Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12

Chapter Twelve

His Rules


Para akong nanalo sa lotto sa mga sumunod na araw. I've been avoiding all the bad vibes. Gusto kong manatiling positibo at pagbigyan ang puso kong sumaya.

"Hibang na hibang ka talaga, eh 'no?" si Nicolaus isang araw habang nasa tambayan ko kaming dalawa.

Mas lalong lumawak ang ngisi ko.

"Do you think Venus will agree to be my maid of honor? Alam mo na, kapag kinasal na kami ni Achilles."

He laughed at that. Patuloy na umiiling kaya napanguso ako.

"Grabe, parang ayaw mo naman akong maging kasapi ng angkan niyo?"

"Hindi naman sa gano'n. I just can't believe your spirit and also Archi."

"What about him?" nagpatuloy ako sa pagkain ng chips. Kumuha siya sa hawak ko.

"That he have time to entertain you and even make exemption to his rules for you."

"Rules?" My brows formed a straight line.

Tumango-tango siya.

"He has hundreds of things written in his rule book."

"Tungkol saan naman ang mga rules na 'yon?"

"Sa buhay niya. For example, he will not entertain any girls romantically until he's ready to settle down."

Bumagal ang pag-nguya ko sa narinig. I immediately became interested. Ikinumpas ko ang kamay para magpatuloy siya.

"And? Go on."

"Uh, that he will prioritize his countrymen first. Gusto niyang magbigay muna sa bayan at kapwa bago niya unahin ang sarili kaya grabe kung mag-aral 'yon. Kung alam mo lang kung ilang makakapal na libro ang binabasa niya araw-araw. Kahit hindi pa pinag-aaralan ay nag-a-advance reading na siya. Kaya nga medyo lumabo na ang mga mata."

"What else?"

He chuckled and smirked at me. Alam na ang gusto kong mangyari.

"Sabi ko sa 'yo, sobrang dami ng nakalagay sa listahan niyang 'yon at matagal ko nang nakita kaya hindi ko na matandaan 'yung iba."

"Ang kj mo. Alam kong meron ka pang natatandaan kaya sabihin mo na. Parang hindi naman kita kakosa."

Muli siyang natawa.

"Alam mo hanggang ngayon hindi ko maisip na ang konyo mo sa lagay mong 'yan. You're not like those girls na spoiled at pasosyal dahil mayaman. Galing ka sa mayamang pamilya pero mabilis kang makibagay. You even know how to talk like you're one of us."

"Stop. Huwag mong ibahin ang usapan Kulas. Come on, tell me more!" iniba ko kaagad ang topic dahil mas interesado akong pag-usapan ang mga rules ni Achilles kaysa sa sarili kong buhay.

"Let's see... oh, he wanted to top the board. He wanted to be the best general surgeon. Kaya hindi 'yon masyadong sumasama sa mga outing at inuman dahil abala palagi at iniiwasan niya rin ang alak pero hindi rin naman maiwasang madamay lalo na sa tuwing nalalasing si Riggwell. Siya ang boyfriend nito na palaging sumusundo kapag hindi na kaya."

Pinigilan kong matawa ng may maalala. Kaya naman pala gano'n na lang ang kumpiyansa ni Riggs nang sabihing pupunta roon si Archi noong araw na nag-inuman kami dahil siya pala palagi ang dahilan!

"He works out five times a week and has a strict diet, too. Minsan nga siya pa ang nagluluto ng mga pagkain namin dahil gusto niya kaming idamay sa healthy lifestyle niya. Kapag naman sa bahay, mahigpit rin lalo na kay Venus. He basically run the house and make everything organized. Sobrang tagal na ng makita ko 'yung rule book niya. For sure marami pang nadagdag ngayon."

Lutang akong napatango. He's well organized. Hindi na rin nakapagtataka dahil aktibo rin siya sa student council, sa chess club at sa volleyball team. He loves being in charge. Kahit gusto kong magreklamo sa mga patakaran niya tungkol sa pakikipag-relasyon ay inintindi ko ang mga rason niya. Isa pa, alam ko namang hindi niya matatanggihan ang alindog ko kapag tumagal na. Sa ayaw at sa gusto niya, magiging asawa ko siya.

"Oh, I almost forgot!"

Nangunot ang noo ko't nabitin sa muling pagsubo ng chips. Lumawak ang ngisi ni Nico bago nagpatuloy gamit ang boses na parang trailer sa isang spiritual movie.

"Rule number one, he will only marry a girl that knows and loves God."

Sumilay ang ngisi ko at tulalang napatango.

"Do you know where I can find a bookstore here?"

"Huh?" Nagdikit na rin ang mga kilay niya sa walang koneksiyon kong tanong.

"Bibili ako ng bible. Pangarap ko rin talagang maging malapit kay Lord at ito na ang sign."

Napahagalpak siya ng tawa sa sinabi ko kaya natawa na lang rin ako. Marami pa kaming napag-usapan ni Nicolaus hanggang sa bumalik kami sa kanya-kanyang klase.

Sa paglipas ng mga araw ay ito ang palagi kong nakakausap. Ayaw ni Archi ng iniistorbo habang nag-aaral kaya minsan ay hindi ko kinukulit pero kapag may pagkakataon naman ako ay hindi ko talaga siya tinitigilan.

"Hi! Mind if I join you?" malawak ang ngisi kong tanong habang hinihila na ang upuan sa kanyang harapan hindi pa man siya sumasagot.

"Uh, okay." aniya kasabay ng pag-upo ko.

We're at the library. Riggs told me he was here to read in silence at sakto namang bakante ako kaya imbes na magmukmok ay siya na lang ang aatupagin ko.

Bumalik siya sa pagbabasa matapos ayusin ang kanyang salamin. I watched him for a second. Nang mailang siya dahil sa pagtagal ng titig ko ay bumalik sa akin ang mga mata niya. Muli ko siyang nginisihan.

"Sorry." I said before putting all my things to the chair next to me.

Bumalik siya sa pagbabasa. Inalis ko na rin ang paningin sa kanya at agad na binuksan ang aking bag para ilabas doon ang librong aking babasahin ngayon.

The bible.

I actually read some of the gospels according to John. Naintindihan ko naman, but I felt like everything needs to be explained further so that I could understand the hidden message behind all of it.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagsulyap niya sa hawak kong libro. Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay kaya napatitig ako sa kanya pero inalis niya rin kaagad ang tingin bago ko pa mahuli.

Hindi na ako nagsalita at ipinagpatuloy na lang ang mga binabasa ko. Kahit na hindi ko alam kung paano ay isinasapuso ko naman ang lahat at pilit na iniintindi.

I kind of like how bible alleviates all my worries. Kanina nga ay magaan akong gumising at hindi lang 'yon dahil gusto kong ma-impress si Archi sa ginagawa ko kundi dahil gusto ko rin talagang matuto.

We were both silent and minding our own business. Matapos ang ilang minuto ay huminto siya at uminom ng tubig kaya nahinto rin ako.

"What's your life verse?" I asked to caught his fleeting attention.

His eyes gave me an 'are you serious look' but I gave him my determination to know his answer.

"Proverbs 3:5-6."

"Trust in the Lord with all your hear and lean not on your own understanding; in all your ways submit to him and he will make your paths straight."

Nalaglag ang panga niya sa narinig na tila hindi inasahan ang mga sinabi ko. It was just a random luck. Iyon ang verse na nasa library namin na nakita ko noong araw mismo na binili ko ang librong ito. It was the sign.

"Same," I added.

That made him close his book. Itinuon na ngayon ang buong atensiyon sa akin.

"You read bible now?" he asked, still glad of what's happening between us.

"You seemed surprised. Bawal ba akong magbasa?"

"No, of course not."

"I like reading it," nakangiti kong sagot.

I genuinely do. Hindi lang dahil gusto kong mapalapit sa kanya pero gano'n na rin kay Lord. Sabi niya nga, lahat ng hiling ay ibinibigay nito hindi ba? If that's really the case then I'm up for it.

"But there's so much more to learn. Hindi ako religious na tao at maraming mga bagay na hindi ko maintindihan..." makahulugan kong sabi.

"You need help?"

Lumawak ang ngisi ko at agad na tumango. Nang umangat ang gilid ng labi niya ay naghuramentado ang puso ko sa excitement! Kalma Belcalis, kalma!

"O-Oo naman. Kung hindi ka busy?"

"It will be my pleasure to help you with the word of God," inayos na niya ang mga gamit sa kanyang lamesa. Aalis na siya pero hindi ako gumalaw, hinintay ko lang siya sa mga susunod pang sasabihin. "You can go to our house this Saturday after class. I'll help you study the bible." he said before standing up and leaving me almost screaming because of excitement!

Totoo ba 'yon?! Lord sorry kung nababahiran ang pananampalataya ko ng karupukan pero thank you sa biyaya!

Hindi nawala sa isip ko ang anyaya niya hanggang sa matapos ang araw. I patiently waited for Saturday to come. Nicolaus became busy practicing for the upcoming intramurals. Busy halos ang lahat at gano'n rin si Archi sa kanyang sport kaya naging abala rin ako sa pagsuporta.

Hindi gaya noong una, ngayon ay tila sanay na siya sa mga pagsigaw ko't pagchi-cheer sa kanya sa court. Kahit pa marami pa rin talagang nasasabi ang mga schoolmate namin ay binalewala ko. Hindi naman sila ang napapagod sa kasisigaw at hindi rin naman sila ang chini-cheer ko kaya kapag inggit, pikit.

"You're out of your mind." si Orie nang sabihin ko sa kanya ang lahat ng mga kasiyahan ko sa buhay.

As usual, she was being bitter. Ayaw na talaga yatang pumasok ako sa isang relasyon. Siya pa nga yata ang na-trauma para sa akin.

"Why? What's wrong with that?"

"Belcalis, confused na si satanas sa 'yo! You are not religious at kahit kailan hindi kita nakitang nagsimba!"

"Noon 'yon, Orianabel! People change, ikaw ang nagsabi no'n!"

"You?! I mean no offense, but you? Eh hindi ba last week lang ikaw ang usapan ng mga estudyante diyan at tampulan ng tsismis dahil sa pagiging malapit mo sa mga lalaki? You were in a lot of trouble tapos ngayon, magba-bible study ka?"

"Orie, panahon na siguro talaga para hindi kita maging kaibigan."

Humalakhak siya pero hindi pa rin itinigil ang pangingikil sa akin.

"I just can't believe it! Alam mo bang masama ang idahilan si Lord para lang mapalapit sa lalaking gusto mo?"

"Flash news! I am not really using God to be closer to Archi. Gusto ko talagang matuto! I am willing to change all my ways. Baka sakaling mas swertihin ako sa buhay. Walang masama sa pagbabago Orie so stop being so negative!"

"Hindi ko lang talaga ma-imagine, Cali. I mean of all people, Ikaw?"

Napairap ako sa kawalan. Alam kong marami siyang pag-aalala sa akin pero sa pagkakataong ito ay gusto ko talagang mairita.

"You should know me better for I am your bestfriend, right?"

She heave a sigh.

"I'm sorry. Fine, I'll give you the benefit of the doubt. I just want you to be happy. Kung 'yan talaga ang magiging kasiyahan mo then I wish you good luck.

"Better."

"Huwag lang sobra, ha? Baka mag madre ka."

"Gago may maharot bang magmamadre?!"

Parehas kaming napahalakhak. Alas dose na nang matapos kaming mag-usap. Marami siyang ibinalita tungkol sa ex ko at sa mga nangyayari sa AU kahit na wala naman akong pinakinggan. It's good that she found new friends. Kahit paano ay hindi naging mahirap sa kanya ang paglayo ko.

Kahit na wala na akong kausap ay hindi natigil ang utak ko sa pag-iisip. I'm really excited about Saturday. Naiisip ko pa lang na babasahan niya ako ng bibliya ay parang umiikot na ang mga lamang loob ko.

Lahat na nga yata ng mga hindi ko gusto sa lalaki o 'yung mga hindi pinapansin noon ay na kay Achilles na. I never thought I'd be interested in a man who's close to God. Wala akong pakialam sa relihiyon noon at aminadong nagdarasal lang kapag may kailangan, but now, with him around I realized how lost I am. Ngayon kahit na hindi pa ako lubusang malapit sa Diyos ay malinaw na sa akin ang mga pagkakamali ko.

Napapitlag ako ng marinig ang pagtunog ng aking telepono dahil sa isang chat. Tamad ko iyong kinuha ngunit mabilis na ginanahan ng makitang si Achilles iyon!

Naknang! Talagang nga namang patay na patay na sa akin at nagcha-chat na! Baka next time will you marry me na talaga! Ayiehh!

Achilles:

Sure ka pa ba sa Sabado?

Ako:

Sure ka na ba sa 'kin?

Ako:

Joke. Oo naman! I've been looking forward to it.

Achilles:

Okay. Magluluto ako. Do you have some requests? Do you eat pork?

Nakagat ko ang aking labi. Grabe naman sa effort! Bible study pa lang paano na kaya kapag mag-asawa na kami?

Nababaliw kong niyakap ng mahigpit ang aking unan.

Ako:

Hindi na kailangang mag-abala pero sige kung mapilit ka. And yes, I eat pork. Kakainin ko lahat kahit ikaw.

Ako:

I mean, lahat basta ikaw ang nagluto.

I felt my cheeks burned at that! Baka bigla niya akong palayasin sa Sabado!

Bakit ba kasi hindi ko mapigilan ang kalandian pagdating sa kanya? I've never been like this to someone. Nagbago na nga talaga ako at parang gusto kong kabahan dahil do'n!

Achilles:

Okay. So wala kang gusto?

Ako:

Bukod sa 'yo wala naman na. Thank you sa pag-aalala. I do agad.

He did not replied to that. Napabusangot ako pero hinayaan ko na lang rin dahil baka talaga maubusan na siya ng pasensiya sa akin.

Saturday came.

Simula pa lang ng araw ay ilang scenario na ang nasa utak ko sa mangyayari mamaya. Napagplanuhan ko na ngang maging wholesome at matino dahil ayaw kong isipin niyang ginagawa ko lang talaga iyon dahil sa kanya. Though I won't lie that some part of it was true, I also really wanted to learn the word of God. Cross my heart, totoo 'yon.

Ang sabi niya ay sa bahay nila. Ang sabi ni Nicolaus ay busy sila sa practice ng basketball hanggang gabi kaya hindi sila kasama. Ibig sabihin ay kaming dalawa lang talaga ang nasa bahay nila! Parang bigla kong gustong kabahan kahit na iyon naman ang gusto ko.

I ditched my last class. Maaga akong umuwi para mag-ayos. I texted him when I'm done.

Ako:

Hihintayin na lang kita sa inyo. Papunta na ako.

Achilles:

You're already done with class?

Ako:

I ditched my last class. It's boring.

Achilles:

Tsk.

Ako:

Why?

Achilles:

Nothing. I'm still in class. Magti-text na lang ako kapag pauwi na ako.

Ako:

Okay. Ingat ka, mamahalin pa kita.

Achilles:

Tsk.

Napanguso ako at hindi na nakipagtalo. Okay. I should lie low. Mukhang hindi niya nagustuhang lumiban ako sa huling klase ko. He seems disappointed kaya hindi ko na kinulit.

Fifteen minutes matapos niyang sabihing pauwi na siya ay naroon na ako. Umalis ako sa pagkakaupo sa gutter ng makita ang kanyang sasakyan. Umalis ako sa drive way at hinintay iyong huminto.

Sa pagbaba niya ay ngumiti kaagad ako. Sinagot niya naman iyon pero parang hindi talaga natutuwa. Sinundan ko siya papasok sa gate hanggang sa kanilang elevator at second floor ng bahay kung saan bumungad sa mga mata ko ang malawak na sala.

"You can sit there." sinunod ko siya.

Habang inaayos niya ang mga kung ano sa kusina ay inilibot ko ang mga mata sa kanilang sala. It was decent. Malinis kahit na puro lalaki sila rito. I bet he was also the one cleaning their house aside from Venus. Hilig nito ang maglinis at maging organized kaya hindi na nakapagtataka.

May tatlong mahahabang kulay abong couch doon. Babasaging coffee table sa gitna, may malaking tv, may bar area at ang kitchen ay kompleto sa mga gamit.

He offered me a drink tinanggap ko naman.

"Wala sila?" paniniguro ko kahit na alam ko na naman iyon.

Ito ang unang beses kong mapunta sa bahay ng isang lalaki na kaming dalawa lang kaya kahit makapal ang mukha ko ay pinapasok pa rin ng kaba ang puso ko.

I am not afraid of him. In fact, kung may gagawin siya ay baka destiny na talagang isuko ang bataan pero nakakakaba pa rin talaga. Hindi ko maintindihan. Napailing ako ng makita ang muling paglapit niya dala ang mga cookies.

"Magpapalit lang ako."

Nahinto ako sa pag-inom at lutang na tumango-tango.

Nang mawala siya at pumasok sa isang silid ay saka lang ako nakahinga ng maluwag!

God, why am I being so nervous? Hindi ba ito naman ang gusto ko? Ang masolo si Achilles? pero bakit bigla ay parang naduduwag ako lalo na't kami lang talaga ang tao rito ngayon? I'm excited and so nervous at the same time!

Inabala ko ang sarili sa paglabas ng bible ko at pag-scan ng mga nabasa ko na habang hinihintay siya. Inayos ko pa ang sarili ko sa couch. Hindi ako napakali. I tried lifting my legs, but it was inappropriate kaya muli kong ibinaba.

Prente kong isinandal ang sarili sa mas maayos na pwesto para iyon ang makita niya sa kanyang paglabas pero ang lahat ng plano ko ay agad natigil ng marinig ang pagtunog ng kanilang door bell.

Sakto ang paglabas niya sa kwarto. Imbes na makita ang ayos kong gusto siyang akitin ng slight ay napatuwid ako ng upo.

Is that his cousins? Pero sabi ni Nico ay busy sila ngayon, ah?

Napalunok ako ng makitang ibinababa niya ang kanyang puting t-shirt. Tila hindi maayos na nakapagbihis dahil sa pagdating ng kung sino.

"They're here." untag niya.

Nangunot ang noo ko.

"'Di ba busy sila at may practice? Gagabihin daw, 'di ba?"

Marahan siyang umiling at tinungo ang pintuan.

"It's my church mates. Kasama natin silang magba-bible study." aniyang tuluyan nang nagpalaglag sa panga ko.

~~~~~~~~~~~~

What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂

Follow all my social media accounts if you want to be updated.

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro