CHAPTER 18
Chapter Eighteen
The Past
"Bakit ngayon ka lang sumagot, ha? Kanina pa ako tumatawag, Cali!" nauubusan nang pasensiyang bungad sa akin ni Orie nang sagutin ko ang pang labing-limang tawag niya.
Katatapos lang ng klase ko ngayong araw. I always put my phone on silent now because I don't want any distractions. Hindi rin naman tumatawag si Achilles sa akin o nagti-text kapag alam niyang nasa klase ako kaya wala akong hinihintay.
"What is it?"
"Naka-silent na naman ba ang phone mo?"
"Oh, may problema ka do'n? Nag-aaral ako ng mabuti Orianabel at katatapos lang ng klase ko. Ano ba 'yon? Nakakasira ka ng pag-aaral, makonsensiya ka naman."
Bahagya siyang nahinto at natawa sa kabilang linya. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin talaga mapaniwalaan ang pagbabagong buhay ko.
I told her that I'm really studying now. Noong una ay sinabi niyang gusto ko lang ma-impress si Achilles kaya ko ginagawa iyon at magsasawa rin ako pero ilang linggo na ang lumipas ay naninindigan pa rin ako kaya baliw na baliw siya sa akin ngayon.
"Ang lakas talaga ng trip mo! Anyway, wala gusto ko lang ibalita na naaksidente ang mga magulang ni Brix," bahagya siyang nahinto. Ang puso ko ay tinubuan kaagad ng matinding kaba, but I felt it fall when she continued. "Both were dead on arrival just this morning."
Natigil ako sa paglalakad at lutang na napatabi sa pasilyo. Parang bigla akong pinagpawisan ng malamig sa narinig.
Oo nga't masalimuot ang naging paghihiwalay naming dalawa ni Brixton, but I wouldn't wish something like that to him. I like his parents, too. They're nice and cool. Bago pa naging kami ng opisyal ay magiliw na ang pakikitungo ng mga ito sa akin. They're the one who really spoiled me with material things especially when he introduced me as his girlfriend.
Minsan nga ay nagtatampo na si Brix dahil mas mahal pa raw ako ng mga ito kaysa sa kanya. Mababait silang tunay kaya kahit na matagal na rin simula ng huli kaming nag-usap ng mga ito ay para pa rin akong nawalan.
"W-What exactly happened?" napasandal ako sa dingding habang mahigpit ang kapit sa aking telepono.
I may seemed heartless, but I do still have feelings. Nalulungkot ako at naluluha sa nalaman.
Brixton was an only child and even though he will surely inherit everything, he wasn't still capable of that responsibility. Ni hindi ko makita kung paano niya tatanggapin ang pagkawala ng kanyang mga magulang.
Orie told me what she knew. It was a plain crash. Patungo raw ng Cebu ang mga ito para sa mabilisang business meeting pero nagkaroon ng aberya sa ere. They were nice people and they were friends with almost everyone. Walang na-issue sa mga ito ni minsan kaya totoong aksidente ang lahat.
"I feel bad for him."
"He didn't go to school today. Ang sabi ng mga kasambahay ay nakakulong lang raw sa kwarto."
Sa kabila ng mga sakit na naramdaman ko sa pagtatapos ng relasyon namin ay nakaramdam pa rin ako ng awa sa kanya.
"Have you tried calling him?"
"No. Matagal ko nang hindi nakakausap 'yon dahil sinabi ko na ring wala na siyang mapapala sa aking impormasyon tungkol sa 'yo. He remained single though, and I don't think he has anyone right now. Maging ang mga kaibigan niya ay hindi rin niya hinaharap."
I heave a sighed. Umangat ang aking kamay sa aking batok at tumingala habang nakapikit at minamasahe iyon.
I know Brixton more than everyone. Oo nga't popular siya at maraming kaibigan, hindi naman siya iyong lalaking showy at mahilig magkwento sa totoo niyang nararamdaman.
We were once both each other's person. Kaming dalawa lang ang naging hingahan ng isa't-isa at alam ko kung gaano kahirap ang kanyang pinagdaraanan ngayon. I don't think he can survive it alone. He really need someone. Too bad, I am not part of his life anymore.
"Try calling, Auntie Belle." suhestiyon ko sa pinakamalapit nitong Tita.
"She's currently out of the country. May kailangan pa raw itong tapusin sa Morocco at sa isang linggo pa uuwi."
I blow out a frustrated breath and then slightly nudge my head on the wall. "I am not going to talk to him Orie."
"Cali... you've been friends before all of that shit happened. I know this is hard for you, too, but can you at least try to talk to him? Maybe he'll listen to you. Baka kapag hindi na 'yon lumabas ay sumunod na 'yon sa mga magulang niya. Please? Kahit para na lang kila Tito at Tita. He needs us."
"Pag-iisipan ko." agad akong umalis sa dingding nang matanaw sa malayo ang parating na lalaki.
May usapan kami ni Achilles na magba-bible study ulit. Sa pagkakataong ito ay kaming dalawa lang. I told him I wasn't comfortable with his churchmates especially with Evelyn and he understood that's why we're having our own one on one bible study at home.
Nagpaalam na ako sa aking kaibigan bago pa ito makalapit sa akin, pero kahit na nawala na si Orie sa kabilang linya ay nanatili ang pag-aalala sa presensiya kong agad napansin ni Archi.
"Are you okay?"
Pinilit kong ngumiti at tumango. Kinuha niya sa kamay ko ang aking mga gamit, hinayaan ko siya.
"Yeah. I'm okay."
Tumagal ang mapanuri niyang mga mata habang naglalakad kami sa hallway pero hindi na ito nagsalita pa.
Lita prepared food for us. Sa hardin namin napagdesisyunang mag-aral. I was silent the whole time. Kahit na naiintindihan ko naman ang lahat ng mga sinasabi ni Achilles ay parang wala akong lakas na sumagot. Palaging tango lang ang ibinibigay ko sa kanya hanggang sa matapos kami.
"I'm sorry..." hindi ko napigilang paumanhin habang nagmemeryenda na kami.
Nagi-guilty kasi akong wala man lang akong naiambag ngayon. Though I told him about the revelations I had from what he discussed, I still felt guilty because I know I did not gave him my hundred percent. Sa tuwing nagfo-focus na kasi ako ay muling pumapasok sa utak ko ang mga pumanaw na taong naging malapit rin naman sa akin.
"It's okay. Uuwi na rin ako pagkatapos para makapagpahinga ka kaagad–"
"No!" bulalas ko, doon lang nagising ang katawang lupa. "I-I mean, you can stay if you want. Dito ka na rin mag-aral kung gusto mo."
"It's okay. Magpahinga ka na. Sa bahay na lang ako mag-aaral."
"Sorry talaga."
"Nah, you did well today. Don't worry about it."
"Sorry," iyon lang ang paulit-ulit kong sinabi at natigil lang nang abutin niya ang aking kamay upang patigilin.
Napatuwid ako ng upo at awtomatikong napatitig sa kanyang mga mata. I swallowed hard when his gaze remained at me. Napalunok akong muli nang maramdaman ang marahan niyang pagpisil sa aking kamay.
"You can tell me about it if you want. I'm here to listen."
Ginalaw ko ang aking kamay at nakipaglaro sa kanyang palad. Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag lalo pa nang bitiwan ang titig sa kanyang mga mata at ituon iyon sa aming mga kamay.
I love holding his hand. Napapanatag ako kahit paano. Now with him holding me, medyo naka-focus na ako sa kanya.
"Okay lang. Wala 'yon."
"You sure?" He asked again.
Natigil ako sa paggalaw nang iangat niya ang aming mga kamay at marahan iyong ipinagsalikop na parang puzzle na fit na fit sa isa't-isa.
"You can tell me if you like. I'm a good listener, try me."
I appreciate him for that, really. Ang totoo ay hindi naman sa ayaw ko. Nasanay lang kasi akong kapag mayroon akong problema ay sinasarili ko lang. I don't want to bother anyone with my dilemma's. Ang weirdo kasi para sa akin at kaya ko naman lahat kaya hindi na rin kailangan, pero ngayon... seeing Achilles' eagerness to know what was bothering me made me want to confess.
"Isn't it weird? Wala namang kwenta 'yon at baka mabaliwan ka lang sa mga sasabihin ko kaya huwag na lang. Hindi naman importante."
He rested our hands on the table, still gazing at me intently. A rush of adrenaline surges through my body when he lick his bottom lip, still waiting for me to speak up.
"If it bothers you and you need to let it out then it's not weird. It's normal, Cali. Hindi weird ang pagkakaroon ng problema at hindi rin masamang ibahagi iyon lalo na kung tingin mo ay makagagaan sa loob mo."
My mouth remained shut. Maya-maya ay umarko ang kanyang labi at marahang tumango.
"But it's okay if you don't feel like talking about it. Hindi kita gustong pilitin kung hindi ka komportable–"
"My ex boyfriend's parents died today." I cut him off.
Bahagya siyang napatuwid ng upo ngunit ang kamay ay nanatiling nakahawak sa akin. Napaiwas ako ng tingin saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"I know I shouldn't care because we are done and it was an awful break up, but I felt the need to reach out to him... even if I didn't want to,"
Hindi binitiwan ni Achilles ang aking kamay. Patuloy siyang naghintay kaya nagpatuloy pa ako.
Sa muling pagtitig ko sa kanya ay bahagyang napawi ang aking hiya dahil talagang nakita ko ang determinasyon niyang makinig.
"He cheated on me," mapait akong ngumiti habang binibisita ang daan pabalik sa masalimuot na nakaraan.
Kahit na napapawi na ang hiya ay hindi ko pa rin maiwasang mailang lalo na't ito rin ang unang beses kong magsabi ng problema sa ibang tao maliban kay Orie.
"I never really wanted him to be my boyfriend, but we decided to give it a try, you know. It actually started so good, but it ended up the worst possible way. We broke up the night of our first anniversary. Nalaman kong may iba pa lang babae sa buhay niya and they were doing things behind my back. Hindi kami nagkaro'n ng formal break up at hindi ko na rin siya nakausap simula nang gabing 'yon kaya hindi ko alam kung paano siya kakausapin ngayon,"
Isang malalim na buntong-hininga ang muling kumawala sa aking bibig. I tried smiling at him when he caught my eyes, but the sudden burst of emotions in my heart continued punishing me.
"Gano'n pala 'yon 'no? Hindi kasi ako sanay nang niloloko. Panatag rin akong hindi niya magagawa kahit kailan sa 'kin ang bagay na 'yon, pero hindi pala. Mali pala ako," I continued with a faint smile.
"Hanggang ngayon, kahit na alam kong hindi ko na siya mahal ay nananatili ang galit ko sa kanya. I'm still mad because he made me look stupid. Nagtiwala ako at iyon ang pinakanasira sa lahat. And when trust gets broken, it will never be fixed. I'm not a martyr and I won't be one because I don't deserve dicks like that. Ganito lang ako pero alam ko kung anong deserve ko. I know my worth and I will never settle for less."
His eyes glistened with happiness because of what I said. It somehow gave me comfort.
"Anong plano mo?"
Nagkibit ako ng balikat. Hinayaan ko siyang hulihin na rin ang isa ko pang kamay para hawakan gaya nang pagkakahawak sa una. We were holding hands while sitting across each other.
"Ayaw ko siyang kausapin hanggang ngayon pero alam nang lahat na ako lang ang may kayang kausapin siya para kayanin niya kahit paano ang mga nangyayari, pero hindi ko pa rin alam. I still don't know how to talk to him after what happened. Alam kong hindi ko pa kaya, but I have no choice but to do it for his sake... for his parents. They were good people. Siguro ay 'yon na lang."
"Call him then."
Nagsalubong ang kilay ko sa agaran niyang pagdedesisyon para sa akin. Parang natimbang na niya kaagad ang lahat nang sa gayon ay hindi na ako mahirapang mag-isip.
"N-now?"
He nodded. "Do you want me to leave?"
Humigpit ang kapit ko sa mga kamay niya. Umiling ako.
"Do it for his parents and let bygones be bygones. Forgive him for hurting you so you could also forgive yourself for whatever guilt you're still keeping in your heart. You know what you deserve and peace is one of them. This is the right time to do it."
Tumagal ang titigan namin sa isa't-isa. I don't know what to say. I'm still not ready for it, but Archi was right. I should forgive Brix for hurting me not because he deserves it, but because I deserve peace.
Kalaunan ay marahan akong tumango.
"Can you stay?" Nahihiya kong tanong, muli ay nanghihina na naman ang puso dahil sa paghingi ng pabor lalo na sa kanya.
Lumawak ang ngiti niya at binitiwan ang mga kamay ko.
"A-Archi—"
"Lilipat ako sa diyan," sinulyapan niya ang bakanteng upuan sa tabi ko nang makita ang pagkaalarma ko sa kanyang pagbitiw.
"I will stay if that's what you want." He said before standing up. Umibis siya sa lamesa at saka naupo sa aking tabi, totoong hindi ako iiwan.
Dahil sa ginawa niya ay hindi na ako nag-atubili pang tawagan si Brixton. My heart pounded more when the latter immediately answered my call after the third ring.
"Cali..." napapikit ako nang mariin nang marinig ang boses niyang balot na balot ng kalungkutan.
Nanatili si Achilles sa tabi ko. Pinapanuod lang ako.
"Hey."
"You called... Cali, you called..." he was crying. Mas lalong nabasag ang boses niya sa kabilang linya, tila hindi pa tumitigil sa pag-iyak.
"I'm so sorry for your loss."
"I don't know what to do. God, I'm so lost. I'm sorry, Cali... I'm really really sorry..."
"Don't think about it, Brix. Ayusin mo ang sarili mo. Your parents will not be happy to see you like this. Please take care of yourself."
"There's no point—"
"Don't say that," mabilis at mariin kong putol sa kanya. "Gusto mo bang malungkot ang mga magulang mo sa ginagawa mo ngayon sa sarili mo? Brixton, it was an accident. It was their time and I know it hurts, but that doesn't mean that you should give up. That's not an option, you know that, right?"
Mas bumigat ang kanyang bawat paghinga sa kabilang linya. He was sobbing. I felt the daggers piercing into my heart. It must have been so hard and I genuinely feel sorry for him. Kahit na hindi ko siya kaharap ay totoong nadudurog ang puso ko para sa kanya.
Unlike my parents, his are more attentive to him. He was an only child and his mother raised him personally. Wala itong naging yaya noong bata dahil ang kanyang ina ang umaruga sa kanya simula umpisa. Sanay siyang kasama ang mga magulang at ngayon ay sabay iyong kinuha sa kanya.
Hindi na ito nakasagot. Nagpatuloy lang sa pag-iyak. Nakagat ko ang aking labi, wala na rin akong masabi pero hindi ko naman siya mayakap para mapatigil kaya nagsalita na lang ulit ako.
"I forgive you Brixton... Kalimutan mo na lahat ng nangyari sa ating dalawa dahil pinapatawad na kita. We are friends before all that and I know how you feel. Please, let the people around you help. It's not bad to seek that. Maraming gustong tumulong sa 'yo kaya sana hayaan mo sila. Make them your source of strength. Magpakatatag ka dahil iyon lang rin ang gusto ng mga magulang mo ngayon."
"I'm sorry for hurting you... Hindi kita gustong saktan. I was just so fucking selfish. Pinagsisisihan ko lahat, Belcalis."
"Go eat and stop thinking about that. Take care of yourself please... I'll call you again once you have eaten. I gotta go." Hindi ko na hinintay ang sagot niya lalo na't napalingon na ako kay Achilles na kahit tahimik ay nanatili ang mga mata sa akin.
Marahan siyang ngumiti nang masalubong ang mga mata ko. Then it struck me. Now with him around, I felt like I'm doing all the right things in life.
Ngayon ay alam kong totoong gusto ko na ngang patawarin si Brixton at kalimutan ang lahat dahil tapos na ako roon. And this... with Achilles was the new chapter of my life that I wanted to keep building. He was the man that I really need in my life. Tama ang puso kong siya ang gustohin...
"Thank you..." ako na ang umabot sa kamay niya at magiliw niya naman iyong ibinigay.
"How's that?"
I heave a smile and nodded cheerfully.
"Better," sa paglapit ng katawan niya sa akin ay agad kong inihilig ang aking ulo sa kanyang balikat. "Thank you, Archi."
Napalunok ako't awtomatikong napapikit nang maramdaman ang paghaplos ng kanyang isang kamay sa aking buhok, tinatapik nang magaan ang aking ulong sumiksik na sa kanyang leeg. He's smells so good I'm addicted.
"You're welcome. Thank you for telling me about it. Kung kailangan mo nang mahihingahan, huwag kang magdalawang-isip na tawagan ako."
I chuckled at that. Kahit mabigat sa loob ay umalis ako sa pagkakahilig sa kanya.
"You're always busy and I told you already, ayaw kong mang-istorbo sa mga problema ko sa buhay."
"I don't mind," agad napawi ang mga ngiti ko sa paglamlam ng kanyang mga mata. "I'll make time to always accommodate you, Cali. You're at the top of my list, remember? Istorbohin mo ako, ayos lang... basta ikaw, sige lang..."
~~~~~~~~~~~~
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂
—
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro