CHAPTER 14
Chapter Fourteen
Queen Of Rivers
"Slap me, Nicolaus." nababaliw kong sabi rito habang nasa tambayan kami.
Halos mailuwa niya ang kinakain dahil sa narinig sa akin. Nagtaas siya ng isang kilay.
"Sige na! Kahit malakas keri lang! I swear!"
"Baliw ka talaga! I won't do that, Belcalis. Kahit suhulan mo ako ng ilang bote ng tequila hindi kita sasampalin para lang mapalapit ka lalo sa pinsan ko. That's so wrong in so many levels!"
Napanguso ako. I scrunches my nose when he shake his head again, disagreeing with my plans.
"Fine." masama ang loob kong sabi.
Ang totoo, ayaw ko naman talaga pero dahil baka doon mas maging malapit pa kami ni Achilles ay pwede na rin.
He missed me. I bit my lip when I remember our interaction. Na-miss niya rin ako! Baka sa susunod talaga, matuloy na ang kasal! Thank you in advance agad heaven and earth!
"Lakas ng tama mo. Buti na lang wala tayong pustahan kundi talo ako."
Mas lalong lumawak ang ngisi ko. Ipinagpatuloy ko ang pagkain habang inaalala ang mga nangyari ng araw na 'yon.
Achilles didn't just save me, he also did everything he could to punish the man that harassed me. Bukod rin doon, muli niya akong niyayang kumain. Kahit na tingin ko naaawa lang siya sa akin ay pinatos ko na rin bilang marupokpok rin ako.
I really missed him. Na-miss kong kulitin siya dahil talagang sobrang boring ng buhay ko kapag lumilipas ang araw na hindi ko siya nagugulo.
I know I annoyed him so much, but I couldn't stop. Mababaliw ako sa lugar na 'to kapag tinigilan ko siya. Kahit masyadong mabilis, he became the reason why I stopped questioning my family about throwing me to this place.
Maging si Kuya Sage ay nahihibang dahil sa ilang beses naming pag-uusap ay walang bakas doon na gusto ko pang umuwi. He was aware of my troubles, but since he was immune of that kahit nasa Maynila pa ako ay hindi na lang rin nag-aaksaya ng panahong pagsabihan pa ako.
Sa panibagong araw bago ang nalalapit na intramurals ay naging abala ang lahat at kahit paano'y tumahimik rin ang buhay ko.
I didn't signed up for any sports or joined any activity, but I had a plan to support Achilles to his games. Maglalaro siya ng volleyball at chess. Lahat ng oras no'n ay pinaghandaan ko na. I might ditch more class when it happens, but it's okay. I want him to know how supportive girlfriend I can be.
"Why?" Tumaas ang isang kilay niya matapos kong tanungin ang oras ng laban niya sa chess.
We're at the cafeteria. Sinundan ko siya nang makita ko habang palabas ng building. Actually, malayo pa naman ang mga laban niya pero gusto ko na talagang maghanda.
"Gusto ko lang malaman. I don't play chess and I don't know how everything works, but I don't mind watching you play. Gusto kong manuod."
Ibinalik niya ang mga mata sa binabasang libro at ibinalik ang mga kamay sa chips na nasa gilid. Napanguso ako nang hindi siya sumagot.
"Fine kung ayaw mong sabihin. Malalaman ko rin naman kapag malapit na."
He still did not respond. Busy siya sa pag-aaral kahit na bakante at sanay na rin ako sa gano'n. Kahit nga ang pagiging masungit niya, pero ayos lang. Sapat na sa aking makasama siya kahit sa kaunting oras.
"Wala ka bang ibang dapat gawin o pag-aralan lalo na sa susunod mong klase?" Tanong niya nang hindi ko itigil ang panunuod sa kanya.
I like watching him do his thing. It was really a turn on for me and I don't know why. Kaunting kibot niya ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Gano'n ako kabaliw.
Marahan akong umiling. I pursed my lips.
"Anything? For sure you have something to study."
"I'm good." I confidently said before leaning my body on my chair.
Kinuha ko ang saging at binalatan bago isubo pero gano'n na lang ang pag ngisi ko nang makita ang agaran niyang pag-iwas ng tingin dahil sa aking ginawa. Pinigilan kong matawa. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ng saging pero hindi inalis ang titig sa kanya.
"You're going to be a doctor. Ibig sabihin saulo mo na lahat ng tungkol sa human anatomy?"
Marahan siyang tumango.
"You're really a genius aren't you?"
He did not answer me. Maging ang pagtitig sa akin ay hirap siya dahil hindi ko pa rin nauubos ang hawak na saging.
"Do you like water?"
Kunot noo niya akong sinulyapan. Nababaliwang tumango sabay alis ulit ng tingin.
"So you were saying you like me, too?"
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi ako maintindihan. Inubos ko ang saging at saka nagpatuloy, doon lang siya nakatitig pabalik ng maayos sa akin.
"The brain and heart are composed of seventy-three percent water. The lungs are about eighty-three percent. The skin contains sixty-four percent, muscles and kidneys are seventy-nine percent and even the bones are watery. You like me, too."
He did not appreciate my explanation even though I know he gets it. His lips just twisted at that.
Ang hard to get talaga.
I know all about human anatomy. I read a book once about it and I've already memorized everything.
Mas lalo akong nangisi at naging ganado, ayaw magpatalo.
"Do you know that I'm attracted to you so strongly, the scientists will have to develop a fifth fundamental force?"
My heart jumped when his lips curved a bit. Mabilis niya ring itinago ang napipintong pag ngiti.
"My cardiovascular system gets all worked up whenever I see you..." malambing kong sabing dahilan upang iangat na niya ang libro at tabunan ang mukha.
Too bad I can see him smiling from ear to ear while biting his lower lip through the glass walls.
Lumawak ang ngisi ko. There you go, baby...
Tumikhim siya. Sa pagbaba ng libro ay seryoso na ulit.
"I'm studying, Cali. I can't focus when you're talking."
I smirked from ear to ear. Kahit anong deny niya, alam kong natutuwa rin siya sa mga pinagsasasabi ko. Kahit patuloy niya akong itaboy, alam kong hinahanap-hanap at hahanap-hanapin niya rin ako.
Nakipagtitigan ako sa kanyang mga mata at mas lalong naging determinado nang malunod ako sa ganda ng mga iyon.
Those eyes made me vulnerable. I can see the purity of his soul through it... it was just serene, it gave my heart some peace...
Bumagal at mas naging malambing ang sunod kong mga sinabi.
"Even if there wasn't gravity on earth, I'd still fall for you, Achilles..." mabagal kong sambit, nahihibang sa pagtitig sa kanyang mga mata.
"Ayaw kong pigilang mahulog sa 'yo kahit na alam ko namang hindi mo ako sasaluhin... Hindi ko alam pero gusto ko... gustong-gusto kita kahit na mabasag ako." Wala sa planong dagdag ko.
I was just messing with him earlier, but those eyes... God, those eyes made me confessed.
My litany made him swallowed hard. Hindi alam ang gagawin kung tatapusin pa ba ang binabasa o iiwan na ako pero nanatili ang titig niya sa akin.
"I'm sorry I couldn't stop talking or even bugging you. Sorry sa lahat ng mga pangungulit pero iyon lang kasi ang kasiyahan ko. Ikaw lang ang nagpapasaya sa akin at pasensiya ka na kung ikaw pa ang napili ko. Ayaw ko man pero wala, eh. Ikaw lang ang gusto ko kaya pagpasensiyahan mo na ako."
Mabagal siyang napakurap-kurap. Mas lalong hindi alam ang isasagot lalo pa't ang lahat ng mga sinabi ko ay purong kaseryosohan na't wala ng bahid ng pangungulit.
Hindi ko na napigilan. Ni minsan ay hindi ako naging ganito kabukas sa totoong nararamdaman ko sa isang lalaki o kahit na sinong tao. Even with Brix. Oo nga't minahal ko naman ang lalaki, but looking back, I felt like everything I had with him was just shallow. Malayong-malayo iyon sa tinatawag na true love. It was like an agreement. It wasn't that deep, but with Achilles...
Ngayon pa lang, kahit na patuloy niya akong tinatanggihan ay alam kong malalim na ang nararamdaman ko para sa kanya. Like I wanted to change my whole being just for him. Kung ano man at ilang libo man ang mga batas na nakasulat sa kanyang rule book ay handa ko iyong sundin. I'm willing to do everything for him because I do like him. Sobrang gusto. Masidhi, matindi, hindi mapipigilan.
Ngumiti ako at kahit na ayaw ko pa siyang iwan. Nagawa kong ayusin ang mga gamit ko. I don't want to scare him anymore. Baka mas lalo niya akong layuan. Baka hindi kayanin ng puso ko.
Pinilit kong lawakan ang aking ngiti.
"Sige na hindi na kita iistorbohin. Good luck sa next class, Archi."
Tumayo na ako at kinuha ang aking mga gamit saka umalis sa cafeteria. Parang bigla kasing gusto kong mahiya hindi sa mga pang-iistorbo ko kundi sa mga nasabi ko tungkol sa totoong nararamdaman ko.
Looking back, I sounded so desperate and weird and I hate it. Kahit na totoong wala naman nang ibang nagpapasaya sa akin kundi siya, parang nakakahiya pa ring aminin.
Gusto kong batukan ang sarili ko. What's gotten into me? Why did I even said that?
Bago pa ako nakaibis patungo sa lumang building ay nahigit ko na ang aking paghinga ng maramdaman ang paghawak ng kung sino sa aking palapulsuhan at bahagyang paghigit sa akin palapit sa kanyang katawan!
Ang pagiging alerto ko ay agad naglaho nang makitang muli ang mala-adonis na mukha ni Achilles!
He was hovering me, almost pinning me to the wall. My insides were churning at the sight of him and my eyes felt like crying. Gusto kong iyuko ang ulo pero hindi ko mabitiwan ang titig sa kanyang mga mata. Wala sa sariling kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang gisingin ang sarili sa mga kahibangan.
Ilang matitinding kurap pa ang ginawa ko baka nananaginip lang ako pero nanatili siya sa aking paningin, matamang nakatitig sa akin habang hawak-hawak ang kamay ko.
"A-Achilles—"
"You left this," he said, lifting my book.
Akmang kukunin ko sa kanya, pero agad niyang iniwas. Binitiwan niya ang kamay ko.
Sa unang pagkakataon ay lumabas ang maluwag at magiliw niyang ngiti para sa akin. My heart felt like bursting when he lifted his free hand to tuck my hair behind my ear. Muling dumiin ang pagkagat ko sa aking labi. Parang nauubusan ako ng hangin sa baga pero hindi pa doon natapos!
"Ihahatid na kita sa klase mo. Okay lang ba?"
Kinurot ko ang sarili ko. I almost cursed at his face when I felt the pain. Lutang akong tumango sa kanya.
Muli, magiliw siyang ngumiti. Napasinghap ako. God, totoo po ba 'to? Pinapaasa mo po ba ako? Why naman ganito, ha?
Sabay kaming naglakad pero kung noon ay pinananatili niya ang distansiya sa aming dalawa, ngayon ay halos nagkikiskisan ang mga balat namin dahil sa lapit niya.
Hindi ako nakapagsalita. Ang lahat ng tapang ko kanina sa mga pang-aasar sa kanya ay tuluyan nang natunaw at mas ramdam na ngayon ang kaba.
"Hindi mo ako kailangang kaawaan, you know," untag ko habang papasok kami sa lumang building. Napalingon siya sa akin.
He's naturally nice. Of course he would care about my feelings. Sa tuwing malungkot lang naman ako o nasasaktan ay saka siya nagiging ganito. Kung naaawa lang siya, hindi ko iyon gusto. Magkaiba ang awa sa pagmamahal. Ang huli ang gusto ko at wala nang iba.
"Huwag mo akong kaawaan. Hindi mo na rin ako kailangang ihatid para hindi ka makonsensiya dahil hindi naman ako malungkot. Okay lang ako."
"Okay." Tanging sagot niya, nagpapatuloy pa rin sa paglalakad sa aking tabi kahit na dapat ay iwan na ako.
"Nasa kabilang building ang klase mo. Iwan mo na ako."
Huminto ako pero imbes na sundin niya ay nalaglag na lang ang panga ko nang muli niyang hawakan ang aking kamay at hilahin ulit para gawin ang una niyang sinabi. We continued walking, taas noo ito habang hawak ang kamay ko at walang pakialam sa mga estudyanteng nadaraanan.
I know I should be thankful for the attention because I was yearning for that since day one, but I couldn't convinced myself that the reason behind it wasn't pity. Patuloy na sinakal ang puso ko sa mga nangyayari. I tried pulling my hand away, pero mas humihigpit lang ang kapit niya.
"A-Archi—"
"Ihahatid kita, Belcalis," he cut me off, matalim ngunit nangungusap ang mga mata niyang bumaling sa akin.
Hindi na ako nakapagsalita hanggang sa matapat kami sa aking classroom.
Niyakap ko ang aking libro nang ibigay niya. Pinagdiin niya ang kanyang mga labi, pero bago pa ako makaalis sa kanyang harapan ay muli niyang inayos ang aking buhok.
Tingin ko ay durugo na ang labi ko sa riin ng pagkagat ko roon! Nanghihina ang mga mata kong tumitig sa kanya nang umawang ang kanyang namumulang mga labi.
"Walang dahilan para maawa ako sa 'yo. You're a tough girl and I know you can handle yourself well. Gusto lang kitang ihatid dahil gusto kong mag-aral ka ngayon. It's the main reason why you're in this place. Wala akong pakialam kung gusto mo akong kulitin pero hindi mo 'yon magagawa kapag na failed ka dahil sa pag-a-absent mo. You can no longer bug me if that happens."
Kahit na may parte sa puso kong nagdududa ay naintindihan ko ang punto niya.
"G-gusto m-mong kinukulit k-kita?"
He smiled again. My cheeks heated at that. God, he looks so good with those deep dimples on both side of his cheeks!
"Good luck sa klase, Cali," aniya bago ilagay ang mga kamay sa bulsa. "Study hard. Para sa 'yo rin 'yan, so do it." Dagdag niya bago ito pumihit at naglakad palayo.
Naiwan akong nakatanga habang pinapanuod siyang mawala sa aking paningin. I was not my usual self today. I've never stuttered in a normal conversation, but he made my voice lose its strength. Maging ang pag-iinit ng mga pisngi ko kahit na nakalayo na siya ay hindi natinag!
I aced the surprise recitation even without studying. Maging ang quiz sa sunod na klase ay na-perfect ko dahil sobrang ganado akong mag-aral.
Achilles was right. Sa kada klase ay parang tigtatatlo na lang ang pwede kong i-absent bago ako mamarkahan ng failed. Kapag nangyari iyon ay uulit na naman ako at may tyansa ngang hindi ko na siya makulit.
Nag-aral akong mabuti sa mga sumunod na linggo.
Ang mga plano kong panunuod sa mga laban niya ay ginawa ko lang kung kaya ng schedule ko. Ginawa ko ang lahat ng mga bagay na alam kong magugustuhan niya lalo na sa pag-aaral ko at sumakto namang humupa ang issue sa akin dahil nasapawan iyon ng mas malaking issue na involved ang magpipinsan at ang isang babae.
Iyong babaeng isinalba ko noong nakaraan sa mga bullies na hanggang ngayon ay hina-hunting pa rin ako.
Hindi ko matandaan ang pangalan noong babae, pero ang sabi ni Nicolaus at ang alam rin ng lahat ay may namamagitan rito at kay Seidon kaya gano'n na lang ang gulat ng buong unibersidad sa pagputok ng balitang inutusan lang pala itong makipaglapit sa mga lalaki at may sarili itong boyfriend.
It was chaos. Gusto kong magpasalamat na kahit paano ay nawala sa akin ang issue pero hindi ko lubos maisip ang balita.
I just couldn't believe how she did that. Kung si Dawn ang naroon at ang mga kalahi niya ay agad akong maniniwala, but that girl? I don't think she's even capable of lying. I just couldn't understand. Malinaw na hindi ko siya kilala at dapat ay nasa panig ako ng mga Cordova pero hindi ko magawang paniwalaan ang issue laban sa kanya. May parte sa puso kong nagsasabing mali ang akala ng lahat.
Isang araw sa bagong tambayang nahanap ko ay nagkrus ang mga landas namin. That's where I met her.
Svetlana Aleksandra Drozdov, the girl who was labeled as the queen of rivers. Ang lalaking nanakit sa lahat ng mga Cordova.
~~~~~~~~~~~~
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂
—
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro