It's a big house. Akala ko ay maliit lang.
"My father lived here?"
Bumagal ang lakad niya sa hagdan at sinulyapan ako. Kahit na mukhang nagtataka dahil wala akong alam sa lugar na ito at sa aking ama ay sinagot pa rin niya ang aking mga katanungan.
"Dito lumaki ang Daddy mo. Ang Don Anthonius III ang orihinal na nagmamay-ari ng bahay at malawak na lupaing kinatitirikan nito," tukoy niya sa great-great grandfather ko.
"Ipinama naman ito sa Papa ng iyong Daddy at nang mamatay ay ibinigay naman kay Heneral Arnulfo. Ang Lola mo naman kasi ay ayaw mamalagi rito palibhasa ay nalulungkot na mag-isa."
Right. I still have a grandmother on my father's side, but she's currently in Greece and we really didn't have a communication so I know nothing about her, too.
Lumiko kami sa kanan at tinumbok ang pinaka-malaking kwartong naroon. Sinusian niya at malawak na binuksan.
Kahit paano ay napangiti ako ng makita ang malaking kamang lahat ay kulay baby pink. Sa lahat yata ay ito lang ang silid na naiba ng kulay. The curtains were baby pink, too. I find it cute and welcoming kahit na hindi ko masyadong trip ang kulay na iyon.
"Ito ang masters bedroom. Mayroong walk in closet at ang lahat ng kailangan mo ay narito na. Kung may kulang pa ay tawagin mo lang ang sino sa amin. Kaming tatlo ng mga anak ko ang makakasama mo rito, Cali. Maligayang pagdating. Masaya kaming magkaroon ulit ng De Valentin sa bahay na ito."
Pinilit kong ngumiti. Marami pa akong gustong itanong at malaman pero nang maalala kong mukhang habang buhay na rin naman akong narito at maraming oras na itanong sa kanya ang lahat ay nagpasalamat at nagpaalam na lang ako sa kanya.
Nang makita ang aking mga gamit ay dumiretso na ako sa banyo at nag-ayos.
Madilim na ng matapos ako. Kumuha ako ng tubig sa mini fridge at inubos iyon. Gustohin ko mang lagyan ng laman ang aking tiyan ay wala pa rin akong gana.
Tamad kong dinukot ang aking telepono sa suot kong pantalon kanina. Nakita ko ang ilang missed calls ni Kuya Sage. Pumunta ako sa vanity mirror at doon tinuyo ang aking buhok. Sa pagtunog ulit ay sinagot ko na.
"Are you home?" tanong niyang kalmado na ngayon.
Kung nasa harapan ko siya ay alam kong wala nang galit rito. Wala sa sariling napangiti ako kahit paano.
"Yes, Kuya."
Napabuntong hininga siya ng maluwag, tila nabunutan kahit paano ng tinik sa dibdib.
"Good. How was the trip? Did you eat anything? It's almost dinner."
I chuckled at that. I know he missed me. Sa kabila ng mga galit at disappointments niya sa akin ay alam kong ito lang ang totoong nagmamahal sa akin kahit sawa na rin and I appreciate him for that.
"Baka bukas na. I'm going to sleep now. I'm tired."
"Okay. Call me when you need something."
"Okay. Bye—"
"Cali."
"Hmm?"
Nawala sandali ang ingay sa kanyang linya, hindi kaagad nakapagsalita. It was as if he was having a hard time talking to me. Na para bang hindi malaman kung gusto niya akong pabalikin o ano, hindi ko na alam.
"Nothing. Call me, alright?"
"Sure. Bye."
I cut the line. Ibinaba ko ang aking telepono. Ilang minuto pang tinuyo ang buhok at pagkatapos ay pumunta na sa kama upang magpahinga.
I'm still tired. Kahit na pilit kong tinatakbuhan ang mga nangyari ilang oras lang ang nakalipas ay parang hinahapo ako sa pagbabalik tanaw. Kahit na may tama ng alak pa rin sa sistema ko ay malinaw pa rin sa akin ang lahat ng mga nangyari.
Napalingon ako sa aking telepono. Malapit na iyong ma-low batt sa dami ng texts and calls lalo na sigurado galing kay Brix kahit na pinatay ko na ang telepono niya, pero wala akong binasa kahit isa.
I'm still too tired to give a shit. At kahit naman sagutin ko, ano pang mapapala ko? I'm already on the other side of the country. Kahit gusto ko pang sungalngalin ang ngala-ngala niya ay hindi ko na siya maaabot.
It's all pointless now and I don't want to waste my energy on people who will never do me good. Sa ngayon ay gusto ko na lang matulog at kahit paano ay kalimutan ang lahat. Iyon na lang muna.
~~~~~~~~~~~~
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂
—
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro