CHAPTER 11
Chapter Eleven
Carnations
"I'm getting married."
Isang malakas na mura ang nagpabingi sa tainga ko dahil sa eksaheradang sigaw ni Orie sa kabilang linya!
"Gaga! Anong ikakasal?! Kanino?! Sa isa sa mga probinsyano diyan sa malayong planetang 'yan?!"
Nababaliwan akong natawa pero nanatili ang malawak kong ngisi.
"Feeling ko nga buntis na ako. You're going to be a godmother Orianabel."
"Are you high or what Belcalis?! What the fuck are you talking about?! You don't have a boyfriend—"
"Hindi mo sure."
"What?! No way! Isa pa, kapag na-virginan ka alam kong hindi ka mapapakali at ako kaagad ang tatawagan mo."
"People change, Orie. Maybe I don't want to tell you now about my life, most especially my sex life."
"So it's true?! You're not a virgin, you're pregnant and you're going to marry a probinsyano?"
"Why do you say it like it's the worst thing in the world?"
"Because it is! Anong future mo? Haciendero ba 'yan, ha?! Tsaka hindi talaga ako naniniwala Cali! It's either nananaginip ka ng gising o naka-tsongke ka. Alin doon?"
"Ang pangit mong ka-table, Orie. Agaw trip ka." Inis akong napabuga ng hangin sa ere.
Ang tuwa sa puso ko simula ng hawakan ni Achilles ang kamay ko noong isang gabi at tanungin kung malungkot pa ba ako ay hindi nawala hanggang ngayon.
I'm probably smiling every night while asleep. Sa mga panaginip ko gabi-gabi ay ikinasal na kami at nagkaroon ng maraming anak sa maraming honeymoon na pinanggigilan ko siya. Yes, I am that advanced.
"I knew it! Stop day dreaming! Tanghaling tapat, my God!" Madrama niyang sambit na nagpairap sa akin sa kawalan.
"Pangit mong tropa. Hayop ka talaga."
Doon siya napahalakhak.
"It's too impossible, Belcalis! I know you. You will not let a day pass without telling me that you're no longer a virgin."
"Fine, whatever."
"But this guy seems legit. Is he real? Totoong in love ka ngayon sa probinsyano?"
"Yes and yes, Orie. At kung may pagkakataon lang talaga ay magpapabuntis ako—"
"Cali!"
Parehas kaming natawa. Biro lang naman iyon pero kung may pagkakataon talaga sa future, bakit hindi? At kung galing naman kay Achilles, aarte pa ba?!
"Send me a photo. Let me see."
Nakangisi at proud akong tumango kahit na wala naman siya sa aking harapan.
"Drop the call. Hindi ako mapapahiya."
Sa pagtatapos ng linya ay agad kong isinend sa kanya ang ilang stolen shots ni Archi na patago kong kinuha nitong mga nakaraan. Maging ang profile picture niyang namamaga ang mga abs at ang kasalukuyan kong wallpaper ay sinend ko.
I bit my lip when I see Orie's name on my phone after a minute. She's calling me now.
"Hello—"
"Magkano ang magagastos ko sa gas papunta diyan? Can you also send me a map so I could visit you there?"
"Malanding nilalang. Diyan ka na sa Manila. Hayaan mo na akong mamatay rito."
"Your mouth Cali! Pero seryoso! He's too hot! I didn't expect people like that to exists in a small town!"
"Oh, you bet! Imagine my surprise when I first saw him with his cousins—"
"He has cousins?!" Bulalas niya.
Nai-imagine ko ang mga pisngi niyang puputok na sa kilig. Malandi rin talaga.
"And they're just as hot as him. I mean, Archi is the one for me so he's the hottest, but man, they're all damn fine. Kaya nga mabuting desisyon talaga 'tong pagpunta ko rito. It's a blessing in disguise and I should thank my Dad for it. What do you think?"
"For sure! But can you hook me up to one of his cousin? Pretty please? I take all if you don't mind."
I chuckled at that.
"You're too far away. Sayang lang oras nila sa 'yo dahil hindi ka naman malalaplap sa screen ng telepono mo."
Lumakas lalo ang halakhak niya. Talking to her has really been my joy. Kapag kausap ko siya lalo na sa tuwing malungkot ako ay gumagaan talaga ang lahat. Kahit puro kami kagaguhan at minsan ay murahan, nananatili kaming magkaibigan. Sa lahat nga ay siya lang talaga ang tumagal sa akin. Ewan ko ba, parehas lang talaga siguro kami ng mga trip sa buhay kaya patuloy kaming nagkakasundo.
Our conversation went on and on. Buong araw ay wala kaming ginawa kung hindi ang magkwentuhan. She said Brixton was still asking her about my whereabouts. Aniya ay nagsisisi na raw ito sa mga ginawa at gusto akong makausap pero binago ko lang ang topic.
Ayaw kong malamatan ng bad vibes ang utak ko. It has been a great week for me lalo na itong mga huling araw dahil kahit na mailap na ulit sa akin si Achilles ay alam kong malaki na ang tyansang ma-fall siya sa 'kin. Kahit na feeling ko lang 'yon ngayon, hindi pa rin ako titigil hangga't hindi iyon nagiging totoo.
"What is this for?" Nakakunot ang noo niyang tanong habang ang mga mata ay nababaliwang sinisipat ang bouquet ng royal blue carnations na inilalahad ko sa kanyang harapan.
"I just want to give you some flowers. Bakit bawal ba?"
"What for?" Marahas siyang napalunok nang makalapit sa amin si Venus.
I smiled at her. Mas lalong lumawak ang ngisi nito matapos tapikin ang braso si Archi bago kami iwan. Nakabusangot ang mukha ng huli habang inaayos ang kanyang salamin. Bahagya niya ring sinuklay ang kanyang buhok bago ibalik ang mga mata sa bulaklak. Nababaliwan pa rin sa mga bulaklak at sa akin.
"Bakit mo ako binibigyan niyan?"
Naubos ang pasensiya ko. Kinuha ko ang kamay niya at pilit iyong inilagay doon.
"Wala lang. Hindi ba gano'n kapag nanliligaw?"
"Sinong nanliligaw..." natahimik si Riggwell nang sa paglapit niya sa amin ay makita ang bulaklak na hawak na ngayon ni Achilles.
Gaya ng kakambal, lumawak rin ang ngisi nito. We're at the staircase near the library. Oras ng klase ng iba at katatapos lang ng sa amin kaya wala masyadong tao.
"Wow! Manliligaw ka na? O iaalay mo 'yan kay Mama Mary mamaya? Wait, it's not her birthday yet! Who's the lucky girl?"
"It's actually from me." Singit ko kay Riggs sa pang-aalaska niya sa pinsan.
"Oh..." laglag ang panga niyang sambit matapos akong sulyapan. Pinigilan niya ang ngisi ng muli silang magtitigan ni Archi.
"I'll get going Cali," aniya sabay lakad palagpas sa akin pero bago pa iyon ay inilapit niya ang bibig sa aking tenga para bulungan ako.
"Try Cadbury hazelnut next time. He likes that shit."
I smiled and nodded at him. Kinindatan niya pa ako bago nababaliwan kaming iniwan ng pinsan.
"You can't do that."
"Why not? It's the twenty first century. Hindi na siguro bawal na kaming babae naman ang manligaw—"
"That's not how it works."
"Court me then," paghahamon kong nagpalunok sa kanya.
Imbes naman na ipagpatuloy ang pangungulit ay natigilan ako. Bigla akong kinabahan dahil baka bastedin niya ako! Ito ang una kong panliligaw at hindi pwedeng ito rin ang unang beses kong matatanggihan! Hindi pwede!
"When you're ready!" Maagap kong dagdag. "Kung ayaw mo, eh 'di ako na lang talaga ang manliligaw sa 'yo."
Ngumiti ako ng mas malawak at bago pa siya makapagsalita ay nagpaalam na ako. Sa pag-ibis ko sa pasilyo ay bigla akong nahinto para lang sapuin ang dibdib.
God, I'm crazy! Parang hindi ko na kilala ang sarili ko. I don't know about flowers yet I've manage to purchase a bouquet to give to him. Nababaliw na talaga ako... kay Achilles.
Sa muli kong pagsilip sa aking pinanggalingan ay nakita kong nananatili siyang nakatayo roon. Tila hindi alam ang gagawin, pero parang bigla kong gustong magtutumalon sa tuwa nang makita ang pasimple niyang pag-angat sa hawak na bulaklak at pag-amoy rito!
Seeing Archi silently sniffing the carnations was the cutest thing ever! Parang gusto ko na lang maiyak sa tuwa! Even though it seems like he doesn't want it, I knew it made his day better somehow.
My heart was so happy the whole day. Hindi umubra ang mga bad vibes sa paligid ko. Ni hindi ko rin nagawang makipag-away dahil sa tuwa sa puso ko. Everything just felt so good until my father called me when I got home.
Dahil sa pagiging abala niya ay ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong pagalitan ako sa mga nagawa ko nitong buong linggo. Sa ibang pagkakataon ay magiging masaya ako sa atensiyon niya pero ngayon ay hindi ko mapigilang mainis dahil sinira niya ang masaya ko nang linggo!
"Belcalis, por favor se buena por una vez. Kahit ngayon lang ay magtino ka naman diyan. Kahit saan kita itapon talagang mahilig ka sa gulo at kapag hindi ka pa nakapagtapos sa paaralang 'yan ay hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo!"
"I didn't touch anyone today, father," Giit ko. "And I'm actually having a good day. Sinira mo ang araw ko kaya por favor rin, can you drop the call? Mag-aaral pa ako."
He kept talking on the other line. Ako na ang pumutol ng linya. I turned of my phone so he couldn't bother me anymore. Itinulog ko ang inis para sa kanya ngunit ng makita ang my day ni Vivi sa mga carnations na ngayon ay nasa vase na ay muli akong napangiti.
'Someone likes flowers now' She captioned.
I reacted hearts to that. Kahit paano ay nanumbalik ang lahat ng tuwa sa puso ko lalo na't inuwi niya pala ang mga bulaklak at hindi itinapon. Kahit ako ay hindi rin mahilig sa mga bulaklak. Kahit kailan rin ay hindi ko naranasang suyuin at ligawan sa normal na paraan.
Brixton never courted me. Basta sinabi kong kami na so we acted like it. Hindi rin kasi ako naniniwala sa mga ligawan. Para sa akin, kung gusto mo ang isang tao ay hindi mo na iyon patatagalin pa. Kung ayaw mo naman ay hindi mo na dapat pang paasahin. Simple.
There are people who wanted to court me before Brix, but I just didn't have time to entertain any of them. Ewan ko ba. Noon nga ay man hater ang bansag sa akin ni Orie dahil wala akong magandang masabi sa lahi ni Adan at nahinto lang iyon ng maging opisyal ang relasyon namin ng ex ko.
Hindi naman nagbago iyon. I still hate their population, but this time I have an exemption... it's Achilles.
Lumawak ang ngiti ko. I opened my Facebook and stalked him again.
Like the usual, boring ang profile niya. Halos lahat ay puro tags pa rin pero natigil ako sa pag-scroll ng makita ang mga bagong litrato galing sa mga churchmates niya. Inilapit ko ang mukha sa screen ng aking laptop at kunot noong tinitigan ang isang litratong may katabi siyang babae.
Sa halos lahat ng group photos ay sila ang magkatabi at mukhang malapit silang magkaibigan. Kahit hindi ko gustong maramdaman ay parang bigla akong nainggit sa huling candid shots na magkaharap sila't parehas na malawak ang ngiti sa isa't-isa.
It was as if Archi was over the moon while staring at her. Na parang ang mga mata nito ay mayroong super moon o eclipse na hibang na hibang siyang titigan.
Pamilyar ang ilang mukha sa ilang litrato at nakakasalubong ko rin ang ilan sa university pero ang babae ay hindi ko pa nakikita ng personal kahit kailan. Bagong mukha. Maganda naman. Simple lang at mukhang mabait pero hindi maatim ng puso ko ang mga litrato nila.
Iritado kong sinara ang aking laptop. Bumalik sa kama nang may bigat sa dibdib at kahit na wala sa plano ay binuksan ko na lang rin ulit ang aking telepono. I texted Orie.
Ako:
Wala ng kasalang magaganap.
She replied immediately.
Orie:
What happened? Hindi ka crush ng crush mo?
Ako:
Hindi pa ngayon Orianabel pero tangina wala ka ba talagang suporta, ha? Bakit parang ayaw mo namang sumaya ako kahit paano? Talaga bang tropa tayo? hype ka.
Orie:
Haha! Sorry! What happened ba?
I took a screenshot of the photos and send it to her.
Orie:
Who's that girl? Girlfriend niya?
Ako:
He doesn't have a girlfriend. Hindi pa kami, so no.
Orie:
Lol! Sorry to break it up to you pero marami siyang choices, Cali. Kaibigan kita kaya dapat handa ka na. Isa pa, sabi mo sikat siya sa university niyo kaya for sure maraming nagkakandarapa sa kanya at hindi lang ikaw. He's basically choosing because he has a lot of choices.
Ako:
He's different. He really doesn't have time for that.
Orie:
Meaning wala rin pala siyang panahon sa 'yo kahit na ikaw lang ang choice niya?
Hindi ako nakapagtipa kaagad ng sagot. Kahit na sure akong siya ang gusto ko at mayroong maliit na tyansang magkaroon rin siya ng nararamdaman para sa akin, pero tama ring hindi imposibleng hindi niya gawin dahil nga wala siyang panahong makipagrelasyon.
Orie:
I'm sorry. I just don't want you to get hurt again. Also, you just got out of a relationship. Hindi ba masyado pang maaga para pumasok ka sa panibago? What if you just like that boy because he's your distraction? Paano kung gusto mo lang pa lang takasan ang sakit na naramdaman mo sa nangyari sa inyo ni Brix?
Ako:
I'm not sad that it ended, Orie. I'm more of grateful because I don't have to waste my time on his cheating ass anymore. I like Archi and yes he maybe one of the reasons why I'm distracted to a lot of things, but I like-like him. I never felt this with anyone, kahit kay Brix pa. Ewan ko ba. He's different from all the boys I've met. Iba rin ang nararamdaman ko para sa kanya.
Orie:
Huwag kang masyadong bilib, baka masaktan ka ulit sa huli. Sabihin na nating mabuti siyang tao at iba siya pero hanggang kailan? People change and feelings fade, Cali. You should know better now.
Ako:
I know. Thanks for reminding me at sige na. i-easyhan ko na dahil sa ngayon ay wala na muna talagang kasal. You see how he looked at her? It hurts Orie.
Orie:
HAHAHA! They actually looked cute together. Parang same sila ng vibe. They both like going to church. You know how ideal that is? Malay mo wala nga siyang girlfriend at ayaw niya pa, pero may gusto naman siyang iba. Like this girl for example.
Ako:
Parang ayaw ko na munang makipagkaibigan sa 'yo. Parang bilib na bilib ka naman diyan at nakalimutan mong ako ang kaibigan mo?
Orie:
HAHAHAHA! Oo naman yes, Cali! Syempre na sa 'yo pa rin ang taya ko pero ayaw ko lang talagang umasa ka ng mataas ulit sa isang tao. Please guard your heart now.
Mapait akong napangiti.
Ako:
Kahit anong bantay mo, kung may taong gustong manakit sa 'yo ay hindi mo 'yon mapipigilan. I've been guarding my heart since day one, but looked what happened. I still got hurt and it was not my fault.
Marami pa kaming napag-usapan ni Orie dahilan para hilingin kong sana ay kasama ko na lang siya ngayon. I missed her.
Madaling araw na ay lungkot na lungkot pa rin ako. Hindi ako makatulog dahil sa bigat ng dibdib ko. I decided to post a status.
Ako:
Looking for ka-chat. 'Yung kaya sanang pumawi ng matinding lungkot. Hit me up. 🙂
Ilang minuto lang ay sumabog na kaagad ang notifications ko maging ang aking messenger pero wala akong ganang replayan ang mga tao. It was just a weird feeling. Nababaliw na nga talaga yata ako dahil kahit na maraming nag-o-offer ay wala akong amor sa kanila.
Hindi tumigil sa pagtunog ang aking telepono habang nakatulala ako sa ceiling. Lutang sa kaiisip sa mga kung anong mas lalong nagpapabigat sa aking dibdib.
Ilang minuto ay na-weirduhan na ako sa sarili ko't binalikan ang aking post para sana burahin, pero natigil ako nang mag pop-up ang message ng nag-iisang taong tahimik na hinihintay ng puso ko.
Magkahalong tuwa, excited at lungkot ang naramdaman ko nang buksan ang kanyang message. My sentimental heart felt warm when he sent me a photo of the carnations.
Achilles:
Thanks for the flowers. I appreciate it.
Iyon lang ang mensahe niya pero parang ginanahan kaagad ako sa buhay. Malawak ang ngisi kong nagtipa ng reply.
Ako:
So pwede na ba akong manligaw o tayo na agad? Gaano ka karupok?
Nagta-type pa lang siya ay para na akong uod na hindi mapakali sa kilig pero agad kong binawi ng mawala ang mga bubbles hudyat ng pagtitipa niya. Nag-chat ako ulit.
Ako:
Joke lang. You're welcome. 🙂
Achilles:
Bakit hindi ka pa natutulog?
Ako:
Kapag natulog ba ako makakatabi kita?
Ako:
Joke lang ulit.
Achilles:
Tulog ka na. Huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano. Try praying. It helps.
Bahagya nang napawi ang lungkot ko. I almost forgot that he's religious. Of course, he would suggest that.
Ako:
Does God really answer prayers?
Achilles:
Of course. It's in the bible.
Ako:
I don't read the bible.
Achilles:
1 John 5:14–15, if we ask anything according to his will, he hears us. And if we know that he hears us—whatever we ask—we know that we have what we asked of him. He answers everything. Hindi man minsan katugma ng gusto mo, pero madalas ay mas matimbang pa ang sagot niya sa lahat ng mga hiling mo. Try it.
Ilang beses kong inulit basahin ang message niya. It made me admire him more each time. He's not just smart, he's also knowledgeable about God and his works. I'm so impressed.
Ako:
I'm okay now. God already answered my prayers when you messaged me, but I will still pray for him. Baka bukas sagutin mo na ako o 'di kaya naman dahil sabi mo mas matimbang siya kung magbigay, baka ikasal kaagad tayo. I do kaagad, baby.
I was smiling from ear to ear when I sent that. Hindi na ako nagtipa ng paumanhin dahil totoong masaya na ako ngayon.
My heart pounded when he replied again. Kagat labi ko iyong binasa.
Achilles:
Tulog ka na. Good night. 🙂
Kahit na gusto ko pa siyang kulitin ay buong puso ko na lang sinunod ang kanyang sinabi.
~~~~~~~~~~~~
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂
—
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro