CHAPTER 23
Chapter Twenty-Three
Torete
Hindi nawala ang tagumpay sa puso ko lalo pa ng makarating kami sa summit. Kahit na medyo nahuli kami ni Achilles sa sunset ay naabutan pa rin namin.
Simula ng tulungan niya ako kanina ay hindi na ako nito iniwan. Sa pagkapahiya, hindi na rin lumapit si Eve sa aming dalawa. Mas lalo kong na-enjoy ang pagha-hiking lalo na't sa mahabang lakaran ay nakaalalay sa akin si Achilles.
He was so patient of me. Alam niyang unang beses ko kaya alagang-alaga niya ako. Ilang beses ko ngang natapakan ang haba ng buhok ko habang naglalakad eh! Gano'n ako kaganda.
"This is so beautiful..." nagiginhawaang bulalas ko habang nakatulala sa pababang araw.
Hindi ko nagawang kunin ang aking telepono lalo na't parang ayaw ko na lang kumurap. Gusto kong sauluhin ang lahat ng mga nangyayari. Riggwell was snapping some photos of us and that was enough.
"Sobrang ganda..." bulong ni Archi sa gilid ko dahilan para mapatingala ako sa kanya.
My heart pounded when I caught him staring at me and not the sunset. Our eyes were gazing at each other, walang nagsalita, walang gumalaw. Nang malaglag lang ang mga mata niya sa aking mga labi at mapalunok ay saka lang ito nakabawi. Agad niyang hinawakan ang aking likod at dinama ang bimpong inilagay niya roon para matakasan ang aking mga mata.
"Magpalit ka ng damit. Basa ng pawis," nilingon niya ang mga babae at tinawag ang isa.
Nanatili ako sa aking pwesto. Hindi pa rin mapaniwalaan ang pagiging maalalahanin niya sa akin.
Sa unang pagkakataon ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng pag-aalaga. I wonder if my parents ever did that to me. Iyong paglagay pa lang ng bimpo sa likuran ay wala na akong naalala. Parang ngayon lang nangyari 'yon sa buhay ko.
All my life I've been the bravest kaya tingin nila ay kaya ko na ang lahat at hindi na kailangan pa ng pag-aalaga. I've never felt cared, until now...
I love how Achilles did that for me. Na parang hindi na kailangan ng label ang kung anong mayroon kaming dalawa dahil sapat na ang lahat ng mga ginagawa niya't ipinapadama sa akin. This is how a man should treat his girl. Ito ang tama.
Sa muli niyang pagbaling sa akin ay ibinigay niya ang aking bag. Lumapit na si Angela sa akin. Siya lang rin kasi ang gustong unahin ang magpalit tutal patapos naman na ang sunset.
"Go," aniya sabay ngiti.
"Ikaw? Hindi ka magpapalit?"
"Kahit dito pwede akong magpalit. Sige na, baka matuyuan ka na ng pawis."
Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Angela, para na itong nangingisay dahil sa amin ni Achilles. Tumango at ngumiti na lang ako sa lalaki bago nagpatianod kay Angela.
Hindi nawala ang pagkagat ko sa aking labi habang kasama ang babae.
"Gusto ka talaga ni Achilles..." napasulyap ako sa kanya.
Mayroong tabing na pwedeng bihisan pero dahil pang-isahang tao lang ay pinauna niya ako.
"The feeling is just mutual." I answered her.
Wala na akong paligoy-ligoy dahil matagal ko naman nang isinambulat sa mga mukha nila ang pagkagusto ko sa lalaki. Isa pa, gaya ng sabi ko kanina ay alam kong kampon siya ni Eve kaya hindi ako pwedeng magpakampante.
"Ngayon ko lang nakitang ganito si Archi. Ni minsan hindi siya nagkaroon ng relasyon na mukhang higit pa sa pagkakaibigan. Natural talaga siyang friendly pero iba ang tingin niya sa 'yo. Pansin ko na 'yon una pa lang."
Binilisan ko ang pagbibihis dahil sa mga narinig. Muli akong napatitig sa kanya nang matapos.
"Close sila ni Evelyn noon pa, hindi siya naging ganito sa kaibigan mo?"
Napanguso si Angela at agad na umiling.
"Never," nagpalit kami ng pwesto. Saka lang siya nakasagot nang nagbibihis na. "Asa lang si Eve palagi kay Archi. Tsaka alam rin ng lahat na hindi nag-i-entertain si Archi ng mga babae dahil gusto niyang magtapos muna at unahin ang career kaysa sa pakikipagrelasyon."
Parang gusto ko na kaagad siyang maging bestfriend dahil sa narinig. Hinintay ko siyang matapos.
"Bagay kayong dalawa. Huwag mo na lang akong isumbong kay Evelyn dahil baka hindi ako patulugin sa tent niya." paalala nitong natatawa habang bumabalik na kami sa nakararami.
Everyone was setting their tent. Muling bumalik ang ngisi ko nang makita si Achilles na abala habang binubuo ang tent na dala niya para sa akin. Nang makita niya ang paglapit ko ay agad niyang kinuha ang maliit na collapsible chair at inayos ang tindig malapit sa binubuo niya.
"Dito ka na muna."
Hindi ko napigilang matawa. Oo nga't gusto kong ginagawa niya akong prinsesa, pero hindi naman maatim ng puso kong hayaan siyang itayo ang tent ng wala akong naiaambag. Ayaw kong maging pabigat sa kanya at ayaw ko ring masyadong pinagsisilbihan.
Ibinaba ko sa upuan ang bago ko imbes na maupo.
"Tutulungan na kita para mas mabilis."
Napatuwid siya ng tayo pero bago pa makapagreklamo ay tinulungan ko na. It wasn't my first time building a tent. Ilang beses na rin akong isinama ni Kuya Sage noon sa mga camping nila at tinuruan niya ako kaya alam ko ang gagawin. He was surprised to see me do the right thing without him telling me what to do.
"My brother taught me how to build tents. Saling pusa ako palagi sa camping nila kaya alam ko."
"I see," hindi na niya ako pinigilang tumulong.
Nagpatuloy kaming dalawa kahit na minsan ay napapansin ko ang pagtagal at pagpirmi ng titig niya sa akin. Hindi ko pinansin dahil baka mahimatay na naman ako.
"Good job." aniya nang matapos na naming dalawa iyon.
Busy ang lahat sa pagbuo pero kahit na kami ang nahuli ay kami pa rin ang naunang natapos. Si Riggwell ay hindi makausap dahil parang naba-badtrip na sa binubuo habang ang mga babae at ilan naman ay hirap na hirap pa rin.
Saka lang ako naupo sa ibinigay niyang upuan. Akala ko ay tatabihan niya ako nang kunin niya ang isa pang collapsible chair at inilagay sa tabi ko, pero literal na nalaglag ang panga ko nang walang sabi niyang iangat ang kanyang suot na t-shirt!
Ang mga abs na pangarap ko lang makita noon ng personal ay nakabalandra na ngayon sa aking harapan! I felt like I could taste them sa sobrang lapit! Agad kong itinikom ang bibig dahil baka tumulo na lang ang laway ko! What a masterpiece!
Nang mapansin niya ang pagtigil ko matapos mahubad ang damit ay tila doon niya lang naalala ang aking presensiya. Nagmamadali niyang hinalungkat ang gamit sa bag at agad na tumalikod upang ipagpatuloy ang pagbibihis.
Kung kasalanan ang matinding pagnanasa at ngayon ang judgement day ay paniguradong itatapon na ako rekta sa impyerno.
Walang salitang lumabas sa aking bibig nang maupo siya sa aking tabi. Halos maubos ko ang tubig na ibinigay niya sa akin! Sa abs niya ako mas napagod kaysa sa pag-akyat ng bundok!
"Gusto mo pa?" tanong niya nang talagang inubos ko ang laman ng kanyang tumbler.
Pinunasan ko ang aking labi saka umiling.
"Okay na. Thank you."
"Napagod ka?" He asked.
"Okay lang. It was fun. Ikaw? Napagod ka sa kakaalalay sa akin?"
"Hindi. Are you hungry? Gusto mong meryenda?"
Umiling ako. "Hintayin na lang natin silang matapos."
Tumango siya at inilipat ang mga mata kay Riggwell. "You need help Riggs?"
Sinamaan siya nito ng tingin.
"Hindi na Achilles!" sigaw nito pabalik. "Diyan ka na lang kasi 'di ba tent natin 'to? 'di ba dito ka rin matutulog mamaya kaya huwag mo na akong tulungan! Okay lang ako kahit na hirap na hirap na ako! Ayos lang talaga, Achilles! Huwag kang makonsensiya ka sana!"
We both chuckled at that.
"Go, I'm fine here."
Tumango siya pero bago pa ako iwan ay nagbilin pa ng mga salita.
"Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka. Nasa bag ko ang mga towel kung kailangan mo."
"Go," inginuso ko lang si Riggs na parang gusto nang patayin ang tent na hindi maitayo-tayo. "I'm fine, really."
"Alright."
Sa kanyang pagkawala ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. I know I love all his attention, but I don't think my heart was prepared for it. Parang ngayon ay nanghihina ang puso ko at hindi kinakaya ang kanyang mga ginagawang nagpapabaliw rito.
Pagkatapos nilang ayusin ang mga tent ay nag-ayos na rin muna kami ng mga katawan bago kumain. May mga dala silang kahoy para sa maliit na bonfire na gagawin at ang tubig para pamatay rito ay nakabantay lang rin. Hindi talaga ideal na mag-bonfire sa ganitong lugar pero maingat sila pagdating sa pagha-hiking.
Pinag-usapan na rin na maglilinis kami doon bago umalis at ang lahat ng kalat ay dadalhin sa baba. We're lucky that there was no other group than us. Solo namin ang lugar kaya mapayapa. Kahit na gano'n, hindi naman nawala ang pagkalampag ng puso ko hindi lang sa tuwa at kilig kundi pati na rin sa inis dahil sa papansing Evelyn na talagang tumabi rin kay Achilles para maituloy ang panglalandi.
Hinayaan ko na lang siya sa mga kahibangan niya. I don't want to shift my focus on the negativity. Ayaw kong pag-awayan ulit namin siya ni Achilles dahil wala naman siyang maidudulot na maganda sa kung anong mayroon kaming dalawa.
Some of the guys brought hotdogs. Niluto nila iyon sa apoy habang patuloy ang masayang kainan ang kwentuhan.
"Archi, may suman pa ako. Gusto mo pa ba?"
Pinigilan kong matawa nang maalala ang bagay na iyon. Iyon kasing ibinigay niya kanina sa lalaki ay ipinakain naming dalawa sa asong nadaanan namin sa trail.
"Sige lang, Eve. Busog na ako. Thank you."
Sa pagsulyap ko sa babae ay nakita ko kaagad ang kanyang lungkot. Agad ring natanggal ang titig ko nang balingan ako ni Achilles.
"Gusto mo pa?" tanong niya sabay sulyap sa mga hotdog.
Umiling ako. "Okay na busog na ako. Thank you."
"You sure?"
"Tubig na lang."
Agad niya akong inabutan. Mas lalong napasimangot ang mukha ni Eve sa ginawa nito.
Nagpatuloy ang masayang usapan. Maraming mga kwentong umusbong at hindi nagpatalo si Eve sa pagkukwento kung paano sila unang nagkakilala ni Archi.
She was part of the choir. May dalang gitara si Robertino kaya agad naman itong nag presinta sa pagkanta ng especially for you by MYMP habang nakatitig kay Achilles.
I have to admit that her voice was good. Magaling at maganda ang boses niya at natuwa ang lahat, pero dahil competitive ako at hindi ako basta magpapadaig lang ay nagulantang ang lahat nang kunin ko ang gitara kay Robertino.
Achilles and Riggwell's jaw dropped when I started tuning the guitar.
"Marunong kang maggitara, Cali?" namamanghang tanong ni Angela, hindi rin makapaniwala.
Magiliw akong tumango. A homeless man taught me how to play guitar. Hindi naman siya totally homeless. Sakto lang nang nakilala ko siya ay wala siyang bahay. I was with my Mother that time. Sa simpleng lugar kung saan ako tumira kasama ang mga taong salat sa buhay.
I started humming the lyrics of the very first song I've learned playing. Lahat sila ay hindi na nagsalita at hinintay na lang ako.
Humugot ako ng isang malalim na paghinga at marahang pumikit bago damhin ang tono at sabayan.
"Sandali na lang... maari bang pagbigyan..."
Some of them gasped at that.
"Aalis na nga, maaari bang hawakan ang iyong mga kamay... Sana ay maabot ng langit ang iyong mga ngiti... Sana ay masilip..."
Hindi maganda ang boses ko gaya ni Eve pero ang determinasyon ko ay nag-uumapaw ngayon.
Bago ko kantahin ang susunod na mga lyrics ay awtomatikong napatitig ako kay Achilles. Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko, pero nagawa ko pa ring magpatuloy.
"Wag kang mag-alala. 'Di ko ipipilit sa 'yo, kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa 'yo..." pagpapatuloy ko habang matamang nakatitig sa kanya at siya rin pabalik sa akin.
Nagpatuloy ako sa pagkanta at hindi na binitiwan ang kanyang mga matang ngayon ay nagniningning na sa tuwa.
It wasn't the first time that I sang in front of him. Narinig na niya akong kumanta noon pero sa reaksiyon niya ngayon ay parang first time niya uling marinig ang boses ko.
"Torete, torete, torete ako... torete, torete, torete sa'yo..."
He looked at me like I had the best singing voice. Na sa bawat pagbukas ng aking bibig ay binabalot ng kilabot ang puso niya. His reaction was just so pure, making the corners of my eyes watered.
I was always confident with myself and everything. Kahit nga hindi kagandahan ang boses ko ay matigas ang mukha ko, pero ngayong kitang-kita ko sa mga mata niya ang appreciation at matinding paghanga sa aking ginagawa ay gusto kong manghina.
I couldn't remember when I felt that. Parang ngayon lang rin talaga may taong naka-appreciate sa akin kaya gusto kong maging emosyonal. God, everything with him really felt like a first time experience. Achilles made me vulnerable, cared and appreciated. It was the best and scariest feeling ever. Hindi ko maintindihan.
Nagawa ko lang tanggalin ang mga mata ko sa kanya nang matapos ko na ang kanta. Sa pagtatapos kong mag-strum ay agad siyang pumalakpak dahilan para sundan siya ng lahat.
Riggwell was so happy and in awe of my hidden talent. Napa-whistle pa ito na parang numero unong fan ko.
Natatawa akong nag-bow na akala mo'y pormal iyong performance. Nang muli akong mapapihit kay Achilles ay muling natabunan ng kaba ang tigas ng mukha mo.
"Ang galing naman." he commented.
I pursed my lips, bahagya ko siyang siniko.
"Relax, baka mag-propose ka kaagad hindi ako ready."
He chuckled at that. Napalunok ako nang pasimple siyang umurong palapit sa akin. Eve was so jealous of me lalo pa't dahil sa performance ko ay nakalimutan ng lahat na kumanta rin siya. Kahit na mas magaling siya sa akin ay nasa akin ang atensiyon ng lahat.
Pilit kong nilakasan ang loob ko nang maramdaman ang pagkikiskisan ng mga balat namin ni Achilles. I could smell the comforting scent of his body. Kahit na hilamos lang kami at kaunting paglilinis ng sarili dahil kaunti ang tubig ay ang bango-bango pa rin ng katawan niya.
Hindi na siya umalis sa tabi ko kahit na may pagkakataong inaasar na kami dahil talagang napadalas na rin ang pagtigil ng mga mata niya sa akin. Ayaw kong pansinin dahil nababaliw na naman ako, pero hindi maiwasan lalo na't wala na itong pakialam sa usapan dahil nasa akin lang ang buong atensiyon.
"Baka matunaw na ako Achilles. Kumalma ka." pagbibiro kong bulong matapos ang ilang daang beses ko nang pagpapalampas sa pagkatulala niya sa akin.
Napakamot siya sa ulo at agad na ibinalik ang mga mata kay Riggwell na nagkukwento, pero maya-maya lang ay bumalik na ulit iyon sa akin.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil para nang sinisilaban ang mga lamang loob ko sa nangyayari.
"Hindi ko kaya..." mahina niyang bulong pabalik.
That was where I lost my control not to stare back at him. Halos sabay kaming napalunok ng muling magtitigan ang aming mga mata.
Sa bahagyang pagkawala ng ngiti niya't pagiging seryoso habang nakahinang ang titig sa akin ay mas lumakas ang paghuhuramentado ng puso ko.
Kahit na magiliw ang usapan at napakarami namin ay parang kami lang ang tao sa bundok na ito. Parang wala na kaming pakialam sa lahat.
I gasped when the next thing I felt was his hand... slowly touching mine...
He licks his bottom lip. "Can I?" paalam niya habang ang daliri ay nilalaro na ang likod ng aking palad.
Marahan akong tumango at pagkatapos ay inangat ang kamay upang tuluyan na niyang mahawakan. Muli ay tinablan ako ng hiya. Agad kong itinago ang mga kamay naming magka-holding hands sa ilalim ng kumot na ibinigay niya para sa akin.
Umayos ako ng upo at wala nang pakialam na isinandal ang sarili sa kanyang katawan. Hinayaan niya ako. Habang patuloy ang paghigpit ng kapit niya sa aking kamay sa ilalim ng kumot ay lumipad naman ang isa niya pang kamay sa aking ulo.
I almost closed my eyes when I felt him brush the strands of my hair slowly... Ang mga nalaglag na hibla sa aking mukha ay inayos niya pabalik sa likod ng aking tenga.
"Okay ka lang? Komportable ka?" He asked.
"Y-yeah..." mabagal ang pagkurap kong sagot habang patuloy na nagwawala ang puso, pero mas lalo pa iyong nagtumalon nang sunod kong maramdaman ang marahan niyang paghalik sa aking buhok na gaya ko ay ikinagulantang rin ng lahat!
~~~~~~~~~~~~
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂
—
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro