
CHAPTER 24
Chapter Twenty-Four
Perfect
My pulse continued raising. Mabuti na nga lang at wala naman kaming history ng sakit sa puso dahil kung mayroon ay baka inatake na ako at namatay doon.
Nang matapos ang mahabang kwentuhan at lumalim na ang gabi ay nagpasya nang magpahinga ang lahat.
Hinatid ako ni Achilles sa aking tent. I am okay with sleeping alone. Walang problema doon, pero nang akmang aalis na siya para pumunta sa sariling tent ay hindi ko napigilan ang sariling hawakan ang kanyang kamay at pigilan.
"M-Matutulog ka na ba?"
Natigil siya't napapihit pabalik sa harapan ko.
"Maaga pa tayo bukas. If you want to see the sunrise, matulog ka na ngayon para hindi ka mapuyat."
Tumango ako pero hindi pa rin nagawang bitiwan ang kanyang kamay.
"D-Doon ka talaga matutulog?" I asked the obvious question. Nagdikit ang mga kilay niya. "Uh, I mean, baka gusto mong dito na lang matulog?"
"Cali–"
"Promise hindi kita pagsasamantalahan!" agad kong itinaas ang mga kamay ko. "Ang tahimik kasi tsaka first time ko kung sakaling matulog ng mag-isa sa tent at sa ibabaw pa ng bundok."
"Gusto mo palipatin ko si Angel?"
"Ayaw mo bang ikaw na lang?"
I see him swallowed hard at that, "I... Uh..."
"I won't bite, Archi. I-I mean, hindi pa..."
Napangisi ako at agad na nag-peace sign dahil sa mga sinabi. Napakamot siya sa kanyang kilay.
"I'll behave. Gusto ko lang ng may kasama pero kung ayaw mo, okay lang."
"Alright," he said.
Bumagsak ang balikat ko sa naging sagot niya. Nang umatras siya ay wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob matapos mag goodnight, pero hindi pa man ako nakakaayos sa loob ay muli ko nang narinig ang mga yapak niya pabalik!
Nagkukumahog kong hinawi ang pintuan ng tent. Yumuko siya at ipinakita ang mga dalang gamit.
"Kinuha ko lang. Are you sure you want me there?"
Nilawakan ko ang pinto para papasukin siya.
"One million percent sure."
Wala sa plano ang lahat. Ang totoo ay ayaw ko rin siyang narito dahil nababaliw ang puso ko, pero hindi pa ako inaantok at baka mas lalo akong mabuang kapag tumulala ako buong magdamag. I don't think I'll have the energy for tomorrow's long journey if that happens.
Matagal kaming nagpakiramdaman. His tent has windows. Ito pa nga ang pinakamalaki sa lahat ng tent na dala namin dahil gusto niya na maging komportable ako. Sakto lang sa height niya ang tent. It was really his.
"Matutulog ka na ba?" tanong ko nang hindi na makatiis matapos naming mahiga.
Mula sa bintana ay dinudungaw ko ang maliliwanag na bituin sa kalangitan. Sa kanyang gawi ay alam kong gano'n rin siya. Tahimik na ang lahat. Ang iba ay tiyak na tulog na dahil sa pagod.
"Nagpapaantok. Ikaw? Hindi ka pa inaantok?" He answered.
"Masyado pang maaga. Hindi ako sanay na matulog ng wala pang alas-dies."
Naramdaman ko ang kanyang paggalaw. Nang lingunin ko siya ay napasinghap ako nang makitang nakatitig na pala ito sa akin.
"Gusto mong patulugin kita?" marahan niyang tanong na nagpataas ng kilay ko.
"Paano mo naman gagawin 'yon?"
He lifted his hand and then placed it on my head. Wala sa sariling napapikit ako kaagad nang maramdaman ang magaang paglalaro ng mga daliri niya sa aking buhok.
God, it feels nice... Parang bigla nga akong inantok sa kanyang ginagawa. Napahikab ako.
I heard him chuckled. Umurong ako palapit at wala nang sabing iniyakap ang mga kamay sa kanyang katawan. Hindi siya gumalaw kaya agad kong ibinaon ang ulo sa kanyang dibdib. He stopped for a moment. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya makabawi at magpatuloy sa paglalaro sa aking buhok.
"You're really good at this, Achilles..."
"Hmm?"
"You're such an ideal boyfriend. You are perfect."
"I am not."
"Sa mga mata ko, oo."
Bumagal ang paglalaro niya. "Why do you like me so much, Cali?"
Kahit na gusto kong ilayo ang sarili upang titigan siya ay hindi ko ginawa. Ito yata ang unang beses niyang tinanong ang bagay na 'yon. Napaisip ako ng matindi pero ang tanging lumabas sa bibig ko ay malamyang tanong.
"Bakit hindi?"
"Syempre may dahilan ka. Gusto kong malaman."
"Why is that so important?"
Naramdaman ko ang kanyang pagkibit ng balikat.
"I just like you. I don't know the exact reason. Basta ang alam ko, gusto kita. Gustong-gusto at sobra-sobra, Archi..."
Natahimik siya. "Hindi ako perpekto. Don't look at me that way because you'll be disappointed. Ayaw ko 'yon."
Doon na ako nagkaroon ng lakas na titigan siya. Hindi natigil ang paghaplos niya sa aking buhok kahit na magkahinang na ulit ang aming mga mata.
"I don't care. You make me happy and that's all that matters. Basta sabi ko sa 'yo, hayaan mo lang akong gustohin ka."
He swallowed hard at that. "Paano kapag nasaktan kita?"
I shrugged my shoulders. "Sanay na ako roon. Bakit? Sasaktan mo ba ako?" matapang kong tanong.
"Hindi ko gagawin 'yon, pero ayaw kong magsalita ng tapos. Lower your expectations of me because I don't want you to get hurt."
Umangat ang mga kamay ko patungo sa kanyang mukha. Mas lalong namungay ang kanyang mga mata nang marahan ko iyong haplusin.
"I am ready to get hurt, Archi... Kung dahil sa 'yo at sa pagmamahal mo, handa akong masaktan dahil alam kong doon lang rin ako sasaya. Ikaw lang ang makapagpapasaya sa akin ng sobra kaya hindi ako natatakot..."
"What if I'm not yet ready to commit? Paano kung hindi kita mapanindigan?"
Kahit na negatibo ang kanyang sinabi ay hindi mapigilan ng puso ko ang matuwa. It was the first time that we talked about something between us. Alam ko namang parehas kaming marupokpok sa isa't-isa at hulog na pero naiintindihan ko rin ang mga takot niya. He already break some of his rules for me. Alam at ramdam ko iyon and he has the right to feel all that.
"Then I'll do that for us... Hayaan mong ako ang manindigan para sa ating dalawa."
"Cali–"
"Hindi mo mababago ang puso at isip ko, Achilles. Sa ayaw at sa gusto mo, ikaw na ang minamahal at patuloy kong mamahalin. Okay lang kung hindi ka pa handa. Sinabi ko nang maghihintay ako, 'di ba?"
Doon na siya napapikit, tila hindi kinaya ang mga narinig sa aking bibig. Bago pa ako makapagsalita ulit ay ibinaba na niya ang kamay sa aking bewang upang mas idiin ako sa kanyang katawan.
Kusang kumawala ang masayang ngiti sa aking mga labi habang sinasagot ko ang mahigpit niyang yakap sa akin. Mas ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang mabangong dibdib nang maramdamang muli ang masuyo niyang paghalik sa aking buhok.
"Nakakarami ka na, ha?" I jokingly said.
"Sorry..." para siyang natauhan at agad nahiya kaya mabilis akong sumagot bago pa niya ako bitiwan.
"No!" agad ko siyang tiningala.
My eyes fixated on his lips. Parang hinila ang lahat ng lakas ko dahil doon pero hindi ako nagpatalo sa kaba.
"It's just that, my lips are jealous..."I whispered slowly. "Can you kiss my lips, too?"
I swallowed hard when he did not budge. Nanatili rin ang mataman niyang titig sa aking mga mata ngunit bago ko pa hilingin na sana ay kunin na lang ako ng lupa sa kahihiyan ay sunod ko nang naramdaman ang pagdikit ng kanyang mukha sa akin upang halikan ang aking mga labi!
My heart pounded violently inside my chest! Halos maiyak ang mga mata ko sa sobrang pagkakapikit ko! His lips were the softest lips I've ever kissed. Hindi ako gumalaw. It was just a peck on the lips, but I felt like it was still the best kiss I've ever had.
Sa pag-angat ng kanyang kamay paangat sa aking buhok ay inakala kong titigil at lalayo na siya pero gano'n na lang ang muli kong pagkalunod nang maramdaman na ang paggalaw ng kanyang mga labi. Maingat, naninimbang, nanunudyo, naghihintay ng aking sagot.
I gladly answered his bold kiss by parting my lips and sucking his lower lip gently. Agad na umayos ang kamay niya sa aking leeg, hindi inasahan ang marahas ko ring pagsagot.
I'm a great kisser. It was true that I've kissed a lot of guys before Brixton kaya masasabi kong expert ako. Noon kasi ay wala lang naman iyon at trip trip lang. It was all meaningless, but now with him, I felt like this is how a kissed should be done.
I guide his lips to dance with mine. Moments later, we were catching our breath heavily. Ilang beses na kumawala ang mahihina niyang ungol lalo pa nang makapasok na ang aking dila sa loob ng kanyang inosenteng labi. He really doesn't know how to properly kiss. Inayos ko ang aking kamay sa kanyang mukha. I lifted myself to kiss him even more.
Hindi ako natigil kahit pa dama ko ang marahan niyang pagpigil sa katawan ko nang lumipat ako sa kanyang ibabaw habang patuloy na nagtatalo ang aming mga labi.
I was so lost with our French kissing. Kahit na bihasa na ako sa paghalik ay para akong nangangapa sa kanya. Pakiramdam ko ay unang beses ko ring mahalikan. Patuloy na pinipilipit ang aking tiyan sa kada pilantik at pagtatalo ng aming mga dila. It was the first time that a moan escaped my mouth, too.
"C-Cali..." hirap niyang pinutol iyon nang marinig ang mahina kong pag-ungol.
Magkadikit ang mga noo namin habang parehas na habol ang paghinga.
"Y-You should rest..."
"A-Ayaw mo ba?" tinatablan ng hiya kong tanong lalo na't tingin ko'y tapos na nga ang halikan kahit na hindi ko pa naibibigay ang full potential ko.
"I do... I do... but it's late," inangat ko ang noo para titigan siya. Sapat na ang agarang pag-iinit ng kanyang katawan para masabi kong namumula na naman siya.
"We should rest." He said.
Tumango ako at nahihimasmasang umalis sa kanyang ibabaw. Walang sabi akong bumalik sa kanyang tabi at patalikod na nahiga. Napapikit ako ng mariin. Parang gusto kong batukan ang sarili ko dahil masyado akong easy to get pagdating sa kanya. Kung siguro gago lang si Achilles ay laspag na ako. I am such a whore when it comes to him. Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kung sino ako bago mapunta sa lugar na ito at makilala siya.
Oo mas gago ako noon pero ni minsan ay hindi ako lumandi ng ganito na kulang na lang ay ihain ko ang sarili sa isang lalaki. Gago ako at maitim ang budhi pero hindi ko ipinamigay ang sarili ko kahit kanino noon. Kahit na sobrang curious ako sa sex ay mataas ang paninindigan ko, pero ngayon... With him, I don't think I can have my old self-control. Tila matagal na akong nilubayan no'n simula ng makilala ko siya.
"Cali... I'm sorry..." maingat niyang sabi matapos ang nangyari.
Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakapikit at nahihiya sa mga pinaggagagawa ko.
"Cali..." muli niyang tawag.
"Matulog na tayo, Archi."
"Are you mad?"
Kinalabit niya ako, hindi pa rin ako lumingon.
"Hindi. I'm trying to sleep."
"Can we talk?"
Umiling ako. "Good night Achilles."
"Belcalis..." wala na akong nagawa nang ilagay niya ang kamay sa aking bewang at marahang ipihit ang aking katawan paharap ulit sa kanya. "Let's talk..."
"Tungkol saan?"
"About the k-kiss?"
"There's nothing to talk about it."
"It was my first time," he confessed. Napadilat ako. "And I like it... Cali, I swear, I do..."
"But?" dagdag ko dahil alam kong maraming pero ang mga salita niya.
Hirap siyang napabuntong-hininga. Muli na lang akong pumikit dahil ayaw kong bumigat ang dibdib ko sa kung anong sasabihin niya.
"Look at me, please?"
"Matulog na tayo, Achilles. Huwag na nating pag-usapan pa dahil–"
"This isn't the right time," he cut me off. Dumiin ang aking pagpikit.
Heto na nga ba ang sinasabi ko. I'm starting to feel the daggers striking my heart.
"Sorry kung mapilit ako at may nalabag ako sa mga rules mo. Let's just forget–"
"Look at me," he demanded again.
Wala na akong nagawa kundi ang makipagtitigan ulit sa kanya pero bago ko pa madagdagan ang mga sinasabi ko ay nauna na siyang magsalita.
"I like it so much that I needed to stop it before I lose all my control..."
My lips parted at that. "Gustong-gusto kong halikan ka pero ayaw kong lumagpas tayo doon. Hindi pa ito ang tamang oras para sa bagay na 'yon. I respect you so much Cali and I don't want to take advantage of you."
Mas lalo akong nahiya para sa sarili ko. Mas mataas pa ang respeto niya sa akin kaysa sa respeto ko para sa sarili ko. Gusto kong maiyak sa tuwa para sa kanya at inis naman para sa akin.
"Ang easy to get ko ba? Are you turned off?" Nahihiya kong tanong, hindi makatitig sa kanya ng mabuti.
"No," he answered almost immediately. "You are not and I am not turned off. Ayaw ko lang na sa ganito. Ayaw kong pagsisihan mo."
"Paano kung hindi ko pagsisihan?"
Pinigilan kong mapapikit ulit nang hawiin niya ang lahat ng buhok na nakaharang sa aking mukha.
"We're still too young for that. Darating din ang tamang panahon para sa bagay na 'yon and this is not it."
Naintindihan ko ang gusto niyang sabihin at nirespeto ko iyon kahit na parang nababaan ako sa sarili ko. Nang manahimik ulit ako ay hinaplos niya ang aking pisngi. I bit my lip when he smiled at me.
"In God's will and time, it will happen. We don't need to rush."
Bumuntong-hininga ako at tumango. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Sobrang cheap ko na sa mga mata mo, Achilles," nahihiya ko pa ring sambit. "Sorry."
"Hey..." naaalarma niyang inangat ang sarili.
He was hovering me now. Sa lapit niya ay mas lalo yatang nanghina ang kalamnan ko. Hindi na ako nakapagsalita ulit.
"Don't say that. Wala kang ginawang masama. Hindi mo kailangang mag-sorry and no. You are not and will never be like that in my eyes. You are just perfect, Belcalis..."
Kumurap-kurap ako dahil sa agarang pamumuo ng mga luha sa gilid ng aking mga mata. His words were uplifting my spirit. Hindi niya hinayaang bumaba ang tingin ko sa sarili ko kahit na iyon naman talaga ang totoo.
"Sabi mo walang perfect so please don't comfort me with your lies. Sabihin mo ang totoo, tatanggapin ko."
"You are perfect," pag-uulit niya lang kasabay ng muling paglabas ng masuyong ngiti. "At iyon lang rin ang paniniwalaan ko. Huwag ka ng mag-isip ng kung ano. Gusto ko. Gusto ko ang lahat pero may tamang oras para sa lahat ng bagay. Trust me, sa tamang panahon, magiging worth it 'yon."
Hindi na ako nakasagot nang dumukwang siya para baunan ng halik ang aking noo bago bumalik sa aking tabi. Ibinalik niya rin ang kamay sa aking buhok kaya napapikit na ako.
"I want it to be you," wala sa sarili kong sambit habang nakayakap na ulit sa kanya at nilalabanan ang antok dahil sa muling paggalaw ng kanyang kamay sa aking buhok. "Mas malakas ka kay Lord kaya sana sabihin mo sa kanyang ako rin ang gusto mo para hindi na siya malito. Sabihin mo ang buong pangalan ko para hindi ka na niya ibigay pa sa iba. I will trust the process as long as it's with you, Archi... Basta sa 'yo, Achilles, basta ikaw..."
He kissed my hair thrice and then hugged me tight before saying, "Alam na ni Lord 'yon."
~~~~~~~~~~~~
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂
—
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro