CHAPTER 16
Chapter Sixteen
Dreams And Goals
"Sorry..." aniya nang hindi ko mahagilap ang dila ko para sagutin siya.
"N-No... Okay lang... Magiging totoong asawa mo naman talaga ako..." I manage to answer kahit pa parang nabubulol pa rin ako sa kaba.
Muling umarko ang labi niya habang ang mga mata ay mas pumupungay pa. "Anong gusto mo?"
Everyone was busy. Hindi nila napapansin ang mga kamay naming magkahawak bukod kay Riggwell na mapupunit na yata ang labi dahil siya lang ng nakakakita sa amin. Gayunpaman, hindi niya ako binitiwan.
Napabalik ang titig ko kay Archi nang marahan niyang pisilin ang aking kamay.
"B-Beer?" I stuttered again.
"Kumain ka na ba?"
"H-Hindi pa pero okay lang ako sa beer–"
Hindi ko naituloy ang sasabihin nang gumalaw siya. Nalaglag ang panga ko sa napagtanto.
Gamit ang isang libreng kamay ay kumuha siya ng plato at nilagyan iyon ng mga pagkain. Hindi na ako nakatanggi nang ilapag niya iyon sa aking harapan.
"Kumain ka muna."
"A-Achilles—"
"Gusto mong subuan kita?"
Mabilis kong inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin para agad kunin ang kutsara at tinidor. Wala sa loob akong kumain. Kahit na parang hinahalukay ang mga lamang loob ko lalo pa't alam kong pinapanuod niya ako ay nagpatuloy ako!
Putang ina, nasa langit na nga ang ambisyosa't marupokpok na Belcalis! Hallelujah!
"I'll get you beer later." aniya habang kumakain na ako.
"T-Thank you." kinalma ko ang aking sarili pero sa unang pagkakataon ay natameme ako ulit at walang masabi.
Kung siguro hindi niya ginawa iyong kanina ay baka siya ang namumula ngayon dahil sa kilig at hindi ako!
What the hell is wrong with me?! Bakit ngayong siya ang bumabanat ay nababaliw ako? Hindi pwede! Oh God, hindi pwede!
Ilang minuto kong hinayaang kumain ang sarili hanggang sa makaya ko na ulit siyang harapin.
"Ikaw ang nagluto nito?"
He nodded. Ibinaba niya ang alak at mas inayos ang pihit ng upo paharap sa akin. Muli akong napabaling sa aking plato.
"They all helped me. Hindi ba masarap?"
"Masarap! Sobrang sarap! The best!"
He chuckled. Parang nilagnat na ako sa paghagikhik niya. God damn it!
"Ikaw? Kumain ka na ba?"
"Yeah. Kanina pa. May gusto ka pa ba? How about dessert?"
"Sige. Huwag lang cookies or muffin."
Bahagyang nagdikit ang kanyang mga kilay.
"Dahil gusto ni Eve?"
"Oo," wala nang pagsisinungaling kong pag-amin.
"What's your favorite then?"
Marahas kong nilunok ang mga pasta na hindi pa masyadong nangunguya. Yep, tingin ko ay nasa langit na ngang talaga ako.
"Bukod sa 'yo, marami pa."
Nagsilabasan ang mga dimples niya sa muling pagngiti. Ginantihan ko iyon.
"Sabihin mo kung ano baka kaya kong gawin."
"G-gagawin mo? Bakit?"
"Hindi ka nag-enjoy no'ng unang bible study natin. Gusto kong bumawi."
Tuluyan ko nang nabitiwan ang mga hawak para ipihit ang sarili paharap ng mas maayos sa kanya.
"Talaga? Sa 'kin? Bakit? Mahal mo na rin ba ako? Ibig bang sabihin nito tayo na?"
Muli siyang natawa pero hindi ko inasahan ang pag-angat ng kamay niya't paggulo sa aking buhok. Like he needed it to escape my question. Hindi ko na inulit dahil baka mabigo ako sa isasagot niya.
"I'll get you some dessert. I made some mango graham float. It's my favorite. Gusto mo ba?"
"Yes, please. Favorite ko na rin 'yan starting today."
He chuckled again. Inubos niya ang laman ng kanyang beer saka ako sandaling iniwan.
Natulala ako sa kawalan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay hindi si Achilles ang nasa harapan ko.
Oo nga't gusto ko ang lahat at tuwang-tuwa ako pero parang gusto ko ring matakot. I really don't know what to feel. Sobrang halo-halo ang lahat ng mga emosyon.
Kung hindi pa ako nilapitan ni Riggwell ay hindi pa ako matatauhan.
"Is he drunk?" Kuryoso kong tanong matapos niyang maupo sa harapan ko.
Dahil busy ang lahat at hindi niya rin makausap si Nicolaus na pinaka-close sa mga pinsan dahil sa kasama nitong babae ay kumain na lang ulit.
"Archi? I don't think so."
"So he's high? Did you guys smoke?"
Napaawang ang bibig niya't hindi mapaniwalaan ang narinig!
"No! Gusto mo bang patayin kami nang Lola Ellen?"
"Gusto ko lang makasiguro."
"Bakit? What is it?"
Umiling ako. Nagpatuloy sa pagkain. "H-He's just different tonight."
"Oh," lumihis ang tingin niya sa aking likuran hinahanap ang lalaki. "Parang wala namang nagbago. He's the same Archi for me. Why? Dahil nag-ho-holding hands kayo? Ayiehh! Cali sakalam!"
Nag-iinit ang pisngi kong inirapan siya! Parehas kaming natawa.
"Huwag nga, Riggs! Parang tanga 'to!" pabebe kong sabi kaya mas lalo siyang napahalakhak!
"You two are so cute together. Para kayong naghuhulihan ng feelings. Sana all mangingisda."
I rolled my eyes at him again. I realized that of all of them, siya nga lang ang hindi ko pa nakikitang mayroong nakakausap o kahit ka-close na babae. Nicolaus has been busy with Zabryna lately, isa sa mga member ng EDM. She's nice pero hindi ko masyadong nakakasama kaya hindi ko alam kung ano ang ugali.
Nico likes her. I can see it in his eyes. Marami akong kaibigang lalaki at alam ko kung kailan ang mga ito seryoso sa isang babae. This one was the girl for Nico. I'm sure of it.
"Bakit kasi hindi ka pa mag-girlfriend? Marami namang nagkakagusto sa 'yo, ah?"
He laughed again like it was the funniest joke he has ever heard.
"Nah, I'm good. Sa ngayon taga-sana all na lang muna ako. Darating din 'yon."
"So hindi ka talaga naghahanap? Eh 'di ba marami namang lumalapit sa 'yo?"
Nagkibit siya ng balikat. "I don't know. Wala akong gusto."
"Baka gusto mo lang ng marami?"
"That's not true! Bukod sa pinakagwapo, ako ang pinaka-faithful sa mga 'yan, 'no. Chill ka lang. Darating rin tayo diyan!"
Sa pagbalik ni Achilles ay nahinto kami sa pag-uusap. Siya na rin mismo ang lumayo para makapag-usap ulit kami ng huli.
"Ang sarap. Thank you." Komento ko matapos tikman ang pinakapaborito kong pagkain sa lahat. Mango graham float.
"Do you like it?"
"Oo naman! Bukod sa ikaw ang gumawa, masarap talaga."
"Thank you. I'm glad you liked it."
"Oo naman! Ikaw pa ba? Palagi kitang gusto."
Lumawak ang ngiti ko. Kalmado na ang puso ko at kaya ko na ulit siyang sabayan.
Pagkatapos kong kumain ay nakihalubilo na kami sa lahat. They're all fun to be with. Mabait silang lahat gaya ng inaasahan ko at kahit na may kaunti pa ring hinanakit si Venus dahil sa pagsama ko kay Svetlana ay nagawa pa rin iyong kalimutan para hindi masira ang mood ng party.
I appreciate everyone for having me. Hindi namin napag-usapan ang pagwawala ko at ang pakikipag-kaibigan ko kay Svetlana. We just talked about fun stuff. Sa unang pagkakataon nga ay nakita kong muli ang sarili kong nakikipagtawanan sa maraming tao.
My happiness with them was genuine. Oo nga't marami akong kaibigan sa Manila at ganito rin naman kami pero iba ang pakiramdam ko ngayon lalo pa't ang mga usapan namin ay hindi sabaw at tsismis lang.
They talked about their plans after graduation. Riggwell wanted to go to states to train and continue his basketball career. Nicolaus wanted to expand the dance crew. Venus has plans to put up her own business. Everyone has plans. Hindi ko naiwasang mahiya dahil wala akong gano'ng plano.
"Ilang taon ka pang mag-aaral. Marami ka pang pagdaraanan. Do you really like to become a doctor? Sure ka na?" Si Liza kay Archi.
Napabaling ang lahat nang mapunta ang usapan sa kanya. Marahan siyang tumango.
"That's the goal. I want to help people who can't afford healthcare. Kapag naging successful, mag-iipon ako at magpapatayo ng clinic dito sa atin. Everyone needed that kaya kakayanin ko."
Mas lalo akong namangha sa kanya. He's indeed a man with dignity, humility and passion. Katabi ko pa lang siya ngayon ay nakikita ko nang magiging isang successful siyang doctor balang-araw. Ngayon pa nga lang ay sobrang proud na ako sa kanya. I'll be the one to cheer him in every step of his way. I am his number one fan.
"How about you, Cali? Anong plano mo pagka-graduate mo?"
Marahas akong napalunok nang mapunta sa akin ang lahat ng kanilang atensiyon. Muling lumatay ang kaba sa aking dibdib lalo na nang tumuong muli ang titig sa akin ni Archi. He was curious and waiting for my answer, too.
"I don't have any plans," walang pagsisinungaling kong sagot.
Then there was silence. They were waiting for me to explain why, but my lips remained sealed. Napayuko ako dahil talagang wala na akong masabi pang iba bukod doon. I was so lame. Gusto kong manliit.
"Are you sure? What are your dreams? How about your father? He's also a business man, right? Hindi mo ba susundan ang yapak niya?" segundang tanong ni Nadine, wala pa rin akong maisagot.
It was an awkward and awful silence. Sa unang pagkakataon ay gusto kong maglaho na lang sa kinauupuan ko, pero bago ko pa kamuhian ang aking sarili ay narinig ko na ang pagsasalita ni Achilles.
"It's too early for her to think about her plans in the future. May ilang taon pa siya sa UDB at hindi naman masamang hindi malaman kung ano talaga ang gusto mo sa buhay. It takes time to figure out what you really want in life and you don't have to rush it. Kung wala, okay lang 'yon. Hindi naman paunahan ang buhay. It is not a matter of who has the best dreams and goals and who doesn't. Hindi nasusukat doon ang kapasidad ng isang tao. Life isn't about who achieved the most. For me, it's about who became happier and contented along their journey. Who touched lives of other people, who invested goodness here on earth, who found joy and walked with Christ faithfully,"
Walang nakasagot sa haba ng litanya ni Achilles. Unti-unti kong naibalik ang titig sa kanya.
"Hindi lahat ng mga plano ay nasusunod," he continued. "And if we only rely on earthly things, we will always end up disappointed. Walang perpekto sa mundong ito. Walang perpektong trabaho, pamilya, relasyon. If you think about that, then prepare yourself to be hurt. We're all imperfect and that is okay. Hindi ibig sabihing wala ka pang plano sa buhay ay mali na 'yon. It's nice to set goals and dreams about the future, but it's also still important to live your life today. There's no need to rush. Ayos lang 'yan, okay lang." he said looking at me before reciting the last words.
Everyone agreed with him and I appreciate Archi for saving me. Kahit na nakakahiya ay nakuha ko ang lahat ng punto niya. Hindi lang ako ang naliwanagan kundi lahat kami. Nabigyan niya rin ng lakas ng loob ang puso ko. He made me realized that there's no need for me to be mad at myself having no plans. Hindi ko dapat kamuhian ang sarili ko. I should always be gentle to myself.
"Joke lang 'yong trainings abroad. Hindi ko pa talaga sure. Gagalet agad si Pastor, eh! Sorry na." singit ni Riggwell na ikinatawa ng lahat.
Achilles was right. Oo nga't wala pa man akong plano ngayon, alam kong darating rin ako doon. Baka mag-doctor na lang rin ako para sundan ang yapak niya kung wala talaga akong mapigang plano para sa buhay ko, o kaya pwede na ring pasyente niya habang buhay! Sa ngayon kasi, siya lang ang nasa utak ko. I know it was not a smart thing, but what can I do? Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko. Siya lang ang plano ko, at kung ano man ang magiging plano ko sa hinaharap ay gusto kong kasama ko pa rin siya doon.
Siya ang naghatid sa akin pauwi nang malaman niyang nag-commute lang ako papunta sa kanila. Hindi gaya noong una, mabagal ang kanyang pagmamaneho kahit na ilang beses niyang sinabing hindi naman siya lasing.
Hinayaan ko na lang dahil bukod sa ayaw kong maaksidente kami, gusto ko ring bumagal ang oras na ito kasama siya.
"Sorry sa ginawa ko kanina. I'm just so mad."
"I understand. You don't have to apologize."
"Thank you for everything that you did for me tonight. Kung hindi dahil sa 'yo baka nasaktan ko talaga si Seidon."
Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. "You're welcome."
"And thank you for the wisdom."
Isang tipid na ngiti ang kanyang isinagot.
Pinanuod ko siyang mag-drive. Umulit sa utak ko ang lahat ng mga ginawa niya sa akin ngayong gabi. Muling umikot ang aking tiyan.
"Why are you doing this, Archi?"
"What do you mean?" he looked at me. Nakakunot ang kanyang noo.
"This... being nice and sweet..."
"Ayaw mo bang ganito ako?"
"Gusto ko pero bakit? Anong dahilan? Ayaw kong paasahin mo ako kaya sabihin mo kung bakit."
Ibinalik niya ang mga mata sa daan at sa unang pagkakataon ay nanahimik, tila nag-iisip ng mas malalim na rasong ibibigay sa akin pero sa huli ay bigo siyang umiling.
"I don't know," mahina niyang sambit. "Hindi ko rin alam at hindi kita pinapaasa. Hindi ko 'yon gagawin."
I swallowed hard at that. He was embarrassed to confess that. Alam kong totoong hindi niya nga alam ang dahilan at totoo ring hindi niya ako paaasahin. I believed in his words. Napangisi ako.
"Okay, so mahal mo na nga ako?"
That made him smile.
"Kasi kung oo, hindi naman ako magagalit. Gusto ko naman 'yon at isa pa, hindi naman magagalit si Lord kapag nag-girlfriend ka nang babaeng hindi pa masyadong malapit sa kanya. Pangako kapag pinakasalan mo na ako, dikit na kami no'n kaya huwag ka nang magdalawang-isip."
Nagpatuloy siya sa pag-iling habang kagat ang labi at tuwang-tuwa sa mga pinagsasasabi ko. Napanguso ako nang hindi niya iyon sinakyan.
Akala ko makakaisa na ako!
"How do you know about that?"
"Hindi ba 'yon totoo? 'Di ba number one sa listahan ng mga rules mo 'yon?"
"It's outdated."
"So ano na pala? Kahit hindi na maka-Diyos? Pwede na ba ako?"
"It wasn't on the top of my list anymore."
"What do you mean by that? Hindi ka na mag-aasawa?"
He glanced at me, naging seryoso ang titig. "In God's time, I will."
"Eh mga ilang taon from now para masabihan ko si Lord? Para makapag-prepare na rin ako?"
That made him chuckled again. Nakagat na niya ulit ang labi upang pigilan ang sarili sa mas malawak na pagngisi.
"See? I'm making you happy. Hindi pa ba sapat? Ano pang kulang? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?"
"Stop. You're not ugly. No one's ugly."
"Pero hindi rin ako maganda sa paningin mo so pangit pa rin ako."
Naghalukipkip ako at inayos ang sarili sa upuan. Mas lalo akong napabusangot nang hindi na siya magsalita hanggang sa makarating kami sa bahay.
Hindi ako gumalaw dahil sa pagmamadali niyang lumabas upang pagbuksan ako ng pinto.
I thanked him when I got out of his car, but then my heart skipped a beat when I felt him held my hand firmly.
Sa pagpihit ko ay bahagyang sumilay ulit ang kanyang matamis na ngiti, showing both of his dimples and perfect white teeth. Ang lungkot at pagpapabebe ko ay muling natunaw.
"You're beautiful in my eyes, Belcalis..." he said gently while pulling me closer to him.
Napatingala ako nang ilagay niya ang aking mga kamay sa kanyang dibdib habang patuloy na nakatuon ang aming mga mata sa isa't-isa.
I can feel all my nerves beating fast. Pakiramdam ko, kung hindi ako nakahawak sa kanyang katawan ay mahuhulog ako sa simento.
His eyes were glistening again. Sa pagtakas ng ngiti sa kanyang mga labi kapalit ng pagtitig ng mataman sa akin gamit ang malamlam na mga mata ay ramdam ko na ang hirap sa aking paghinga.
"A-Archi–"
"You're on top of my list now," he cut me off. "I want you to be better at everything, Cali... I want to help you prove to everyone that you are not what they think of you because I know you are way cooler and wonderful than that."
Nanghihinang napaawang ang aking bibig nang maramdaman ang kanyang kamay sa gilid ng aking kaliwang tainga, muling inayos ang mga hibla ng buhok kong tumakas.
"You're one of a kind and I want everyone to see that, too. Ayaw kong ako lang, you understand? Prove them wrong. Just let them see what you really are behind the toughness. It's time to show yourself to the world, Belcalis... Show them what you've got, baby..." he said the last word softly, like calm waves hugging the shore... making me finally faint.
~~~~~~~~~~~~
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂
—
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro