CHAPTER 10
Chapter Ten
Date
Inasahan ko nang mas lalong maglalayo ang mundo namin ni Achilles pagkatapos ng tagpong iyon. I was so used of people labeling me as something that I am not and I did not care even once, but witnessing Achilles believe that, hurts me a bit.
Ewan ko ba. Sa buong dalawang oras kong tumagal sa pool habang pilit na ipinahihinga ang utak sa lahat ng mga nangyari ay hindi pa rin nakatulong ang pagpapagod ko sa sarili.
Kung tutuusin ay mas dapat kong isipin ang nangyaring pangha-harass sa akin pero ang judgement ni Achilles ang mas tumambay sa utak ko.
Ilang beses pa akong nagpabalik-balik sa paglangoy. I wish Orie was here or at least she's free now so I could vent, but she's out partying and just living her life. Ayaw kong makasagabal. Ang mga sumagip naman sa akin kanina ay hindi ko magawang kausapin kahit pa ilang beses na nangulit si Nicolaus at Riggwell kung okay lang ako dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Achilles kanina.
I just want to chill for a bit. Lumayo sandali, huminga kumbaga, but then I was surprised to received a Facebook notification after I got out of the pool.
Achilles Arquin Cordova accepted your friend request.
Wala sa sariling napaupo ako sa lounger. Pakiramdam ko ay biglang nanghina ang mga tuhod ko sa nabasa!
Just what the hell, right? Bakit gano'n ang mga lalaki? Kung kailan gusto mong mag-move on ng kaunti saka magpaparamdam?
Ipinilig ko ang aking ulo dahil marami na namang mga scenario na pumapasok sa utak ko.
Oo nga't masaya naman ako sa kabila ng bigat sa aking dibdib pero nang maalala ko si Nicolaus na kanina pa chat ng chat at nangungulit sa akin ay bigla ulit akong nalugmok. It's him. I told him that I am okay, but I am sad so maybe he did that to cheer me up.
Kumawala ang buntong-hininga ko sa naisip. Bigo akong nagtipa ng message sa kanya.
Ako:
Thanks, but you don't have to do that Nicolaus.
My heart pounded when I see him typing. Kahit na alam kong si Kulas iyon ay may kaunting pag-asa pa rin sa puso kong sana ay si Achilles na lang.
Achilles:
Are you okay? Are you still sad?
Ako:
I'll be fine.
Achilles:
Sabihin mo kapag may nang bastos ulit sa 'yo.
Ako:
Thank you ulit kanina, but really, I'm okay. I can handle myself. Pakisabi na lang rin kay Ino at Riggs na salamat kanina. Sorry hindi ko na kayo naabutan.
Achilles:
Let's just all forget about it. Gaya ng sabi mo, wala nang makakalabas. The guy was suspended. If it wasn't enough pwede pa nating kausapin ang dean.
Ako:
Nah, I'm good. I'm fine.
Mabilisan kong pinunasan ang aking katawan at tamad na ibinalik ang likod sa lounger.
Achilles:
I'm really sorry for what happened.
Ako:
You did enough. Sige na.
Achilles:
You're busy?
Ako:
Sakto lang. Nagpapahinga lang pagkatapos mag-swimming pero matutulog na rin after. Ikaw? Hindi kayo busy?
Achilles:
Katatapos lang mag-practice ng bagong routine, but we're done.
Ako:
Oo nga pala. Dancer nga pala kayong lahat.
Achilles:
Sakto lang.
Ako:
Humble. Balitang hindi lang kayo sa basketball palaging champion kundi sa lahat ng mga dance competition rito maging sa ibang lugar. I didn't really have interest in dancing, but I think it will be fun to watch you guys do it. I've heard a lot of good feedback.
Achilles:
Don't expect too much. Baka ma-disappoint ka.
Ako:
Stop being humble! I gotta go now. Thanks for the time Nico. I appreciate it.
Achilles:
I'm sorry.
Nalukot ang noo ko nang muling mabasa iyon habang naglalakad na pabalik sa loob ng bahay.
Ako:
I said it's okay. Don't worry about it. Move on na tayo, 'di ba? Bye na. Oh, and thanks for accepting my request, but I have to unfriend his account now. I told you, I want him to do it himself.
Hindi ko na hinintay pa ang chat niya. I put his message on spam and I unfriended him. Kahit iyon ang gusto ko, ayaw ko pa ring pilitin si Archi sa ngayon. I want to give him some space. Gusto ko rin munang tumahimik.
Binitiwan ko ang aking telepono hanggang sa makapag-ayos ako. I watched two movies while sipping some red wine, pero muli akong nabaliwan nang makita ang friend request ni Achilles bago pa ako tuluyang magpahinga.
Nagsalubong ang mga kilay ko. I texted Nicolaus after I ignored it, but he wasn't replying.
Isang minuto lang after kong i-ignore ang request ay nag-request na ulit ito! Ang kulit! I ignored it again, but I lost my patience the third time.
Binalikan ko ang chat namin kanina ngunit bago ko pa ma-send ang mga pagalit ko ay nagulantang na ako sa bagong notification na nag-post ang account niya sa wall ko!
"It's Achilles. I apologize for what I did and said earlier. I'm sorry I didn't know. Please don't unfriend or even block me. I don't have someone to help me make dummy accounts just to be your friend again. I apologize, Belcalis."
Nagwawala ang puso ko habang paulit-ulit na binasa ang mensahe!
I just couldn't believe that he posted on my wall publicly! Lord, is it the right time na ba? Ito na ba 'yon?
I contemplated my reply. Ilang beses akong nagtipa ng OK, K, K FINE at marami pang ibang pagsusungit, pero lahat iyon ay pinagbububura ko. Sa huli, nagkasundo ang utak at puso ko.
Ako:
Nagsisisi ka?
I replied to his post.
Achilles:
Yes. I'm sorry. I was mean.
Ako:
If you really mean your apology then make up to me by taking me out on a date. 5pm tomorrow after my class. Good night!
I was being bossy and cold, but I was smiling the whole damn time! Archi is indeed a good guy. He doesn't like hurting or being mean to anyone. And yes, this is the right time.
Sabi nga ni Nicolaus, ito ang pinakamalapit kay Lord. Sa sobrang pagmamahal nga nito sa Diyos ay muntik na nitong piliin ang semenaryo pero nanaig ang kagustuhang maging doctor dahil kulang na kulang ang mga doctor sa probinsiyang ito.
Kahit na gano'n, nananatili siyang aktibo sa mga gawain sa simbahan. Tuwing Linggo nga raw ay isa ito sa lector ng misa. Minsan naman daw ay commentator. He's also trying to learn the piano for the choir. Everyone knew and adores him for being so close to God.
Kinabukasan ay parang gusto ko na kaagad hilahin ang oras para lang matapos ang mga klase ko.
Our date was finalized. Nicolaus teased me the whole day. Pinabayaan ko siya dahil ang totoo ay ayaw kong mamatay ang kilig sa puso ko. Pagkatapos ng masalimuot na mga araw sa unibersidad ay ito ang pahinga ko sa lahat kaya susulitin ko.
Huminga ako ng malalim. Napapapikit pa ako't napapakagat sa labi nang tuluyang matapos ang huli kong klase. I texted him.
Ako:
I'm done. Palabas na ako ng classroom ko. Saan tayo magkikita?
Achilles:
I'm already outside your room.
Marahas akong napatayo. Kung plano kong palabasin muna ang lahat ng mga kaklase ko kanina, ngayon ay pinaghahawi ko sila mauna lang makalabas!
Pinigilan kong mapangisi ng matanaw nga siya sa labas ng silid ko! Nico probably told him where my class was.
Inayos ko ang tindig at naglakad palapit sa kanya. Abala siya sa kanyang telepono kaya hindi niya namalayan na nakalapit na kaagad ako.
"Saan mo ako idi-date?" tanong kong nagpatuwid sa kanya ng tindig.
Dahil sa gulat ay hindi siya kaagad nakasagot. His eyes roamed around the hallway, pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Mukha siyang naasiwa kaya napanguso ako.
"Are you sure you want to do this?" Napabaling siya ulit sa akin. Naghalukipkip ako. "Kung ayaw mo, okay lang naman."
Nalaglag ang mga mata ko nang itago niya pabalik sa bulsa ang kanyang telepono at ilahad ang isang kamay sa aking harapan.
"Ako nang magdadala ng bag mo."
Kusang nabuwal ang mga kamay ko sa aking harapan. I hate doing that. Ni minsan ay hindi ko hinayaang dalhin ni Brix ang bag ko o kahit anong dala ko pero ngayong si Achilles ang kaharap ko ay para akong nabudol dahil kusang loob at natutulala ko pang ibinigay sa kanya ang lahat ng mga gamit ko. Pwede na siyang magtayo ng budol-budol gang!
Hindi nawala ang titig ko sa kanya habang naglalakad kami sa hallway.
God, he's a masterpiece. He's sporting a slicked back hair style. Ang kanyang wavy na buhok ay parang masarap suklayin gamit ang magkabilang kamay... Parang masarap sabunutan... natigil ako sa kanyang pagtikhim, nakitang hindi nawala ang titig ko sa kanya.
Marahas kong nilunok ang lahat ng bara sa aking lalamunan, pilit na itinitig ang mga mata sa kanya, but I got lost again. He has the most gorgeous eyes I've ever seen, brown and deep set. Mahahaba ang mga pilik at parang may kung ano sa mga iyon na gustong halukayin ang laman ng sikmura ko sa tuwing natititigan.
"Cali?"
"H-Ha?"
His lips twitches when he realize I wasn't paying attention to him. Lumabas ang kaliwang dimples niya sa ginawa. Mas lalong nabuhay ang puso ko.
"Sabi ko may Italian restaurant downtown. Okay lang 'yon sa 'yo?"
Lutang akong tumango at kahit mahirap ay nagawa kong ipilig ang ulo palayo sa kanya. Baka maisip niyang sobrang weird ko at iwan na lang ako bigla.
"Kahit ano at kahit saan basta ikaw ang kasama." sabi ko na lang.
Siya naman ang nag-iwas ng tingin at pinantayan na ako.
Kaswal kaming naglakad sa dagat ng mga estudyanteng nababaliwang makita kaming magkasama. Tiyak na uugong na naman ang pangalan ko nito pero hindi ko nagawang magbigay ng pakialam.
I know he was nice and all that, but I was still surprised when he opened his car door for me. Pabebe akong sumakay doon, pigil ang sariling huwag siyang pagsamantalahan sa mga pinaggagagawa niyang nagpapabaliw na sa akin.
God damn, what I feel for him wasn't just a simple attraction. It was way more than that and what funny was, I didn't know him completely yet. Marami na akong narinig na salita galing sa mga nakakakilala rito at hindi ko pa man iyon nasasaksihan pero sobrang hangang-hanga na ako sa kanya.
I heave I sigh before he entered his car. He has a good taste. Sa kanila ay siya lang ang gumagamit ng kotse kahit na marunong rin naman siyang mag-motor. Nico said he was really just a car guy like his father. Sakto lang rin dahil kapag kailangan niyang sumundo ng mga lasing ay magagawa niya.
"Malayo ba?" tanong ko habang pinapanuod siyang maniobrahin ang kanyang sasakyan.
Nanatili ang mga mata ko sa kanyang mukha pero nang iatras na niya ang kotse at inikot ang manibela ay napunta na iyon sa kanyang brasong nagtutumigas ang mga muscles. Kung hindi pa siya nagsalita ay natulala na naman ako.
"Twenty minutes drive."
"I see. Bukod sa school at bahay ay wala pa akong napupuntahang ibang lugar rito. It'll be nice to dine outside, too. Masarap ba ang pagkain do'n? Lagi ka?"
"Every Sunday after church." he answered. Saka lang ako nakasagot nang makalabas na ang sasakyan sa unibersidad.
"Kasama ang mga pinsan mo?"
"Minsan."
"Sino pala ang mga kasama mong kumain do'n lagi tuwing linggo? Girlfriend mo?"
He glances at me. Napangisi ako. Fine, alam ko namang wala pero masama bang i-sure na wala talaga siyang girlfriend?
"My friends from church."
"Hindi girlfriend?" pangungulit ko.
"Wala akong girlfriend."
"Wala pa," I rephrased.
Nangunot ang noo niya pero hindi ako nagawang balingan dahil alam na mamumula na naman siya.
I really find it cute when he blushes. At least tanda iyon na may nararamdaman rin siya sa akin pabalik at isang araw ay hindi malabong maging the feeling is all mutual na rin.
He pursed his lips, umiling pagkatapos. Napangisi naman ako.
"I mean, hindi naman pwedeng habang buhay kang single, 'di ba? You'll find someone to love eventually. Kung hindi ka naman choosy pwede rin namang ikaw ang mahanap niya."
I see his adam's apple rolled down his throat. Kahit na naka-side view ay alam kong naaapektuhan na naman sa mga salita ko.
"Just saying." dagdag ko pero nang maalala kong galit nga pala ako dapat sa kanya ay inalis ko ang mga mata at ibinaling sa bintana.
Hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa restaurant.
The ambience was nice. Maraming tao tanda na masarap nga ang pagkain rito pero kahit na hindi, tototohanin ko ang sinabing kahit saan at ano ang kakainin basta siya ang kasama ay go ako.
I let him order for me. The pasta was good as well as the strawberry shake. I hate strawberry, but he likes it so I did not bother changing it.
"Again, I'm sorry for what happened last time. Hindi ko alam na isinalba mo lang si Lana sa mga nam-bu-bully sa kanya. She had enough you know. I'm sorry."
Bahagya akong ngumiti at tumango. He's really a good man. Kahit na hindi niya hingin ang kapatawaran ko ay kusang loob ko pa ring ibibigay 'yon sa kanya.
"I forgive you. Wala na 'yon."
Nagpatuloy ako sa pagkain. For once I felt like shutting my mouth. Hindi dahil masarap ang pagkain kundi dahil sa paninitig niya sa akin. Like he was unsure of what to say next. Kinakabahan.
Matapang kong sinalubong ang kanyang mga mata. He did not take his gaze off of me. Ako naman ang kinabahan bigla nang sandaling bumaba ang titig niya patungo sa aking labi.
"About what happened at the library–"
"I'm fine. Tapos na 'yon at ayaw ko na ring pag-usapan. Your cousins saved me and I will forever be grateful to them."
Nagbaba siya ng tingin. Uminom ng tubig at tila nahirapang iahon ang topic kaya pinilit kong baguhin iyon.
"So you love going to church. You're also a dancer, a captain ball, champion at chess and a genius. What else should I know about you? There's so much more to know, right?"
He was caught out of guard. I continued with my questions.
"Do you work out? Mayroon ka bang routine everyday? Any hobbies and such?"
"Are you really like this to someone that interests you?"
My brow shot up at that. Binitiwan ko ang shake at ipinagsalikop ang mga kamay sa harapan bago siya pakatitigang muli.
"You didn't just interest me," I answered. "You make me want to love you and no. I am not like this to anyone because you're the only one who make me feel this way, Achilles. Ikaw lang at gusto kita. Kung hindi pa obvious sa 'yo baka mahalin na talaga kita."
There you go... He was blushing now. Nang ialis niya ang titig sa akin ay napahagikhik ako.
"Bakit? Hindi ba ganito ang lahat ng mga babaeng nagkakagusto sa 'yo?"
"Walang nagkakagusto sa akin." he answered humbly.
"You're just perfect aren't you?" nagdikit ang mga kilay niya sa sinabi ko.
He was really being humble. Alam nang lahat na bukod sa mga pinsan niyang pinagkakaguluhan ng mga babae ay isa rin siya sa puntirya ng halos lahat ng kababaihan sa unibersidad na iyon at maging sa kabuuan ng Buenavista. Ayaw niya lang i-claim dahil nga sobrang humble niya. He doesn't want to brag.
"I am not."
Napangisi ako.
"Fine. Kung walang nagkakagusto sa 'yo, eh 'di ako na ang first at ako na lang rin ang last."
"Can we just eat now?"
I chuckled and nodded. "You can eat, I'll watch you."
"Cali, eat your food."
"Or what?" I smirked. Hinamon ko ang mga mata niya. "Susubuan mo ba ako?"
"Puro ka kalokohan."
Mas lalo akong natawa. Damn, ako yata ang kilig na kilig sa mga simpleng salita niya. Kahit na puro kalokohan nga lang ang mga sinasabi ko ay sobrang saya ko sa bawat inis at naiilang niyang sagot sa akin. I knew he likes it. Kung hindi ay baka kanina niya pa ako iniwan rito ng mag-isa.
"Ayaw mo ba? Gusto mo bang seryosohin talaga kita?"
He smiled. Hindi na napigil ang sarili dahilan para mas lalong magwala ang puso ko. Ilang beses siyang umiling pero sa bawat galaw ng ulo niya ay mas lalo lang lumalawak ang kanyang ngisi. His perfect teeth were now showing.
"Just eat, please."
Imbes na magreklamo pa ay sinunod ko na lang ang mga gusto niya.
Natapos kami sa pagkain na nakuntento sa mga pasimpleng pagtititigan. Nagkaroon naman kami ng kaunting pag-uusap tungkol sa mga tanong ko kanina pero dahil panay ang banat ko ay palagi siyang natitigilan at nawawalan ng isasagot.
He has a routine. Siya ang nauunang magising sa kanilang magpi-pinsan. He said he works out everyday. Pagkatapos magpapawis ay nagbabasa siya ng notes at naghahanda sa klase. Habang nasa daan naman patungo sa school ay nakikinig naman siya ng motivational podcasts. He loves listening to music too, but he always prefer something that will widen his knowledge about things in life.
Marami akong nalaman sa kanya kahit alam kong hindi pa iyon ang kabuuan ng mga impormasyong dapat kong malaman. I am happy that he shares something to me. It was a nice date. Inihatid niya ako sa bahay pagkatapos.
"Thank you for today." malawak ang ngiti kong sabi matapos bumababa sa kanyang sasakyan.
He nodded. Inangat ang aking bag at kinuha ko iyon sa kanya.
"You're welcome."
"Drive safe."
Tumango siya pero bago pa ako tuluyang makalayo ay napapitlag na ako nang hawakan niya ang aking palapulsuhan.
Mabilis na naghuramentado ang aking puso nang lingunin ko siya't muling matitigan!
Oh, God those eyes!
"A-Archi—"
"Are you okay now? Are you still sad, Cali?" tanong niyang puno ng pag-aalala marahil nabasa ang usapan namin ni Nicolaus kagabi o siya talaga iyon at hindi ang pinsan.
~~~~~~~~~~~~
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂
—
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro