Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

Chapter One

Danary Belcalis Amari De Valentin


I almost killed a girl.

I've been trying to feel any remorse, but damn I couldn't feel any. I mean, what that girl did was unforgivable and she deserves the consequences.

Iyon nga lang, hindi ko naman akalaing masyadong maaalog ang ubo sa utak niya kaya ngayon ay nasa hospital ang gaga.

I'm aware that what I did was a little bit too much, but she should thank me instead of suing me. I mean, karma can be a real fucking bitch and it was now kissing her flat cheating ass!

Ugh, that bitch deserves amnesia so that she could forget how filthy she was! Hindi ako nagagalit o nagsisisi pero dahil nga lahat ng bagay ay mayroong kapalit, ngayon ay nasa harapan ko ang sa 'kin and I fucking hate it!

"Smacking her head with a beer bottle, Cali? Are you kidding me right now?!" umuugong na sigaw ng kapatid kong nagpagising sa aking mga kahibangan.

I suck in a quiet breath. I should be celebrating right now. It was a fucking success because once again, I put our family's name into shame. Dapat nagtatatalon na ako sa saya pero hindi ko magawa... Well, not yet.

Pinigilan kong mapangisi dahil kahit na proud ako sa mga katarantaduhan ko lalo na sa pananakit sa babaeng 'yon ay baka sa pagkakataong ito'y masaktan na ako ng mga kapatid ko.

Napasabunot si Kuya Calgon sa kanyang buhok at inis na tinapik ang balikat ng isa ko pang kapatid bago mag-walk out.

Umikot ang mga mata ko nang tuluyan siyang mawala at agad na hinarap ang natitirang kakastigo sa nagawa kong kasalanan.

"Kuya Sage, look, it wasn't that bad. She was just overreacting-"

"She's still in the hospital, Cali! Hindi overreacting ang tawag do'n! She's hurt and she almost died because of what you did!"

"I know, well, wait, that's not true—"

"What the hell were you thinking?!" He cut me off again, mas galit sa pagkakataong ito dahil sa mga rason ko. "Alam mo bang business partner natin ang pamilya ng babaeng sinaktan mo?!"

"W-What?" I almost choked on my own saliva.

"Her brother owned fifteen percent of my business! Anong problema na naman ito?!" Kuya Sage shouted angrily.

Kung hindi nga lang gawa sa semento ang pundasyon ng kwartong kinaroroonan namin ay baka natibag na 'yon sa lakas ng sigaw niya. Ginalaw ko ang tenga ko dahil para akong nabingi.

Nang matitigan ko ang galit sa kanyang mga mata ay napalunok ako at muling napirmi. Kung si Kuya Calgon ang kaharap ko ngayon at ganito ang reaksiyon niya ay wala akong mararamdamang hibla ng pagsisisi, pero ngayong ito na ang nagagalit sa akin na minsa'y hindi nagawa, I know I am in deep trouble. Shit.

"She's cheating with my friend–"

"Oh, I've heard that so many times, Cali! Ilang beses ko na rin bang sinabi sa 'yo na ang problema ng ibang tao ay hindi mo na dapat problemahin?! You're always after trouble!"

Nahihiya akong napayuko. He's right. I've lost count on how many times he said that to me pero masisisi ba ako? I'm that good friend who will defend you no matter what. Na kahit humantong sa patayan ay lalaban ako para sa mga taong importante sa buhay ko. Sometimes defending someone really put me in a deep shit, but what can I do? Pasensiya na dahil talagang loyal lang akong tao.

"And what are you doing in that bar again?! You're not even eighteen and you are still not allowed to get in! For fucks sake hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo! I've been so patient with you and you know that, but not this time, Belcalis!"

His voice made me swallowed hard again. I've crossed the boundaries. I made the most patient and understanding brother mad and for the first time, I felt guilty. My stomach are in knots.

"Dad needs to know about what you did. You've left me with no choice." pinal niyang desisyon sa gitna ng pagngitngit ng panga.

Napabuga ako ng hangin sa kawalan ng wala na akong maisagot sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon ay nagbunyi na ako at hinayaan siya dahil unang-una ay iyon naman ang talaga ang gusto kong mangyari.

I want my Dad to scold me so I knew he was still aware of my existence, but I just couldn't change the fact that I hurt my brother and I deserved to feel guilty.

"I've expected you to change Cali, but you seems like a hopeless case," wala sa sariling napaangat ang tingin ko sa kanya, umaasang huwag niyang ituloy ang balak sabihin pero bigo ako. "I give up and I'm done with you, too." aniya bago ako talikuran gaya ni Kuya Calgon.

Napaahon ako sa aking pagkakaupo upang pigilan siya, magpaliwanag at humingi ng tawad kung kailangan pero ang bibig ko ay walang maapuhap na salita.

Ang mga paa ko ay ayaw ring maglakad upang habulin ang nag-iisang taong pinipilit pang umintindi sa akin. Sa huli, bigo akong napabalik sa aking kinauupuan. Tamad na isinandal ang katawan pabalik sa couch at pagod na ipinikit ang mga mata.

It wasn't the first time that I got into trouble. Well, ang totoo, hindi ko na mabilang. I was so young when I remember the first time I got violent towards someone.

It happened when I was in second grade. I suck an air when I vividly remember the helpless shout of that boy when I stabbed his hand with a newly sharpened pencil. Why? because he kept teasing me about the ponytail that my Nanny did. Nagpapapansin at dahil hindi niya kilala kung paano ako pumansin ay sinaksak ko sa kamay pagkatapos ay binunot dahilan para pumalahaw siya ng iyak ng dumanak ang dugo sa aming lamesa.

Dad was raging with anger when he got there. He left work early just to fetch and scold me in front of everyone. Nang maisip kong posible pala siyang magkaroon ng oras sa akin ay iyon na ang naging habit ko imbes na iwasan dahil alam kong mga ikakagalit niya.

I was ten years old when I was involved in a rumble with bunch of stupid guys. Eleven when I started vandalizing almost every school's property. Fifteen when I purposely brought a random guy in my room which my oldest brother caught making out with me.

Sixteen when I started going in and out of a bar, smoking, drinking and basically doing things that they say only adults can do.

Ngayong mag-i-eighteen na ako, sanay na sanay na akong tawaging black sheep ng mga De Valentin. Nag-iisang babae at nag-iisa ring tanging sakit sa ulo ng lahat.

Baliktad nga eh, kung sino pa ang babaeng dapat matino, ako pa iyong rebelde hindi gaya ng mga kapatid ko.

My brothers were smart and all the good shit that's why they were my father's favorite. Ako? I've never been anyone's favorite. I was so young when my parents got separated. Bunso sa tatlong magkakapatid at hindi na masyadong nakaranas ng aruga sa mga magulang.

My parents had a bad break up that my father needed the lawyers to get involved para lang hindi makalapit sa amin si Mommy. Kahit na mukha namang walang kasalanan ang huli, hindi pa rin kami nito nakuha dahil sa kapangyarihan ni Daddy. Hindi rin naman mayaman ang pamilya ni Mommy kaya wala itong nagawa kundi ang bumalik sa payak na buhay nang hindi kami kasama.

I love my mom so much at dahil siguro sa awa at sa sakit na rin ng ulo sa akin, hinayaan ako ni Daddy na kay Mommy tumira para na rin mayroon itong makasama.

I love living with my mom, at first. Mas gusto ko iyon kahit na minsan ay simpleng pagkain lang ang naibibigay niya sa akin at walang mga katulong sa paligid na umaasikaso gaya sa bahay ni Daddy. She was so hands on when it comes to taking care of me and I love every bit of it. That eight years living with her was my happiest memory. Iyon nga lang, wala talagang happy ending sa kahit anong parte ng buhay ko. Her affection towards me ended when she started dating someone new.

Oo nga at masalimuot ang naging paghihiwalay nila nang daddy at hindi ko alam ang totoong dahilan no'n, pero sa puso ko ay umaasa pa rin akong mabubuo kami. Bata pa nga siguro ako noon at walang alam, pero tuluyan nang naglaho ang pag-asang iyon nang mabuntis ito at magkaroon ako ng mga kapatid.

My mom had two kids from her new partner. Dahil doon ay pati si Mommy tuluyan na ring nawalan ng oras sa akin kaya muli akong kinuha ni Daddy rito. It's only my first year living with them again at ngayon pa lang ay sumusuko na talaga sila. Kung noon ay matigas na ang ulo ko, ngayon ay wala nang makakatibag rito kahit pinaka-matigas na bato.

Isang mapait ng ngisi ang lumitaw sa labi ko habang binabalikan ang lahat ng 'yon.

Ilang minuto pa ang lumipas nang hatakin na ako pabalik sa kasalukuyan dahil sa pagtunog ng cell phone kong nagwawala sa aking bulsa. It was my Dad calling. Tipid akong napangiti at agad na sinagot 'yon.

"Hello–"

"Meet me in the office, Belcalis! Right now!" His voice thundered.

"Alright." kalmadong sagot ko at hindi na nag-aksaya pa ng panahong magmakaawa o pilitin siyang pakinggan ako. Agad ko na siyang sinunod.

Malayo pa lang ako ay naririnig ko na ang kumosyon sa loob ng opisina ni Daddy. Alam kong malaking kalokohan ang nagawa ko kagabi, but I've never expected it to be this huge!

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang pulang-pulang mukha ni Daddy. Maging ang kay Kuya Calgon na naudlot sa pakikipag-away rito. Para silang mga hinog na mansanas dahil sa galit.

Damn, sorry not sorry fam.

Lumipat ang tingin ko kay Kuya Sage, he was being silent, as usual. Ganito naman siya palagi. Nakikinig lang habang nag-iisip ng solusyon sa lahat ng kalokohan ko pero sa laki nang problema ngayon, tiyak ubos na ang katalinuhan niya para isipin kung paano pa lalabasan ang sitwasyon.

Inihanda ko ang sarili ko. Good thing I was immune to my father's hate. Kahit na ano kasing sabihin niya o kahit anong taas ng galit niya ay magiging musika lang iyon sa aking tenga.

Hindi nga ako nagkamali. I've heard some curses, hard ones. May mga pangaral at mga dapat kong naisip bago ko gawin ang isang bagay, but all I heard was melody. Para lang akong isinasayaw ng galit niyang boses and instead of feeling sorry, his angry voice just made me weirdly happy.

"You're grounded. You are not allowed to get out of this house at hinding-hindi ka na pwedeng umalis ng walang bodyguard!"

Hindi ko napigilang matawa.

"What do you think of me? A kid? Oh, yeah of course... Well Daddy, just to remind you, I'm almost eighteen and–"

"You're all grown up, but you still act like a kid Belcalis!" he spat.

I clicked my tongue. Pinagdiin ko ang aking mga labi. Music in my ears... Music...

"What does mom say about this? Did she called? Is she taking me back now o itatapon mo ulit ako sa kanya? What's the verdict?" walang amor kong tanong, nananatiling sarkastiko.

They can't fucking locked me up! I might as well live in that shitty place with all these shitty people rather than being locked up in this fancy house!

"Shut up, Cali!" si Kuya Calgon.

"Anong sabi niya?" hindi ko siya pinansin. "Is she finally taking me back? Is she mad? Will she scold me, too? Because trust me, I've been longing for that long apologize-to-your-father talk blah blah blah–"

"Your Mother will not call you, Belcalis," muling pagpuputol sa akin ng ama ko.

Nanatili ang ngisi sa labi ko ngunit agad rin iyong napawi sa mga idinagdag niyang salita.

"Your mother is very disappointed in you at simula ngayon ay ayaw na niyang makialam sa 'yo. She is done with you just like the rest of us!"

Napakuyom ang mga kamay ko. Ayaw ko mang aminin pero ang mga narinig ay nakaapekto sa akin. Pinilit kong maging matatag at matigas sa harapan nilang tatlo dahil doon ako pinakamagaling. Ang magpanggap dahil wala naman akong iba pang kaya.

"Great. Good to know that! Are we done?" naghalukipkip ako, wala nang amor sa kung ano pang sasabihin nila.

"Cali, stop it!" napabaling ako sa ngayo'y tumayo nang si Kuya Sage.

Mukhang napuno na rin talaga sa lahat ng mga kagaguhan ko gaya ng sinabi kanina. My body stiffened at that.

"What now?" I asked again, naghahamon.

Parehas silang napabuntong-hininga ni Kuya Calgon at maya-maya'y sabay na napalingon kay Daddy.

"You are grounded. No more cars, money, credit cards, no nothing! From now on you are not allowed to get out of this house without any bodyguards," his tone became very dangerous just like the fine general he was, but instead of getting scared, the thought just made me excited.

"Fine, do whatever you want, Dad. I'll be your prisoner too just like those innocent lives you put in jail," madiin kong sagot dahilan para sabay-sabay silang matigilan.

Bago pa siya magsisisigaw ay walang pakialam na akong tumayo at naghandang umalis.

"If you want me under your security at least get me some good-looking bodyguards. I don't want some ugly faces lurking at me and please, tell them I don't want anyone following me inside the university. Susubukan kong magpakatino kahit ikamamatay ko basta huwag nila akong susundan sa loob ng school. I'm going to my room now, or should I say my jail?"

"You stay right here, Belcalis! We're not done yet!"

"What else do you want?! I said yes, alright? Aalis na ako, I need to study now—"

"You have no class tomorrow," daddy cut me off.

Pinigilan kong matawa.

"Are you joking?"

"I wish I am, but no. You don't have class tomorrow and until the end of this semester, Belcalis."

Nalilito akong napatuwid ng tayo. Ang dalawa kong kapatid ay mukhang wala na ring magawa sa pinal na desisyon sa kung anong gusto ng aming ama.

"What? Anong ibig niyong sabihing wala?"

"You are no longer a student of Amherst University–"

"What are you talking about?!" I spat, ngayon ay nararamdaman na ang mga emosyong pilit kong pinipigilan kanina pa.

"You'll be transferred to Unibersidad de Buenavista and you'll start school next week."

"No! What the hell are you talking about Daddy?!"

Hindi na ito sumagot at hindi na rin tumingin sa akin kahit na alam kong nagpipintig ang tenga niya sa pagmumura ko.

Wala pang isang minuto ay napabaling na ako sa pintuang bumukas! Iniluwa no'n ang limang mga lalaking tiyak na magiging bantay ko simula ngayon at siguro hanggang sa umasa silang isang araw ay titino rin ako.

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumama sa kanilang ihatid ako sa aking kwarto.

"I fucking hate it, Orie!" inis kong sinipa ang bagong snake plant na napagbuntunan ko ng galit habang kausap ang kaibigan sa kabilang linya.

Ilang flower vase na ang nabasag ko sa loob ng aking kwarto simula ng dalhin ako rito ng mga bantay ko, pero hindi pa rin mawala-wala ang galit ko sa lahat.

Having no car and cash is fine with me dahil marami naman akong naimbak na pera sa safe ko, pero ang ilipat ako ng school?! My father gone mad!

"Why didn't you tell them the truth, Cali?"

"What for? They will not going to believe me anyway! Isa pa, wala na akong pakialam! Ang ikinaiinis ko lang ay ilalayo niya ako sainyo!"

"It was totally self-defense! Cali, maiintindihan nila 'yon! Siya ang nauna na kahit siya na ang may kasalanan ay siya pa ang galit! What a bitch! I'm sure your father will forgive you dahil kung hindi mo ginawa 'yon ay ikaw ang nasa hospital ngayon!"

"Nah, that will not change anything."

"How about Kuya Sage? He will surely believe you!"

"I wish." I heave a sigh.

"He's done with you too, isn't he?"

"Yeah, but that's not the point, Orie! I can't leave AU!"

"That bitch! Ugh!"

Umikot ang mga mata ko. Her frustrations doesn't help mine. Mas lalo akong nanggagalaiti sa galit!

"Is she dead?"

"Jesus Christ! Do you want her to die?"

"Is it bad if I say yes to that? Orie, para na akong pinatay ng babaeng 'yon sa ginawa niya sa akin ngayon kaya gusto ko ng hustisya!"

"Kung bakit ba kasi hindi mo sinabi sa Daddy mo ang buong katotohanan o kahit kay Kuya Sage."

"I told him some truth, but he doesn't want to listen to it. Business partner nila ang kapatid ng haliparot na 'yon. He will no longer believe what I say."

"Dahil kulang ang kwento mo at hindi mo sinimulan na mainit na ang mata sa 'yo ng babaeng 'yon dahil akala niya hindi mo siya papatulan. She's a whore for sleeping with my boyfriend at sobrang bitch niya dahil sa panloloko niya kay Solivan."

Hinilot ko ang aking sintidong habang patagal ng patagal ay palala ng palala ang bigat.

"I hope she die."

"Cali, don't say that! Ikaw rin ang babalikan kapag namatay 'yon. For once, kahit na mahirap ay hilingin mong mapabuti siya kahit na nagawan ka niya ng masama. Kahit hindi na bukal sa loob mo at labas sa ilong dahil kapag namatay 'yon ay mapupunta ka sa kulungan!"

Sinipa ko ng mas malakas ang natumbang halaman dahilan para mas kumalat sa sahig ang mga lupa. It sucks knowing that it wasn't possible kahit na anak ako ng heneral. For sure matutuwa pa si Daddy kapag nakulong ako dahil sa kulungan ay hindi na ako masyadong makakapaghasik ng lagim. There, I will not be able to put his name to shame.

"I don't want you to be a criminal! Jesus, no!"

"I don't want that either, but she deserves death! Look at me now! I'm all locked up, walang maraming pera, walang sasakyan at sa susunod wala na rin sa AU! Fuck my life, Orie!"

"Poor, Belcalis."

"Is that supposed to be a joke?" I rolled my eyes.

Pabagsak kong inupo ang sarili sa upuang nasa balcony at pagod na ipinagpatuloy ang paghilot sa aking sintido.

Nahinto siya sa pagsasalita ng may kausapin sa kanyang linya.

"I'm sure you still have your ways, right?" she said after talking to someone.

"Asking my father to change his mind? I don't think so."

"No. To get out of there and join us to this party. It's in Brix's house."

"Brixton?!"

"Yep!"

"How come he didn't tell me about it?"

Tumawa siya sa kabilang linya.

"Well, this is actually a surprise party for you and the reason why I called, pero hindi ko naman expected na may sariling dilemma ka ngayon. So ano, surprise daw eh, can you just not tell him that I already told you?"

"What time?"

"Uhm, an hour from now?"

"Fine. Alam mo na kung saan magpa-park. Text me and I'll be there."

"See you and be careful! Natatakasan mo ang mga bodyguard mo noon pero lima na 'yang bantay mo ngayon."

"Fuck them." sabi ko na lang bago tumayo at muling sinipa ng mas malakas ang kawawang halaman.

Hindi ko na nahintay ang mga susunod niyang sasabihin dahil sa marahas na pagbukas ng pintuan sa aking kwarto.

"What the hell?!"

Inis kong bulyaw sa dalawang lalaking pumasok na kasama sa inutusan ni Daddy para bantayan ako.

"Narinig po naming may nabasag. We're just checking if–"

Patakbo at walang takot ko silang nilapitan at agad na ipinagtabuyan palabas!

"Whatever the fuck your name is, gusto kong sabihin na wala kayong karapatang pasukin ako sa loob ng kwarto ko kung ayaw niyong maakusahan ng rape! Your job is to make me feel safe not otherwise!"

"Sorry po ma'am, pero utos po sa aming katukin kayo at pasukin kung hindi sumasagot. Kanina pa po narito ang pagkain sa labas ng kwarto niyo at–"

"At wala akong pakialam! Keep your distance from now on! Sasabihin ko kung kailan ako kakain, magsasalita at kailangan ng presensiya niyo! Gusto ko nang matulog kaya pwede bang tantanan niyo muna ako!" galit na galit kong sigaw bago ibagsak ang pinto sa mga mukha nila!

Stupid assholes!

Humugot ako ng isang malalim na paghinga, pilit na kinalma ang sarili at maya-maya ay ngumiti na lang.

Iyon na lang ang tangi kong nagawa para ibalik ang utak sa dapat gawin ngayong gabi. No one needs bad vibes and clearly, hinding-hindi ko 'yon kailangan lalo na't may surprise na naghihintay sa akin ngayon ang boyfriend ko.

Sa lahat ng nagawa kong kasalanan at natanggap na salita ngayong araw ay hindi ako nahirapang magdesisyon na piliin ang bagay na makapagpapasaya sa akin.

Nagmamadali kong kinuha ang aking mga gamit at agad na dumiretso sa banyo para maligo't mag-ayos bago pa dumating ang oras ng pagkikita namin ni Orie sa sikretong lagusan na dinaraanan ko sa tuwing tumatakas sa lugar na ito.

Not today General De Valentin... Not today.

~~~~~~~~~~~~

What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂

Follow all my social media accounts if you want to be updated.

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro