Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 25

Chapter Twenty-Five

That's What I like

"Of course, I'll accompany you." sagot ni Achilles sa kabilang linya ilang linggo pagkatapos ng hiking namin.

"Are you sure? Hindi ka busy?"

"I'll make time. I'm happy to hear that. Sasamahan kita."

"Oh, kalma! Nai-in love ka na naman, eh!" parehas kaming natawa dahil sa sinabi ko.

"You're really fond of children, huh?"

Wala sa sariling tumango ako sa screen. Sa pagbaba kasi namin sa Mt. Padayon ay may mga nadaanan kaming tatlong batang magkakapatid na pababa rin. Ang sabi ay mga ulila na sila at pupunta sa kapatagan upang manghingi, mamalimos ng pagkain.

Ang mga tour guide ay kilala na ang mga bata. Ang sabi ay nasunog ang tinitirhan ng mga ito at nasawi ang kanilang mga magulang. Wala ring mga kamag-anak ang mga ito sa malapit at dahil walang makukuhaan ng pagkain sa bundok ay bumababa ang mga ito para mamalimos.

Dalagita ang panganay at bitbit nito ang wala pang isang taon na bunsong kapatid habang hatak naman sa isang kamay ang isa pa. Nang makita ko ang mga ito ay hindi ko na nagawang pigilan ang sarili kong akayin ang dalawang taong gulang na kapatid na wala pang suot na tsinelas.

Everyone was shocked because of what I did. Lalo na si Evelyn na parang biglang lumiit ang tingin lalo sa akin dahil sa madungis na batang karga ko. Kahit na wala naman akong obligasyon sa mga ito ay hindi ko na inalis ang atensiyon sa kanila.

I interviewed Lesly while I carried his brother Luke down the mountain. Kakaunti na lang ang tubig namin at tiniis ko ang uhaw para ibigay sa kanila ang tubig kong natitira, tuluyan nang nawalan ng pakialam kay Eve at sa lahat.

Archi helped me after he realized my intentions. Kahit na marami siyang dala ay ito na ang umakay sa bata pababa para hindi ako mahirapan. Kapag kasi pinapababa nila Eve ay parang napupunit ang puso ko lalo na't nakayapak lang ito kaya hindi ko talaga binitiwan. I'm glad to accept his help. I honestly admired him more because of that.

Ngayong araw, matapos kong matanggap ang aking allowance ay gusto kong kausapin ang nag-iisang orphanage sa lugar para sa mga bata. They needed help and I have the means so I did not hesitate doing it.

"Hindi ba dapat normal na lang iyon lalo na sa kalagayan nila?" I answered him.

"You have a point, pero hindi gaya mong mag-isip ang lahat. May mga taong hanggang awa lang pero wala namang ginagawang pagtulong kahit na mayroon silang kakayanan."

Hindi ko naiwasang malungkot doon. He was right. Some people are just selfish. Eve for example. I'm not hating her because she likes Achilles, but because her actions was needed to be addressed.

Tandang-tanda ko pa kung paano niya ako pandirihan lalo na't nadumihan ang damit ko dahil sa madungis na si Luke. I insisted our group to stopped by the river. Kahit paano ay nakapaglinis ang magkakapatid.

Pagkatapos ng klase ay doon kaagad kami dumiretso ni Achilles. Nanatiling convoy lang ang mga tauhan ni Daddy.

Nagpapasalamat akong sinamahan niya ako at sinabi ko sa kanya ang plano kahit na balak ko na lang sana iyong sarilinin dahil alam kong mahirap rin talaga iyong paniwalaan pagdating sa akin. Bukod sa perang dala ko, nakatulong rin ang presensiya niya para mapabilis ang lahat. The orphanage even promised us to expect action as soon as possible. Nagpresinta ang mga itong sila na ang susundo sa magkakapatid upang kupkupin.

"Sabihin mo na lang na nag-date tayo. Basta don't tell anyone about this." sabi ko sabay kagat sa hawak na burger.

Sa orphanage kami nagtagal kanina. I checked the facility. Maraming bata roon dahil iyon lang ang nag-iisang bahay ampunan sa lugar at talagang maging ang mga karatig lugar ay sa kanila rin umaasa. Wala na ngang space pero dahil sa pera ay hindi naging madali at maayos ang lahat. They already got in touch with the local government before we left the place.

"Why?"

Nagkibit ako ng balikat. Itinuon ang mga mata sa nag-i-skateboard sa park na kinaroroonan namin.

"Ayaw ko lang. Hindi ako komportable at saka hindi naman importante. Okay ng tayo lang ang nakakaalam. I don't want to make a big deal out of it."

"But what you did is a big deal,"

Napanguso ako at sinimangutan siya. He wanted to let his cousins know about what I did, but I did not stop convincing him not to. Intindi kong masaya lang siya sa mga ginagawa ko at gusto iyong ipagmalaki pero hindi ko talaga gusto.

"Ayaw ko nga. Huwag mo nang sabihin."

Napangiti siya at sa huli ay wala nang nagawa kundi ang tumango. "Fine. I'm proud of what you did, Cali."

"Kaya mo ako nilibre ng burger, fries at mcfloat?"

He nodded. "And because I know you're hungry."

Ako naman ang nangiti at hindi na nagsalita dahil totoong nagutom ako sa mahabang usapan at paglilibot sa lugar na iyon dagdagan pa ng pagod sa klase buong araw. I bet he's tired, too.

Hindi na ako nagpahatid sa kanya pauwi. Marami pa siyang gagawin at ayaw ko nang makaistorbo kaya sa driver ako nagpahatid.

Gaya ng routine namin, pagkauwi ay nakabukas ang aming mga telepono at ka-video call ang isa't-isa. We both did our homework. Pagkatapos ay tinulungan ko siyang mag-review.

Prente siyang nakasandal sa headboard. Hawak ang makapal na librong nakasara at nananatiling suot ang salamin. He was wearing a simple white t-shirt. Medyo magulo ang buhok, pero nananatiling gwapo sa aking paningin.

"ACL."

"Anterior cruciate ligament. ACL injuries are one of the most common ligament injuries to the knee. The ACL can be sprained or completely torn from trauma and or degeneration." he answered.

Nag-isip pa ako ng mga nabasa ko kanina sa notes niya. "ADR." I fired again.

"Adverse drug reaction. ADR is a harmful reaction to a medicine given at the correct dose. The reaction can start soon after you take the medicine, or up to 2 weeks after you stop."

"Symptoms."

"Mild symptoms include red, itchy, flaky, or swollen skin. Severe symptoms include skin that blisters or peels, vision problems, and severe swelling or itching. Anaphylaxis symptoms include throat tightness, trouble breathing, tingling, dizziness, and wheezing."

"Treatment."

"Antihistamines to decrease mild symptoms such as itching or a rash. Epinephrine to treat severe allergic reactions such as anaphylaxis and steroids to reduce inflammation."

Napangisi ako bago muling bumato ng tanong.

"AIDS?"

"Acquired immune deficiency syndrome, a chronic, potentially life-threatening condition caused by the human immunodeficiency virus or HIV."

It was one of the basic question that I fired. Bored niya iyong sinagot pero hindi ko tinigilan.

"Causes?"

"AIDS is caused by HIV. It can be transmitted through certain bodily fluids, intercourse, through blood contact or from the mother to child during pregnancy, childbirth or breast-feeding."

"And?"

Nagdikit ang kanyang mga kilay sa pagkalito.

"You forgot something."

"I did?" naguguluhan niyang tanong.

Tumango-tango ako. "Kalandian. Mas malaki ang tiyansang makuha mo 'yon depende sa taglay mong landi. If you have a lot of sexual partners and unprotected kayong magtalik, then you'll have a great chance of catching the disease."

Napakamot siya sa ulo dahil sa sinabi ko. "Right," he agreed. "Kalandian, noted."

Mas lumawak ang ngisi ko nang ulitin niya. Giliw na giliw na naman ako sa mga kalokohan.

"Idagdag mo sa notes mo. Do not be malandi. Always practice protected sex," natatawa niyang inabot ang kanyang ball pen at binder para pagbigyan ako.

"Wait!" Lito niyang ibinalik ang titig sa akin. "Just write, 'only practice sex with Danary Belcalis Amari De Valentin. Do not have sex with anyone'."

He did not move. Natatawa't naiiling lang nitong kinagat ang ulo ng kanyang ball pen.

"Write it, Achilles!" napapaahon sa kama kong utos dahil tinatawanan niya lang ako.

Muli siyang umiling pero sa huli ay wala na rin nagawa kundi ang sundin ang utos ko. Nagpatuloy kami sa pagre-review hanggang sa abutan ako ng antok. He let me sleep again while he continued reading his notes. Sanay na kaming dalawa roon.

Sa panibagong buwan ay muli kaming naging abala. I continued paying attention to class. I continued acing each subjects and that made him happy. Maging ang mga kapatid ko ay totoong naging masaya. Daddy even accepted my request about giving me more allowance. Walang tanong niyang dinagdagan ang pera ko dahil talagang nakita niya rin ang pagbabago sa akin.

Ang totoo ay hindi ko naman talaga kailangan ng pera dahil kompleto naman ako sa lahat,  pero dahil gusto kong suportahan ang kabuuan ng orphanage ay doon ko ibinibigay ang halos lahat ng buwanang allowance ko.

"H-hindi nga?" si Svetlana habang nasa cafeteria kami.

"Oo nga. Bakit gulat na gulat ka namang magpapalibre ako sa 'yo ngayon?"

Mabilis siyang umiling. "N-nothing. Naninibago lang. Ayaw mong nililibre kita, alam ko 'yon."

"Well, ngayon gusto ko na kaya ilibre mo ako!" hinila ko siya papasok doon.

Nasa klase pa ang mga Cordova at kaming dalawa ang bakante kaya swerte ko pa rin.

"Ano ba? Bakit ba ganyan ka kung makatingin! Masama bang magpalibre ang mayaman sa mayaman?"

Agad siyang nagkibit ng balikat. "Hindi nga lang ako sanay."

"May pinag-iipunan nga kasi ako."

Nangunot ang kanyang noo. "Ano naman? Kotse?"

Umiling ako. "Bag? Birkin? Something like that?"

Muli ko siyang nairapan ng wala sa oras.

"Kailan ba ako bumili ng birkin, Lana? Ang daming mas kailangang gastusang may katuturang bagay. Isa pa, alam mong hindi ako mahilig sa mga luho. And no, it's not a car. Marami na kaming kotse at hindi ko 'yon pag-iipunan."

"Right," mas lalong nagdikit ang mga kilay niya habang nakapila kami sa cashier. "Eh ano nga? Parang napakaimportante. Regalo ba kay Archi?"

"Nah, he hates recieving expensive gifts and besides, ako na ang pinakamahal niyang makukuhang regalo galing kay Lord kaya hindi na kailangan. Huwag ka na lang magtanong. Ayaw mo ba akong ilibre?!" tumaas ang isang kilay ko.

"Of course not! Gusto ko."

"Gusto naman pala ang dami pang tanong!"

Natawa siya at inilingan ako. Nagpasalamat na lang akong hindi na ito nangulit. That's what I like about my relationship with Svetlana. Kapag ayaw ko ay hindi siya namimilit at gano'n rin ako sa kanya. We respect each other kahit na minsan ay natatapunan ko talaga siya ng talas ng dila ko. Good thing she was never offended of me. Parang kahit na takot ang lahat sa akin ay kampante siya't hindi kailanman mararamdaman iyon. It was also one of the main reason why I sticked with her.

Kung ano ang pagtanggap ko sa kanya ay doble ang ginagawa niya sa akin. She respected and supported all my decisions, too and there wasn't a time that she was intimidated of me when we already became friends. She was comfortable with my presence and I am with hers, too. Gusto ko rin ang humor and insights niya about sa buhay. She's an artist and her mind were filled with colorful thoughts. Doon pa lang ay alam ko na kung bakit mahal na mahal ito ni Seidon.

Pagkatapos naming kumain ay wala ang professor ko sa next class kaya nagpauwi na lang ng homework. Sakto namang vacant ni Achilles kaya sinamahan ko siya sa rooftop.

As usual, hindi nito mabitiwan ang mga hawak na notes. Hinayaan ko lang. Ginawa ko roon ang mga dapat gawin para bukas. Wala kaming imikan.

Nang matapos ako ay saka ko lang napansin ang pagdidikit ng kanyang kilay at ilang beses na pagmasahe sa kanyang batok na parang stress na stress sa buhay.

"Are you okay? You need help? Tapos na ako sa 'kin."

Bahagyang nawala ang pangungunot ng kanyang noo nang tapunan ako ng tingin.

"I'm fine."

"You don't look fine," giit ko. "Let me see."

Hinayaan niya akong kunin at istorbohin siya pero mukhang kuha niya naman na ang lahat ng kailangang gawin. He heave sigh when I shifted my gaze back at him. Ang kilay ko naman ang nagdikit ng makitang gano'n pa rin ang hitsura niya.

Ibinaba ko ang kanyang mga gamit at agad na inilagay ang mga daliri sa kanyang noo upang tanggalin ang pagkalukot no'n.

"Kung ano man ang dahilan nito, stop okay? Oo gwapo ka kahit nakabusangot ang mukha, pero mas gwapo ka kapag hindi!"

Tinamisan ko ang aking ngiti matapos plantsahin ang kanyang noo. Nakahinga ako ng maluwag nang sumilay na rin ang kanyang ngiti.

"It's not the reason why I'm being stressed," aniya sabay sulyap ng mabilis sa mga gamit. "It's the dance crew."

"Oh," my lips remained parted at that.

I almost forgot that apart from being successful at volleyball, chess and his acads, he was also a dancer!

Parang gusto kong mabaliwan ng maisip na ni minsan ay hindi ko pa pala ito nakikitang sumayaw! Sa tuwing may practice kasi sila ay busy ako sa school o 'di kaya naman ay maraming ginagawa at ni minsan talaga ay hindi ko pa nakita. Bigla akong na-excite sa parteng iyon.

"Bakit? Anong problema?"

Niligpit niya ang mga gamit. "I need to choreograph some freestyle for the upcoming dance competition. I still haven't got any."

I was speechless for a moment. Wala akong maisip dahil wala rin naman akong maiaambag. Sa lahat kasi ng talent na ibinigay ng Diyos ay tulog yata ako o 'di kaya naman ay nagmamaldita.

"Wala akong maitutulong, I'm sorry."

Umiling siya. Akmang yuyuko na ako nang magsalita siya ulit.

"What song do you think I should dance? I'm thinking of something chill and sexy."

Agad akong napalunok nang marinig ang salitang sexy. Sinasabi niya pa lang ay hindi na maatim ng utak ko ang pag-iisip. Imagining him dancing sexily is already making me salivate! Shit!

"Hmm, this is still hip hop, right?"

"Yeah."

"Chill and sexy..." kinuha ko ang aking cell phone. I browse some of my RNB playlist.

"How about Usher?"

"Nah, too calm."

"Chris brown?"

He shook his head again.

"Bruno Mars?"

Bahagyang naningkit ang mga mata niya. Inilapit ko ang aking katawan sa kanya, sinalubong niya ako. I played that's what I like, one of my favorite song. Sa pagpasok pa lang ng beat ay nakita ko na ang kanyang pagngiti.

"You like it?"

His lips curved a smile. "Yeah. You?"

Tumango-tango ako. "It's one of my favorite."

Tumagal ang titig niya sa akin dahil doon. Naghinang ang aming mga mata. Pinigilan kong maging marupok nang makita ang pagbasa ng dila niya sa kanyang pang-ibabang labi, mas lalo iyong namula.

"Alright, that's what I like then," he said before he stood up. Napatingala ako ng wala sa oras dahil sa ginawa niyang pagtayo.

"Aalis na tayo?" nalilito kong tanong habang sinusundan siya ng tingin.

"Uh, no..." napakamot siya sa kanyang ulo. Nag-aalinlangan sa kung anong susunod na sasabihin. Mas idiniin ko ang titig na naghahanap ng tanong sa kanya.

"Uh, can you watch me create the steps? With that song? Okay lang ba?"

Doon na ako napapihit ng pagkakaupo upang harapin siya.

"Are you kidding me?! It will be my pleasure, baby!"

My words did not help him, namula na siya. I chuckled.

"Ako na ang DJ! Sabihin mo kung ready ka na. Tignan nga natin!" malawak ang ngisi kong pagpapatuloy.

Tumango siya at umayos ng tayo sa aking harapan. I replayed the song. Nilakasan ko ang volume. Nag-iisip siya, may pag-aalinlangan pa rin. Para bang sa unang pagkakataon sa tanang buhay niya ay kinakabahan siya ngayon sa gagawin.

Tinanggal niya ang kanyang salamin at inabot sa akin.

"Game?"

He nodded. Pumihit siya nang mag-thumbs up ako. Akala ko ay mahihirapan siya pero nang muling bumagsak ang ritmo ng kanta kasabay ng muli niyang pagdilat at pagtitig sa akin ay tila nakabuo na siya kaagad ng steps!

Napanganga ako sa kanyang pagsisimula. His moves were calm and so pleasing in the eyes. Sa bawat pilantik ng mga kamay niya sa ere ay awtomatikong tumatalbog ang puso ko. He continued doing a clean routine.

Hindi ko na napigilan ang pagsapo sa aking dibdib nang sa paglaon ay mabilis na ring gumagalaw ang kanyang buong katawan. Seryoso niya iyong ginawa na parang nasa totoong kompetisyon na at hindi na lang ako ang audience.

He was so lost dancing in front of me. Sa bawat pagkakataong nagtatama at tumatagal ang kanyang mga mata sa akin ay naghuhuramentado ang puso ko. My heart pounded so much more when the chorus began playing.

'Gold jewelry shining so bright. Strawberry champagne on ice. Lucky for you, that's what I like, that's what I like. Lucky for you, that's what I like, that's what I like.'

Para na akong natunaw nang sa pag-ikot niya't pagpihit pabalik sa akin ay pilyo siyang ngumisi kasabay ng pag-ikot ng kanyang balakang. He licks his bottom lip as he began dancing sexily.

'Sex by the fire at night. Silk sheets and diamonds all white. Lucky for you, that's what I like, that's what I like. Lucky for you, that's what I like, that's what I like.'

Marahas akong napalunok sa agarang pagbaba niya sa sahig at paggiling ng dalawang beses doon kasabay ng lyrics na 'sex'. Sa pag-ahon niya ay para na akong literal na aatakihin sa puso lalo na't nakangiti na siya ngayon at titig na titig pa rin sa akin habang nagpapatuloy!

His moves were on point. Matalas at malinis ang bawat kibot at giling ng kanyang katawan. He was enjoying and feeling the music. Wala akong nakitang mali at kung ako lang ang huhusga sa kompetisyong sasalihan nila ay ipapanalo ko talaga! I mean, god damn he was just perfect!

Parang gusto ko na lang maiyak habang patuloy na namamangha sa kanya. Agad kong itinikom ang aking bibig upang hindi matuloy ang pagtuloy ng laway ko. Tuluyan na akong nabaliw habang patuloy siyang pinapanuod na sumayaw at gumiling sa aking harapan.

I didn't know my heart could fall harder... but it fucking did.

~~~~~~~~~~~~

This story is already completed. You can now read the full version on www.patreon.com/cengcrdva or VIP group as this will not be updated here anymore.
Just message our FB page Ceng Crdva with 132k followers for full details.
Thank you!
🍀

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro