
CHAPTER 17
Chapter Seventeen
Meet You Halfway
Madilim pa nang magising ako pero lumiwanag na lang ang paligid ay nananatili akong nakatulala sa kisame.
I just couldn't believe that I fainted when he called me baby! My cheeks burned again. Nahihiya kong sinapo ang mga iyon at kinurot-kurot pa.
Oh my God! Tinawag pa lang akong baby sa unang pagkakataon ni Achilles ay nahimatay na ako, ano pa kaya kapag sabihin niyang mahal na niya ako? Baka atakihin ako sa puso at mangisay na lang bigla!
"Miss Cali! Gising na po!" rinig kong katok ni Lisa, alam nang kapag ganito ay ginigising na ako dahil hindi ako nagising sa dose kong alarm.
Nagmamadali akong tumayo para sabihing mag-aayos na, pero nanatili akong lutang hanggang sa pagkain ng breakfast.
"Okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Lili sa akin.
I nodded and then stared at her blankly. She was there when I fainted. Kung hindi nga raw ako nasalo ni Achilles ay baka napaano ako.
She said Archi was the one who performed first aid. At kahit nang balikan ako ng ulirat ay hindi ako nito iniwan. I still remember how worried he was. Kahit nga sinabi kong ayos na ako ay hindi siya kaagad umuwi. Malinaw sa akin ang lahat ng nangyari pagkatapos kong mahimatay.
"I-I'm fine."
"Sure po? May kailangan ka? Ang sabi ni Achilles kapag hindi raw maganda ang pakiramdam mo ay huwag mo nang piliting pumasok. Ako na lang ang magsasabi sa–"
"Papasok ako, Lili," I cut her off. Ibinalik ko ang atensiyon sa pagkain at saka muling pinilit na kalimutan ang lahat ng hiya. "I'm fine. Kaya kong pumasok."
Patuloy siyang nag-alala pero ipinakita ko maging sa kanyang ina na maayos lang ako. Sa huli ay wala nang nagawa ang mga ito kundi ang hayaan ako sa gustong gawin.
I still haven't texted him to say thank you. Hiyang-hiya kasi ako kagabi sa lahat ng nangyari pero ngayon ay plano kong magpasalamat sa kanya ng personal.
Pagdating sa school ay nakita ko kaagad si Lana sa parking lot. Sakto naman ang pagdating ng magpipinsang Cordova kaya kahit na gusto niyang umalis ay hindi ko siya hinayaang gawin.
I still remember what I did to Seidon yesterday. Hindi ako magso-sorry at kahit na alam kong wala akong karapatang manghimasok sa kung anong mayroon sila ni Lana ay gusto ko pa ring magkaliwanagan silang dalawa.
"Good morning!" masaya kong bati sa mga ito nang makalapit kami sa kanila ni Svetlana.
Agad kaming nagkatinginan ni Achilles pero dahil napansin ko ang pagkawala ng ngiti ni Venus ay sa kanya tumuon ang mga mata ko.
I really can't blame her for hating my friend. She was hurt and her feelings are valid. She needed time and that is okay, but that doesn't mean that I'll let her hate Lana forever.
"You need something?" tanong nito sabay tingin sa katabi ko.
"Yeah, my husband." I interject just to cut her gaze off of her.
Umiling lang si Venus at pagkatapos ay iniwan na kami. Napasunod naman si Riggwell at Nicolaus matapos kaming tipid na ngitian.
Nang mawala ang mga ito ay hinila ko kaagad si Achilles palayo sa dalawa. I wanted them to talk and I also wanted to thank him for what he did to me.
Binitiwan ko lang siya nang mapunta na kami sa kabilang banda ng kanyang sasakyan. Parang bigla akong napaso sa kanyang balat.
"Are you okay now?"
"Thank you."
Sabay naming sabi. Parehas rin kaming napalunok pagkatapos ay nangiti sa isa't-isa. My heart pounded again when his dimples showed.
"Thank you sa ginawa mo kagabi."
"You're welcome. Okay ka na ba?"
Huminga ako ng malalim at agad na tumango.
"Yeah. Ikaw? Okay ka lang ba? Naalala mo pa ba ang 'yung mga sinabi mo kagabi o lasing ka lang kaya mo nasabi 'yon?"
"Alin do'n?"
Bumagsak ang balikat ko. He was probably just drunk. Nahimatay ako sa salita ng isang lasing. Parang gusto ko na namang mahimatay dahil sa inis.
"Nothing. Sige, I won't bother you anymore–"
Natigil ako nang iharang niya ang sarili sa aking daraanan.
"Baby..." he said under his breath.
Napakuyom ang mga kamay ko sa narinig pagkatapos ay tiningala siya pero muli akong natalo nang makita ang unti-unting paglawak ng kanyang ngiti.
"Naalala ko," He added. "Hindi mo ba gusto?"
Matapang kong tinitigan ang kanyang mga mata. He wasn't joking. Kahit nakangiti ay alam kong gusto niyang malaman ang sagot ko.
God damn, he remembers! The way he said it again makes my knees unsteady! I had to breath in and breathe out fast before I answered him.
"Depende. Kung paaasahin mo lang ako at sasaktan, huwag na lang. Saka mo na lang ako tawaging baby kapag totoong gusto mo na akong maging baby." matapang kong sagot na pumawi sa kanyang magiliw na ngiti pero ang mga matang nakatitig sa akin ay mas lalo lang lumamlam.
Napapitlag ako nang muling umangat ang kanyang kamay patungo sa aking tenga.
I cursed and hated myself for letting my hair down again! Ngayon tuloy ay inaayos niya ulit at nababaliw na naman ako!
"Just be good, please... behave," he whispered softly, like it was the only thing he wanted in the world.
Naisip kong muli ang lahat ng mga sinabi niya sa akin kagabi. Na ako ang nasa unahan ng kanyang listahan ngayon. Na gusto niya akong tulungang ipaalam sa lahat kung sino at ano ang mga kapasidad ko. He wanted me to excel and just be the best version of myself.
For the first time, there was someone who offered me help and I appreciate him so much for that. Ako kasi iyong akala ng mga tao na alam at kaya nang gawin ang lahat ng mag-isa. Totoo rin naman iyon, pero masarap pa rin pala sa pakiramdam na may taong alam na kailangan mo rin ng tulong. Na kahit matatag ka na, alam niyang hindi mo pa rin kayang mag-isa sa lahat ng oras.
Lahat ng mga sinabi niya sa akin ay talagang bumabaon sa puso ko. For once I really felt the need to prove to people that they are wrong about what they think of me, that even a bit, I should still care.
Wala sa sariling hinawakan ko ang kamay niya sa aking pisngi at marahang napapikit... finally surrendering to him and his words.
Sa muli kong pagdilat ay umarkong muli ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Don't skip class, alright? Kung may kailangan ka tawagan mo ako, tutulungan kita."
Ang bibig kong matabil ay tuluyan nang walang nasabi. Kahit nang ialis niya ang kamay sa aking pisngi ay hindi na ako nakapagsalita.
Binalikan lang ako ng lakas nang matapos ang pag-uusap ni Lana at Seidon.
Everything he said kept rewinding in my head and that made me stop thinking about ditching class and not taking it seriously.
Mabilis na nagbago ang mindset ko tungkol sa pag-aaral dahil kay Achilles. Kung noon ay wala talaga akong amor at pakialam, ngayon naman ay halos kamuhian na rin ako ng mga matatalino sa bawat klase dahil mas napapansin na ako ng aming mga professor sa walang palya kong perfect score mapa-test, quiz or kahit simpleng recitation.
I avoided every trouble that has come my way. Sa tuwing may gustong magpainit sa ulo ko ay inaalala ko lang si Achilles at ang mga bilin niya kaya nagagawa kong umiwas.
We became closer, too. He really helped me with my studies. He became my daily reminder to be grateful for the opportunities I have.
"Some people doesn't have the means to study even if they want to. Ang pag-aaral ay isang pribilehiyo kaya huwag mong sayangin. Pag-igihan mo. Maraming tao ang nangangarap ng ganito at para rin naman ito sa kinabukasan mo kaya sana seryosohin mo."
That was his exact words and it opened my eyes to a lot of things. I did everything he wanted me to do and he was so pleased. Sa kada pakita ko sa kanya ng mga perfect scores ko ay hindi niya iyon lubos na mapaniwalaan.
"You said you hate reviewing. Paano mo na-perfect lahat, 'to?"
"I did not cheat if that's what you wanted to imply. I just listened to lessons. Stock knowledge, I guess."
His eyes remained darted at mine, namamangha pa rin talaga sa mga grado ko. What I said was true. Tama siyang hindi ako nag-aaral dahil nakakabobo ang magbasa ng mga bagay na alam mo naman na kaya hindi ko ginagawa. Matalas lang talaga ang memorya ko kaya natatandaan ko ang lahat at mabilis ring makuha ang mga lessons kaya gano'n.
Sa dalawang linggong lumipas ay na-witnessed naming parehas ang pagbabago ko. He was so happy about it. Hindi ko na kinailangan na i-bribe siya para lang i-date ako dahil sa pagdating ng pangalawang Sabado ay siya na mismo ang nagyaya sa akin nang mapag-usapang wala kaming parehas gagawin.
"Is this a date? O wala ka lang mayaya galing sa church niyo?"
His eyes narrowed at my questions. Sandali niyang tinigilan ang menu para titigan ako.
"Ayaw mo ba rito?"
"Hindi ba available si Evelyn?" Tanong ko ulit nang maalala ang babae.
Doon na niya naibaba ang hawak. He stare at me for the longest. Parang gusto ko tuloy mahiya dahil alam kong iba ang tono ko. I sounded like a jealous girlfriend. Gayunpaman, hindi ako natakot na aminin.
"She likes you and I'm jealous of her. Kung ang dahilan kaya bakit mo ako niyaya ay dahil hindi siya available—"
"It's you who I want to be with, Belcalis," he cut me off, my tongue immediately rested inside my mouth.
Napalunok ako ngunit hindi inalis ang pakikipagtitigan sa kanyang mga mata.
"Wala akong gusto kay Evelyn. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya."
I was not convinced. I remember their photos. I shot back.
"You looked at her like she was the most beautiful girl in the world. Okay lang naman kung may gusto ka sa kanya. You don't have to lie to me just because I like you. Mas okay nga 'yon para alam ko kung sino ang kalaban ko."
"I don't like her," giit niya ulit. "Paano mo nasabing gano'n? I can't remember looking at her like that."
Napanguso ako. Hindi raw alam! Lord oh! Nagsisinungaling! Hindi ko napigilang mapairap dahilan para matawa siya.
Inis kong kinuha ang aking telepono at hinanap ang mga litratong iyon na naka-save na sa aking photos. I showed my evidence to him. Mas lalong nagdikit ang mga makakapal niyang kilay habang nakatitig sa aking screen. He touched my phone to see more photos, but I immediately pulled it away from his gaze. Mas lalo siyang nangisi.
"You saved my photos?" He asked using an amused tone, nakita kasi ang mga iba pa niyang litratong ninakaw ko.
"Masama ba?" I challenged his gaze.
He shook his head. My heart began to scream inside my chest again when he leaned on the table just to look at me closer. Ipinagsalikop niya ang mga kamay sa kanyang harapan habang mataman akong tinititigan gamit ang tuwang-tuwang mga mata.
"I don't see what you mean by looking at someone like it was the most beautiful thing in the world."
Napalunok akong muli dahil sa paglamlam ng kanyang mga mata. Ang ngiti niyang magiliw ay nawala at napalitan nang nakangingilong kaseryosohan.
I can feel every nerves of my body tingling because of how he was staring at me...
"Is this how I looked at her in those photos?" He asked in a raspy voice while slowly flicking his eyelids.
Sa kada pilantik ng mga mahahaba niyang pilik mata ay tila hinahalukay ang aking tiyan! I felt like my tongue was cut off, too. Nababaliwan akong umiling. Wala nang masabi. Alam ko na ang gusto niyang iparating pero hindi pa rin kinaya nang nagwawala kong puso nang sabihin niya pa iyon gamit ang salita.
"Because this is how I look at the most beautiful girl in the world."
My face heated at that, but I just couldn't rip my gaze off of him. God damn, he was the most gorgeous thing I've ever looked at, too!
"Natuto ka nang magpakilig, ah... gusto mo yata talagang mahalin kita ng sobra..."
That made him chuckled. Hindi nawala ang ngisi niya kaya natawa na rin ako.
"Hindi naman ako tatanggi kapag tinanong mo ako kung gusto kitang maging boyfriend. Baka ako pa ang mamanhikan, Achilles."
"We should eat now. Nagugutom na ako."
Ako naman ang nangalumbaba sa kanyang harapan.
"We'll be so good together. Nai-imagine mo ba?"
"What do you want to eat?" He asked instead.
Napangisi ako dahil kahit na nasasagot na niya ang ilang mga birada ko ay hindi pa rin siya sanay sa mga pangungulit ko. Naiilang pa rin siya at patuloy pa rin akong nananalo.
Hindi bale, kaunti na lang ay bibigay ka rin. Aamin ka rin, Saint Achilles.
Gaya noong una, hinayaan ko siyang mamili para sa aming dalawa. Habang nasa gitna nang pagkain ay kinuha ko na sa bag ko ang Cadbury na binili ko kahapon.
"What's this for?"
"Riggs said it's your favorite. Gusto lang kitang bigyan. Tsaka, 'di ba nililigawan kita? Hindi ba ganito naman 'yon? Gagawin mo at ibibigay lahat mapa-oo lang 'yung taong gusto mo?"
"You don't have to do this."
Nahinto ako sa pagnguya, muling napangisi.
"Bakit? Huwag kang mag-alala, paninindigan naman kita."
Muli siyang naging seryoso. Alam ko namang hindi pa siya ready na tanggapin ang pagmamahal ko kaya kapag ganito ay umiiwas pa rin siya, pero gusto ko pa ring subukan. Malay mo bumigay na.
"I just don't want you to court me. It's weird."
"Weird na mahalin ka? Hindi kaya!"
Nakukulitang napakamot siya sa ulo. "Basta, huwag na."
"So, hindi na kailangan? Bakit? Give me a reason."
Nanlaki ang mga mata ko nang hindi siya nakasagot at may napagtanto. Agad kong binitiwan ang aking mga hawak at halos iluwa ang mga nakaing pagkain.
"Kaya mo ako dinala dito dahil babastedin mo ako? That's the reason why you're being nice and sweet to me?!"
Sandali siyang natigilan sa aking reaksiyon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig! Oh God! How can I be so stupid?!
"Cali no. I mean yes, I want you to stop courting me, but not because I don't want you or I'll reject you. Ayaw ko lang dahil hindi bagay sa 'yo ang gano'n..."
Parehas na namilog ang mga mata namin sa gulat lalo na sa kanyang mga huling salita. He didn't expect himself to say all that.
Again, my mouth was lost for words. Hindi ko alam ang dapat sabihin. Parehas kaming hindi na nakapagsalita sa paglipas ng ilang minuto. Kung hindi pa dumating ang iba pang order ay hindi pa kami mag-uusap ulit.
"Let's talk about other stuff," aniya patapos tumikhim. Tumango naman ako.
"Since this is a date, why don't you tell me something about your family? What are they like? Bakit hindi mo sila kasama rito?"
I'm still glad that he cut the deafening silence between us even though I hate his chosen topic. Gayunpaman, nagawa ko siyang sagutin kahit paano.
"I have two successful brothers and they were my father's favorite. My parents were separated. My Mom has a new family and my Dad was busy with his job and all that so it's boring. Walang dapat pag-usapan. How about your family? You all seemed close and solid."
"We are. Lola Ellen trained all his kids to be family oriented. Nasanay ang lahat na magkakasama ang buong pamilya sa kahit na anong hamon sa buhay dahil mas madali rin iyon kaya hindi na naghiwa-hiwalay."
Bahagyang umayos ang daloy ng usapan namin at tuluyan nang nawala ang tension dahil sa pagtigil ko sa pangungulit.
I listened to him talked about how great his family was. Masaya ako para sa kanya. Kung noon ay gusto ko lang mapabilang sa pamilya niya dahil sa kanya, ngayon ay parang isa na iyon sa dapat kong isulat sa bucket list ko.
The Cordova's are in the middle class. Wala silang yaman gaya ng pamilya ko, but they are all hardworking people. They have decent jobs and they are contented in living a simple but fruitful life.
Archi's father has a winery. Hindi pa man iyon malago pero naitataguyod no'n ang kanilang pamilya maging ang kanilang mga pag-aaral at sapat na iyon. His mother was once a nurse. Bestfriend daw nito ang ina ni Seidon at dahil rin rito kaya nagkakilala ang kanyang mga magulang. Iyon nga lang, dahil mas pinili ang maalagaan sila't magabayan ay nag-resign ito sa trabaho at nanatili na lang sa bahay.
He was the eldest and he has two other siblings. Aniya ay matanda lang siya ng tatlong taon sa sumunod na lalaking kapatid at ang bunso naman ay babae. I'm already friends with them on Facebook, but it was still nice of him to tell me about it.
Madaldal si Achilles. Marami rin kung magtanong at kahit na tungkol iyon sa pamilya ko at minsan ay ayaw kong sagutin ay sinagot ko pa rin para lang magtuloy ang maayos naming usapan.
It was the first time that we talked stuff about our families and I kind of liked it. Marami pa akong nalaman sa kanya at gano'n rin siya sa akin.
We ended up walking on the beach near the restaurant. There was a band performing near a hotel. Malayo kami roon pero naririnig namin ang tinutugtog nila. It became our background while we walk side to side along the shoreline.
"Thank you for bringing me here. Palagi ka ring narito?"
"Not really. I don't usually have time to go out."
Pasimple akong napangiti. Naalala kong kapag ganito nga ay nag-aaral lang talaga siya.
"What makes you do it then? Bakit mo ako niyayang kumain at pumunta pa rito?"
"Ayaw mo ba?"
"Come on! You know I liked it pero bakit nga?"
"Wasn't that enough reason? Na alam kong magugustuhan mo?"
Tumagal ang titig ko sa kanya kahit pa ang mga mata niya at nanatili sa daan. I looked away when he glances at me.
"Don't make me fall too hard if you have no plans on catching me, Archi..." emosyonal kong sambit.
Muli na naman akong sinasalakay ng takot sa puso ko kahit na wala namang dahilan. Pakiramdam ko ay ngayon lang umalma ang puso ko. Ngayon lang pinaalala na kahit matatag ako, hindi pa nito kaya ang masaktan ulit.
I stopped walking when he held my hand. Muli na namang nabaliw nang titigan niya ako gamit ang mga nangungusap na mata. Na parang kahit hindi ko sabihin ang mga dahilan ko ay alam na niya ang lahat. Like he already knew everything that I've been through even without putting it into words.
Marahan siyang pumihit paharap sa akin at bago pa kunin ang isa kong kamay ay muli niyang inayos ang aking buhok na inililipad ng pang gabing hangin.
Sa paghahawak ng aming mga kamay ay muling nanginang ang kanyang mga matang ngayon ay nakatutok na sa akin.
"I have no plans on catching someone's feelings for me, but with you..." hirap na rumolyo ang kanyang adam's apple sa kanyang lalamunan at marahang pinisil ang aking mga kamay bago nagpatuloy.
"You make me want to meet you halfway and catch you there so you'd never have to fall. You're meant to soar high and all I wanted for you is to fly, Cali... I believe in you, and I want you to prioritize yourself before anything else because I am not going anywhere. I got you, alright? I got you, baby..."
~~~~~~~~~~~~
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂
—
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro