CHAPTER 15
Chapter Fifteen
Mrs. Cordova
We immediately hit it off. Kahit pa nagkaroon kami ni Achilles nang hindi pagkakaunawaan at ramdam ko ang paglayo niya sa akin dahil sa pagiging malapit ko kay Svetlana ay hindi ko iyon hininto.
I like the girl. She was like a lost sheep that needed saving. I defended her knowing that she was bad for me. Hindi pa humuhupa ang sarili kong issue sa mga kampon ng demonyo pero nagdagdag na naman ako ng panibagong pasanin.
I saw how disappointed he was of me again, but I gave him valid reasons. Kahit na hindi ko pa lubusang kilala si Svetlana ay patuloy ko siyang ipinagtanggol.
I did not want to become like one of these fools. Bullying comes in a lot of forms and not stepping up for someone was one of it. I don't want that. I've already experienced being bullied and hated and it wasn't a nice feeling. Naranasan ko na iyon at ayaw ko nang maranasan pa niya lalo na't alam kong hindi niya iyon deserve.
As long as I can, I'll step in no matter what simply because I don't want her to feel what I've felt. I don't want her to suffer like what I did because she wouldn't handle it. Kaya kong sumalo ng galit sa kanya. For fucks sake I am a De Valentin, and I'll give these bitches some reason not to fuck with her. Kargo ko si Svetlana at kahit si Achilles ay hindi iyon mababago.
"Achilles Arquin Santistevan Cordova! Will you marry me!" malakas kong sigaw dahilan para magulantang ang lahat sa akin!
Agad kong hinila si Lana palapit sa magpinsan. Iritado pa rin siya sa akin at mas ramdam ko iyon ngayon lalo na't kasama ko si Lana. He's avoiding me, but he can't escape me now.
"What now, Belcalis?" Masungit niyang tanong nang magharap na kami.
Nicolaus was being silent. Alam kong pati siya ay hindi palagay sa pagsama ko sa babae bilang respeto na lang kay Seidon at sa kanilang buong crew.
I shifted my eyes back to Achilles. Mas lalong naglaro ang ngisi sa labi ko nang magdikit ang kanyang mga kilay.
"Didn't you hear me propose? Baby, it's a good day to get married," inginuso ko ang marriage booth sa isang dako ng field. "I know college students are too old for that shit, but it's your chance. Pagkakataon mo nang panagutan ako."
"What are you talking about?"
"Ayaw mo?"
Sinulyapan niya ng mabilis si Lana bago ako sagutin.
"I don't want that, Belcalis."
"Bakit? Gusto mo bang sa totoong simbahan ako pakasalan?" Nakangisi kong sabi.
Natawa si Nicolaus pero agad huminto dahil mukhang nauupos na naman ang pasensiya ng kanyang pinsan. Tumikhim ito para matigil sa pag-ngisi. Iniwasan niyang magkatitigan kami dahil baka parehas na lang kaming humalakhak.
Nico doesn't hate Lana. Iyon nga lang, kahit na wala siyang sama ng loob sa babae ay gusto niya pa ring umiwas para hindi na masaktan pa ang mga pinsang mas mabigat ang naging pagtanggap sa mga nangyari.
"Fine, pakasalan mo ako tapos hindi ako makikipag-away ng isang linggo."
"I don't care anymore, Belcalis—"
"Tatantanan kita ng isang buong linggo, pakasalan mo lang ako. No hard feelings." Pigil at harang ko rito nang akmang lalagpasan na kami.
Doon nawala ang pagkunot ng kanyang noo.
"Isang buwan."
"Kaya mo ba?" Nakangisi kong tanong imbes na sang-ayunan siya kaagad.
"Isang taon."
Madrama akong napairap. Alam ko namang hindi niya ako matitiis kaya um-oo na lang ako para matapos na ang lahat. Kating-kati na rin kasi akong maging Mrs. Cordova kahit dito man lang kaya pumayag na ako.
Lana and Nicolaus are our main witnesses. Hindi naman kailangan dahil kunwaring kasal lang naman pero para sa akin ay legit iyon. Sa puso ko ay totoo ang lahat. I treat it as our rehearsal. Five years from now, we'll exchange vows in a real church. Sa sobrang advance ko ngang mag-isip ay nakikita ko na ang sarili ko sa gano'ng scenario. Baka kapag natuwa pa ako sa kanya ay ngayon pa lang kaladkarin ko na talaga siya sa simbahan at pakasalan.
"Your vow." Untag ko sa kanya nang mapunta and seremonya roon.
"What? No."
"Achilles, you need to say something!" pilit ko.
Mas lalo siyang nailang dahil doon. Kahit na pumayag ay hindi naisip ang ganito. Talagang gusto niya lang na tantanan ko siya.
"Fine, kung ayaw mo ako na lang!" napapitlag siya nang kunin ko ang kanyang mga kamay.
I smiled sweetly at him. Para akong tangang nananaginip ng gising. I imagined him wearing the nicest suit while I wear the best wedding dress on our real wedding day.
Huminga ako ng malalim at mas hinigpitan ang hawak sa kanyang mga kamay. Napalunok siya dahil doon.
"A-Actually, okay lang naman na walang vow–"
"Shut up!" I interjects the fake priest.
Muling natahimik ang lahat sa ginawa ko kaya nagpatuloy na ako sa aking vow.
"Achilles Arquin Santistevan Cordova, I promise to love you, to take care of you, to give you hundreds of beautiful children and to be the best wife to you. Five years from now, all of this will be true. Ngayon pa lang ay alam ko nang ikaw ang pakakasalan ko at ikaw ang magiging asawa ko,"
Hindi na siya nagpumiglas sa aking pagkakahawak. Bahagyang nabawasan ang aking ngisi at kahit na ayaw ko ay ramdam kong nagiging emosyonal ako habang patuloy ang pagtitig sa kanyang mga mata.
I felt the rush of overwhelming feeling that came from nowhere. Na kahit laro-laro lang parang gusto kong maiyak. Sobra yata ang pagiging advance ng isip ko. It felt so real for me and it scares me a bit... May kung anong gustong magpaduwag sa akin. Hindi ko maintindihan.
I heave a sigh and continued with my vow anyway. I brushes my fingers on the back of his palm.
"I never felt this way with anyone, Archi... I know you're so tired of me saying this, but I do love you. I genuinely do and I don't care if you don't feel the same way. Maghihintay ako kung kailan ka magiging handa dahil totoong mahal kita, Achilles... Minamahal na kita."
Wala siyang nagawa kundi ang paulit-ulit na mapalunok. He didn't say anything. Hindi na rin ako nagpumilit.
The vow wasn't really necessary just like the fake priest said, but since he was avoiding me because of Lana, I wanted him to know what I truly feel. Kahit marinig ng lahat ay hindi ako nahiya dahil iyon ang totoo. Nagmahal na ako noon at kahit na wala pang kasiguruhan ang patutunguhan ng nararamdaman ko ngayon ay hindi ko na iyon gusto pang pigilan.
"I now pronounce you husband and wife!" sigaw ng pari.
I waited for the priest to say that it's time to kiss the bride, but he didn't so I tiptoed and pulled the collar of Archi's shirt to finally kiss his lips!
Ramdam ko ang gulat niya sa aking ginawa pero hindi ko iyon itinigil. Hindi ko mapigilang mapangiti habang patuloy na magkalapat ang aming mga labi nang maramdaman ko ang pagbaba ng kanyang mga kamay sa aking bewang. I expected him to pull me away from him, but he did not. Mas idiniin ko ang aking labi sa kanya.
Putang ina, heaven!
Lumakas ang hiyawan ng mga estudyanteng nakapalibot sa amin nang ilayo ko ang sarili sa kanya. Muling rumolyo ang kanyang adam's apple sa kanyang lalamunan habang mataman akong tinititigan.
His face was so red. Simula sa tenga niya pababa sa leeg ay namumula na parang ito ang unang beses niyang mahalikan. Hindi na ako magtataka kung ako nga ang una dahil masyado itong inosente sa maraming bagay.
Pumihit ako't humarap sa mga tao.
"I'm officially Mrs. Cordova now! Anyone who will dare to hurt me will go through my husband first!" Malakas kong anunsiyo sa lahat pero nang titigan pabalik si Achilles ay hindi nito iyon pinabulaanan, like he just agreed to my statement.
Nanatiling tikom ang kanyang bibig. Mukhang nagugulat pa rin sa mga nangyari pero wala nang magawa dahil kahit na anong gawin niya ay hindi na mababawi pa ang halik. Pwedeng dagdagan pero hindi na pwedeng bawiin.
Kinagabihan, kahit na usapan naming hindi ko siya guguluhin ng isang taon ay siya kaagad ang kinulit ko nang makauwi. Hindi ko matiis.
Ako:
Hey hubby! Nakauwi ka na ba?
He did not replied. I waited for hours, but I still did not get any text.
Ako:
Are you studying? Hindi ka pa ba uuwi sa bahay? Naghihintay na ang mga anak natin Achilles. Umuwi ka na hindi na ako galit. Chat back. I love you.
Napangisi ako. Hindi naman siguro masamang mag-practice?
Na-bored na lang ako kahihintay pero wala akong natanggap na reply. I asked Nicolaus about his cousin's whereabouts and he said he wasn't home yet. Sabi ay may project daw ito kasama ang mga groupmates sa isang subject kaya hindi pa umuuwi at busy talaga.
Tinulugan ko na lang siya at hindi na hinintay pa. I was happy to read his text the next day.
Achilles:
Kauuwi ko lang. You're not supposed to chat me for a year, remember?
I replied immediately. Inuna ko pa 'yon kaysa sa pag-aayos sa eskwela. Alam kong gising na siya. He's probably done working out.
Ako:
That's not how married couple works, hubby. Besides, hindi ko 'yon kaya. Call me talk shit pero hindi kita matitiis ng gano'n. Love kita, love me back na, hubby.
I hugged my pillow tight when I see him typing a reply.
Achilles:
Don't call me that.
Ako:
Sungit. Ano pa lang gusto mo? Daddy?
Achilles:
Neither.
Ako:
Really, huh? Mamatay man ako?
Achilles:
Watch your words. That's not nice to say.
Ako:
So ayaw mong mamatay ako?
Achilles:
Stop.
I bit my lip to stop myself from giggling. He cares for me. Alam ko iyon. I replied again.
Ako:
Fine. I won't say it anymore. Alam ko namang ayaw mong mabalo kaagad. Isa pa, gagawa pa tayo ng maraming anak. Simulan na kaya natin? Kaya ba today?
Hindi na siya nag-reply. Pinabayaan ko na lang dahil ayaw ko namang masira ang araw niya.
Effective ang naging kasal naming dalawa. Simula nga no'n ay nabawasan ang mga nambu-bully sa akin at nakatulong rin iyon kay Svetlana.
I did not left her side. Sa tuwing vacant ay sinasamahan ko siya. We always update each other. Kahit paano, hindi na ako masyadong nalulungkot dahil kapag busy si Orie ay siya naman ang kausap ko.
She was actually fun to be with. Akala ko ay weird siya dahil tahimik pero masayahin si Svetlana. Hindi niya lang iyon masyadong nailalabas dahil tingin ko'y nakakulong siya sa maraming insecurities and self doubt.
Her parents were assholes, that's for sure. Dagdagan pa ng manipulative at selfish niyang boyfriend na si Vince. I know she'd be better if those people were out of her life. Iyon nga lang, masyado siyang takot at wala rin naman siyang kakayahang umalis at iwan ang lahat ng mga bagay na nagdadala ng dilim sa buhay niya. I pity her so much. Iyon ang dahilan kaya mas lalo akong naging determinadong protektahan siya at bigyan kahit kaunting lakas ng loob.
The championship was chaos. Seidon and his team lost to Vince's team and everyone was devastated.
On the other hand, Archi's volleyball team won and remained as the champion. Maging sa chess ay siya rin ang nanalo. They throw a party after the recognition. Kahit na niyaya ako ni Nicolaus sa party nila ay hindi ako sumama pero nang muli kong makausap si Lana ay hindi ko na napigilan ang sarili kong pumunta, hindi para makihalubilo kundi para sugurin si Seidon.
"Cali, I thought–"
"Where is Seidon?!"
Nagsalubong kaagad ang kilay ni Nicolaus nang pagbuksan ako ng gate, pero hindi ako pinigilan nang pumasok ako. Saktong may mga paakyat sa pinangyayarihan ng party kaya mabilis akong nakarating sa rooftop.
I was fuming when I saw Seidon getting drunk all by himself. He was devastated as well after that kiss and I know it wasn't his fault, but it wasn't also Lana's fault! It will never be her fault! Damn!
"You stupid fuck!" malakas ko siyang itinulak nang malapitan dahilan para mapaatras siya.
He was drunk. Namumula na halos ang kanyang buong mukha at hirap na akong titigan pero hindi ako nagpaawat. I pushed him again.
"Ano?! Magpapakalasing ka na lang, huh?! Hindi mo man lang ba kakausapin si Lana?! For fucks sake Seidon! Do you really want to believe that asshole?! He was only using her! Hindi ka ba naaawa sa tao, huh?! She likes you and she genuinely cares for you! All of you!" galit kong tinapunan ng tingin ang mga kaibigan nilang natigil na rin dahil sa pagdating ko.
Archi was walking towards my direction and he immediately hugged me before I could punch his cousin's face!
"That's enough, Cali..." mahigpit niya akong niyakap at inilayo rito.
Nanatili si Seidon na nakatayo at nakatitig lang sa akin.
"She cares for all of you! Hindi niya kayo niloko at kung paniniwalaan niyo ang sinabi ng putang inang Vince na 'yon ay nagkakamali kayo! She's innocent! Wala siyang kasalanan!" patuloy kong pagsisisigaw.
I was so mad! Galit na galit ako sa kanilang lahat dahil hindi nila alam ang pinagdaraanan ni Lana. She doesn't deserve all the hate and I fucking hate them for putting all the blame to her! Hindi iyon dapat!
"Belcalis, calm down..."
"Let me go Achilles! Fuck!"
"Calm down... please..." patuloy na pigil ni Achilles sa akin.
Wala akong balak na sundin siya dahil talagang sumasabog ako ngayon, pero nang maramdaman ko ang pagbaon ng mukha niya sa aking leeg ay tila binuhusan ako ng holy water! Mabilis na nawala ang sanib ng galit sa dibdib ko at agad akong nahimasmasan!
"Calm down..." he repeated, mas mahinahon at hirap niyang bulong sa aking tainga.
My body froze at that. Awtomatiko akong natigil sa pagpiglas. Ang mga balahibo ko sa katawan ay nagsisitayuan dahil sa kanyang ginawa! Patuloy ang pagdampi ng kanyang mainit na hininga sa aking leeg!
Just like that, my anger faded.
"Tama na..." he mumbled gently while continuously hugging me from behind.
Parang bigla akong nahiya lalo na't nakatingin ang lahat sa akin at wala na akong masabi! Gano'n kabilis akong napahinahon ni Achilles at kahit kailan ay hindi iyon nangyari!
Ilang beses na akong nagwala at inawat ng mga kaibigan ko maging ni Brix noon sa Manila pero ni minsan sa buhay ko ay walang nakapigil sa akin ng ganito. Ni hindi nangyaring natunaw kaagad ang matinding galit sa puso ko.
Seidon left us when I run out of words. Ilang minuto pa kaming nanatili sa gano'ng posisyon. Hindi ako nakagalaw at hindi na alam kung ano pa ang gagawin. Para akong nalulunod. Gusto kong maglaho bigla para matakasan ang nararamdaman.
Kung hindi pa nagsalita si Riggwell na ipagpatuloy ang party ay hindi pa matitinag ang lahat.
"A-Archi..."
Doon lang lumuwag ang yakap niya sa aking bewang. Marahan niyang inalis ang ulo sa akong leeg. Akala ko ay bibitiwan na niya ako dahil tapos naman na ang pagwawala ko pero mas bumilis ang kalampag ng aking puso nang ipihit niya ang aking katawan paharap sa kanya.
I felt my knees wobble when he stared at me with those glistening orbs.
"Are you okay?" mahinahon niyang tanong sa boses na parang gusto akong iduyan sa ere. I was looking at his pure soul again. Iyon ang kumalmang muli sa akin.
Tipid at lutang akong tumango, walang masabi. My heart raced more when he smiled at me. Napalunok ako ng ilang beses at humigpit ang kapit sa kanyang mga braso. Para akong malalaglag sa sahig dahil sa tinuran niya.
"Good," inangat niya ang kamay patungo sa gilid ng aking tainga para ayusin ang aking buhok gaya noong hinatid niya ako sa classroom.
Pinigilan kong mapapikit nang matapos niyang hawiin ang buhok ko ay lumipat naman ang kamay niya sa aking pisngi, marahang iyong hinaplos.
"You're welcome to join the party." He said, still smiling at me.
Namumula na ito at halatang marami na ring nainom pero tingin ko ay panaginip pa rin ang lahat. He was extra understandable tonight. Na parang kahit anong gawin ko ay maiintindihan niya. Kahit ano ay iintindihin niya at hindi ako makapaniwala. Kahit na tuwang-tuwa ang puso ko ay lamang pa rin ang pagkabaliw ko.
Nang hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan ay kinuha niya na mismo ang aking kamay. Hindi niya ako binitiwan hanggang sa maigiya ako sa isang lamesang puno ng pagkain at inumin.
He sat beside me. I felt my heart finally melted when he held my hand more firmly even though it wasn't needed. Inayos niya ang pagsasalikop ng mga kamay namin.
Nanghihina akong napatitig sa mga kamay naming ngayon ay magka-holding hands na. Parang gusto kong maiyak nang sa pagbalik ng titig ko sa kanyang mukha ay nakita kong gustong-gusto niya ang kanyang ginagawa...
"Anong gusto ng asawa ko?" He asked sweetly, making me catch my breath for dear life.
Lord, nasa langit na po ba ako?
~~~~~~~~~~~~
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂
—
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro