Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 21

Chapter Twenty-One

Mama

He really did not attended Eve's party.

Sumakto rin ang pagtanggi niya sa marami niyang gawain sa school kaya hindi na niya kailangang magpaliwanag sa babae. I was the happiest especially when I saw the cheap and boring photos of that girl's birthday party.

Ilang beses naparolyo ang mga mata ko sa drama nito sa cell group namin dahil sa hindi pagpunta ni Achilles. I didn't really have the energy to mingle with them, but I was pissed when I read her new chat.

Evelyn:

Hinanap ka ni Mama at Papa, Archi. Nakakatampo ka talaga.

Achilles:

I'm sorry. Sobrang naging busy lang talaga ako. Pasensiya na.

Evelyn:

Nagtatampo talaga ako sa 'yo, Archi. 😞

Kiel:

Uy bumawi ka naman Archi! Sobrang lungkot ni Eve no'ng birthday niya. Kulang tayo. Hinahanap ka rin nila Ate Rochelle. Sayang talaga.

Celestine:

Oo nga Archi! Hinintay ka pati ng mga kapatid niya. Wawa naman si Eve.

Evelyn:

Tampo ako. 😩

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mag-type ng message sa unang pagkakataon. Achilles is currently studying. Hindi ko ito ginugulo dahil nga nag-aaral at alam naman ng lahat na hindi ito nagpapaistorbo kapag gano'n kaya hindi na ako nakatiis.

Ako:

Drama mo naman, Evelyn! Bakit last birthday mo na ba 'yon?

Napangisi ako ng makita siyang typing. Nadedemonyo na naman ako. Tanginang haliparot 'to.

Evelyn:

Sorry. Hindi ikaw ang kausap ko kundi si Achilles.

Hindi ko napigilang matawa. Kung nasa harapan ko lang siya ay hahalakhak talaga ako sa mukha niya lalo na't alam kong ako ang dahilan kung bakit hindi pumunta si Archi. But still, I won't reveal that to anyone. Baka sunugin niya ako kapag nagkita kami ulit.

I replied again.

Ako:

Busy si Achilles nag-aaral kaya ako na lang ang sasagot para sa kanya para matigil na rin 'yang pag-iinaso mo. Huwag ka nang magtampo. Alam mo dapat masanay ka na kasi baka next year mas lalong hindi siya makapunta. He's our future doctor. Of course, mas uunahin niya ang mas IMPORTANTENG bagay kaysa sa 'yo, gets mo?

I can feel her rage even though we're miles apart. Simula nga ng dumating ako ay lumabas na ang totoong kulay niya. Minsan nga ay harap-harapan na niya akong iniirapan dahil iritang-irita talaga sa akin. I doubt she's been like that when I wasn't around. Feeling ko ay santa ito sa lahat lalo na kay Achilles noong wala pa ako.

Sa tagal ng pagta-type niya ang na-bored na ako. Nahimatay na yata sa galit sa akin. Magta-type pa sana ako para mas lalo siyang asarin pero hindi ko nagawa sa pagdating ng chat ni Achilles. Namilog kaagad ang mga mata ko lalo na't kapag nag-aaral ito ay madalas hindi talaga hinahawakan ang telepono.

Achilles:

Cali, please be nice. Hayaan mo na lang.

Napairap ako. I was defending him, but he also got a point. Inis akong napabuntong-hininga.

Ako:

Gusto lang kitang ipagtanggol. Alam kong napakabait mo at hindi titigil ang mga 'yon kapag hindi ka bumawi. Babae ako Achilles kaya alam ko na ang nasa utak ng mga 'yon.

Achilles:

Don't stress yourself. Hayaan mo na.

Ako:

Babawi ka kay Evelyn? What if gusto niyang mag-date kayo? Pagbibigyan mo?

Kumulo na naman ang dugo ko sa magkahalong iritasyon at galit para sa babae. I know they will not stop bugging him about it. Iyong mga kaibigan niya ay uudyukan ito hanggang sa mapagbigyan ang gusto ni Evelyn.

Achilles:

Galit ka na naman ba?

Ako:

Hindi. Sobrang advance lang akong mag-isip dahil alam ko na kung anong mangyayari sa pag-iinarte ni Evelyn. Sobrang bait mo at alam kong mahihirapan kang tumanggi sa kung anong gusto niyang bawi na gawin mo para sa kanya. But, fine. Sige na. Mag-aral ka na, hindi na ako makikipag-away do'n.

Iritado kong binitiwan ang aking telepono pero hindi ko pa man naaalis ang titig sa screen ay nalaglag na ang panga ko nang makitang tumatawag siya!

"What?" kalmado at walang emosyon kong sagot kahit pa para na namang pinipilipit ang aking sikmura.

"I will not go anywhere with her. Totoong busy ako at walang time ngayon, 'di ba?"

I understand that, but those girls? Hindi nila maiintindihan iyon. They lowkey shipping him and that girl. Kahit na takot ang iba sa akin ay alam kong mas pabor ang mga ito sa babae bilang matagal na nila itong kaibigan.

"Okay."

"Cali?"

"What? I said okay. Busy ka ngayon pero hindi titigil 'yon. Sa weekends may time ka. Imposibleng hindi makaisip 'yon ng paraan para pilitin kang bumawi."

"We'll practice the new dance routines this Saturday."

"Sa Sunday? Pagkatapos ng misa? Marami kang time no'n." giit ko.

"You're with me, right?"

Wala sa sariling napalunok ako sa naisip. Sa unang pagkakataon at talagang naramdaman kong ayaw niyang sumama na kay Eve at ayaw niyang magalit ako ulit kahit na wala naman akong karapatan.

"So? Ano naman kung kasama mo ako?"

"Mag-date tayo."

Marahas kong nakagat ang labi ko't walang nasabi. Halos batukan ko ang sarili ko habang umuulit ang mga salita niya sa aking utak! God damn!

Belcalis utang na loob napakamarupokpok mo!

"Hey..." untag niya nang hindi na ako nakapagsalita.

Tumikhim ako't kinaltukan na ang ulo upang magising.

"Ano 'yon? Sorry choppy ka." I lied.

"Sabi ko mag-date tayo... Uh, pagkatapos magsimba..." pag-uulit niya, medyo kabado ang tinig nang ulitin.

Hinayaan ko nang mapunit ang mga labi ko sa pagngisi.

"Okay. Ikaw ang bahala."

Aba grasya na ang lumalapit, tatanggi pa ba? Masama 'yon!

Hindi na ako nakipagtalo sa cell group. Archi did not replied to them, too kaya pare-parehas natahimik ang mga mundo namin.

Hindi nawala ang malawak kong ngiti sa buong Linggong iyon. Halos batukan na rin ako ni Svetlana dahil kung noon ay lagi akong wala sa mood, ngayon naman ay ganado ako lalo na sa aking pag-aaral.

Orie was still aware of what was happening in my life even though I have Lana as my new friend. Palagi pa rin naman kaming nag-uusap pero mas madalas na kami ni Lana dahil balang araw ay magiging magkasapi kami. Kahit na hindi nila sabihin ni Seidon ang totoo ay alam kong maayos na sila. We're both going to be Cordova's and officially the best mare in this lifetime.

Dumating ang Biyernes. Busy ang lahat sa pag-aaral kaya hindi kami madalas mag-usap ni Achilles. I was striving hard too not only to impress him, but also to make up for my brother.

Kuya Sage was so pleased to hear that I am doing better at school. Nakita ko lang siyang masaya ay natuwa na rin ako. Minsan nga ay inasar pa ako nito kung in love na raw ba ako kaya ako nagpupursigi pero agad kong itinanggi.

Kahit na marami akong nagawang mali ay parang nakalimutan na niya ang lahat dahil sa mga ginagawa ko ngayon. My father was also constantly checking up on me. Simpleng kumustahan lang gaya rin ni Kuya Calgon pero alam kong hindi pa rin kumbinsido ang mga ito sa pagbabagong buhay ko unlike Kuya Sage. It still felt like they are still waiting for me to fuck up. I couldn't blame them though. Doon na rin kasi sila nasanay kaya ayos lang. Ang mahalaga na lang sa akin sa ngayon ay okay na kami ni Kuya Sage at mas malapit na rin kami ni Achilles kahit paano.

Malinaw na nga talagang maging mother in law ko si Mama Judith... speaking off...

I replied to her chat. Ilang linggo na rin kaming chatmate at kahit alam iyon ni Achilles ay hindi na ako pinapagalitan.

Adalira Judith Santistevan Cordova:

Mabuti naman at nag-aaral ng mabuti si Archi diyan. Salamat sa pag-update, Hija. Busy masyado iyon at minsan ay nakakalimutang tumawag pero ayos lang at nag-aaral naman pala.

Ako:

Opo. Huwag po kayong mag-alala at babantayan ko rin pong maigi ang anak ninyo, Tita Judith. Ako na po ang bahala.

Adalira Judith Santistevan Cordova:

Salamat kung gano'n. Sana ay makilala kita isang araw.

Napangiti ako at mas nilukob ng tuwa ang puso. The Cordova's are really the nicest people I've ever met at partida dahil sa online ko pa lang nakakausap ang iba. I bet they're nicer in person. Kay Lola Ellen pa lang ay grabe na ang kasiyahan ng puso ko, ano pa kaya kapag nakaharap ko na talaga silang lahat?

Lord, when ba kasi?

Ako:

Gusto n'yo po bukas na eh!

Ako:

Joke lang po! Gusto ko rin po kayong makilalang lahat. One of these days po. Sure na po talaga. Kalma lang po kayo.

Adalira Judith Santistevan Cordova:

I really like you. Salamat na rin pala sa padala mong mga pagkain noong nakaraan kay Mama Ellen. Masarap ang mga iyon.

I almost forgot about that. Since Lola Ellen and I were bestfriends, I spoiled her with her cravings. Foodie ito at puro pagkain ang kadalasan naming napag-uusapan kaya nitong mga nakaraan ay panay ang pa-deliver ko ng pagkain sa kanila. Hindi ko naman alam na ibinabahagi niya iyon sa future mother in law ko.

Ako:

May gusto po ba kayo? This Sunday po ay magpapadala ulit ako. Sabihin n'yo lang po kung ano ang inyong nais at ibibigay kong lahat Mama.

Halos dumugo ang labi ko nang mag-sent iyon. Nababaliw na naman ako! Patay talaga ako kay Achilles kapag nalaman niyang nililigawan ko na rin talaga ang buong angkan niya!

Ako:

Sorry po typo lang po, Tita Judith. Wala po kasi akong Mama. Nakaka-miss lang. Baka need n'yo po ng isa pang anak, willing naman po ako.

Tawang-tawa ako sa mga kagaguhan ko pero may parte talaga sa puso kong gustong totohanin iyon!

Adalira Judith Santistevan Cordova:

Huwag ka nang mag-abala, Cali at walang problema. Ang kaibigan ng anak ko ay kaibigan rin ng aming pamilya. You can call me Mama if you like.

"Putang ina!" hindi ko na napigilang sigaw habang nangingisay pa sa ibabaw ng kama ko matapos basahin ang reply ni Mama Judith!

Tangina Mommy who you ka na! May bago na akong Mama!

Kahit na hindi ko diretsahang sabihin, tingin ko ay alam na rin nitong may gusto ako sa kanyang anak. Paano ba namang hindi eh halos ang laman ng timeline ko ay ang mga pahaging kong status para kay Achilles.

Bukod doon ay araw-araw ring puno ang my day ko ng mga stolen shots ni Archi at unang-unang mga viewers no'n ay ang kanyang pamilya.

Ang bunso nga niyang kapatid na si Amethyst ay liker ko na rin. Feeling ko nga ay gusto na nitong magtayo ng fans club para sa amin ng kanyang kuya. I was so fond of her, too. Hindi lang dahil gusto kong magpabango kundi dahil talagang mahilig ako sa bata. I missed my younger siblings. Nakaka-miss ang magkaroon ng kapatid.

Hindi ko na kinulit si Mama Adalira tungkol sa pagkain at plinano na lang na magpadala nang kusa bilang legal na niya akong tinanggap sa kanilang angkan.

Kahit na ayaw kong kulitin si Achilles ay nakangisi ko iyong ginawa. Kung noon ay nire-reject niya ang mga tawag ko, ngayon ilang ring pa lang ay sinasagot na niya kaagad.

"Hey..."

"Hi baby ko! Hindi ka pa tapos mag-aral?"

"Hindi pa. Why?"

Mas lalo akong nangisi. "Wala naman. Alam mo ba ang favorite na pagkain ng Mama mo?"

"Ni Mama? Bakit?"

"Wala. Survey lang. Ano?"

"Uh, palabok?"

"Alright. Sige thank you!"

He chuckled, mukhang alam na kaagad na may ginawa na naman akong kababalaghan.

"What did you do?"

Dumapa ako sa kama at inikot-ikot ang nahuling ilang hibla ng aking buhok.

"Nothing. Paborito ko rin ang palabok. Marami kaming pagkakaparehas. Share ko lang."

"Come on, what did you do?" he asked curiously this time, hindi naman galit. Gusto lang malaman kaya sinabi ko na.

"May ipadadala kasi akong pagkain kay Lola Ellen sa Linggo. Isasabay ko na rin ang para kay Mama Adalira."

Parang gusto kong ma-offend nang marinig ang paghalakhak niya sa kabilang linya.

"Tawang-tawa, Achilles?" I swear kung nasa harapan ko lang siya ay baka mapunit siya sa talas ng mga mata ko.

"Anong tawag mo sa Mama ko?"

Ako naman ang tumawa, mas malakas at mas matagumpay!

"Huwag kang magdamot dahil para sabihin ko sa 'yo, hindi mo na lang Mama 'yon. Simula ngayon, Mama ko na rin 'yon kaya huwag kang tumawa diyan dahil baka isumbong kita sa Mama Adalira ko!"

He chuckled again.

"Lola mo ang Lola Ellen ko at ngayon Mama mo na rin ang Mama ko?"

"Oo, tapos asawa na kita. Pakasal na kaya tayo ng totoo para legit na Cordova na rin ako?"

Hindi siya nakasagot. Alam kong namumula na naman ito at nai-imagine ko na naman ang nababaliwan niyang mukha.

"Oy... Oh sige, gusto mo ba diretso honeymoon na?"

"Belcalis."

"Fine! Hindi na!" tumihaya ako at sinapo ang nilalagnat na mga pisngi.

He doesn't want to talk about that. Naiilang pa rin talaga siya kapag iyon na ang topic at bilang mabait na asawa ay ayaw ko namang magalit siya.

"Kasal na lang pala, g ka na ba?"

"Puro ka talaga kalokohan. Sige na. I'm still studying."

"Sus. Ayaw mo kasi akong seryosohin. Try mo kasi minsan. Promise hindi ka magsisisi."

"Don't you have homework?" my eyes rolled at the back of my head when he changed the subject. I expected him to do that.

"Tapos na ako. Matagal ka pa?"

"Malapit na. Matulog ka na."

"Hindi pa ako inaantok. Hihintayin kita."

"It's late. Magpahinga ka na."

"I'll wait for you. Hindi pa nga ako inaantok."

"Are you sure?"

Inayos ko ang aking sarili sa kama at niyakap ang unan.

"Yeah, but... can I see you? Can you open your camera?"

Akala ko ay tatanggi siya pero napasinghap na lang ako nang agad niyang buksan iyon. Hirap akong umahon dahil pakiramdam ko ay bigla akong nalunod kahit na nakasimpleng puting t-shirt lang naman ito. His hair was a bit messy, but it added layers of sexiness in him.

Nakasuot ang kanyang salamin at hawak niya ang kanyang highlighter. His eyes looks tired, but he has unwavering determination.

Napalunok ako ng ayusin niya ang kanyang salamin pagkatapos ay tila biglang na-conscious sa hitsura dahil natulala na lang ako sa kanya. Sinuklay niya ang kanyang buhok at umayos rin ng upo.

"May oras bang hindi ka gwapo? Kahit mukhang pagod ka na consistent pa rin ang kagwapuhan mo eh." humigpit ang yakap ko sa aking unan nang makita ang kanyang pagngiti.

Agad siyang nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa. "Stop messing with me. I still have a lot to read."

"I am not. Ako ang pinaka-honest na makikilala mo sa mundong 'to kaya kapag sinabi kong gwapo ka, gwapo ka. Kapag sinabi kong magiging sa 'kin ka, sige na kasi... please?"

Nababaliwan niyang nakagat ang kanyang pang-ibabang labi pero hindi ako nagawang titigan pabalik. He was blushing again. Hindi natanggal ang pagpapasikat ng kanyang magkabilang dimples sa pisngi.

"Uy... bibigay na 'yan... I love you, Archi ko..."

"Cali, I'm studying..." nahihiya niyang sagot, pinipilit maging matatag sa panglalandi ko.

Pinigilan kong mapahalakhak. Kahit na naiilang na naman siya ay hindi naman ako magawang itaboy. Marupokpok na rin talaga. Belcalis lang sakalam!

"Fine. Sige panunoorin na lang kita."

"Go to sleep."

"No! I'll watch you. Dito lang ako."

Inayos niyang muli ang salamin bago ako balingan. Ngayon ay mas kalmado na ang ekspresyon.

"Behave." he said.

I lifted my hand and zipped my mouth, but I still managed to mouthed, 'I love you' before he could strip his gaze off of me. Muling kumapal ang pamumula ng kanyang mukha maging ang kanyang leeg at tainga!

Tinakpan ko ng unan ang aking bibig para hindi matawa sa napaka-cute niyang reaksiyon. Hindi na ako nagsalita. Hindi na ako nangulit. Inayos ko na lang ang aking telepono sa aking bedside table at nahiga ng maayos.

Nakuntento akong panuorin siya hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro