Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 13

Chapter Thirteen

Bible Study


Leader talaga siya ng budol-budol gang o 'di kaya naman ay networking. Iyon bang yayayain ka ng kape tapos 'yon pala ay ire-recruit ka sa huli. Tangina.

Bukod sa aming dalawa ni Achilles ay walong katauhan pa ang kasama namin. They all greeted me nicely. Achilles started it off with prayers and it started so well. I tried my best listening to everything they said, but I can't stop being distracted.

Hindi lang dahil sa dami namin at sa pinag-uusapan kundi lalo na sa babaeng unang beses kong nakita. Iyong babae sa picture na kung titigan niya ay parang hulog ng Diyos sa buhay niya. Imbes tuloy na makapag-focus ng todo, nademonyo ako ng slight lalo na't pinili nitong tumabi sa kanya at minsan ay nagtatama pa ang mga balat.

I kept my composure. Kahit na sa kalagitnaan ay gusto ko na lang mag-quit ay ayaw ko namang mapahiya sa kanya. Gusto kong ipakitang gusto ko talaga ang ginagawa kahit pa hindi ko gustong may mga kasama. I felt like he was only challenging me so I had to play it cool to make him realized that he chose the wrong girl to challenge.

Natapos kami sa huling panalangin. Halos isa't-kalahating oras ang itinagal namin. Kahit na gusto ko nang umuwi kaagad dahil baka tuluyan na akong mademonyo sa pagngingitian nang dalawa ang minabuti kong manatili.

I am not going to back down now. Kahit nangangalay na ang panga ko kangingiti ng pilit sa kanila ay hindi ko itinigil.

Inabala ko ang sarili sa pagkain. Isa pa ang isang iyon. Kaya naman pala siya nagtatanong kagabi ay dahil lahat ng mga kasama niya ay may request. Gano'n raw talaga ito kapag dito sa bahay nila nagba-bible study. Hindi naman palagi pero spoiled ang mga ito kay Achilles.

"The best cookies talaga 'tong gawa mo, Archi! Favorite na favorite ko talaga 'to!" humahagikhik at napapapikit pang sambit ni Evelyn, ang babaeng mukhang may malalim na koneksiyon sa lalaki bukod sa pagiging churchmates.

Paano nga kaya kung gusto siya ng lalaki at kaya lang hindi ginagawang girlfriend ay dahil sa mga rules nito sa buhay? It makes sense. Hindi malabong hindi niya magustuhan ang babae dahil bukod sa maganda at matino ito ay talagang malapit sa Diyos at maraming alam tungkol rito.

Parang bigla akong nanliit para sa sarili ko na kahit kailan ay hindi ko naramdaman.

"Huwag mo akong bolahin, Eve." sagot ni Archi, masayang-masaya habang kumukuha ng refill ng pagkain sa counter.

Mas lalo akong napangiwi. Kukuha na sana ako ng cookies pero nang maalalang favorite iyon ng babae ay iniwas ko ang kamay sa tray at kumuha na lang ng muffins.

"Pati itong muffins ang sarap! Favorite ko rin ito!" hiyaw niya naman ng akmang isusubo ko na ang hawak ko.

Agad kong itinikom ang bibig at pasimpleng ibinalik iyon sa lamesa.

Gusto ko ng muffins dahil mukhang masarap ngang talaga pero dahil favorite niya ulit ay binitiwan ko. I scanned the foods on the table. Magiliw ang usapan nila at naa-out of place ako kaya gusto ko sanang pagtuonan na lang ng pansin ang mga pagkain pero wala na akong mapili na kainin.

Akmang kukunin ko na lang ang mansanas pero nalaglag ang panga ko ng maramdaman ang kamay ni Evelyn sa kalahati ng nag-iisang mansanas! Doon na ako naubusan ng pasensiya, agad nag-igting ang aking panga.

"Hindi 'to gawa ni Achilles kaya hindi mo 'to favorite," I said in gritted teeth and then snatched it on her hand.

Natigilan ang lahat sa sinabi ko. Nawala ang ngiti ni Evelyn at parang biglang nabulunan. Achilles stopped moving on the kitchen.

Balewala kong inangat ang prutas sa aking bibig at walang pakialam na kinagat iyon at nginuya sa harapan nila.

"Ang sarap nito Achilles, saan mo binili at padadalhan ko si Evelyn pag-uwi."

The tension builded up rapidly. Nang manatili silang natitigilan ay agad akong ngumiti.

"I mean, iisa na lang kasi. Gusto niya rin eh kaso ako ang nauna kaya bibili na lang ako para bumawi."

Hilaw niya akong nginitian. Tila nabunutan naman ng tinik sa dibdib ang mga kasama niya.

"N-no need. Okay lang, Cali."

"Hindi, padadalhan kita," sinulyapan ko silang lahat. "Kayong lahat. Padadalhan ko kayo. Tig-iilang kilo ang gusto niyo pa-thank you ko na rin para sa araw na 'to? I learned a lot today."

Tumawa ang isa at hindi na napigilang magsalita.

"Kahit ilang piraso lang Cali para may maiuwi ako kay Nanay. Paborito no'n ang mansanas!"

Muling nawala ang tensiyon dahil doon. Bumalik si Achilles sa amin at nakisalo. Evelyn couldn't stop talking to him. Minsan ay talagang hindi na kami natatapunan ng pansin dahil sa mga hinaing niya sa buhay.

Sa iritasyon ko habang pinanunuod sila ay eksaherada akong tumikhim. Lahat ay muling natigilan. Ngumisi ako ng malawak.

"Palagi kayong nagba-bible study or every Saturday lang?"

The guy on Achilles' left answered my question.

"Minsan twice a week kapag maraming time pero ngayong busy na lahat ay tuwing Saturday na lang talaga."

"But we can always make time basta kay Lord, right Archi?" malambing na sabi ni Eve rito, namumungay pa sa tuwa ang mga mata habang nakatitig sa lalaki. Lumawak rin ang ngiti sa mga labi ng huli habang tumatango.

May kalandiang taglay rin naman pala siya, hindi nga lang para sa akin. Sakit. Gusto kong magmura Lord! Lord, advance sorry!

Kahit na hindi ako gutom ay talagang naubos ko ang mansanas na hawak dahil sa gigil sa mga talipandas!

"Of course," he answered. "Anything for God."

"Amen." Eve said.

Hindi ko na naiwasang mapairap. Halos malasahan ng mga mata ko ang aking utak sa tindi no'n. Hindi ko alam kung bitter lang ba ako dahil close sila o naiinis ako dahil harapan ang panglalandi niya sa lalaki? Maybe both.

They both chuckled. Nagpatuloy sa sariling usapan pero hindi na ako nakatiis.

"May gusto ka ba kay Achilles?"

Agad siyang nagbaba ng tingin, bahagyang namula ang magkabilang pisngi. Ang mga kaibigan nila ay agad na naghiyawan dahil sa tanong ko!

"Naku! Panahon na yata talaga para umamin ka Eve! Ayiehh!" sigaw ng katabi kong kung hindi lang dahil kay Lord kaya ako narito ay baka nasakal ko na ng matindi.

"Stop it, Eli. Nakakahiya." mahinhin niyang sambit, mas lalong namula ang mukha.

Si Achilles naman ay agad ring natigilan. Tila biglang kinabahan sa usapan. Eksaherada akong tumawa.

"You're blushing. May gusto ka nga kay Achilles." I concluded.

"H-Hindi..." nahihiya niya itong sinulyapan.

Pabebe amputa. Banal-banalang haliparot! Sorry Lord pero paisa!

Napairap ako ulit. Ayaw pa umamin halatang-halata naman! Hypocrite!

"Hindi o nahihiya ka lang?"

"Cali–"

"Ikaw? Gusto mo rin si Evelyn?" I cut Achilles' off.

Marahas ang naging pagrolyo ng mga bagay sa kanyang lalamunan lalo na't seryoso na ako ngayon.

Muling naghiyawan ang mga kaibigan nila. Parehas silang inasar. Nagpipintig ang tenga ko. Parang gusto ko na lang biglang magwala sa inis! Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili.

"Let's talk about something else."

"Why is that? Obvious naman na gusto ka ni Evelyn at nahihiya lang siyang sabihin sa 'yo."

"Uy, hindi... Cali, hindi." hiyang-hiya at pulang-pula na niyang tanggi kahit na ang mga kilos ay patuloy pa ring nagpapatunay do'n.

Umupo ako ng tuwid at nakipagtitigan sa kanya.

"Ako kasi gusto ko," walang preno kong pag-amin.

Doon natigil ang lahat. Ang ilan ay halos mabulunan pa sa diretsahang pag-amin ko.

"May gusto ako kay Achilles at hindi na ako magsisinungaling na naiirita ako ngayon dahil sa pagiging pabebe mo't pagdikit-dikit sa kanya."

Tumayo ako dala ang basong puno ng tubig at tinungga iyon. Ngumisi ako matapos iyong ibalik sa lamesa at punasan ang aking bibig gamit ang aking braso.

"I'll get going. Salamat sa meryenda at sa pagtuturo pero mauna na ako sa inyo. Ipahahatid ko na lang sa mga tauhan ang prutas sa mga bahay niyo. Salamat ulit." pinal kong sabi bago dinampot ang lahat ng mga gamit ko't agad na tinungo ang pintuan.

I was waiting for him to call me, but I heard nothing.

Hanggang sa makalabas na ako sa bahay nila ay hindi ko man lang narinig ni isang pagpipigil niyang umalis ako. I knew it. Talagang gusto niya lang akong subukan.

Gusto kong mainis sa sarili ko dahil nagpatalo ako pero hindi ko talaga kayang magpaka-plastic sa harapan ng lahat. Hindi ko ugali ang gano'n at baka kapag pinigilan ko ang iritasyon ay may magawa pa akong mas malala. Mabuti pang umalis at lumayo na lang talaga.

Itinulog ko ang lahat kinagabihan. I did not bother texting him. Kahit nang mga sumunod na araw ay hindi ko siya ginambala.

Naiirita ako sa sarili ko. For once, I felt like I've lost. Hindi iyon nangyari kahit kailan kaya naiinis ako.

I did not hear anything from Achilles, too. Okay lang naman iyon dahil alam ko namang wala siyang pakialam talaga sa akin at ako lang ang nagpupumilit sa kanya kaya tanggap ko.

Ang pagiging bad trip kong muli sa buhay ay itinuon ko na lang sa mga bad vibes sa paligid.

Muli ay naging tahanan ko na naman ang guidance office. Tatlong beses iyong nangyari sa panibagong linggo.

Nicolaus:

Bakit ba kasi pinatulan mo pa 'yon?

Gigil akong nagtipa ng reply.

Ako:

You wouldn't understand. Nakakairita kaya.

Nicolaus:

Eh talagang nang-iinis lang 'yon. Ikaw lang ang magiging masama kapag pinatulan mo pa dahil kahit hindi ikaw ang mali ay iyon ang iisipin ng tao.

Ako:

Hayaan mo na. Isipin na nilang lahat wala naman akong pakialam sa kanila.

Nicolaus:

Kahit iyon rin ang isipin ni Archi?

Bumagal ang pagtitipa ko. I've been avoiding that name for a week now. Nanumbalik lalo ang inis ko.

Ako:

Lalo na siya. Wala akong pakialam.

Nicolaus:

Really? What happened ba? Pagkatapos ng bible study niyo hindi na naman kayo okay tapos nakikipag-away ka na ulit. Alam kong may nangyari nang araw na 'yon.

Ako:

Wala. Hayaan mo na. Naka-move on na ako.

Nicolaus:

Sus. Line 'yan ng mga hindi pa talaga nakaka-move on, Cali.

Ako:

I'm fine. Hayaan mo na 'yon.

Nicolaus:

Is it Evelyn?

Ako:

Don't say bad words.

Nicolaus:

HAHAHA! So it's really her! Evelyn is just a sister to Achilles.

Ako:

You don't know that. Hindi ka naman sumasama sa mga bible studies nila kaya hindi mo alam kung paano sila maglampungan. Archi likes her! They both like each other! They're perfect for each other!

Parang gusto kong masuka nang mag-send iyon.

Nicolaus:

HAHAHA! You're jealous of her! I knew it!

Ako:

Duh?! Ako?! Mas maganda ako do'n Kulas! At kapag bumait ako, baka itakwil siya ni Lord kapalit ko!

Nicolaus:

Hahahaha! Okay lang 'yan. Normal 'yan kapag nagmamahal!

Ako:

Akala mo talaga nagmahal ka na. Eh puro ka lang naman landi. You like that girl, 'di ba? Bakit hindi mo ligawan? Kapag naging kayo at tumino ka, maniniwala ako sa mga sasabihin mo tungkol sa pagmamahal pero hangga't playboy ka pa rin, hindi valid ang mga opinions and advices mo about love.

Nicolaus:

Bakit napunta sa 'kin ang usapan?

Ako:

Huwag mo akong kausapin.

Nicolaus:

HAHAHA! Labas ako diyan Belcalis, pero trust me, kapatid lang ang turing ni Archi do'n!

Ako:

Hindi mo sure. People change. Isa pa, basta. Hayaan mo na putang ina.

Nicolaus:

Gusto mong makipagpustahan ulit na hindi niya kailanman magiging girlfriend 'yon?

Ako:

Hindi ngayon dahil nasa rules niya 'yon pero kapag naging doctor na siya hindi malabong iyon ang asawahin niya. Oo hindi kami at wala akong karapatan sa kanya pero bahala na siya! Ayaw ko nang pag-usapan! Stop na! Naka-move on na talaga ako!

Nicolaus:

Fine. Chill ka lang. Please, iwasan mong makipag-away. He doesn't like that. Baka lumayo ang loob sa 'yo. Ikaw pa lang naman ang babaeng nakita naming pinaglaanan niya ng oras kaya just be good. Marami siyang priorities pero dama kong mababago mo 'yon. Na sa 'yo ang boto ko kaya huwag mo naman akong biguin. Please be good.

Napanguso ako. Inulit-ulit kong basahin iyon lalo na sa parteng ako lang ang pinaglaanan niya ng oras. Huminahon ako.

Ako:

Sure ka ba diyan? Baka inuuto mo lang ako para hindi ako magkalat ng lagim sa UDB.

Nicolaus:

Oo naman. I swear to God ikaw lang ang in-entertain niya't binigyan kahit kakarampot na atensiyon. That's already an advantage so don't fuck it up.

Ako:

Fine. Whatever. Bahala na.

He called me. Hindi na napigilang sa chat lang ako paalalahanan. I appreciate Nicolaus for being so nice to me. Talagang ako ang pambato niya para sa kanyang pinsan.

Gayunpaman, hindi ko pa rin nagawang kausapin ito. Minsan ay nagkakasalubong kami sa hallway pero nilalagpasan ko lang na parang wala akong nakita. Pilit kong iniwas ang sarili sa kanya. Hindi ko rin nasunod ang mga payo ni Nico dahil talagang puntirya ako ng mga estudyante sa school at bored rin naman ako kaya pinapatulan ko na.

Iginalaw ko ang aking kamay matapos sapakin ang lalaking nambastos sa akin habang nasa cafeteria.

I was so mad, but I got scared when he stood up and slapped me hard! Ang lahat ng mga naroon ay agad napasinghap ngunit bago pa ako nito masaktan ulit ay sunod ko nang nakita ang muli nitong pagtumba sa sahig matapos sunggaban ng kung sino.

Pakiramdam ko ay agad na nanghina ang mga tuhod ko ng makitang si Achilles iyon! Nauna pa ito sa mga bodyguards ko! He was punching the guy in the face so hard that even my bodyguards had a hard time to stop him!

Hindi ako makapaniwala! Maiintindihan ko pa kung sila Seidon iyon, pero siya? I didn't know he had that courage to fight someone back. I mean, inaalagaan niya ang pangalan niya sa university at napakabait niyang tao kaya natitigilan ako sa isiping nanakit siya dahil sa akin!

He angrily pushed my bodyguards away from him after breaking the fight. Wala siyang galos pero nasira ang ilang butones ng kanyang damit dahil sa ganting mga kamao ng lalaki ngunit imbes na iyon ang unahin ay sa akin niya ibinuhos ang kanyang buong atensiyon.

Hindi naman masakit ang sampal ng lalaki pero parang gusto kong maiyak at magsumbong ng makita ang nagsusumamo niyang mga matang nakatitig sa akin.

"Okay ka lang ba?" puno ng pag-aalala niyang tanong.

Lutang akong tumango ngunit hindi ko inasahan ang paglapit niya't agad na paghaplos sa aking pisngi. Napasinghap ako.

Sa init ng kanyang palad ay hindi ko napigilang mapapikit. Parang sa unang pagkakataon ay gusto kong manghina sa kanyang harapan lalo na nang igalaw niya roon ang hinlalaki upang haplusin ang nasaktan kong balat.

"Let's put some ice to this."

Pinigilan ko ang kanyang kamay ng akmang tatanggalin niya na iyon. I stared at him. Umiling ako.

"I-I'm okay. Thank you."

"Let's go to the clinic now, Cali. Please for once, huwag nang matigas ang ulo." aniyang pautos at hindi na pakiusap.

Naguguluhan man dahil ilang araw kaming walang komunikasyon ay nagawa ko siyang sundin. Kahit na wala naman akong galos ay nagpatianod ako sa kanya.

Siya mismo ang nag-asikaso sa akin pagdating sa clinic habang kausap sa telepono ang Presidente ng student council.

"It's not her fault and even if it was, he still doesn't have the right to hurt her. Just do something about it!" dismayado ang tinig niyang utos sa nasa kabilang linya.

Kahit na malayo siya sa akin ay dinig ko iyon dahil tahimik sa clinic at bukod sa aming dalawa ay iisang nurse lang ang naroon.

Hindi naman dapat lagyan ng ice ang sampal pero ginawa ko na lang dahil alam kong totoo ang pag-aalala niya para sa akin. I missed him... God, hindi ko pala kayang lumayo sa kanya ng tuluyan. I think it's too late for that.

Napatuwid ako ng upo sa paghawi niya ng kurtina at pagbalik sa kinaroroonan ko.

"Masakit pa ba?"

Umiling ako.

"Walang-wala 'tong sampal sa lahat ng mga napagdaanan ko na. Malayo sa bituka." akmang ibababa ko na ang ice pack pero natigil ako ng hawakan niya ang kamay ko upang ipirmi iyon sa aking pisngi.

"Konti pa." he said and then he sat beside me.

My heart melted. Hindi na nawala ang titig ko sa kanya habang nananatili ang hawak niya sa aking kamay at kusa iyong inaangat ng bahagya at maingat na idinadampi sa aking pisngi.

"I-I miss you..." I blurted.

My lips parted when his eyes intently gaze at mine. Parang biglang gusto kong maiyak sa titig na iyon. His eyes were apologetic and so concerned. Kahit alam kong hindi niya naman ako na-miss ay sapat na ang makahulugang pagtitig niyang iyon.

Napaiwas ako ng tingin at napayuko dahil hindi ako dapat maging ganito karupok pagdating sa kanya, pero gano'n na lang ang panghihina ng puso ko ng marinig ang kanyang pagsagot.

"Me too... I miss you too, Belcalis."

~~~~~~~~~~~~

What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂

Follow all my social media accounts if you want to be updated.

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro