Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 20

Chapter Twenty

Cullasaga


"Tangina ang boring ng walang kaaway," frustrated kong sabi na napapabuntong-hininga pa. "Nangangati na 'tong kamay kong manapok ng pokpok!" inis kong dagdag.

Hindi ko na naman mapigilan ang bunganga ko at si Lana na naman ang sumasalo ng lahat ng iyon.

"Ayaw mo ba ng tahimik? Okay nga 'tong walang nanggugulo sa atin, 'di ba?" inosente niyang tanong.

Mas lalo akong nairita lalo na't hindi na ako tinantanan nang isiping pupunta si Achilles sa cheap na birthday party ng haliparot na Evelyn na 'yon! I really hate that girl!

"Boring. Napakatumal ng buhay ko dito, Svetlana." Madrama kong inilagay ang isang kamay sa mga mata para takpan matapos pumikit.

"Bakit? Kung nasa Manila ka, anong ginagawa mo ngayon?"

"Ano sa tingin mo?"

"Nagma-mall?"

I laughed at that. Seriously? Mukha bang trip ko ang ma-malling?

"That's so lame! Why would you think that?"

"Hindi ba? Hindi ka ba mahilig mag-shopping?"

Rumolyo ang mga mata ko.

"Shopping is better outside the country. Isa pa, masyadong boring ang activity na 'yon! I'm not a fan!" Hindi mapakali akong umahon sa pagkakahiga at hinarap siya.

"I need something new! I want more thrill in life! An adventure, gets mo ba? Mababaliw na ako sa lugar na 'to!"

Walang ideya itong umiling sa akin. Naiinis lang kasi talaga ako at kailangan kong makahinga dahil kung hindi ay baka sumabog na naman ako bigla! I did not sent any text to Achilles because I was still pissed that he was going to that stupid party. At ang nakakairita ay hindi ko naman siya pwedeng pigilan doon! I know he have the right to be there because they were friends and I am still not his girlfriend, but my ego was hurting so bad!

"Anong gusto mong gawin?"

"You've been in this place longer than me. Bukod sa beach ano pang meron sa lugar na 'to?"

Nang makita ko ang pag-iisip niya ay nabuhay ang pag-asa sa puso ko.

"Alam kong may naiisip ka, where is it?"

Nahihiya itong napayuko. "Hindi ko alam kung paanong pumunta doon."

"Saan?"

"Sa falls. Cullasaga ang pangalan."

I think I've heard that place somewhere, but I am quite not sure. Tinawagan ko si Lisa pero hindi niya alam ang lugar. Mabuti na lang at alam ng aking driver kaya hindi naging mahirap ang pagpunta namin doon.

I prepared everything for our little excursion. Maging ang mga susuotin namin ay ako na ang naghanda. I loaded my luggage with alcohol and bought foods for her. Hindi ko binilang ang alak na naroon pero siguradong malulunod kaming dalawa o kahit ako dahil mukha namang hindi ito sanay uminom.

"This is beautiful, Lana..." hindi makapaniwala kong sambit habang nakatingala at pinapanuod ang paglaglag ng tubig galing sa itaas ng falls.

I've never been to a place like this. Masyadong tahimik at payapa na tila sa isang movie lang nag-e-exist. It was so beautiful. The water was pristine and the rock formations were astonishing!

"I know..."

"How did you know about this place? Eh kahit ang maid kong matagal na rito hindi alam ang lugar na 'to."

"I just know." Tipid niyang sagot.

I was mesmerized by the place. I took a lot of photos. Doon pa lang ay halos maubos na ang oras namin dahil talagang hindi ako tumigil. Kahit na alam kong napipilitan lang si Lana na samahan ako sa mga picture ay pinagbigyan niya pa rin ako. I thanked her for that. Alam niyang may pinagdaraanan ako at kating-kati nang magtanong pero nagawa lang nang mapunta kami sa balsa.

"Nag-away ba kayo?" She finally asked, hindi na napigilan.

"Hindi."

"Eh bakit parang bigla ka na naman nawala sa mood? Si Achilles ang dahilan kaya ka badtrip ngayon 'no?"

Inirapan ko siya, mas naging determinado ako sa paghila ng lubid.

"Ayaw kong pag-usapan 'yong lalaking 'yon."

"Bakit naman?"

"Ang sarap mong tirisin, Lana. Sabing ayaw ko nga."

"Gano'n ba... Eh, bakit nga?" Patuloy niya pa ring pangungulit at hindi man lang natinag kahit nang samaan ko na siya ng tingin.

Siya na lang yata ang hindi takot do'n dahil alam niyang kahit kailan ay hindi ko siya magagawang saktan.

Itinigil ko ang ginagawa at hinarap siya pagkatapos ay inilagay ang mga kamay sa bewang. Dahil yata sa alcohol ay mas lalong nag-init ang ulo ko!

"Itong gandang 'to, hinahabol at pinipilahan 'to, Lana. Hindi ako inilabas galing sa itlog ng isang Heneral at lumangoy papunta sa sinapupunan ng Nanay ko para lang mahalin ang isang lalaki na makikipaglandian lang sa haliparot niyang churchmate! Bahala siya sa buhay niya! Simula ngayon, hindi ko na siya mahal!"

Inis ko siyang tinalikuran para hilahin ulit ang lubid. Hindi siya nakasagot nang mapunta kami sa ilalim ng tubig. I stayed there. Nakapikit at hinahayaang salubungin ng katawan ang may katamtamang agas ng falls. Ginaya niya ako hanggang sa makalagpas kami doon.

"So, si Archi nga talaga ang dahilan kaya ka 'nabo-bored'. Paano 'yan? Hahayaan mo na lang siyang makipaglandian sa iba, gano'n?"

Muli ko siyang inirapan, pero imbes na matakot ay natawa lang ito ng matigilan ako't hindi kaagad nakapagsalita.

"Sabi ko ngayon lang! Simula ngayon at hanggang ngayon lang! Badtrip ka rin, eh!"

Svetlana did not stop bugging me about it. Ilang beses niyang sinubukang tanungin kung bakit iritang-irita ako ngayon kay Achilles samantalang noong nakaraan ay siya ang topic naming dalawa pero hindi ko sinabi ang dahilan.

Pagbalik namin sa kubo ay inabala ko ang sarili ko sa paglaklak ng mga alak.

"Cali, tama na 'yan baka malasing ka." Wala akong nagawa nang makuha niya iyon sa kamay ko. My blood boiled more!

"Lana, give me that!"

Akmang hahabulin ko siya kaya nagmamadali siyang lumabas sa kubo habang yakap ang bote. Hindi niya alam na kahit itapon niya ang inilayong alak sa akin ay marami akong reserbang alak sa maletang nasa tabi ko!

Nalaglag ang panga niya nang kumuha ako ng panibago at tamad na binuksan para ipagpatuloy ang pagsira niya sa trip ko.

Sa bawat paglagok ko nga ay mas lalong lumilinaw sa utak ko ang nakangising mukha ni Evelyn. Iyon rin ang magiging ngisi niya kapag pumunta si Achilles sa birthday party niya! Nakikini-kinita ko na ang tagumpay ng isang higad! Putang ina niya talaga.

Bago pa makabalik si Lana sa kubo at pigilan ulit ako ay parang lumuwa na ang mga mata ko nang makita ang mga bagong dating na bulto!

Ang init sa ulo ko ay mas tumindi lalo pa ng magtama kaagad ang mga mata namin ni Achilles!

"Speaking of the devil!" Madrama kong sambit, hindi na napigilan kahit na hindi naman talaga siya ang kinaiinisan ko ng malala!

Oh God, I'm the worst! Hindi ko na alam! Wala na naman ang kontrol ko sa sarili at lumalabas na naman talaga ang pagiging demonyo!

"Ugh, kairita!" muli kong parinig sabay shot ulit. Halos tunggain ko na ang hawak na bote sa inis!

I managed to greet everyone except him. I know he didn't do anything wrong, but I couldn't help myself being mad at him!

Pumunta sila sa kabilang kubo. Ang mga mata ni Achilles ay nananatiling nakatuon sa akin at pinapanuod ang bawat galaw ko dahilan para hindi umayos ang paghinga ko kaya minabuti ko na lang na lumusong sa tubig at maligo.

Sa ngayon ay gusto ko na lang talagang lumayo dahil masama at pasmado na naman ang bibig ko lalo na't nakainom na. For sure he wouldn't like everything that will come out of this mouth.

Pinanalangin kong umiwas ito sa akin para pare-pareho kaming matahimik pero gano'n na lang ang gulat ko nang sa muli kong pag-ahon ay mukha niya kaagad ang sumalubong sa akin. He followed me and he's now topless in front of me!

The water was dripping from his hair. His broad shoulders were showcasing his tight muscles. Namumula ang mga labi niya habang nakatitig sa akin gamit ang nakikiusap na mga mata.

Sunod-sunod ang naging paglunok ko pero agad akong lumangoy palayo. Sinubukan niyang lumapit pero nagpatuloy pa rin ako.

"Hey..."

"Doon ka na muna," malamig kong sagot nang bilisan niya ang pagsunod sa akin at agad akong naabutan. "Hindi ako mabait ngayon, Achilles."

"What happened?" agad kong nalasahan ang pag-aalala sa kanyang tinig.

Gusto kong matunaw kaagad doon pero dahil nga naging intrimitida na ang alcohol sa sistema ko ay hindi ako masyadong tinablan.

"Galit ako sa 'yo." I said, trying to swim away from him, but he kept following me.

"Anong nagawa ko?"

"Lumayo ka na muna sabi."

"Tell my why?"

"Archi–"

"Belcalis," I body finally stopped moving when I felt his hands wrapped around my waist.

Pakiramdam ko ay biglang naging hot spring ang tubig dahil sa mga kamay niyang nakayakap sa aking bewang.

Hirap akong pumihit paharap sa kanya. Mas lalo akong hindi nakapagsalita. Gusto kong mahiya sa mga pinaggagagawa ko pero hindi pa rin talaga maalis-alis ang inis ko.

"Bakit galit ka?" mahinahon niyang tanong pero itinulak ko lang siya ulit palayo.

I heave a sigh when he wouldn't let me go. Mas humigpit pa ang mga kamay niyang nakayakap sa akin.

"Achilles, let me go!"

"I won't. Sabihin mo kung anong problema? Anong nagawa ko?"

Doon lang ako nagkaroon ng lakas na titigan ang kanyang mga mata. He was so innocent yet my heart couldn't stop being so mad!

Nakakainis na maraming nagkakagusto sa kanya. Nakakainis na napakagwapo niya at baliw na baliw si Eve sa kanya. Nakakainis dahil kahit na gusto kong huwag siyang makipaglapit doon ay wala akong magawa dahil wala naman akong karapatang pigilan siya.

Bigo akong yumuko imbes na sabihin ang mga dahilan ko. Sa muli kong pagpiglas sa kanyang yakap ay tuluyan na niya akong nabitiwan. He kept chasing me until I decided to go out of the water.

Sa muling pagbalik ko sa kubo kasama ang mga pinsan niya ay nagpatuloy kami sa inuman. Hindi ako nagpapigil kahit na alam kong ayaw ni Achilles ang ginagawa ko.

Ilang beses niya akong sinubukang pigilan pero hindi siya nagtagumpay. Hindi ito madalas umiinom pero ilang beses kong nakita ang pag-inom niya ng shot para sa akin para lang matigil ako sa pagpapakalasing.

"Your eyes are mesmerizing..." hibang kong sambit habang titig na titig kay Riggwell na agad natahimik dahil sa sinabi kong malayo sa topic nila.

I am tipsy but I don't have any plans stopping myself from getting drunk. Wala namang nagawa ang mga lalaki maging si Lana kaya nagpatuloy ako.

Naiilang na natawa si Riggwell pero nang gumalaw ako para mas matitigan nang malapitan ang kanyang mga mata ay lalo siyang namula.

Sinulyapan niya si Achilles na nanghihingi na ng tulong pero tahimik lang ito. He was probably still figuring out what was my problem. I know marami na akong nainom pero napakaganda rin talaga ng mga mata ni Riggwell at ngayon ko lang ito natitigan. He has the most beautiful eyes I've ever seen, too. He was the cutest of them all. Gwapo, sexy, pero cute.

Iyon bang mga tipo ng lalaking parang araw-araw kang bibigyan ng teddy bear. Babatiin ka ng happy monthsary every twelve midnight tapos kakantahan ka gabi-gabi sa telepono kahit na wala naman sa tono. Iyon ang tingin ko sa kanya at kung sino man ang babaeng makabibihag sa mailap niyang puso ay alam kong maswerteng-maswerte. He has the best humor, too. Hindi mabo-bored ang magiging girlfriend niya dahil maloko siya at masayang kausap.

"Maganda talaga ang mata niyan," singit ni Nicolaus para mawala ang tensiyon. "Pero mas maganda pa rin ang kay Archi! Tignan mo."

Hindi ako natinag, parang walang narinig. Imbes nga na sulyapan ang sinabing lalaki ay nangalumbaba lang ako sa harapan ni Riggwell, titig na titig pa rin sa kanyang mga magagandang mata.

He really looks like his twin Vivi. Bumaba ang mga mata ko sa kanyang bibig.

"And your lips are so red, too... How many girls have you been kissed, Riggwell?" seryoso kong tanong dahilan para kabado itong matawa.

"Huwag ganyan, Cali... alam kong marupok ako, pero mahal ko rin si Archi." I remained serious despite his jokes.

"Why? Nagtatanong lang naman ako. Do you like French kissing? With tongue and all that?"

Muli itong napalunok at inagaw ang shot ni Nicolaus. Doon lang ako natawa.

"Don't tell me you're still virgin?" Nabilaukan si Riggwell sa muli kong tanong habang ang lahat ng lalaki naman ay agad natuon sa akin ang mga mata.

Kumawala ang sarkastikong tawa sa aking bibig.

"What? May mali ba sa tanong ko? Nicolaus is surely not virgin and I think Seidon too, but you... Are you?"

Marahas itong napalunok. Hindi na alam ang gagawin upang pigilan ako sa mga mapangahas kong tanong.

"Bata pa ako, Cali. 'Wag gano'n. I refuse to answer your question. Change topic."

Humalakhak si Nicolaus sa naging sagot nito.

"Bata your ass! Wala kang maloloko rito gago."

Sinamaan niya ng tingin si Nico, pero imbes na magsalita ay natatawa lang na inilagay ang hintuturo sa kanyang mga labi.

"Shh... Huwag mo 'kong sumbong sa Mama ko."

Doon na nagtawanan ang lahat pero naputol ang kay Achilles nang siya naman ang balingan ko.

"You," pinihit ko ang sarili paharap sa lalaki. "I know you're still a virgin."

Tumaas ang isang kilay ni Achilles sa narinig at muling naging seryoso.

"Paano mo naman nasabing virgin pa ako?"

I smirked and then snatched the shot glass from Riggs' hand. Tinungga ko muna iyon at hindi man lang nag-abalang kunin ang chaser bago nagsalita ulit.

"You don't even know how to kiss. Makipag-sex pa kaya?"

"Boom!" Hiyaw ni Riggwell kaya lumipad kaagad ang masamang tingin ni Achilles sa kanya.

"Boombayah! Yah yah yah boombayah!" Pagpapatuloy niya na lang para hindi na madamay sa aming dalawa.

"How many guys have you been kissed, huh? Ilang lalaki ang nagturo sa 'yo para maging eksperto ka sa paghalik?"

I just smirked at that. I pretended that I wasn't offended even though part of me was. Hindi talaga ako natatamaan sa mga ganitong topic pero alam kong nawawalan na siya ng pasensiya sa akin. He was confused and starting to get mad at my actions.

"Too many to mention," I confidently answered.

Hindi ako natinag maski nang itukod na ni Archi ang kamay para mas titigan ako.

"So are you still a virgin?"

Mas lalo akong napangisi. Tuluyan nang natahimik ang lahat dahil sa pagtindi ng usapan naming dalawa.

"Why don't you find out yourself? Kapag dumugo at masikip ibig sabihin virgin pa. Alam mo ba 'yon?"

He was reluctant to answer me. Nagpatuloy ako.

"Hindi mo alam dahil virgin ka pa nga. Stop arguing with me dahil masama ang magsinungaling!"

Napalunok siya sa matalas kong mga salita. Bigla akong na-guilty at agad na kinuha ang bote ng alak at tinungga pero nakakaisang lagok pa lang ako ay nakuha na niya iyon sa aking kamay.

"That's enough."

"Achilles!"

"Tama na, Belcalis." mas mariin at maawtoridad niyang sagot dahilan para sandali akong kumalma. "Mag-usap tayo ng maayos."

Hindi ko na napigilan ang pagkuha niya ng bote sa aking kamay. Napayuko ako at agad na nag-iwas nang tingin. Wala na ang mga kasama namin. Wala na rin ang maleta ng mga alak! Nico and Riggs took it away from me! Ang dalawa ay nagpapatuloy sa inuman sa kabilang kubo samantalang si Seidon at Lana ay nasa tubig ulit.

Hindi pa ako nakakapag-isip ng sasabihin ulit ay naramdaman ko na ang paglukob ng tuwalya sa aking katawan. Nanghihina ang mga mata kong napatitig pabalik kay Achilles habang inaayos niya iyon sa aking balikat.

Sa muli niyang pag-upo sa aking tabi ay mas malapit na siya sa akin. Akala ko ay pagagalitan niya ako ulit pero ang tinig niya sa muling pagsasalita ay mas malumanay na at punong-puno ng pasensiya.

"Tama na, okay?" he said and then he started fixing my wet hair.

Muli ay natulala na lang ako habang inaayos niya ang mga basang hibla ng buhok ko. He snatched one of Svetlana's scrunchie on the table to tie my hair up. Pinunasan niya pa ang pisngi ko at gamit ang kanyang hawak na towel at tinuyo ang mga tumutulong tubig galing sa aking basang buhok.

Doon na nawala ang galit ko. How can I be so mad when he was this caring and thoughtful? Besides, he didn't do anything for me to act like this. Inosente siya at ako lang ang nag-iinarte. Sobrang sama ko talaga.

"I-I'm sorry..." hindi ko na napigilang sabihin nang tuluyan akong kumalma.

Kumurap-kurap ako. The alcohol is now fucking with my feelings. Ngayon ay gusto ko namang maiyak dahil talagang bigla akong naawa sa kanya sa sama ng ugali ko.

Achilles gave me the sweetest smile as a response, making me swallowed all the bile on my throat.

"Are you okay now? Are you ready to tell me why are you so mad?"

"Hindi ako talaga galit sa 'yo."

"Bakit mo sinabing galit ka sa 'kin kanina?"

Napaiwas ako ng tingin.

"Cali..." he held my hand to stop me from escaping him.

Huminga ako ng malalim at hindi na nagawa pang takasan siya.

"I'm sorry kung gano'n ako sa 'yo. Naiinis lang talaga ako dahil nakita kong pupunta ka sa party ni Evelyn. I know ilang beses mo nang sinabing huwag akong magselos sa kanya pero hindi ko pa rin mapigilan dahil wala namang tayo. Hindi ko mapigilang magselos dahil kahit na gano'n, gusto kong sa akin lang ang atensiyon mo. Gusto kong ako lang ang pagtutuonan mo ng pansin. Alam kong sobrang selfish ko kahit wala akong karapatang hilingin 'yon pero 'yon ang dahilan. Nagagalit ako kay Evelyn dahil alam kong gusto ka niya at close kayo. Nagagalit ako sa 'yo dahil kahit wala kang gawin, ang daming nagkakagusto sa 'yo. Nakakagalit ang kagwapuhan mo. Nagagalit ako lalo sa sarili ko dahil kahit na hindi pwede, gusto kitang ipagdamot. Kahit hindi ka sa 'kin, gusto kitang angkinin. Gusto ko, sa 'kin ka lang. Gusto ko ako lang... Ako na lang..."

Halos malagutan ako ng hininga sa haba at madamdamin kong litanya. Ang paghanga sa mga mata niya ay sumilay dahil sa mga kabaliwan ko.

Akmang iyuyuko ko na ang aking ulo upang iwasan ang kanyang mga mata pero hindi ko nagawa nang maagap niyang hawakan ang aking baba at marahan iyong ipirmi para panatilihin ang titig sa akin.

"Hindi na ako pupunta." simpleng sagot niya dahilan nang paglaglag ng panga ko.

"A-Archi–" he gently pressed his thumb on my lips to shut me up, making my heart pounded more.

"Hindi na ako pupunta sa party ni Evelyn kaya huwag ka ng magalit. Bati na tayo..."

~~~~~~~~~~~~

What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂

Follow all my social media accounts if you want to be updated.

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro